Nagulat si Gerald. Huminto siya upang tingnan kung ano ang kanilang ginagawa. "Ikaw! Ipakita mo sa akin ang iyong entrance ticket ngayon din!"Sobra ang galit ni Ted Lopez. Sa totoo lang, si Gerald ay hindi mukhang isang mayamang binata. Duda siya kanina na maaaring ito ay isang pagkakamali, ngunit pagkatapos tingnan ang damit ni Gerald, tiyak na hindi ito isang pagkakamali! Hanggang sa buto ang galit sa kanya si Ted. "Hindi mo ba tiningnan ang aking entrance ticket kanina!" Turo ni Gerald sa babaeng receptionist. "Kung hindi ko ito tiningnan, paano ko malalaman na ang isang loser na tulad mo ay lumusot lang dito!" "Mr Zimmerman, ito ang taong sinasabi ko sayo, sa palagay ko kinuha niya ang iyong entrance ticket!" Sigaw sa kanya ni Hadley. Matapos sabihin iyon, lumapit siya kay Gerald at inagaw ang ticket mula sa kanyang mga kamay. "Geez, ang mundo ay talagang malaki at maraming uri ng mga tao, ang mga taong tulad mo ay talagang nakaisip na pwede kang sumali sa cruise
Alam ni Gerald ang ibig sabihin ni Elena kahit na hindi niya ito isipin! Tiyak na sinusubukan ni Elena na magpanggap na boyfriend niya si Gerald para harapin ang pinsan niya. Si Gerald may kasanayan na sa pagpapanggap, gayundin ang pagpapanggap bilang isang boyfriend. "Gerald, please, nagmamakaawa ako sayo, please magpanggap ka bilang boyfriend ko. Si Aiden at ang iba pa ay mukhang mga gangster; hindi sila tulad mo na isang gentleman. Ikaw ang pinakamahusay na kandidato para sa akin. Kung hindi mo ako tutulungan, tiyak na sasabihin sa akin ng pinsan ko na makipagkita sa lalaking iyon at ayokong makilala siya!" pagmamakaawa ni Elena. Kahit na gustong tumanggi ni Gerald, talagang wala siyang mahahanap na dahilan para gawin ito.Kung tutuusin, ilang beses na siyang tinulungan ni Elena at ngayon ay hinihiling lang ni Elena na ibalik ang pabor.Ito ay isang simpleng kahilingan at nakakahiya kung tatanggi siya. "O sige!" Tumango si Gerald at pumayag. Matapos ibaba ang tawag, h
"Boyfriend mo ba siya, Elena?" Pagpasok sa bahay, isang grupo ng mga kabataang lalaki at babae na may halos kaparehong edad ang lumapit sa kanila bago pa man magsalita ang mga matatanda. Ang bawat isa sa kanila ay nagmasid at hinusgahan si Gerald. Hindi nagtagal bago ibunyag ng mga taong ito ang kanilang isip. 'Wow, napakaganda ni Elena at nakakatakot pala ang taste niya sa lalaki? Halata namang hindi sila bagay ng boyfriend niya!'"Elena, yayayain ka sana namin na samahan kami sa cruise party, pero palagi mong sinasabi na mayroon kang dapat gawin. Hmmm, kaya siguro dinala mo ang boyfriend mo!" sabi ng isa sa mga babae. "Oo, pero nagkataon lang talaga... pwede kaming sumama!" Ngumiti si Elena at hinawakan ang kamay ni Gerald, hindi ito binitawan kahit minsan. Wala sa kanyang mga pinsan ang sumalubong kay Gerald. Alam ni Elena na mababa rin ang tingin nila sa kanya. Gayunpaman, hindi siya naglakas-loob na ibunyag ang pagkatao ni Gerald nang walang pahintulot. Nang makita
"Tita, huwag mong sabihin yan!" Pinandilatan siya ni Elena ng nanlaki ang mga mata niya. Hindi talaga niya inasahan na ang mga malulupit na salitang iyon ay lalabas sa bibig ng kanyang tita. Wala talaga siyang ideya kung sino ang taong nakatayo sa harapan niya. Siya ang tunay na isang magaling na tycoon at isang mahusay na patron ng pamilyang Larson! Medyo nagulat si Elena. Matapos pagalitan ng husto, medyo kinabahan si Gerald. Namanhid siya sa mga salita at panunuya na binato sa kanya. Handa pa si Ruby na awayin si Gerald. Gusto niyang ipaintindi kay Gerald na kailangan niyang lumayo kay Elena. Biglang tumunog ang kanyang cellphonw at kinuha niya ito upang sagutin ang tawag. "Oh? Dickson Wayward? Ha? Hindi ba sinabi kong hahayaan kita sa susunod? Ano? Nasa pintuan ka na? Okay, okay, pupuntahan kita ngayon!" Ang tawag ay mula kay Dickson Wayward. Sinabi na sa kanya ni Ruby na hindi siya pupunta ngayon. Ngunit sino ang nakakaalam na pipilitin pa rin ni Dickson na pu
