“…Wala na ba talagang ibang taong na qualified na makapasok sa elite class? Isang talo lang ang nakayanang makalampas sa tatlong atake...?" tanong ng isang matandang master na nakaupo sa gilid, nakasuot siya ng mahabang purple robe at ang kanyang pangalan ay Master Jizo. Si Master Jizo ay nakapasok na sa Third rank ng Avatar Realm at isa sa mga master na nagtuturo sa elite class sa academy. “Talagang minalas tayo, pero hindi lang kinaya ng estudyanteng iyon ang tatlong lalaki, kundi natalo pa niya ang kanyang kalaban! Sa sobrang lakas niya, pakiramdam ko ay nakapasok na siya sa Fifth-soul-rank sa loob ng Sage Realm!" sagot ni Karsten. "Ano? Natalo niya ang isang representative ng ating academy?" gulat na sinabi ni Master Jizo. Kahit ang tatlong mga masters ay nagtinginan nang marinig nila ito. Hindi nila inasahan na ang kanilang pinakabagong elite class student ay magkakaroon ng kahanga-hangang kapangyarihan... Makatwiran lamang para sa kanila na magulat. Kung tutuusin, sa lo
Nang marinig iyon, tumingin si Gerald sa apat na master na nakaupo sa harap niya... Nang makita iyon, itinuwid ng mga master ang kanilang mga likod habang inaabangan ang pagpili ni Gerald. Gayunpaman, kahit na lumipas ang ilang sandali, mukhang walang mapili si Gerald ni isa sa kanila! Nalito ang lima dahil dito, kaya sumagot si Sumeru, “…Hindi ka ba makapili, Gerald?” Pilit na ngumiti si Gerald bago siya sumagot, “…Dean Sumeru, pwede lang ba akong pumili sa apat na master na ito…?” "Ikaw…! Mababa ba ang tingin mo sa amin, bata?!” sigaw ni Master Jizo habang naiinis siyang tumingin kay Gerald. Pinakalma ni Gerald ang kanyang sarili bago siya sumagot, “Na-misunderstand mo yata ako, Master Jizo. Hindi ko susubukang maliitin ang sinuman sa inyo, four master! Gusto ko lang malaman kung may mas magandang pagpipilian para sa akin!" “Hmm? Anong mas magandang pagpipilian ang hinahanap mo?" mapaglarong tinanong ni Sumeru. Ang binatang ito ay napaka-espesyal… Nang marinig iyon, pat
Kasunod nito, isang gintong wooden token ang lumipad mula sa bulsa ni Sumeru at dumaan sa harapan ni Gerald... “Yan ay isang wooden token na para sayo lang. Ito ay nagsisilbing simbolo ng iyong identity sa loob ng Leicom Academy. Isa pa, dahil ikaw lang ang estudyante ko, magkakaroon ka ng access sa lahat ng study resources ng academy!" paliwanag ni Sumeru nang ibinigay niya ang mga pribilehiyong iyon kay Gerald. Bilang isang estudyante ng dean, halos magagawa ni Gerald ang kahit anong gusto niya sa loob ng academy. Ito ay isang noble position… Gayunpaman, natural na walang pakialam si Gerald pagdating sa status. Sa totoo lang, mas nasasabik siya na magagamit niya ang mga study resources ng academy anumang oras at sa anumang paraan na gusto niya. Gamit ang pribilehiyong iyon, paniguradong makakabisado ni Gerald ang higit pang mga abilities at secret technique, kaya't pinahihintulutan siyang ma-develop ang kanyang sarili ng napakabilis. Dahil dito ay nag-utos si Sumeru, “Karsten
Napangiti si Master Ykink nang marinig niya ito.Lalong naging maganda ang tingin niya kay Gerald ngayon. Kung tutuusin, ang kanyang status ngayon ay nag-iba na dahil siya ang estudyante ng dean.“Master Ykink, medyo boring na mamuhay ng mag-isa dito. Pwede ba akong makakuha ng ilang mga tao para manirahan sila dito kasama ko? May mga kaibigan din akong nag-aaral sa academy!"Biglang nag-suggest si Gerald kay Karsten.“Um… Ano…”Nag-alinlangan naman si Master Ykink.Hindi pa nangyari ang ganoong bagay sa academy, dahil iba ang identity ni Gerald sa iba.Naglabas agad si Gerald ng Heaven’s Apple sa storage ring niya at ibinigay ito kay Karsten.“Master Ykink, ito ay isang simbolo ng pagpapahalaga mula sa akin. Sana matulungan mo ako tungkol sa bagay na ito!” pakiusap ni Gerald kay Karsten.Napatulala si Kasten kay Gerald nang makita niyang naglabas ito ng Heaven’s Apple.Hindi niya inaasahan na magkakaroon ng holy fruit si Gerald.“Isang Heaven’s Apple! Saan... saan mo nakuha
