Nang marinig iyon, lumingon lamang si Juno kay Gerald bago siya diretsong sumagot, “Ano naman? Pinanganak ako na malakas kumain!" Umiling-iling si Gerald at nanatili siyang tahimik, nag-aalala siya na baliktarin ni Juno ang mesa kapag inasar niya pa ito. Ang dalawa ay pumunta sa training court ng Dragonblood City matapos ang kanilang almusal. Sa Leicom Continent, ang bawat city ay may sariling training court at ang mga nasabing lugar ay ginamit upang mag-host ng lahat ng uri ng annual competition. Ginagamit rin ang mga training court bilang mga formal venue para magsanay at makipaglaban ang mga training experts. Pagdating nila sa training court, marami na ang nag-sparring laban sa isa't isa. Napansin ng lahat na naroroon si Juno, kaya pinakita nila ang kanilang paggalang at inalok rin nila si Juno na makipaglaban sa kanila sa sparring area. Base sa kanilang mga inaasal, maliwanag na mayroong malaking impluwensya si Juno sa Dragonblood City. Pagkatapos ng lahat, ang mga maka
Ang komento ni Gerald ay hindi tungkol sa atake. Totoong makapangyarihan ang kanyang attack style, ang ibig niyang sabihin ay bago umatake, madalas niyang hinahayaang nakabukas ang kanyang sarili habang umaatake. Dumagdag pa ang katotohanan na hindi niya binabago ang kanyang atake, ang sinumang kalaban na mas malakas kaysa sa kanya ay paniguradong makikita ang kanyang attack pattern. Ipinaliwanag nito kung bakit madali siyang natalo ni Gerald. Ang tanging dahilan kung bakit siya ay nanalo sa kanyang mga nakaraang laban ay dahil ang mga kaaway na kanyang naka-enkwento ay mas mahina kaysa sa kanya. Dahil dito, malamang wala silang pagkakataon o karanasan na suriin ang mga pattern ng atake ni Juno. Si Gerald ay mas malakas kaysa sa kanya. Dagdag pa dito na sinanay siya ni Leit at mayroon pa siyang kakaibang mga opinyon at analysis sa martial arts ability at attack tactics. Seryosong sumagot si Gerald pagkatapos niyang marinig ang tanong ni Juno, “Pag-isipan mo ito ng mabuti. Mula sa
Pagkatapos itong ideklara ni Gerald, naghanda na siyang umalis kasama sina Nori at Ray. Kahit ano pa ang panganib na makaharap nila, sisiguraduhin niya na kailangan niyang iligtas sina Zelig at Cyril! Pero bago siya makaalis, bigla niyang narinig si Juno na sinasabi, “Sandali lang, Gerald!” “Bakit, Young Lady Zorn? Kung hindi ito mahalaga, sabihin mo na lang ito sa ibang pagkakataon! Kailangan kong ituon ang atensyon ko sa pagliligtas sa aking mga kaibigan ngayon!" sagot ni Gerald. “Pakalmahin mo ang sarili mo, Gerald! Makinig ka, kung hindi mo pa ito alam, ang master ng Hulkeroic Union ay nakapasok na sa Third rank ng Avatar Realm! Kung susugod ka doon ng walang plano, ang iyong ginagawa ay isang suicide mission lamang!" paliwanag ni Juno. Bukod kay Gerald na nakapasok na sa Avatar Realm, ang ibang nasa Sage Realm pa ay hindi magkakaroon ng pagkakataon laban sa mas malalakas na miyembro ng Hulkeroic Union. Ayaw lamang ni Juno na ibuwis ng iba ang kanilang buhay. "Kahit na sa
"Makakabuti para sa atin na malaman ang lahat ng iyon, pero paano natin malalampasan ang mahigpit na security ng Hulkeroic Union? Kahit mula dito, nakikita natin kung gaano sila kahigpit na binabantayan ngayon! Talagang nag-set up pa sila ng mga patrol team! Paniguradong mahuhuli tayo kapag nagmadali tayong pumasok!" sagot ni Ray. Nang marinig iyon, alam ni Gerald at ng iba pa na tama si Ray. Dahil sa mahigpit na security ng Hulkeroic Union, maliwanag na ang mga mula sa union na iyon ay umaasa na darating si Gerald para iligtas ang dalawa. Ito ay isang death trap... “…May ideya ka ba kung paano natin ito haharapin? Anong masasabi mo, Young Lady Zorn?" tanong ni Gerald habang nakatingin kay Juno. Nang marinig ang kanyang tanong, nagsimula nang mag-isip si Juno. Alam na nila kung nasaan ang mga hostage, ngunit ang pagliligtas sa kanila ay magiging napakahirap... "...Ang tanging naiisip ko lang ay ang akitin sila palayo sa base... Bukod pa doon, wala akong idea kung paano pa tayo