"So sinasabi mo na galing ka rin sa Sunnydale University? Hindi pa kita nakikita doon!"Si Dickson ay nakangiti sa buong oras na naguusap sila. "Hindi. Galing ako sa Mayberry University." Alam ni Gerald kung paano manatiling kalmado kahit anong klaseng ugali ang ibinibigay sa kanya ng ibang tao. “Magandang eskwelahan ang Mayberry University. Anyways, ano ang ginagawa ng pamilya mo? Paano mo nagawang mahulog sayo si Elena?" Tanong ni Dickson. "Well, Dickson, sasabihin ko ito sayo. Galing siya sa isang maliit na bayan at ang kanyang pamilya ay nagpapatakbo ng isang maliit na grocery store! Paanong hindi mo ito malalaman? Tingnan mo naman ang pananamit." Sagot ni Amber. Ang pinakamataas na state ng kamangmangan ay ang pagpapanggap na wala ang isang tao kahit na nasa harapan mo lang siya. Kahit na ito ay nakakasakit, wala talagang tumuturo sa maling ito. Ginagawa na iyon ni Amber kay Gerald, at ipinakita nito kung gaano niya minamaliit ang lalaking ito. "Oh, siguro ay naging ma
Pinagmayabang ni Dickson ang koneksyon ng kanyang pamilya sa Mayberry sa kanilang pag-uusap habang inaasar niya si Gerald.Totoo na medyo nagagalit na si Gerald. Sa puntong ito, talagang gugustuhin niyang suntukin si Dickson sa kanyang mukha. Ang nagawa lang ni Dickson ay ang magpakitang-gilas lang at magmaliit ng mga tao. Maliban sa mga bagay na iyon, wala na siyang iba pang ginawa pa. Ang pagtitipon ng pamilya noong hapon na iyon ay lubos na kakila-kilabot. Pinagpatuloy nila ang pag-uusap pagkatapos ng tanghalian, at maya-maya pa ay hapon na. Gising na mula pa kaninang madaling araw si Gerald at nagsisimula na siyang mapagod. Biglang sumigaw si Amber na ikinagulat ni Gerald. “Dickson, Elena. Malapit nang mag five ng hapon at ang party ay malapit nang magsimula! Humanda na tayo ngayon. Hindi magandang ma-late!" “Tama! Kung tutuusin, si Yoel Holden ang nag-organize nito. Dapat hindi tayo ma-late! ” Sinabi ni Dickson. “O sige, tara na at umalis na tayo ngayon. Dickson, pa
Ang ilang mayayamang binata ay kumaway kay Dickson nang makarating sila.Lahat sila parang magkakilala. “Wow, ang mga kaibigan ko ay nandito. Halika, Elena. Hayaan mong ipakilala ko sila sayo! ” Sinabi ni Dickson. Ang mga kaibigan niya ay naglalaro habang kumakain at umiinom, lahat sila ay masayang nagtatawanan. Pagod na pagod na si Gerald, wala sa mood na makipag-usap pa sa mga bagong tao. Talagang kailangan niya ng isang lugar upang makapagpahinga, pagkatapos nito ay aalamin niya kung saan nagpunta si Aiden at ang iba pa. “Sige lang. Pupunta lang ako sa banyo. 'Wag niyo na akong hanapin!" Sinabi sa kanila ni Gerald at iniwan niya sila. "Talaga bang papunta lang siya sa banyo, o nahihiya siyang ipaalam sa sinuman na siya ay mula sa isang mahirap na pamilya?" “Oo nga eh, tama! Hindi niya alam kung anong klaseng social setting ito? At malamang na nagsisisi siya ngayon!" Pinag-uusapan siya ng lahat. Gusto ni Elena na sundan si Gerald, ngunit alam niya na sobrang niyanh naa
Ang mga batang babae na nakabihis ng bikini ay naglalaro ng volleyball sa tabi ng beach habang si Gerald ay nakahiga sa upuan. Pagod na pagod siya at hindi niya sigurado kung saan siya nakatingin, ngunit ang mga dalaga ay nagkaroon ng maling ideya. Akala nila nakatingin siya sa kanila na may malaswang pag-iisip. Noong una, naisip ng mga dalaga na maging exposed sa mga lalaki dahil nandito sila upang magsaya, ngunit ang lalaking nakatingin sa kanila ay masyadong hindi kanais-nais. Nag-daydream pa si Gerald habang pinapanood ang mga babae! Akala ng mga dalaga na alam nila kung ano ang nangyayari at nakaramdam sila ng pagkasuklam. “Tingnan mo! Kadiri talaga siya, at nasasabik siya habang nakatingin sa amin!" “Siguro nakatingin siya kay Crystal. Ang suot kasi ni Crystal ngayon ay mas daring kaysa sa dati niyang mga damit. Kahit ang mayamang binata na dumaan ay sinusubukang makakuha ng picture sa kanya. Narinig niya na malapit si Crystal kay Yoel Holden, kaya agad itong umatras!