“Heh! Oo naman! Napakalawak ng iyong foresight, Master Hughes... Nangyari ang lahat ng hinulaan mo!" “Hah! Si Tiger ang unang nagtaksil sa akin, kaya kasalanan niya kung naging masama ako! Paniguradong masasakop ko ang Hulkeroic Union pagkatapos ng lahat ng ito!" ngumisi si Old Hughes habang ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon. “Tama ka! Paano naman sila Gerald at ang iba pa? Gusto mo ba silang patayin?" tanong ng malabong anino. Nakataas ang kanyang palad bago sumagot si Old Hughes, "Hayaan mo muna sila sa ngayon. Kung tutuusin, kapaki-pakinabang pa rin sa atin si Gerald at ang kanyang grupo. Hawak na niya ngayon ang Fishgut Sword, kaya kailangang hintayin natin siya na patayin muna si Tiger para sa atin bago tayo gumawa ng anumang bagay." "Kung ito ang kagustuhan mo, Master Hughes!" magalang na sinabi ng malabong anino. Hindi alam ni Gerald na ang malabong anino na ito at si Old Hughes ay magkakampi.. Sa oras na ito, parehong nakarating sina Gerald at Juno sa Zo
Samantala, makikita si Old Hughes na pinamumunuan ang anino at ilang lalaki sa isang bulubundukin na napapaligiran ng apoy. May lava at apoy sa buong paligid at hindi lamang mainit ang pakiramdam sa bundok, kundi nakakatakot din ito... Nandito ang grupo para tulungan ang anino na makuha ang Sword of Might, na tulad ng Fishgut Sword na isang ancient sword. May restrictions ang mga espada na ito sa sinumang makahawak sa kanila at kung ituturing ng espada na karapa’t-dapat ang humahawak sa kanila, kung gayon ay bibigyan sila ng kapangyarihan ng espada at ang bawat espada ay natural na may iba't ibang kapangyarihan. Ngayong nasa kamay na ni Gerald ang Fishgut Sword, pagkakataon na ng malabong anino na kumuha ng sarili niyang espada. Kapag nakuha na niya nag Sword of Might, walang alinlangan na magiging malakas siya at may sapat na kumpiyansa na makapunta sa Dragonblood City... Hindi nagtagal, nakarating sila sa isang kweba... at nang pumasok sila, nakita ng lahat ang parang ugat ng
Para sa aninong ito, ang pagmamay-ari ng Titan Sword ay nangangahulugan na nakakuha siya ng hindi masusukat na kapangyarihan. May kakayahan ang Sword of Might na tunawin ang sinumang napatay nito, kaya hindi lamang makakapatay ng tao ang anino ng napakabilis, ngunit walang matitira kahit na buto o dugo ng kanyang mga biktima! Ito ay isang nakakatakot na pangyayari… Nakita ni Old Hughes na nagtagumpay ang anino sa paghawak nito kaya sinabi niya, "Ngayong nakuha mo na ang Sword of Might, kailangan mong tandaan na tuparin ang iyong pangako na hahayaan akong mamahala sa Dragonblood city kapag nagtagumpay ka na." Hindi kabutihang-loob ang dahilan ng matanda kung bakit niya dinala ang anino dito. Sa katunayan, ginawa niya ito para maging pinakamataas na pinuno siya ng Dragonblood city kapag nakuha na ng anino ang kapangyarihan ng espada. Ang dahilan kung bakit niya pinayagan si Gerald na makuha muna ang Fishgut Sword ay para makuha niya rin ang Titan Sword sa unang pagkakataon. Sa ma
Noong gabing iyon, nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng Dragonblood City. Ang Hulkeroic Union ay binura na sa balat ng lupa at si Tiger ay nakatagpo ng isang malagim na kamatayan dahil ang lahat ng kanyang mga paa ay kinatay mula mismo sa kanyang katawan... Natakot ang maraming mga tao dahil sa balitang iyon at gayundin ang major clans sa city… Pagdating ng umaga, nagpahinga si Gerald at ang iba pa sa Zorn family residence nang bigla silang naalarma sa presensya ng maraming tao na mabilis na lumalapit sa kanila. Habang hinahanda nila ang kanilang mga sandata, nakita nila ang isang anino na bumababa mula sa langit at sinundan ito ng ilang mga lalaking nakasuot ng itim. “…Malakas sila at mukhang may masama silang binabalak, Gerald. Mag ingat ka…!" bulong ni Juno. Alam rin ito ni Gerald kaya tumango lamang siya. Sa nakikita niya, ang anino na handang pumatay ay nakapasok na sa Third Rank ng Avatar Realm... Pagkatapos ng maikling paghinto, tumahimik si Gerald bago siya nagtanong