Nang makalampas sila sa pader, silang tatlo ay mabilis na sinuri ang lugar. Matapos makumpirma na ang lahat ng mga tauhan ng union ay abala pa rin sa sunog, si Gerald at ang kanyang grupo ay mabilis na dumaan sa main hall ng union bago sila dumiretso sa kulungan... Nang malapit na sa kanto na papunta sa kulungan, sumilip si Gerald at ang dalawa pa kung may nagbabantay sa entrance ng kulungan. Mabuti na lang at mukhang dalawa lang ang nakabantay doon. Siniguro muna ni Gerald na hindi sila napansin ng dalawang ito bago niya kinuha ang kanyang Astrabyss Sword bago niya ito hinugot... Pagkatapos nito, tumakbo si Gerald patungo sa isa sa mga guwardiya bago niya hiniwa ang kanyang lalamunan! Hindi agad nakapag-react ang kawawang guwardiya bago bumulwak ang dugo mula sa nakalantad na lalamunan ng guard... hanggang sa bumagsak siya sa lupa at namatay. Napagtanto ng isang guwardiya na patay na ang kanyang kasamahan, kaya agad niyang binunot ang sarili niyang espada at tinangkang pugut
“Ayan na siya! Hulihin niyo ang g*gong ‘yan at tapusin siya ng tuluyan!” galit na galit na sinabi ni Tiger habang nagngangalit ang kanyang mga ngipin. Masyadong mabilis si Tiger at ang kanyang mga tauhan kaya mabilis nilang na-corner siya. Ang masama pa dito, hindi nagtagal ay nasa pagitan si Gerald ng Hulkeroic Union at isang bangin na masyadong malalim... “Sumuko ka na bata! Wala ka nang matatakbuhan!" ngumisi si Tiger bago siya ngumisi. Sa totoo lang ay hindi inaasahan ni Gerald na maabutan siya ni Tiger nang ganun kabilis. Kumunot ang noo ni Gerald bago niya tiningnan ng masama si Tiger at ipinakita niya ang nakakalokong ngiti habang sinasabi, “Susuko ako? Sa tingin mo ba kaya mo talaga akong patayin?" Nagulat si Tiger nang marinig niya iyon. Kung tutuusin, walang paraan na makakatakas si Gerald sa sitwasyon niya ngayon. "Napakayabang mo para sa isang taong nasa pagitan ng kamatayan at pagkahulog sa iyong kapahamakan! Malaya kang tumalon diyan kung gugustuhin mo, pero k
“Hindi mo ito kaya! Masyadong mapanganib ito! Kailangan mong tandaan na ang Hulkeroic Union ay hinahanap tayo ngayon! Paniguradong mahuhuli ka kaagad kung babalik ka para hanapin siya!" mabilis na sinabi ni Juno. "With due respect, Miss Zorn, kung patay na siya, wala na rin kaming rason para mabuhay!" matigas na sinabi ni Ray. Bago pa man makasagot si Juno, napaatras na sina Ray at Nori at humakbang sila palayo... Nang makita iyon, napabuntong-hininga na lamang si Juno. Gayunpaman, hindi niya maitatanggi na medyo naantig siya sa sinabi ni Ray. Si Gerald ay may mga mabuti at tapat na mga kaibigan... Pagkatapos nilang hanapin si Gerald, dumating sina Ray at Nori sa bangin kung saan tumalon si Gerald... At sa kanilang takot, nakita nila ang jade pendant ni Gerald na nakalatag sa isang bato na malapit...! Naramdaman ni Nori na bumibilis ang tibok ng puso niya, ngunit nanatili siyang tahimik hanggang sa naramdaman niya ang pagtulo ng luha sa kanyang mga pisngi... "...Hindi... pw
"Tsaka... nasaan tayo...?" tanong ni Gerald nang mapagtantong nasa loob sila ng isang kweba. Kahit pa magulo at marumi ang itsura ng matanda, alam niya na hindi siya isang ordinaryong tao. Pagkatapos ng maikling katahimikan, sumagot ang matandang lalaki gamit ang kanyang garalgal na boses, "... Ako ay isang taong naninirahan sa seclusion sa bundok na ito." Nagulat si Gerald nang marinig niya iyon. Hindi niya inasahan na may nakatira talaga sa ganitong lugar! “…Pwede ko bang malaman ang pangalan mo…?” "Pwede mo akong tawaging Old Hughes..." sagot ng lalaki. Di-nagtagal, inakay ni Old Hughes si Gerald palabas ng kuweba na kinaroroonan nila... Nakatingin sa langit si Gerald at nakita niya ang nakaka-kalmang crescent moon... Sa kabila ng katahimikan ng gabing ito, napagtanto niya na pumasok sila sa isang masukal na kagubatan at hindi niya napigilang magtanong, “…Pwede mo bang sabihin sa akin kung saan tayo pupunta, Old Hughes…?” Masyadong maraming mga dahon ang bumabalot