Matapos matuklasan ang may-ari ng boses, muling lumitaw ang kaguluhan sa gitna ng mga manonood.Ang lalaking pinag-uusapan ng lahat ay si Ray Leighton, ang pinakamahusay na estudyante sa elite class. Ang kanyang kakayahan ay umabot sa Seventh-soul-rank sa Sage Realm.Tumayo si Ray at naglakad patungo sa gitna ng plaza para tumayo sa harap ni Gerald, at itinuro niya ang lalaki habang sinasabi, “Ako si Ray Leighton, at gusto kitang hamunin. Kung manalo ka, kusang-loob akong makikinig at susundan ka. Kung manalo ako, kailangan mong umalis sa posisyon mong ito at maging isa sa mga tauhan ko!"Ang mga salita ni Ray ay napakayabang at domineering.Matapos makinig sa kanya, hindi naman nagalit si Gerald. Sa kabaligtaran, naisip niya na si Ray isang kawili-wiling tao.Ang isang tao na tulad ni Ray ay prangka at direct, tuwiran niyang ipinapahayag ang kanyang galit o poot sa halip na gumawa ng isang masamang bagay sa likod ng ibang tao. Ito ay karapat-dapat sa paggalang ng iba."Okay, tin
“Okay, tapos na ang battle test natin ngayon. Bukas na ang practice test sa Heaven Tower, sana makapagpahinga ang lahat ngayong gabi!"Pagkatapos ng araw, nagsimulang magdilim ang langit pagkatapos itong i-anunsyo ni Master Ykink.Umalis na ang lahat mula sa venue.Ang Heaven Tower ang pinakamalakas na challenge sa Leicom Academy at mayroong twenty levels.Hanggang ngayon, wala pa rin matagumpay na nakarating sa tuktok. Maging si Dean Sumeru ay nahinto sa eighteenth level habang ang apat na grand master ay tumigil sa seventeenth level.Ang bawat palapag ay may iba't ibang hamon para sa iba't ibang tao, kaya walang nakakaalam kung anong uri ng hamon ang ibibigay ng Heaven Tower. Kaya naman, walang sinuman sa kanila ay may kakayahang manloko.Noong gabing iyon, pinapunta si Gerald sa kwarto ni Sumeru."Dean, gusto mo daw akong makita?"Magalang na pumasok si Gerald sa kwarto habang tinanong niya si Sumeru na nagmumuni-muni sa meditation deck.Dahan-dahang iminulat ni Sumeru ang
"Si Gerald kaya ang magiging bayani na magliligtas sa ating Leicom Continent?!"Nang makita ang liwanag ng bituin, hindi mapigilan ni Sumeru na mamangha.***Hindi nagtagal, bumalik si Gerald sa South Pavilion."Brother Gerald!"Pagdating pa lang niya sa pinto ay may narinig siyang pamilyar na boses mula sa likuran niya.Ang taong ito ay walang iba kundi si Ray Leighton, ang lalaking nakaaway niya kaninang hapon."Brother Ray, anong kailangan mo sa gabing ito?"Mabilis na nagtanong si Gerald nang makita niya na si Ray iyon, hindi niya inasahan na hahanapin siya ni Ray.“Hoho! Brother Gerald, gusto ko lang makipag-usap sayo. Gusto mo bang uminom?"Natutuwa si Ray habang inaalog ang bote ng beer sa kanyang kamay.Ngumiti naman si Gerald at tumango. “Oo naman. Pumasok ka!"Pagkatapos nito, inakay ni Gerald si Ray sa loob ng pavilion.Pagpasok nila sa pavilion, nakaupo sa loob si Nori at ang dalawa pa."Gerald, bumalik ka na!"Nang makitang dumating si Gerald, tumayo si Nori
Habang ibinababa ang mga tower door, hindi napigilan ni Gerald na tumingin sa paligid para subukan niyang tipunin ang kanyang mga movements. Gayunpaman, nahirapan siyang makakita sa kadiliman na ito... Habang si Gerald ay nag-iisip kung ano ang susunod na gagawin, isang sinag ng liwanag ang biglang lumitaw mula sa tore! Sa sobrang liwanag nito, ang liwanag ay parang isang umaalab na apoy... Hindi nagtagal bago lumabas sa liwanag ang isang lalaking nakasuot ng puting damit... Nang makita iyon, hindi napigilan ni Gerald na magtanong, “…Sino ka?” "Ako ang god of Astral Traveler sa Leicom Continent, at ang form na ito ay ang huling primordial spirit na naiwan ko sa Heaven Tower. Napatawag ako sa pagdating mo!" paliwanag ng primordial spirit habang nakatitig ito kay Gerald. "Ikaw ang god of Astral Traveler? Anong ibig mong sabihin pinatawag ka ng pagdating ko?" sagot ni Gerald nang bigla siyang natulala sa hindi inaasahan na pangyayari. Una sa lahat, tiyak na hindi niya inaasahan
