"Alam mo, kamukha mo ang lahat ng naunang nabigong mapabagsak ako. Bakit hindi ka na lang sumuko? Kapag ginawa mo ito, makakaalis ka nang walang anumang mga bali ang iyong mga buto!" kutya ng representative ng academy. ‘Minamaliit mo na agad ako?’ Napakunot ang noo ni Gerald habang iniisip niya ito. Matapos marinig iyon, paniguradong pahihirapan muna niya ang taong ito. “Nagmamayabang ka na agad bago pa man magsimula ang laban? Tingnan na lang natin kung sino ang tatalsik sa platform pagkatapos nito!" confident na sinabi ni Gerald. “Madaling magsalita, bata! Mukhang gusto mo na talagang mamatay! Ito ang dahilan kung bakit hindi kita hahayaang makalaya ng madali! Sabihin mo ang iyong pangalan!" nakakunot na sinabi ng representative habang nakatitig kay Gerald. “Ang pangalan ko ay Gerald Crawford! At ano ang pangalan mo? Sana hindi ko makalimutan kung sino ka kung sakaling magkita tayong muli sa academy!" sagot ni Gerald. “Ang yabang! Okay, makinig ka! Ang pangalan ko ay Ferdin
Pagkatapos nito ay pinadyak ni Ferdinand ang kanyang paa nang napakalakas sa ibabaw ng entablado at nag-iwan ito ng circular dent! Kasunod nito, ginamit niya ang lahat ng puwersang iyon para tumalon sa hangin na parang isang mabangis na tigre! Sa kabila ng mabangis na atake ng lalaking iyon, si Gerald ay nanatiling kalmado habang dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang binti... bago niya ito itinapat sa tiyan ni Ferdinand! Tumalsik ng malakas si Ferdinand at kasunod nito ay isang malakas na ‘thud’! Nang masaksihan iyon, ang lahat ay sandaling natulala. Pagkatapos nito ay mabilis na nagsimulang magbulung-bulungan ang mga manonood sa paghanga. “Jusko! Napakalakas ng taong iyon kaya tinalo niya si Ferdinand!" Ang pagkapanalo ni Gerald ang nakatulong para sa kanya na maging sikat sa academy. Maging si Karsten ay namangha sa mga pangyayari. Talagang napapabagsak ng napakadali ni Gerald ang isang taong nakapasok sa Second-soul-rank ng Sage Realm! Pagtayo niya, lumapit si Karsten
“…Wala na ba talagang ibang taong na qualified na makapasok sa elite class? Isang talo lang ang nakayanang makalampas sa tatlong atake...?" tanong ng isang matandang master na nakaupo sa gilid, nakasuot siya ng mahabang purple robe at ang kanyang pangalan ay Master Jizo. Si Master Jizo ay nakapasok na sa Third rank ng Avatar Realm at isa sa mga master na nagtuturo sa elite class sa academy. “Talagang minalas tayo, pero hindi lang kinaya ng estudyanteng iyon ang tatlong lalaki, kundi natalo pa niya ang kanyang kalaban! Sa sobrang lakas niya, pakiramdam ko ay nakapasok na siya sa Fifth-soul-rank sa loob ng Sage Realm!" sagot ni Karsten. "Ano? Natalo niya ang isang representative ng ating academy?" gulat na sinabi ni Master Jizo. Kahit ang tatlong mga masters ay nagtinginan nang marinig nila ito. Hindi nila inasahan na ang kanilang pinakabagong elite class student ay magkakaroon ng kahanga-hangang kapangyarihan... Makatwiran lamang para sa kanila na magulat. Kung tutuusin, sa lo
Nang marinig iyon, tumingin si Gerald sa apat na master na nakaupo sa harap niya... Nang makita iyon, itinuwid ng mga master ang kanilang mga likod habang inaabangan ang pagpili ni Gerald. Gayunpaman, kahit na lumipas ang ilang sandali, mukhang walang mapili si Gerald ni isa sa kanila! Nalito ang lima dahil dito, kaya sumagot si Sumeru, “…Hindi ka ba makapili, Gerald?” Pilit na ngumiti si Gerald bago siya sumagot, “…Dean Sumeru, pwede lang ba akong pumili sa apat na master na ito…?” "Ikaw…! Mababa ba ang tingin mo sa amin, bata?!” sigaw ni Master Jizo habang naiinis siyang tumingin kay Gerald. Pinakalma ni Gerald ang kanyang sarili bago siya sumagot, “Na-misunderstand mo yata ako, Master Jizo. Hindi ko susubukang maliitin ang sinuman sa inyo, four master! Gusto ko lang malaman kung may mas magandang pagpipilian para sa akin!" “Hmm? Anong mas magandang pagpipilian ang hinahanap mo?" mapaglarong tinanong ni Sumeru. Ang binatang ito ay napaka-espesyal… Nang marinig iyon, pat
