“Hindi mo ito kaya! Masyadong mapanganib ito! Kailangan mong tandaan na ang Hulkeroic Union ay hinahanap tayo ngayon! Paniguradong mahuhuli ka kaagad kung babalik ka para hanapin siya!" mabilis na sinabi ni Juno. "With due respect, Miss Zorn, kung patay na siya, wala na rin kaming rason para mabuhay!" matigas na sinabi ni Ray. Bago pa man makasagot si Juno, napaatras na sina Ray at Nori at humakbang sila palayo... Nang makita iyon, napabuntong-hininga na lamang si Juno. Gayunpaman, hindi niya maitatanggi na medyo naantig siya sa sinabi ni Ray. Si Gerald ay may mga mabuti at tapat na mga kaibigan... Pagkatapos nilang hanapin si Gerald, dumating sina Ray at Nori sa bangin kung saan tumalon si Gerald... At sa kanilang takot, nakita nila ang jade pendant ni Gerald na nakalatag sa isang bato na malapit...! Naramdaman ni Nori na bumibilis ang tibok ng puso niya, ngunit nanatili siyang tahimik hanggang sa naramdaman niya ang pagtulo ng luha sa kanyang mga pisngi... "...Hindi... pw
"Tsaka... nasaan tayo...?" tanong ni Gerald nang mapagtantong nasa loob sila ng isang kweba. Kahit pa magulo at marumi ang itsura ng matanda, alam niya na hindi siya isang ordinaryong tao. Pagkatapos ng maikling katahimikan, sumagot ang matandang lalaki gamit ang kanyang garalgal na boses, "... Ako ay isang taong naninirahan sa seclusion sa bundok na ito." Nagulat si Gerald nang marinig niya iyon. Hindi niya inasahan na may nakatira talaga sa ganitong lugar! “…Pwede ko bang malaman ang pangalan mo…?” "Pwede mo akong tawaging Old Hughes..." sagot ng lalaki. Di-nagtagal, inakay ni Old Hughes si Gerald palabas ng kuweba na kinaroroonan nila... Nakatingin sa langit si Gerald at nakita niya ang nakaka-kalmang crescent moon... Sa kabila ng katahimikan ng gabing ito, napagtanto niya na pumasok sila sa isang masukal na kagubatan at hindi niya napigilang magtanong, “…Pwede mo bang sabihin sa akin kung saan tayo pupunta, Old Hughes…?” Masyadong maraming mga dahon ang bumabalot
"Ano ito...?" curious na tinanong ni Gerald. “…Una, ang lugar na ito ay tinatawag na Fishgut Cave, at makikita sa loob ng stone pillars na ito ay isang ancient longsword na kilala bilang Fishgut Sword,” paliwanag ni Old Hughes habang nakatingin kay Gerald. “…Ang... Fishgut Sword?” tanong ni Gerald habang nalilito siya nang marinig ang kakaibang pangalan para sa isang longsword. Pagkatapos nito ay kinuha ni Old Hughes ang isang nakabalot na pergamino mula sa ilalim ng kanyang amerikana. Binuksan ni Gerald ang scroll at nakita niya ang larawan ng isang malakas na lalaki pati na rin ang isang mukhang matanda na magkasamang nakatayo sa isang lugar na kapansin-pansing katulad ng kasalukuyan nilang kinatatayuan... Hindi na kailangang sabihin na ang inilalarawan nito ay silang dalawa sa Fishgut Cave! “…Tayo ba ang mga taong ‘yan?” naguguluhang tinanong ni Gerald. Dahan-dahang ipinakita ng matanda ang kanyang ngiti bago siya sumagot ng “Bingo. Ipinapakita nitong pareho tayong nakatay
Hindi nagtagal ay bumalot ang mga agos ng tubig sa kamay ni Gerald. Dahil translucent ang tubig, naaninag lamang ni Gerald ang malabong itsura ng kanyang kamay sa puntong ito... Hindi nila inasahan na sinalubong silang dalawa ng isang paputok na tunog mula sa kanilang likuran! Pagkatapos nito, nakita nila ang Fishgut Sword na lumilipad palabas mula sa stone pillars! Doon din napagtanto ni Gerald na umatras na ang mga agos ng tubig... Nawala ang kanyang kaninang iniisip nang marinig niya Old Hughes na sinasabi, "Kunin mo ang espada, Gerald!" Nang marinig iyon, lumingon si Gerald sa matanda bago naglakad para kunin ang espada... Pagkatapos niya itong hawakan, nakaramdam siya ng surge ng kapangyarihan na sumugod mula sa espada at sa kanyang katawan. Habang kumakalat ang napakalaking kapangyarihan mula sa kanyang palad bago ito kumalat sa kanyang katawan, nakaramdam si Gerald ng isang pamilyar na hindi komportableng pakiramdam sa kanyang elixir-of-life field... Sa sobrang laka
