Gulat na napatingin si Gerald sa restaurateur habang nagtatanong siya."Oo naman!"Ngumiti ang restaurateur habang sumasagot sa kanya.Tumingin agad si Gerald kay Ray at nag-alala siya nang marinig niya ito.“Ray, lumipas na ba ang epekto ng gamot ko?”Nagtatakang tinanong ni Gerald si Ray habang dali-dali niyang kinuha ang cellphone niya para tingnan ang oras.Pagtingin niya sa oras, hindi pa lumipas ang twelve hours. Dalawang oras pa lang siyang nandito.Pero bakit nakita siya ng restaurateur na ito? Talagang nagtaka si Gerald dahil dito."Boss, bakit mo siya nakikita?"Curious na tinanong ni Ray ang restaurateur.“Ha! Ha! Dahil tao rin ako, tulad mo!"Ngumiti ang restaurateur habang nagpapaliwanag.Sa wakas ay naintindihan na nina Ray at Gerald ang sitwasyon. Iyon pala ang dahilan kung bakit."Half-phantom ka rin ba?"Naghihinalang tinanong ni Ray.Tumango ang restaurateur at sinabing, “Oo, ako nga. Ang pangalan ko ay Garren Henry. Ako ang may-ari ng restaurant na ito
“Ghostly Pearl?”Nataranta si Gerald nang marinig niya iyon.First time niyang marinig ang tungkol sa Ghostly Pearl na ito."Ano? Hindi mo alam ang tungkol dito?"Nakita ni Garren ang nagtatakang itsura ni Gerald habang nagtataka itong nagtanong.Umiling naman sina Gerald at Ray."Ang Ghostly Pearl ay ang kayamanan ng Ghost Sect. Kaya nitong pataasin ng maraming beses ang cultivation level ng isang tao. Iyon ang dahilan kung bakit gusto itong nakawin ng maraming soul cultivator. Pero hindi mo pa rin alam ang tungkol dito?"Gulat na tinitigan ni Garren si Gerald habang nagpapaliwanag, makikita sa kanyang mukha na talagang hindi siya makapaniwala."Saan ko makukuha ang Ghostly Pearl na tinutukoy mo?"Agad namang tinanong ni Gerald.Nakuha nito ang interes ni Gerald dahil ang Ghostly Pearl ay isang mahalagang bagay. Ito ang dahilan kung bakit naisipan niyang kunin ito."Hindi iyon magiging madali. Ang Ghostly Pearl ay nasa kamay ng Ghost King. Ito ang kayamanan ng Ghost King, k
Makalipas ang ilang sandali, lumabas si Garren na may dalang tag at agad niya itong binigay kay Ray."Ano ito?"Tinanggap ni Ray ang tag at nag-aalinlangan siyang nagtanong.“Ito...”"Ito ang token ng Ghost King, tama ba?"Hindi na nakapaghintay si Gerald sa explanation ni Gerald at mabilis niyang ibinunyag ang pangalan ng tag sa kamay ni Ray."Tama iyan. Ito ang token ng Ghost King at ito rin ang isang bagay na makikita sa katawan ng isang multo. Sa pamamagitan nito, ang iyong disciple ay magkakaroon ng free access sa Ghost Sect. Hindi siya maapektuhan kahit humupa na ang epekto ng gamot!"Napatingin si Garren kina Ray at Gerald habang nagpapaliwanag.Tuwang-tuwa sina Gerald at Ray nang marinig nila iyon. Sa hindi inaasahang pagkakataon, pag-aari ni Garren ang bukod tanging bagay na tulad nito.“Salamat, Boss Henry!”Mabilis namang nagpasalamat si Ray kay Garren.“Sige, malapit nang mag-umaga. Ang malaking entrance ng spiritual world ay malapit nang sumara. Kailangan ko nan
Binuksan nilang tatlo ang pinto ng banquet hall at pumasok sila sa hall.Pagpasok na pagpasok nina Juno at Ruth sa venue, nakuha agad nila ang atensyon ng lahat ng tao sa hall."Miss Zorn, nandito na ang pinakamagandang babae sa araw na iro!"Biglang umalingawngaw ang excited na boses ng isang lalaki.Ang lalaking ito ay naka-asul na suit at nagmadali siyang lumapit kay Gerald at sa dalawang babae."Juno, sa wakas nandito ka na. Kanina pa kita hinihintay!"Abot tenga ang ngiti ang lalaking naka-blue suit habang nakatingin siya kay Juno. Makikita ang matinding saya sa kanyang mga mata.Ang taong iyon ay ang class monitor ng klase ni Juno sa university at ang pangalan niya ay Xanry Quirke.“Ha! Ha! Masyado mo naman akong ginagawang importante sa party. Masigla pa rin ang party ng kaklase kahit wala ako.”Sabi ni Juno habang pilit na nakangiti.Habang nakatingin siya kay Xanry, naramdaman ni Juno na nakakainis pa din siya tulad ng dati.Ang unang bagay na sobra siyang naiirita
