Ang South Wastelands ay talagang isang pambihirang lugar... Kahit ang ilaw ng buwan ay hindi nakakapasok dito! Nakakapagtaka talaga! Gayunpaman, wala silang magagawa tungkol dito. Sa pag-iisip na iyon, si Gerald at ang iba ay maaari lamang magpatuloy sa pag-upo roon habang nakatitig sila sa maliwanag at magandang buwan... Maya-maya pa, si Ray ay tumitingin sa lugar nang bigla siyang sumigaw, “…Mr. Crawford, dali! May mga stone tablet dito!" Nang marinig iyon, agad na tumakbo si Gerald at ang tatlo pa sa kinaroroonan ni Ray. Totoo ang kanyang sinabi dahil nakita nga niya ang nakatayong stone tablet sa kanilang harapan... Pinunasan niya ang makapal na alikabok sa tablet gamit ang kanyang kamay at napansin ni Gerald na may ilang salita ang nakaukit dito. Kinusot-kusot ang kanyang mga mata upang tingnan ito nang malapitan bago niya sinabi, "Ang South Beast ng Wastelands!" Pagkatapos itong basahin ni Gerald, isang galit at nakakatakot na roar ang biglang narinig mula sa itaas! H
Patuloy itong umuungal habang diretsong sumusugod kay Gerald, bago ito tumalon at malinaw na sinusubukan nitong daganan si Gerald! Hindi hahayaan ni Gerald na mangyari iyon! Dumulas siya sa ilalim ng leon at hinampas ni Gerald ang tiyan ng halimaw gamit ang kanyang palad, nabigla ito at hindi niya inaasahan na tumalsik ang napakalaking leon! Napansin ni Gerald, nang tumalsik ang leon, na masyadong nabibigatan ang leon sa kanyang weight kahit na malaki ito. Dahil doon, walang paraan na mapapantayan nito ang bilis ni Gerald. Hindi sinusubukan ni Gerald na patayin ang leon. Sa kabaligtaran, sinusubukan niya itong paamuhin. Kung tutuusin, hindi tutol si Gerald sa ideya ng pagkakaroon ng malaking leon sa ilalim ng kanyang kontrol. Nang tumama ang leon sa lupa, ilang beses itong gumulong bago ito tuluyang huminto. Nanginginig ang katawan nito habang gumagapang pabalik sa kanyang mga paa, bago ito humarap kay Gerald nang nalilisik at umungol ng matindi sa kanya. Ang nilalang na it
Kinagulat ito ng grupo ng lima. Sinong mag-aakala na ang maliit na berdeng dragon ay may sapat na malakas para takutin ang malaking leon na iyon! "Ang dragon na iyon ay kilala o may prestigious identity! Kung tutuusin, kaya nitong takutin ang leon na iyon kahit na napakaliit nito!" sabi ni Ray habang naglalakad papunta sa gilid ni Gerald. Kasunod nito, pinagmasdan nila na sumigaw ang maliit na dragon bago ito lumipad pabalik kay Gerald, nakatitig ito sa kanya habang iniindayog nito ang kanyang katawan. Naintindihan ni Gerald na may sinusubukan itong sabihin at agad niyang naintindihan kung ano ito. Umiling si Gerald bago niya sinabi, “Gusto mo ng Heaven’s apple, tama ba? Sige, bibigyan kita ng isa!" Pagkatapos nito, kinuha ni Gerald ang isang Heaven’s apple mula sa kanyang storage ring bago niya ito ibinigay sa dragon. Gayunpaman, ang dragon ay hindi mukhang kontento sa isang mansanas lamang. Lalo pa nitong inindayog ang kanyang katawan at pagkatapos nito ay patuloy na tining
Pagkatapos mapaamo ang leon, naging tahimik ang kanilang gabi at wala masyadong pangyayari. Dahil doon, si Gerald at ang apat ay nakapagpahinga hanggang sumapit ang umaga. Dahil ang South Wastelands ay hindi isang lugar na matatawag nilang ligtas, ang grupo ay nagpasya na umalis nang maaga hangga't maaari. Sinuri muna ni Gerald ang mapa para malaman kung saan ang kanilang susunod na pupuntahan bago nila simulan ang kanilang paglalakbay. Di-nagtagal, sinabi niya sa kanila na sila ay pupunta sa Dragonblood City sa susunod. Umaasa siya na kahit papaano ay mahahanap nila ang gem sa lugar na iyon... Maraming tsismis ang nakapaligid sa ancient Dragonblood City, ang pinakasikat ay tungkol sa ancient Blood Dragon na matatagpuan sa loob ng city. Ayon sa sabi-sabi, matatagpuan raw sa loob ng dragon ang Dragonblood Ball, at kung sino man ang nakakuha ng item ay sinasabing makukuha
