Pinagmayabang ni Dickson ang koneksyon ng kanyang pamilya sa Mayberry sa kanilang pag-uusap habang inaasar niya si Gerald.Totoo na medyo nagagalit na si Gerald. Sa puntong ito, talagang gugustuhin niyang suntukin si Dickson sa kanyang mukha. Ang nagawa lang ni Dickson ay ang magpakitang-gilas lang at magmaliit ng mga tao. Maliban sa mga bagay na iyon, wala na siyang iba pang ginawa pa. Ang pagtitipon ng pamilya noong hapon na iyon ay lubos na kakila-kilabot. Pinagpatuloy nila ang pag-uusap pagkatapos ng tanghalian, at maya-maya pa ay hapon na. Gising na mula pa kaninang madaling araw si Gerald at nagsisimula na siyang mapagod. Biglang sumigaw si Amber na ikinagulat ni Gerald. “Dickson, Elena. Malapit nang mag five ng hapon at ang party ay malapit nang magsimula! Humanda na tayo ngayon. Hindi magandang ma-late!" “Tama! Kung tutuusin, si Yoel Holden ang nag-organize nito. Dapat hindi tayo ma-late! ” Sinabi ni Dickson. “O sige, tara na at umalis na tayo ngayon. Dickson, pa
Ang ilang mayayamang binata ay kumaway kay Dickson nang makarating sila.Lahat sila parang magkakilala. “Wow, ang mga kaibigan ko ay nandito. Halika, Elena. Hayaan mong ipakilala ko sila sayo! ” Sinabi ni Dickson. Ang mga kaibigan niya ay naglalaro habang kumakain at umiinom, lahat sila ay masayang nagtatawanan. Pagod na pagod na si Gerald, wala sa mood na makipag-usap pa sa mga bagong tao. Talagang kailangan niya ng isang lugar upang makapagpahinga, pagkatapos nito ay aalamin niya kung saan nagpunta si Aiden at ang iba pa. “Sige lang. Pupunta lang ako sa banyo. 'Wag niyo na akong hanapin!" Sinabi sa kanila ni Gerald at iniwan niya sila. "Talaga bang papunta lang siya sa banyo, o nahihiya siyang ipaalam sa sinuman na siya ay mula sa isang mahirap na pamilya?" “Oo nga eh, tama! Hindi niya alam kung anong klaseng social setting ito? At malamang na nagsisisi siya ngayon!" Pinag-uusapan siya ng lahat. Gusto ni Elena na sundan si Gerald, ngunit alam niya na sobrang niyanh naa
Ang mga batang babae na nakabihis ng bikini ay naglalaro ng volleyball sa tabi ng beach habang si Gerald ay nakahiga sa upuan. Pagod na pagod siya at hindi niya sigurado kung saan siya nakatingin, ngunit ang mga dalaga ay nagkaroon ng maling ideya. Akala nila nakatingin siya sa kanila na may malaswang pag-iisip. Noong una, naisip ng mga dalaga na maging exposed sa mga lalaki dahil nandito sila upang magsaya, ngunit ang lalaking nakatingin sa kanila ay masyadong hindi kanais-nais. Nag-daydream pa si Gerald habang pinapanood ang mga babae! Akala ng mga dalaga na alam nila kung ano ang nangyayari at nakaramdam sila ng pagkasuklam. “Tingnan mo! Kadiri talaga siya, at nasasabik siya habang nakatingin sa amin!" “Siguro nakatingin siya kay Crystal. Ang suot kasi ni Crystal ngayon ay mas daring kaysa sa dati niyang mga damit. Kahit ang mayamang binata na dumaan ay sinusubukang makakuha ng picture sa kanya. Narinig niya na malapit si Crystal kay Yoel Holden, kaya agad itong umatras!