Ang bawat isa ay umupo sa kani-kanilang mga upuan sa harap ng hapag kainan habang sila ay kumakain at nagkukwentuhan sa bawat isa.Nakaupo rin sina Gerald at Juno sa hapag kainan kasama si Ruth. Syempre kasama rin nila si Xanry.“Mr. Crawford! Hayaan mo akong mag-toast sayo!"Sa pagkakataong iyon, kusang tumayo si Xanry habang hawak niya ang baso ng alak. Saka siya ngumiti sa harapan ni Gerald habang naghahanda siyang mag-toast sa kanya.Malas rin ang loob ni Gerald na tumayo habang nagto-toast kay Xanry, “Ha! Ha! Salamat, monitor!”Pagkatapos niyang sabihin iyon ay sabay nilang ininom ang buong baso ng alak.“Ha! Ha! Mr. Crawford, magaling kang uminom. Mukhang parati kang nalalasing!”Agad namang tinukso ni Xanry si Gerald nang makita niyang ininom ng mabilis nito ang isang buong baso ng alak."Hindi naman sa ganoon. Madalang akong umiinom ng alak. Isa o dalawa lang ang kinakaya ko. Sa totoo lang, hindi ako magaling uminom!"Mapagpakumbabang sinabi ni Gerald kay Xanry.Naii
“Bowling? Hindi ko pa ito nalaro noon."Nag-alinlangan na sumagot si Gerald nang marinig niya iyon.Gusto niyang magpanggap na wala siyang alam kaya sinabi niya ito. Gusto niyang pag-tripan si Xanry sa maayos na paraan."Walang problema. Hayaan mong turuan kita. Tara na at subukan natin!”Hindi nagduda si Xanry matapos niyang marinig ang sinabi ni Gerald, kaya excited siyang sumagot dito.“Sige pala. Sasama ako sayong maglaro!"Mabilis namang pumayag si Gerald. Pagkatapos nito ay tumingin siya kay Juno.“Juno, maglalaro ako ng bowling ng sandali. Makipag-usap ka muna sa mga kaibigan mo dito!"Hindi tumutol si Juno sa kanyang suggestion. Alam niyang may sariling plano si Gerald kaya hindi niya ito pipigilan. Naisip niya lamang na hindi magandang idea para kay Xanry na saktan ang isang tao na tulad ni Gerald. Kapag ginawa niya ito, siguradong magsisisi si Xanry.Maya-maya pa ay dumating na si Gerald sa bowling alley kasama si Xanry.Ginamit naman nila Xanry at Gerald ang isang
“Bakit hindi na lang ganito? Hindi ba kailangan natin ng premyo para sa competition na ito? Bakit hindi na lang 150 dollars para sa isang round?"Sa pagkakataong iyon, tumingin si Xanry kay Gerald at agad niyang nag-suggest sa kanya. Kanina pa siya nagpaplano ng isang maliit na scheme sa kanyang puso.Napangisi si Gerald sa kanyang isip nang marinig niya ito. Mukhang mahilig talaga si Xanry sa pera. Gusto niyang makuha ang 150 dollars para sa isang round ng bowling."Sige, walang problema!"Huminto ng sandali si Gerald bago siya pumayag.Kung tutuusin, walang halaga ang pera kay Gerald at alam niyang hindi siya matatalo. Kontrolado niya ang lahat.“Monitor, huwag mong i-bully ang boyfriend ni Juno ng sobra. Kung hindi, magagalit si Juno!”Sa sandaling iyon, tinukso si Xanry ng isang lalaking kaklase na nakaupo sa gilid nang makita niyang naasar si Xanry sa kasawian ng iba. Puno ng pangungutya ang kanyang sinabi kay Gerald.Wala namang pakialam si Gerald sa mga taong iyon. Pagka
"Ikaw naman, Mr. Crawford!" sabi ni Xanry sabay lingon kay Gerald nang matapos siya. Nagsimula na ang second round at alam ni Gerald na hindi niya kayang makakuha ng zero marks muli dahil magiging masyadong malaki ang agwat sa pagitan ng score niya at ni Xanry para manalo siya. Dahil dito ay kinuha ni Gerald ang bowling ball bago siya dahan-dahang naglakad patungo sa lane. Pagkatapos niyang ayusin ang kanyang posisyon, narinig ni Gerald si Xanry na sumigaw mula sa kanyang likuran, “Lakasan mo lang ang loob mong ihagis ito, Mr. Crawford! Okay lang kung wala kang natamaan, gawin mo lang ito para makapag-practice ka! Kung tutuusin, kailangan mo ng mas marami pa para malabanan mo pa ako!" Pumikit na lang si Gerald habang sinasabi niya ito... bago dahan-dahan niya itong binuksan muli. Naglakad siya ng isang hakbang pasulong at inihagis ni Gerald ang bowling ball! Sa halip na lumiko sa gilid, ito ay gumulong papunta sa mga pin at pansamantalang nagulat sila Xanry at ang iba pa na