Walang problema rin para kay Gerald na makalampas sa bangin na ito. Pagkaraan ng ilang hakbang paatras, sumugod si Gerald bago siya tumalon ng mataas! Makalipas ang ilang segundo, lumapag ang lalaki sa tabi mismo ng Quest! Nang makita iyon, napanganga si Quest at ang iba pa. Napakahusay niya para tumalon ng napakataas! Siya talaga ay isang tao na nagsasanay upang makamit ang spiritual enlightening! Nang makabawi sila sa kanilang pagkagulat, ang iba naman ay mabilis na nagsimulang umakyat din sa lubid... Karamihan sa kanila ay nakaakyat na sa bangin nang biglang may narinig na dagundong ng kulog! Ang panahon ay nagsimulang magbago nang napakabilis at maya-maya lang, natakpan ng maitim na ulap ang bawat pulgada ng kalangitan... Dahil sa biglaang pagbabago ng panahon, si Patrick ay mabilis na sumigaw sa lahat, determinado siya na hindi siya ang huling makakaalis sa lubid, “Bilisan niyong lahat” Nang makaakyat na ang lahat, mabilis ding umakyat si Patrick sa lubid... Ang pr
Nag-squat ng sandali si Patrick para suriin ang naiwang campfire na puno ng abo, “... Bago pa ito. Ang mga nagsindi ng apoy ay dapat na nanatili rito mga dalawang araw na ang nakalipas!" Nang marinig iyon, nagkatinginan sina Gerald at Quest. Magandang balita ito! Kung tutuusin, kahit papaano ay napatunayan nito na buhay pa ang adventure team two days ago! “…Sige, sumilong muna tayo dito ng sandali. Itutuloy natin ang ating paglalakbay kapag natapos na ang snowstorm!" sabi ni Quest habang nilalapag ang kanyang backpack bago siya umupo para hindi niya masayang ang kanyang energy. Ganoon din ang ginawa ng iba, ngunit pinili ni Gerald na ipagpatuloy ang pag-inspeksyon sa paligid ng bangin. Maya-maya pa, tinawag ni Gerald sina Quest at Patrick. "Mr. Leane at Captain Wang, nag-scout ako sa paligid ng kaunti at nalaman kong wala na tayong ibang madadaanan. Ang paraan para umakyat sa bundok mula sa puntong ito ay sa pamamagitan ng pag-akyat. Tumingin kayo doon. Kung titingnan mo ito ng
Pagkatapos nila magpaalam kay Patrick at sa iba pa, sina Gerald at Quest ay nagsimulang umakyat sa natitirang bahagi ng holy mountain. Madalas na malakas pa rin ang bugso ng snow, na may paminsan-minsang nagyeyelong bugso ng hangin, pero papaano ay nakahanap pa rin ng paraan sina Gerald at Quest na makapunta sa ibaba ng bangin. Sa madaling salita, mayroon silang kaunting kontak lamang sa snowstorm. Habang naglalakad sila, bigla naman napatanong si Quest, "Ano sa tingin mo ang tsansa na na mabuhay ang adventure team, Gerald?" "Hindi ako sigurado kung kakayanin nila ito, pero sa palagay ko ay buhay pa rin sila. Sa tingin ko na-trap sila sa isang lugar sa bundok na ito!" may pag-asa na sinabi ni Gerald. Umaasa si Gerald na buhay pa sila. Hindi niya kayang isipin na mamamatay si Nori sa snowstorm na ito. Napailing lamang siya sa kanyang iniisip at pagkatapos nito ay nagtanong siya, "Kamusta na ang progress natin, Mr. Leane?" "Base sa estimation ko, sa tingin ay nasa seven thous
Nang marinig iyon, ipinikit na lang ni Gerald ang kanyang mga mata ng tahimik. Ipinakalat niya ang kanyang divine sense upang suriin ang natitirang bahagi ng tuktok ng bundok... Nakakalungkot dahil ang range ng kanyang holy sense ay limitado, kaya't siya ay nakapag-scan lamang ng hanggang ilang daang talampakan. Kahit papaano ay malawak iyon, pero hindi pa rin mahanap ni Gerald ang anumang bakas ng adventure team pagkatapos ng mahabang panahon. Sa kalaunan, nagtanong sa kanya si Quest, "...Sa palagay mo ba ay wala na ang adventure team dahil... umakyat sila sa mas mataas na bahagi ng bundok...?" Lumingon si Gerald kay Quest nang marinig niya iyon. Ang mga sinabi niya ay parang kalokohan, ngunit malaki ang posibilidad na totoo ito. Walang bakas ng nawawalang adventure team dito, kaya ang tanging paraan na mahanap sila — nang hindi nakasalubong ang rescue team sa kanilang pag-akyat — ay ang magpatuloy pataas ng bundok... “…Baka nga. Nandito naman na tayo, kaya umakyat pa tayo ng
