Noong gabing iyon, nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng Dragonblood City. Ang Hulkeroic Union ay binura na sa balat ng lupa at si Tiger ay nakatagpo ng isang malagim na kamatayan dahil ang lahat ng kanyang mga paa ay kinatay mula mismo sa kanyang katawan... Natakot ang maraming mga tao dahil sa balitang iyon at gayundin ang major clans sa city… Pagdating ng umaga, nagpahinga si Gerald at ang iba pa sa Zorn family residence nang bigla silang naalarma sa presensya ng maraming tao na mabilis na lumalapit sa kanila. Habang hinahanda nila ang kanilang mga sandata, nakita nila ang isang anino na bumababa mula sa langit at sinundan ito ng ilang mga lalaking nakasuot ng itim. “…Malakas sila at mukhang may masama silang binabalak, Gerald. Mag ingat ka…!" bulong ni Juno. Alam rin ito ni Gerald kaya tumango lamang siya. Sa nakikita niya, ang anino na handang pumatay ay nakapasok na sa Third Rank ng Avatar Realm... Pagkatapos ng maikling paghinto, tumahimik si Gerald bago siya nagtanong
"Huwag mong hayaan na ulitin ko ang sinabi ko! Ibigay mo ang Fishgut Sword at hindi kita papatayin! Kung hindi, matitikman ninyong lahat ang kapangyarihan ng Titan Sword!" banta ng anino. Hindi ito madaling ibibigay sa kanya ni Gerald. Ang Fishgut Sword ay isa sa ancient divine swords. Hindi naging madali para sa kanya na makuha ito, kaya sigurado hindi niya ito basta-bastang ibibigay. Sa totoo lang, naramdaman din ni Gerald na hindi sapat ang lakas ng anino para talunin siya. Ito ang dahilan kung bakit naisip ni Gerald kung makukuha rin niya ang Titan Sword pagkatapos niyang talunin siya... Nagkaroon ng idea si Gerald kaya huminto siya ng saglit bago sumigaw, “Maghanap kayo ng matataguan! Kakalabanin ko muna siya!" SI Juno at ang iba pa ay hindi makakalaban sa anino. Ito ang dahilan na kapag nanatili pa sila dito ng mas matagal, paniguradong kamatayan lamang ang naghihintay sa kanila. Alam nila na magiging pabigat lamang sa kanya ang kanyang grupo sa sitwasyong ito, kaya nag
Pagkatapos mamatay ng anino, ang kanyang mga tauhan ay agad na humarap sa isa't isa bago sila tumakas mula sa lugar na iyon! Wala na silang rason na manatili pa doon dahil patay na ang kanilang master. Nakita ni Gerald na may token sa abo ng anino kaya kinuha niya ito upang makita kung ano ang nakasulat dito... Ang mga salitang 'Ghost Sect' ay nakaukit sa token at tumaas ang kilay ni Gerald nang mabasa niya ito. Anong uri ng mahiwagang organisasyon ang Ghost Sect...? Naputol ang kanyang iniisip nang bigla niyang narinig na sumigaw si Nori, “Gerald!” Paglingon niya, nakita niya ang mga kaibigan niya na mabilis na tumakbo palapit sa kanya. Huminto sila sa harap ni Gerald at nag-aalalang nagtanong si Nori sa kanya, “Okay ka lang ba, Gerald? Nasaktan ka?" Nakangiting sumagot si Gerald, "Huwag kang mag-alala, okay lang ako!" Nang marinig iyon, biglang gumaan ang loob ni Nori at ng iba pa. Para sa kanila, hangga’t maayos ang kalagayan ni Gerald, wala silang nakikitang problema
Dahil gising na si Gerald, sa wakas ay nakahinga ng maluwag si Nori... Tumango si Gerald at napagtanto niya na halos wala na siyang lakas para gumalaw. Gayunpaman, kahit pa nanghihina siya, napagtanto ni Gerald na umakyat na naman siya sa isang rank! Siya ay isang Fourth rank na ng Avatar Realm... Ngunit bakit ang hina niya pagkatapos niyang umangat sa rank? Talagang nakakalito ito… Habang iniisip niya iyon, naisip rin niya na may kinalaman ito sa Sword of Might. Bago siya mawalan ng malay, malabo niyang naalala na hindi lamang ang nag-aapoy na kapangyarihan ng Titan Sword ay napunta sa kanyang katawan, ngunit ang kanyang sariling kapangyarihan ay patuloy na nanghihina. Ang Sword of Might ay isang makapangyarihang sandata... Mas malakas pa ito kaysa sa Fishgut Sword, sa katunayan. Pero kahit pa malakas ito, bakit natalo niya ang anino na nagmamay-ari nito noon? Naisip na lamang niya na hindi nakatadhana ang anino na makuha ang espada. Ang anino ay hindi nagawang makuha at m