“Alam mo ba ang mga pangalan ng siyam na iba pang ancient divine na espada? Alam mo ba kung nasaan sila? Gusto kong makuha ang mga ito!" sabi ni Gerald dahil halatang interesado sa mga espada. Dahil nasa kanya na ang isa sa mga ito, walang dahilan para hindi niya makuha ang siyam pa. “Hmm? Kung talagang interesado ka, ang unang espada ay napunta kay Xyan, ang Sword of Divinity. Para sa pangalawa at pangatlo, napunta kay Xyan ang Sword of Benevolence, at kay Xenith naman ang Sword of Sovereignty... Kay Empyrean naman napunta ang pang-apat na espada, naniniwala ako na ito ang Sword of Might. Ang Sword of Nobility, sa kabilang banda, ay napunta kay Titan, na siya ring ikalimang espada." “Para naman sa pang-anim at pang-pito, ang pangalan ng mga ito ay ang Swords of Love, at napunta sila kayla Gwaine at Morgen. Ang ikawalong espada ay ang kasalukuyang hawak mo na nagngangalang Fishgut o ang Sword of Courage. Kung tama ang pagkakaalala ko, ang pang-siyam ay tinatawag na Jochem, ang Swor
“…Miss Zorn? Ikaw ba yan?" tanong ni Gerald habang nakaharap sa mga puno. “…Gerald? Ikaw nga talaga ‘yan!" sabik na sinabi ni Juno habang mabilis siyang naglakad palabas ng mga puno kasama ang kanyang mga katulong. "Bakit ka nandito, Miss Zorn?" gulat na tinanong ni Gerald habang nakatingin sa kanya. "Anong ibig mong sabihin sa katanungan mo? Dalawang araw ka nang nawawala! Pero alam ko sa sarili ko na buhay ka pa! Natutuwa lang ako na sa wakas ay nahanap kita! Bakit ka pala nandito?" Nang marinig ang tanong ni Juno, saglit na lumingon si Gerald kay Old Hughes bago siya awkward na sumagot, “...Tungkol diyan... Pag-usapan na lang natin ito kapag nakabalik na tayo. Kamusta naman ang iba?" "Huwag kang mag-alala dahil okay naman silang lahat. Sila ay kasalukuyang nagpapahinga sa Zorn residence!" nakangiting sinabi ni Juno habang nakahinga nang maluwag si Gerald. "Gerald… Sino siya...?" tanong ni Juno habang nakataas ang isang kilay niya at nakatingin kay Old Hughes. Saglit si
“Heh! Oo naman! Napakalawak ng iyong foresight, Master Hughes... Nangyari ang lahat ng hinulaan mo!" “Hah! Si Tiger ang unang nagtaksil sa akin, kaya kasalanan niya kung naging masama ako! Paniguradong masasakop ko ang Hulkeroic Union pagkatapos ng lahat ng ito!" ngumisi si Old Hughes habang ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon. “Tama ka! Paano naman sila Gerald at ang iba pa? Gusto mo ba silang patayin?" tanong ng malabong anino. Nakataas ang kanyang palad bago sumagot si Old Hughes, "Hayaan mo muna sila sa ngayon. Kung tutuusin, kapaki-pakinabang pa rin sa atin si Gerald at ang kanyang grupo. Hawak na niya ngayon ang Fishgut Sword, kaya kailangang hintayin natin siya na patayin muna si Tiger para sa atin bago tayo gumawa ng anumang bagay." "Kung ito ang kagustuhan mo, Master Hughes!" magalang na sinabi ng malabong anino. Hindi alam ni Gerald na ang malabong anino na ito at si Old Hughes ay magkakampi.. Sa oras na ito, parehong nakarating sina Gerald at Juno sa Zo
Samantala, makikita si Old Hughes na pinamumunuan ang anino at ilang lalaki sa isang bulubundukin na napapaligiran ng apoy. May lava at apoy sa buong paligid at hindi lamang mainit ang pakiramdam sa bundok, kundi nakakatakot din ito... Nandito ang grupo para tulungan ang anino na makuha ang Sword of Might, na tulad ng Fishgut Sword na isang ancient sword. May restrictions ang mga espada na ito sa sinumang makahawak sa kanila at kung ituturing ng espada na karapa’t-dapat ang humahawak sa kanila, kung gayon ay bibigyan sila ng kapangyarihan ng espada at ang bawat espada ay natural na may iba't ibang kapangyarihan. Ngayong nasa kamay na ni Gerald ang Fishgut Sword, pagkakataon na ng malabong anino na kumuha ng sarili niyang espada. Kapag nakuha na niya nag Sword of Might, walang alinlangan na magiging malakas siya at may sapat na kumpiyansa na makapunta sa Dragonblood City... Hindi nagtagal, nakarating sila sa isang kweba... at nang pumasok sila, nakita ng lahat ang parang ugat ng