Natuwa si Nori nang marinig niya iyon. Kung tutuusin, ang pagpunta ni Gerald dito para lang iligtas siya ay nangangahulugan na may malasakit ang lalaki sa kanya. Gayunpaman, hindi niya talaga inaasahan na pupunta siya dito dahil sigurado si Nori na hindi pa niya nabanggit kay Gerald ang kanyang adventure papunta sa holy mountain.. Dahil dito, biglang nagtanong si Nori, “…Paano mo nalaman na nandito ako?” "Well, nalaman ko ito noong pumunta ako sa iyong manor at sinabi ito sa akin ng tatay mo," sagot ni Gerald. "Ganoon ba... Pero teka lang, hindi ba nagambala ang iyong talisman crafting training kasama si Master Hunt dahil sa pagpunta mo dito?" nag-aalalang tinanong ni Nori. Kung tutuusin, hindi naging madali para kay Gerald na matanggap bilang disciple niya noong una. Dahil doon, umaasa si Nori na hindi siya ang dahilan kung bakit nawalan ng pagkakataon si Gerald na magpatuloy sa pagiging disciple ni Master Hunt. Pero nagulat siya dahil ngumiti lamang si Gerald bago niya ma
"Masaya akong marinig iyan! Sumasang-ayon ako sayo, mas mabuti kung mas maaga tayong umalis!" sagot ni Gerald. Pagkatapos nilang malaman na mabuti ang kalagayan ng expedition team, kailangan nilang magsimulang mag-hiking pababa sa parehong paraan na tinahak nila papunta dito upang muling makasama ang natitirang bahagi ng rescue team. Kapag tapos na iyon, magsisimula na silang bumaba sa bundok... Curious pa rin si Gerald tungkol sa thousand year old panax ginseng, pero ayaw niyang ipagsapalaran ang buhay ng lahat para lang hanapin ito. Wala rin namang patunay na kaya nitong buhayin ang mga patay. Kaya nagsimula na ang adventure team na bumaba ng bundok. Ang pagbaba ng bundok ay palaging mas madali kaysa sa pag-akyat. Nakatulong pa na sina Gerald at Quest ay tumutulong sa kanila, kaya ang paglalakbay pababa ay naging mas madali. Tumagal lamang ng kalahating oras ang grupo para bumaba sa kalahati ng bundok. Sampung minuto bago muli nilang nakasama ang grupo ni Patrick. Gayunpaman,
Nakakalat sa paligid niya ang mga bangkay ng mga puting wolf na namatay nang mahulog sila. Masyadong matigas ang katawan ni Gerald, kaya hindi na nakapagtataka kung bakit buhay pa siya at halos hindi rin siya nagkaroon ng anumang pinsala! Dahil doon, hindi nagtagal bago siya dahan-dahang nagising... Sinuri ni Gerald ang kanyang katawan kung meron siyang mga sugat at natuwa siya nang malaman niyang maayos ang kanyang katawan. Pagkatapos tumalon mula sa mga makakapal na bush, kinuha ni Gerald ang kanyang maliit na kutsilyo at sinimulang hiwain ang karne sa mga puting wolf. Dahil hindi niya alam kung hanggang kailan siya mananatili dito, alam ni Gerald na kailangan niyang mag-imbak ng pagkain habang kaya pa niya. Nang makapag-ipon siya ng sapat na karne, nagsimula siyang maglakad-lakad para matipon ang kontrol sa kanyang katawan. Ang nasaksihan niya sa kanyang paglalakad ay isang magandang utopia. Nakatitig siya sa sobrang pagkamangha at ito ang unang pagkakataon na nakakita si
Nanlaki ang mga mata ni Gerald nang marinig niya iyon. Bagaman naisip niyang mali ang narinig niya, pero napagtanto niya kaagad na hindi iyon ang nangyari. Dalawang libong taon... Ang mukhang dalagang babae na ito ay hindi bababa sa dalawang libong taong gulang...! Nakakatakot! Dito pa siya nakatira at hindi siya nakikita sa loob ng maraming tao! Anong klaseng tao si June...? Kung hindi siya nahulog sa valley, malamang hindi ito malalaman ni Gerald... Nakita ni June na walang masabi si Gerald, kaya kinuha niya ang pagkakataong magtanong, “Tama na ang tungkol sa akin... Bakit ka pumunta sa holy mountain?" Nang marinig iyon, naalala ni Gerald kung bakit si Nori at ang iba pa ay umakyat sa bundok noong simula pa lamang kaya sumagot siya, "Nagpunta ako dito para maghanap ng isang ancient herbal medicine na kilala bilang thousand year old panax ginseng!" “Pumunta ka dito para hanapin ang halamang iyon…? Para saan mo ito gagamitin? Sinusubukan mo bang gumawa ng rejuvinating pellet?