"Ray, ano ba talaga ang Ghost Sect?" curious na tinanong ni Gerald.Pagkatapos nito ay nagsimulang magpaliwanag ng detalyado si Ray.Naintindihan na ni Gerald at ng iba pa pagkatapos nilang makinig sa kanyang paliwanag. Lumalabas na ang Ghost Sect ay isang lugar kung saan nakatira ang mga multo, at ang anino na nakita nila noon ay isang miyembro ng Ghost Sect."Pero paano ako makakapunta doon?"Huminto ng saglit si Gerald bago siya nagtanong.Dinilat ni Ray ang kanyang mga mata at nagulat siya nang marinig niya ito. Hindi niya inasahan na magkakaroon ng ganitong idea si Gerald.Ang Ghost Sect ay hindi isang lugar na pwedeng puntahan ng sinuman. Ito ay nasa teritoryo ng Ghost Realm, isang lugar para sa mga malulungkot na kaluluwa at ligaw na multo na pinamumunuan ng Ghost King.“Brother Gerald, hindi isang magandang lugar ang Ghost Sect. Huwag mo nang isipin na pumuta doon!"Seryosong pinaalala ni Ray kay Gerald."Ray, wag kang mag-alala. Dahil may koneksyon ito sa Ghost Sect,
Pagkapasok nila, napagtanto ni Gerald na napunta sila sa isang malaking casino.Ito ay isang casino sa Ghost Sect. Iba ito sa mga casino sa mundong ibabaw."Ray, bakit nararamdaman ko na parang hindi ako nararamdaman ng mga multo?"Bigla itong na-realize ni Gerald kaya tinanong niya si Ray.Pakiramdam niya ay parang binabalewala siya at hindi siya napapansin ng mga multo sa paligid. Kakaiba ang pakiramdam na may mga multo na dumadaan sa kanyang katawan.“Dahil hindi ka totoong multo, hindi ka nila makikita. Hindi pinapayagang pumasok dito ang mga tao dito!"Paliwanag ni Ray kay Gerald.Tuwang-tuwa si Gerald nang marinig siya. Ang ibig sabihin nito ay invisible siya ngayon.“Gerald, ikaw na ang bahala sa susunod nating hakbang. Pwede mong gamitin ang iyong invisibility para tulungan akong magsugal para manalo tayo ng pera at pagkatapos nito ay makakabili tayo ng magagandang bagay."Nag-suggest si Ray kay Gerald."Sige, Ray. Walang problema, bantayan mo lang ako!”Pumayag nama
“Teka lang!”Bago pa makapaglakad palayo si Ray, may ilang multo na ang humarang sa kanya.Naglakad papunta kay Ray ang isang multong nakatayo sa gitna at tinitigan siya nito ng masinsinan. "Hindi pwedeng umalis pagkatapos mong manalo.""Bakit? May lakas ng loob ka bang makipaglaro sa akin? O hindi mo afford na mawalan ng pera?"Tinitigan ng masama ni Ray ang multo. Hindi niya inaasahan na ang multo sa lugar na ito ay magiging katulad ng mga tao sa totoong mundo, dinadaan sa angas kapag natatalo sila. Nairita si Ray dahil mayayabang sila kahit na mga multo na sila.“Huh! Pwede kang magsugal hanggang sa mawala ang lahat ng pera, o pwede mong ibigay ang pera mo bago ka umalis. Mayroon kang dalawang pagpipilian, pumili ka!"Ang multong nakatayo sa gitna ay ngumisi bago niya binalaan si Ray, tinitigan siya nito na may mapagbantang mga mata.Mukhang walang balak ang multo na paalisin siya sa lugar na ito.Dahil dito, hindi sila hahayaan ni Ray na gawin ang gusto nila."Ganoon ba? P
Gulat na napatingin si Gerald sa restaurateur habang nagtatanong siya."Oo naman!"Ngumiti ang restaurateur habang sumasagot sa kanya.Tumingin agad si Gerald kay Ray at nag-alala siya nang marinig niya ito.“Ray, lumipas na ba ang epekto ng gamot ko?”Nagtatakang tinanong ni Gerald si Ray habang dali-dali niyang kinuha ang cellphone niya para tingnan ang oras.Pagtingin niya sa oras, hindi pa lumipas ang twelve hours. Dalawang oras pa lang siyang nandito.Pero bakit nakita siya ng restaurateur na ito? Talagang nagtaka si Gerald dahil dito."Boss, bakit mo siya nakikita?"Curious na tinanong ni Ray ang restaurateur.“Ha! Ha! Dahil tao rin ako, tulad mo!"Ngumiti ang restaurateur habang nagpapaliwanag.Sa wakas ay naintindihan na nina Ray at Gerald ang sitwasyon. Iyon pala ang dahilan kung bakit."Half-phantom ka rin ba?"Naghihinalang tinanong ni Ray.Tumango ang restaurateur at sinabing, “Oo, ako nga. Ang pangalan ko ay Garren Henry. Ako ang may-ari ng restaurant na ito