Tatlong sunod-sunod na nagtanong si Nori kay Gerald.Napangiti si Gerald bago siya sumagot, “Mula ngayon, ang lugar na ito ang magiging bahay natin. Ako na ngayon ang estudyante ng dean!"Lalong namangha ang tatlo nang marinig nila ito.“Kuya Gerald, binibiro mo na naman ba kami? Ikaw ba talaga ang estudyante ng dean?” nagdududang tinanong ni Cyril habang nakatingin kay Gerald.“Alam kong hindi agad kayo maniniwala sa akin. Eto, may ipapakita ako sa inyo. Ito ang special wooden token na ibinigay sa akin ng dean. Kung hindi ka pa rin naniniwala sa akin, pwede mong tanungin si Master Ykink!"Habang nagsasalita si Gerald, kinuha niya ang espesyal na wooden token na ibinigay sa kanya ni Sumeru mula sa kanyang bulsa at ipinakita ito sa tatlo niyang kaibigan.Ngayong pinaniwalaan siya nina Nori, Zelig, at Cyril. Hindi nakakapagtaka na si Master Ykink ay magalang kay Gerald, dahil ang totoong dahilan pala nito ay siya na ang estudyante ng dean."Gerald, ang galing mo talaga! Ikaw na pa
"Mukhang gusto mo nang mamatay!"Galit na galit na sinabi ng lalaki.Habang sinasabi niya iyon ay hinampas niya ang kamao niya kay Gerald.Boom!Bago pa niya matamaan si Gerald, sinampal siya nito at pinalipad siya papunta sa mga lamesa.Bumagsak ang lalaki sa mesa at nahati ito sa dalawang parte.“Tumigil!”Sa sandaling iyon, isang seryosong boses ang narinig.Ang nagsalita ay walang iba kundi si Master Ykink.Pumasok siya sa pintuan at mabilis na naglakad papunta kay Gerald.Nang makita ang pagdating ni Master Ykink, natahimik ang lahat at hindi naglakas-loob na kumilos nang madalus-dalos. Napayuko pa ang ilang elite students sa sandaling ito.“Master Ykink!”Binati siya ng lahat ng mga tao na naroroon.Lumapit si Karsten kay Gerald at seryosong nagtanong, “Anong nangyari? Sinong nagsabi sa inyo na mag-away kayo dito sa canteen?"May special status si Gerald, ngunit kailangan pa rin niyang maging mahigpit sa harap ng ibang tao."Master Ykink, ang mga elite students ang
Gayunpaman, ang contest na ito ay hindi simple.Isinasagawa ng academy ang kaganapang ito bawat taon pagkatapos makakuha ng mga bagong estudyante. Ang layunin nito ay para subukan din ang tunay na kakayahan ng mga mag-aaral. Magkakaroon ng laban sa pagitan ng mga mag-aaral mula sa baguhan hanggang sa mga elite class.Hindi nagtagal, lumipas ang dalawang araw.Sa mismong araw na iyon isasagawa ang paligsahan sa Leicom Academy.Lahat ng tao sa akademya ay nagtipon sa plaza. Ang beginner class ay nakaupo sa east corner, ang intermediate class sa west corner, at ang elite class ay sa south corner.Si Gerald naman ay nakaupo sa tabi ni Dean Sumeru.Nagulat ang lahat nang makita nila si Gerald na nakaupo sa tabi ni Sumeru. Na-curious sila kung ano ang status niya para itrato siya na may paggalang.“Mga kapwa estudyante, ngayong araw isasagawa ang annual martial arts contest ng ating academy pagkatapos ng enrollment ng mga bagong estudyante. Gaya ng dati, ang mga mag-aaral mula sa tatl
"Ako ang lalaban!"Biglang may umalingawngaw na boses mula sa mga beginner students.Masyadong pamilyar ang boses na ito kay Gerald kaya napatingin agad siya sa direksyon ng boses.Si Zelig ang estudyanteng sumigaw.Hindi inaasahan ni Gerald na maglalakas-loob si Zelig na lumapit dahil masyadong malawak ang pinagkaiba ng lakas ng isang beginner at elite student."Ano ang pangalan mo?" Tumingin si Master Ykink kay Zelig at nagtanong.“Zelig Lear!” sinabi niya ang kanyang pangalan.Pagkatapos nito, lumabas ang isang estudyante mula sa elite class. Siya ay walang iba kundi si Lev Bayfield, na kamakailan lamang ay sumali sa elite class.Si Lev Bayfield at Zelig Lear ay parehong mula sa Jaellatra, ngunit si Lev ay mas malakas kaysa kay Zelig.Si Zelig ay kasalukuyang nasa Rune Realm, samantalang si Lev ay nakapasok na sa Sage Realm. Kaya naman, nagkaroon ng malaking agwat sa pagitan nila pagdating sa kanilang kapangyarihan.Ang mga labi ni Lev ay pumulupot pataas at ipinakita niya