Kasunod nito, isang gintong wooden token ang lumipad mula sa bulsa ni Sumeru at dumaan sa harapan ni Gerald... “Yan ay isang wooden token na para sayo lang. Ito ay nagsisilbing simbolo ng iyong identity sa loob ng Leicom Academy. Isa pa, dahil ikaw lang ang estudyante ko, magkakaroon ka ng access sa lahat ng study resources ng academy!" paliwanag ni Sumeru nang ibinigay niya ang mga pribilehiyong iyon kay Gerald. Bilang isang estudyante ng dean, halos magagawa ni Gerald ang kahit anong gusto niya sa loob ng academy. Ito ay isang noble position… Gayunpaman, natural na walang pakialam si Gerald pagdating sa status. Sa totoo lang, mas nasasabik siya na magagamit niya ang mga study resources ng academy anumang oras at sa anumang paraan na gusto niya. Gamit ang pribilehiyong iyon, paniguradong makakabisado ni Gerald ang higit pang mga abilities at secret technique, kaya't pinahihintulutan siyang ma-develop ang kanyang sarili ng napakabilis. Dahil dito ay nag-utos si Sumeru, “Karsten
Napangiti si Master Ykink nang marinig niya ito.Lalong naging maganda ang tingin niya kay Gerald ngayon. Kung tutuusin, ang kanyang status ngayon ay nag-iba na dahil siya ang estudyante ng dean.“Master Ykink, medyo boring na mamuhay ng mag-isa dito. Pwede ba akong makakuha ng ilang mga tao para manirahan sila dito kasama ko? May mga kaibigan din akong nag-aaral sa academy!"Biglang nag-suggest si Gerald kay Karsten.“Um… Ano…”Nag-alinlangan naman si Master Ykink.Hindi pa nangyari ang ganoong bagay sa academy, dahil iba ang identity ni Gerald sa iba.Naglabas agad si Gerald ng Heaven’s Apple sa storage ring niya at ibinigay ito kay Karsten.“Master Ykink, ito ay isang simbolo ng pagpapahalaga mula sa akin. Sana matulungan mo ako tungkol sa bagay na ito!” pakiusap ni Gerald kay Karsten.Napatulala si Kasten kay Gerald nang makita niyang naglabas ito ng Heaven’s Apple.Hindi niya inaasahan na magkakaroon ng holy fruit si Gerald.“Isang Heaven’s Apple! Saan... saan mo nakuha
Tatlong sunod-sunod na nagtanong si Nori kay Gerald.Napangiti si Gerald bago siya sumagot, “Mula ngayon, ang lugar na ito ang magiging bahay natin. Ako na ngayon ang estudyante ng dean!"Lalong namangha ang tatlo nang marinig nila ito.“Kuya Gerald, binibiro mo na naman ba kami? Ikaw ba talaga ang estudyante ng dean?” nagdududang tinanong ni Cyril habang nakatingin kay Gerald.“Alam kong hindi agad kayo maniniwala sa akin. Eto, may ipapakita ako sa inyo. Ito ang special wooden token na ibinigay sa akin ng dean. Kung hindi ka pa rin naniniwala sa akin, pwede mong tanungin si Master Ykink!"Habang nagsasalita si Gerald, kinuha niya ang espesyal na wooden token na ibinigay sa kanya ni Sumeru mula sa kanyang bulsa at ipinakita ito sa tatlo niyang kaibigan.Ngayong pinaniwalaan siya nina Nori, Zelig, at Cyril. Hindi nakakapagtaka na si Master Ykink ay magalang kay Gerald, dahil ang totoong dahilan pala nito ay siya na ang estudyante ng dean."Gerald, ang galing mo talaga! Ikaw na pa
"Mukhang gusto mo nang mamatay!"Galit na galit na sinabi ng lalaki.Habang sinasabi niya iyon ay hinampas niya ang kamao niya kay Gerald.Boom!Bago pa niya matamaan si Gerald, sinampal siya nito at pinalipad siya papunta sa mga lamesa.Bumagsak ang lalaki sa mesa at nahati ito sa dalawang parte.“Tumigil!”Sa sandaling iyon, isang seryosong boses ang narinig.Ang nagsalita ay walang iba kundi si Master Ykink.Pumasok siya sa pintuan at mabilis na naglakad papunta kay Gerald.Nang makita ang pagdating ni Master Ykink, natahimik ang lahat at hindi naglakas-loob na kumilos nang madalus-dalos. Napayuko pa ang ilang elite students sa sandaling ito.“Master Ykink!”Binati siya ng lahat ng mga tao na naroroon.Lumapit si Karsten kay Gerald at seryosong nagtanong, “Anong nangyari? Sinong nagsabi sa inyo na mag-away kayo dito sa canteen?"May special status si Gerald, ngunit kailangan pa rin niyang maging mahigpit sa harap ng ibang tao."Master Ykink, ang mga elite students ang