Tatlong sunod-sunod na nagtanong si Nori kay Gerald.Napangiti si Gerald bago siya sumagot, “Mula ngayon, ang lugar na ito ang magiging bahay natin. Ako na ngayon ang estudyante ng dean!"Lalong namangha ang tatlo nang marinig nila ito.“Kuya Gerald, binibiro mo na naman ba kami? Ikaw ba talaga ang estudyante ng dean?” nagdududang tinanong ni Cyril habang nakatingin kay Gerald.“Alam kong hindi agad kayo maniniwala sa akin. Eto, may ipapakita ako sa inyo. Ito ang special wooden token na ibinigay sa akin ng dean. Kung hindi ka pa rin naniniwala sa akin, pwede mong tanungin si Master Ykink!"Habang nagsasalita si Gerald, kinuha niya ang espesyal na wooden token na ibinigay sa kanya ni Sumeru mula sa kanyang bulsa at ipinakita ito sa tatlo niyang kaibigan.Ngayong pinaniwalaan siya nina Nori, Zelig, at Cyril. Hindi nakakapagtaka na si Master Ykink ay magalang kay Gerald, dahil ang totoong dahilan pala nito ay siya na ang estudyante ng dean."Gerald, ang galing mo talaga! Ikaw na pa
"Mukhang gusto mo nang mamatay!"Galit na galit na sinabi ng lalaki.Habang sinasabi niya iyon ay hinampas niya ang kamao niya kay Gerald.Boom!Bago pa niya matamaan si Gerald, sinampal siya nito at pinalipad siya papunta sa mga lamesa.Bumagsak ang lalaki sa mesa at nahati ito sa dalawang parte.“Tumigil!”Sa sandaling iyon, isang seryosong boses ang narinig.Ang nagsalita ay walang iba kundi si Master Ykink.Pumasok siya sa pintuan at mabilis na naglakad papunta kay Gerald.Nang makita ang pagdating ni Master Ykink, natahimik ang lahat at hindi naglakas-loob na kumilos nang madalus-dalos. Napayuko pa ang ilang elite students sa sandaling ito.“Master Ykink!”Binati siya ng lahat ng mga tao na naroroon.Lumapit si Karsten kay Gerald at seryosong nagtanong, “Anong nangyari? Sinong nagsabi sa inyo na mag-away kayo dito sa canteen?"May special status si Gerald, ngunit kailangan pa rin niyang maging mahigpit sa harap ng ibang tao."Master Ykink, ang mga elite students ang
Gayunpaman, ang contest na ito ay hindi simple.Isinasagawa ng academy ang kaganapang ito bawat taon pagkatapos makakuha ng mga bagong estudyante. Ang layunin nito ay para subukan din ang tunay na kakayahan ng mga mag-aaral. Magkakaroon ng laban sa pagitan ng mga mag-aaral mula sa baguhan hanggang sa mga elite class.Hindi nagtagal, lumipas ang dalawang araw.Sa mismong araw na iyon isasagawa ang paligsahan sa Leicom Academy.Lahat ng tao sa akademya ay nagtipon sa plaza. Ang beginner class ay nakaupo sa east corner, ang intermediate class sa west corner, at ang elite class ay sa south corner.Si Gerald naman ay nakaupo sa tabi ni Dean Sumeru.Nagulat ang lahat nang makita nila si Gerald na nakaupo sa tabi ni Sumeru. Na-curious sila kung ano ang status niya para itrato siya na may paggalang.“Mga kapwa estudyante, ngayong araw isasagawa ang annual martial arts contest ng ating academy pagkatapos ng enrollment ng mga bagong estudyante. Gaya ng dati, ang mga mag-aaral mula sa tatl
"Ako ang lalaban!"Biglang may umalingawngaw na boses mula sa mga beginner students.Masyadong pamilyar ang boses na ito kay Gerald kaya napatingin agad siya sa direksyon ng boses.Si Zelig ang estudyanteng sumigaw.Hindi inaasahan ni Gerald na maglalakas-loob si Zelig na lumapit dahil masyadong malawak ang pinagkaiba ng lakas ng isang beginner at elite student."Ano ang pangalan mo?" Tumingin si Master Ykink kay Zelig at nagtanong.“Zelig Lear!” sinabi niya ang kanyang pangalan.Pagkatapos nito, lumabas ang isang estudyante mula sa elite class. Siya ay walang iba kundi si Lev Bayfield, na kamakailan lamang ay sumali sa elite class.Si Lev Bayfield at Zelig Lear ay parehong mula sa Jaellatra, ngunit si Lev ay mas malakas kaysa kay Zelig.Si Zelig ay kasalukuyang nasa Rune Realm, samantalang si Lev ay nakapasok na sa Sage Realm. Kaya naman, nagkaroon ng malaking agwat sa pagitan nila pagdating sa kanilang kapangyarihan.Ang mga labi ni Lev ay pumulupot pataas at ipinakita niya