Pagdating nila sa entrance ng eskinita, nakita ng grupo ang apat na lalaki na pinunit-punit ang damit ng babae! Mga manyak! Nagalit silang lahat nang makita nila ito! Kinasusuklaman ni Gerald ang gayong mga taong mga manyak, kaya tinuro niya ang mga salarin bago siya umungol, "Itigil niyo 'yan!" Nang marinig ang sigaw ni Gerald, tumaas ang mga kilay ng mga lalaki habang nakatitig sila sa kanya. “Huwag kang mangialam, bata! Hindi ito bagay sayo!" nakangusong sinabi ng isa sa mga lalaki. "Gawin mo ang sinabi niya o tatapusin ko ang buhay mo!" sabi ng isa pa habang binubunot ang mahabang espada para takutin si Gerald at ang mga kasama niya. “Gumagawa kayo ng mga karumal-dumal na krimen laban sa babaeng ito kahit pa kitang-kita kayo! Isang kasalanan kung hahayaan lang namin kayong gawin ito!" galit na galit na sinabi ni Gerald. "Ano? Hindi mo yata alam kung sino ang kinakaharap mo, bata! Hindi mo ba alam na kami ay mula sa Hulkeroic Union?! Kulitin mo pa kami at hindi ka na a
Sa sandaling sinabi iyon, si Gerald at ang iba pa ay tumalikod upang umalis... Nakatitig ang babae habang dahan-dahan silang naglakad sa malayo, medyo maya-maya pa ay hinawakan ng babae ang mga gintong barya sa kanyang mga kamay bago siya umalis na din. Pagsapit ng gabi, si Gerald at ang iba pa ay nakahanap ng angkop na hotel na matutuluyan nila. Dahil magsasalo-salo silang lima ngayong gabi, nagsimulang mag-relax ang grupo pagkatapos nilang mag-unpack. Pagkaraan ng ilang sandali, biglang nagsalita si Ray na nakaupo sa isa sa mga kama, “...Sa totoo lang, Mr. Crawford, sa tingin ko ay kailangan na nating umalis sa Dragonblood City sa lalong madaling panahon. Ang Hulkeroic Union ay darating para patayin tayo pagkatapos ng ating ginawa!" Ang Hulkeroic Union ay napakalakas sa Dragonblood City, malalaman agad nila na apat sa mga disipulo nila ang namatay, at dahil doon ay labis na nag-aalala si Ray. Naintindihan ni Gerald na magiging abala para sa kanila ang magtagal sa loob ng
Sumimangot si Gerald nang makita niya ang pag-aalala ni Nori. Sa bagay, masyadong mabilis ang kilos ng mga mula sa Hulkeroic Union. Huminto ng saglit si Gerald bago siya nagdesisyon, “…Mag-impake na kayo. Aakyat tayo sa bubong ngayon!" Nang marinig iyon, mabilis na kumilos ang grupo para gawin ang inutos ni Gerald. Di-nagtagal, silang lima ay tumalon sa bubong mula sa bintana ng hotel. Ang plano ngayon ay ang manatili doon at obserbahan ang mga susunod na pangyayari... Wala pang ilang segundo matapos silang makaakyat sa bubong nang magsimulang pumasok si Xuio at ang kanyang mga tauhan sa hotel. Matapos tanungin ang may-ari ng hotel, nalaman ni Xuio na naririto pala ang mga hinahanap nila. Dahil doon, agad na inutusan ni Xuio ang may-ari ng hotel na ihatid sila sa kwarto ni Gerald. Pagdating nila sa pinto, sinipa ito ng malakas ni Xuio bago niya inutusan ang kanyang mga tauhan na sumugod! Gayunpaman, mabilis nilang napagtanto na wala palang laman ang kwartong ito! Nakataas
Matapos maglakad ng medyo matagal, bigla nilang narinig na may tumawag, “Hmm? Si Miss Zorn pala ito!" Nang marinig iyon, napatigil silang anim bago sila lumingon para tingnan kung sino ang nagsalita... "…Ah! ikaw pala ‘yan. Anong maitutulong ko sayo, young master ng pamilyang Wroe?” sagot ng babae sabay nguso. Base sa kanyang sagot, mukhang hindi maganda ang impression ng babae sa lalaking ito. Hindi nahirapan si Gerald at ang iba pa na isipin kung bakit. Kung tutuusin, isang sulyap lang ang kailangan para maintindihan nila na isa siyang hedonistic na binata na may mayayamang magulang. Ang pangalan ng binatang ito ay Quaan Wroe, at tulad ng sinabi ng babae, siya ang young master ng pamilyang Wroe. Ang pamilyang Wroes ay sikat sa kanilang lakas sa loob ng Dragonblood City. Mula sa nakikita ni Gerald, nakapasok na si Quaan sa Third-soul-rank sa loob ng Sage Realm, at ito ang nagpapatunay na walang biro ang lakas ang pamilyang Wroe. “Huwag ka masyadong masungit, Miss Zorn! Nab