"Huwag mong hayaan na ulitin ko ang sinabi ko! Ibigay mo ang Fishgut Sword at hindi kita papatayin! Kung hindi, matitikman ninyong lahat ang kapangyarihan ng Titan Sword!" banta ng anino. Hindi ito madaling ibibigay sa kanya ni Gerald. Ang Fishgut Sword ay isa sa ancient divine swords. Hindi naging madali para sa kanya na makuha ito, kaya sigurado hindi niya ito basta-bastang ibibigay. Sa totoo lang, naramdaman din ni Gerald na hindi sapat ang lakas ng anino para talunin siya. Ito ang dahilan kung bakit naisip ni Gerald kung makukuha rin niya ang Titan Sword pagkatapos niyang talunin siya... Nagkaroon ng idea si Gerald kaya huminto siya ng saglit bago sumigaw, “Maghanap kayo ng matataguan! Kakalabanin ko muna siya!" SI Juno at ang iba pa ay hindi makakalaban sa anino. Ito ang dahilan na kapag nanatili pa sila dito ng mas matagal, paniguradong kamatayan lamang ang naghihintay sa kanila. Alam nila na magiging pabigat lamang sa kanya ang kanyang grupo sa sitwasyong ito, kaya nag
Pagkatapos mamatay ng anino, ang kanyang mga tauhan ay agad na humarap sa isa't isa bago sila tumakas mula sa lugar na iyon! Wala na silang rason na manatili pa doon dahil patay na ang kanilang master. Nakita ni Gerald na may token sa abo ng anino kaya kinuha niya ito upang makita kung ano ang nakasulat dito... Ang mga salitang 'Ghost Sect' ay nakaukit sa token at tumaas ang kilay ni Gerald nang mabasa niya ito. Anong uri ng mahiwagang organisasyon ang Ghost Sect...? Naputol ang kanyang iniisip nang bigla niyang narinig na sumigaw si Nori, “Gerald!” Paglingon niya, nakita niya ang mga kaibigan niya na mabilis na tumakbo palapit sa kanya. Huminto sila sa harap ni Gerald at nag-aalalang nagtanong si Nori sa kanya, “Okay ka lang ba, Gerald? Nasaktan ka?" Nakangiting sumagot si Gerald, "Huwag kang mag-alala, okay lang ako!" Nang marinig iyon, biglang gumaan ang loob ni Nori at ng iba pa. Para sa kanila, hangga’t maayos ang kalagayan ni Gerald, wala silang nakikitang problema
Dahil gising na si Gerald, sa wakas ay nakahinga ng maluwag si Nori... Tumango si Gerald at napagtanto niya na halos wala na siyang lakas para gumalaw. Gayunpaman, kahit pa nanghihina siya, napagtanto ni Gerald na umakyat na naman siya sa isang rank! Siya ay isang Fourth rank na ng Avatar Realm... Ngunit bakit ang hina niya pagkatapos niyang umangat sa rank? Talagang nakakalito ito… Habang iniisip niya iyon, naisip rin niya na may kinalaman ito sa Sword of Might. Bago siya mawalan ng malay, malabo niyang naalala na hindi lamang ang nag-aapoy na kapangyarihan ng Titan Sword ay napunta sa kanyang katawan, ngunit ang kanyang sariling kapangyarihan ay patuloy na nanghihina. Ang Sword of Might ay isang makapangyarihang sandata... Mas malakas pa ito kaysa sa Fishgut Sword, sa katunayan. Pero kahit pa malakas ito, bakit natalo niya ang anino na nagmamay-ari nito noon? Naisip na lamang niya na hindi nakatadhana ang anino na makuha ang espada. Ang anino ay hindi nagawang makuha at m
"Ray, ano ba talaga ang Ghost Sect?" curious na tinanong ni Gerald.Pagkatapos nito ay nagsimulang magpaliwanag ng detalyado si Ray.Naintindihan na ni Gerald at ng iba pa pagkatapos nilang makinig sa kanyang paliwanag. Lumalabas na ang Ghost Sect ay isang lugar kung saan nakatira ang mga multo, at ang anino na nakita nila noon ay isang miyembro ng Ghost Sect."Pero paano ako makakapunta doon?"Huminto ng saglit si Gerald bago siya nagtanong.Dinilat ni Ray ang kanyang mga mata at nagulat siya nang marinig niya ito. Hindi niya inasahan na magkakaroon ng ganitong idea si Gerald.Ang Ghost Sect ay hindi isang lugar na pwedeng puntahan ng sinuman. Ito ay nasa teritoryo ng Ghost Realm, isang lugar para sa mga malulungkot na kaluluwa at ligaw na multo na pinamumunuan ng Ghost King.“Brother Gerald, hindi isang magandang lugar ang Ghost Sect. Huwag mo nang isipin na pumuta doon!"Seryosong pinaalala ni Ray kay Gerald."Ray, wag kang mag-alala. Dahil may koneksyon ito sa Ghost Sect,