Mabilis na nilabas ni Zelig ang kanyang espada upang protektahan ang kanyang sarili.“Cascading petals!” sigaw ni Lev.Ito ang pangalan ng move ni Lev at ang mga anino ng espada ay pumalibot sa iba’t ibang sulok mula sa langit na parang mga talulot ng bulaklak at ito ang dahilan kung bakit hindi matukoy ni Zelig kung saan ang kanyang espada.Pagkaraan ng ilang segundo, ang damit ni Zelig ay napunit mula sa espada at talagang nalito siya.Sa sandaling ito, alam na kung sino ang nanalo at natalo—masasabi na si Lev ang nanalo sa round na ito.“Sige, pwede na kayong tumigil. May nanalo na!”Sigaw ni Master Ykink at dineklara niya ang resulta ng labanan."Si Lev Bayfield mula sa elite class ang nanalo sa second round!"Kahit hindi ito tanggap ni Zelig at ayaw niyang umamin sa kanyang pagkatalo, ang kanyang kakayahan ay hindi talaga kasinghusay ni Lev, kaya ang magagawa lamang niya ay tanggapin ang resulta.“Hmph. Zelig Lear, binabalaan na kita ngayon na parati kang matatalo sa akin
Habang nakatingin ang lahat, dahan-dahang tumayo si Lev.Dire-diretsong naglakad si Lev papunta kay Gerald sa harap ng mga manonood.“Sinong mag-aakala na ako ang pipiliin mo. Mukhang mapupunta sa akin ang pagiging student of the dean!"Pinagtawanan ni Lev si Gerald.Hindi pa nila nasisimulan ang labanan, pero nagmamayabang na si Lev.Walang pakialam sa kanya si Gerald. Sa kanyang mga mata, si Lev ay isang walang kwentang tao kaya wala siyang pakialaman sa kanyang kayabangan.Ang mga malalakas ay palaging masikreto sa kanilang lakas at hindi nila ito ipinapakita. Isang kahangalan kung ipagmamayabang nila ang kanilang kapangyarihan na parang ginagawa ni Lev."Contenders, maghanda na kayo!"Nagsalita si Master Ykink at sumenyas siya kayla Gerald at Lev.Nang marinig ang mga tagubilin ni Master Ykink, agad na pinakita ni Lev ang isang fighting stance habang naghihintay siyang umatake anumang oras. Kapag sinimulan na ang laban, agad niyang susugurin si Gerald.Kalmado lamang si G
Matapos matuklasan ang may-ari ng boses, muling lumitaw ang kaguluhan sa gitna ng mga manonood.Ang lalaking pinag-uusapan ng lahat ay si Ray Leighton, ang pinakamahusay na estudyante sa elite class. Ang kanyang kakayahan ay umabot sa Seventh-soul-rank sa Sage Realm.Tumayo si Ray at naglakad patungo sa gitna ng plaza para tumayo sa harap ni Gerald, at itinuro niya ang lalaki habang sinasabi, “Ako si Ray Leighton, at gusto kitang hamunin. Kung manalo ka, kusang-loob akong makikinig at susundan ka. Kung manalo ako, kailangan mong umalis sa posisyon mong ito at maging isa sa mga tauhan ko!"Ang mga salita ni Ray ay napakayabang at domineering.Matapos makinig sa kanya, hindi naman nagalit si Gerald. Sa kabaligtaran, naisip niya na si Ray isang kawili-wiling tao.Ang isang tao na tulad ni Ray ay prangka at direct, tuwiran niyang ipinapahayag ang kanyang galit o poot sa halip na gumawa ng isang masamang bagay sa likod ng ibang tao. Ito ay karapat-dapat sa paggalang ng iba."Okay, tin
“Okay, tapos na ang battle test natin ngayon. Bukas na ang practice test sa Heaven Tower, sana makapagpahinga ang lahat ngayong gabi!"Pagkatapos ng araw, nagsimulang magdilim ang langit pagkatapos itong i-anunsyo ni Master Ykink.Umalis na ang lahat mula sa venue.Ang Heaven Tower ang pinakamalakas na challenge sa Leicom Academy at mayroong twenty levels.Hanggang ngayon, wala pa rin matagumpay na nakarating sa tuktok. Maging si Dean Sumeru ay nahinto sa eighteenth level habang ang apat na grand master ay tumigil sa seventeenth level.Ang bawat palapag ay may iba't ibang hamon para sa iba't ibang tao, kaya walang nakakaalam kung anong uri ng hamon ang ibibigay ng Heaven Tower. Kaya naman, walang sinuman sa kanila ay may kakayahang manloko.Noong gabing iyon, pinapunta si Gerald sa kwarto ni Sumeru."Dean, gusto mo daw akong makita?"Magalang na pumasok si Gerald sa kwarto habang tinanong niya si Sumeru na nagmumuni-muni sa meditation deck.Dahan-dahang iminulat ni Sumeru ang