Naisip lang niya na masyadong kakaiba para magkaroon siya ng kinalaman sa seguridad ng mundo. “…Sige, pero… Bakit ako?” tanong ni Gerald. "Ito ay dahil mayroong isang sinaunang bagay na nakatago sa loob ng iyong katawan. Kung mapapaunlad mo nang maayos ang bagay na iyon, paniguradong malalabanan mo si Masrus! Iyan ang dahilan kung bakit ikaw ang huling pag-asa ng mundo!" paliwanag ng god of Astral Traveler sa matiyagang tono. Naintindihan ni Gerald ang kanyang mga salita bago siya sumagot, “…At paano ko made-develop ang bagay na iyon?” Nang marinig iyon, pinagdikit ng diyos ng Astral Traveler ang kanyang mga kamay at lumabas ang isang uri ng scroll... Matapos maiabot ang scroll, napansin ni Gerald na may lalagyan ito. May kailangang ilagay sa loob nito para mabuksan ang scroll... "Ayan ang Scroll of Stars... Para ma-unlock ang mga sikreto nito, kailangan mo munang kumuha ng item na kilala bilang Scintillating Gem. Kahit na kaya mong mabuo o ma-develop ang iyong kalooban sa
Naramdaman ni Gerald ang napakalaking kapangyarihan na patuloy na dumadaloy sa kanyang elixir-of-life field, kaya mabilis siyang umupo sa sahig at nagsimulang ma-meditate. Habang nakapikit ang kanyang mga mata, sinubukan ni Gerald na paamuin ang napakalaking kapangyarihan sa kanyang katawan... Sa kanyang pagkadismaya, nabigo siyang gawin ito! Nabalisa siya ng sandali bago lumabas ang isang ideya habang iniisip niya, 'Teka, hindi ba may Heaven’s apple ako?' Mabilis na kinuha ni Gerald ang isang mansanas sa kanyang storage ring, saka niya ito kinagat. Pagkatapos niyang gawin ito, ang buong katawan niya ay agad na nakaramdam ng lamig at nakaramdam siya ng pagbabago! Hindi na mabilis ang daloy ng kapangyarihang bumabalot sa kanya kanina... Sa madaling salita, matagumpay na nalagpasan ni Gerald ang Ninth-soul-rank ng Sage Realm! Sa wakas ay nasa unang rank na siya ng Avatar Realm! Ang kanyang katawan na ngayon ay puno ng kapangyarihan at masasabi niya na mas malakas siya ngayon
Nang marinig iyon, ang apat na master ay lumingon kay Sumeru habang ang dean ay tumango naman. “Mukhang alam mo na ang lahat ngayon... Sa tingin ko ang ibig sabihin lamang nito ay ikaw talaga ang nakatadhanang tao para dito! Handa ka na bang gampanan ang responsibilidad na ito, Gerald?” tanong ni Sumeru habang nakatitig ng mabuti kay Gerald. "Handa na ako! Pagkatapos ko itong pag-isipan, pakiramdam ko ay kailangan nating unahin ang paghahanap ng Scintilating Gem!" determinadong sinabi ni Gerald. Binibigyan niya ng importansya ang gem dahil ito ang susi para mabuksan niya ang Scroll of Stars. Kasunod nito, sana ay mabilis na mabuo ni Gerald ang nakatagong kapangyarihan sa loob ng kanyang katawan upang magkaroon siya ng pagkakataon laban kay Masrus kapag lumitaw ito pagkatapos ng tatlong daang araw. "Malaya kang gumawa ng mga bagay base sa kagustuhan mo, pero kailangan mong tandaan na tumatakbo ang oras. Kung hindi mo mahanap ang gem matapos ang tatlong daang araw, ang tanging na
“…Payag akong sumali sa team mo, Gerald! Susundan kita kahit saan ka magpunta!" deklara ni Nori pagkatapos niyang mag-isip ng saglit. "Isama mo rin ako, Mr. Crawford!" "Handa kaming lahat na maging bahagi nito!" Nang makitang tumayo na si Nori, naramdaman nila Zelig, Cyril, at Ray na gawin din iyon. Naantig si Gerald nang makita niya ang gesture ng kanyang apat na kaibigan. Naisip niya noong una na wala ni isa sa kanila ang sasama sa kanya. Kung tutuusin, ang apat na tao ay hindi pa niya matagal na kakilala. Dahil dito, alam ni Gerald na masyadong mahirap para sa kanila na ipagsapalaran ang kanilang buhay para lang matulungan siya. Ngayong lahat sila ay sumang-ayon nang walang pagdadalawang isip, ipinakita nito kay Gerald na tunay nilang tinuturing siyang kaibigan. Sa katunayan, ipinakita rin nito na malaki ang tiwala ng mga ito sa kanya. “…Salamat... sa inyong lahat. Kahit na gusto kong maging sentimental, hindi dapat tayo magsayang ng oras. Kailangan nating magmadali at