Dinaganan ng mga dalaga si Gerald sa mabuhanging beach. "Subukan mo akong bastusin, walang kwentang magsasaka ka lang! Tapos ka na pagdating ni Yoel dito!" Kinutya siya ni Crystal. Inabot ng isang dalaga kay Crystal ang isang bathrobe para magtakip. “Guys! May sasabihin ako. May isang grupo ng mga dalaga ang nakikipag-away sa isang lalaki doon!"“Ha? Anong nangyari?" "Isang manyak na lalaki ang nakatingin sa mga babae na naka-bikini na naglalaro ng volleyball. Nagalit sila dahil nakatitig siya sa kanila kaya lumaban sila!" "Tingnan natin ito!" Ang mga tao ay pupunta sa kabilang bahagi ng beach matapos marinig ang nangyari. Narinig nina Dickson, Amber, at Elena ang tungkol dito sa gitna ng barbeque at agad na naglakad papunta doon. "Elena at Amber, tara at tingnan natin. Gusto ko talagang makita kung sinong binugbog ng mga babae." Si Elena ay ayaw sumunod sa kanila noong una, ngunit gusto niyang umalis pa rin para alamin kung si Gerald ay bumalik na sa hotel. Tumang
Si Yoel Holden ay anak ng pinakamayamang tao sa County State. Leader din siya ng mga mayayamang kabataan sa paligid ng buong distrito ng Gangnam. Hindi lamang iyon, maraming mga dalaga ang nagmamahal sa kanya, lahat ay umaasang magkakaroon sila ng perpektong pagkakataon na makipagkita sa kanya balang araw. Naisip nila na baka mahulog ang loob ni Yoel sa kanilang kagandahan balang araw. Ngunit ang lahat ng ito ay mga pangarap lamang dahil si Yoel Holden ay hindi isang tao na napakadali nilang makuha. Umungol ang busina ng cruise ship ay habang dumadaong ito sa port.Ang mga pinto ng cabin ay binuksan, at bumaba si Yoel kasama ang mga babae sa kanyang kaliwa at kanan. Hindi siya kagwapuhan, hindi rin siya matangkad, kahit na medyo mataba, ang mga magagandang babae ay patuloy na sumisigaw para sa kanya, "Ang hot niya!" Si Amber ang pinakamalakas na sumigaw sa kanilang panig, inaasahan na makuha ang pansin ni Yoel. Si Dickson naman ay nakatitig sa kanya sa sobrang inggit.
“Dickson, talaga bang makapangyarihan si Gerald?” Laking gulat ni Amber.“Kelan ko lang din narinig ang tungkol sa lalaking ito, na malaki ang kanyang potensyal. Ngayon na napagtanto ko na, umunlad lang ang pamilya ni Holden dahil sa ate ni Gerald!” Nagpamewang si Gerald habang nagpapaliwanag sa lahat ng tao. “Grabe! Ibig sabihin ba neto makikita natin kung sino talaga yung Gerald na ‘yun?” Sobrang nasabik si Amber.Sa mga sandali din na iyon, tinignan ni Yoel si Aiden. “Aiden, nasan si Gerald?” tanong niya.Dati buong pangalan ang tawag ni Yoel kay Aiden, ngunit ng malaman niya na malapit na magkaibigan sina Aiden at Gerald, tinatawag niya na si Aiden sa pangalan nito. Bagamat kahit gaano kadalas banggitin ang kanyang pangalan, malaki padin ang pagitan nilang dalawa.“Matagal na siyang nakarating, pero siguro lumabas lang siya!” Sabi ni Aiden habang hinahanap sa paligid si Gerald.“Yoel, dapat ba hanapin natin siya sa hotel? Hindi natin dapat pinaghihintay si Gerald dahil isa s
“Ano? Siya si Mr. Crawford?!”Nang marinig nila ang sinabi ni Aiden, agad tumingin ang tao sa paligid sa kanilang direksyon dahil sa pagkabigla.Nanlaki ang mga mata ni Dickson at napanganga si Amber dahil hindi sila makapaniwala.“Uy pre, ikaw ba ang aking godbrother na si Gerald Crawford?” Tanong ni Yoel habang nag-aalala. Hindi niya inasahan kailanman na ganito niya matatagpuan si Gerald.“Oo, ako nga!” Sagot ni Gerald habang hirap na hirap tumayo. Dumaing muna siya ng ilang sandali bago huminga ng malalin. Namanhid ang kanyang buong katawan dahil sa bigat ng magagandang babae na dumagan sa kanya.“Baka naman pwedeng may tumulong sakin tumayo!”olongapo“Ah nako! Mr. Crawford, Mr. Crawford!”Napatunganga ang magagandang babae na nakatayo sa tabi ni Gerald. Halos hindi na marinig si Gerald sa lakas ng kanilang tili.Natakot si Elena at halos tumigil ang kanyang puso sa kanyang nakita. Gayunpamanan, agad agad niyang pinuntahan si Gerald para tulungan na makatayo.Nagkaalitan n
Wala ng balak na palagpasin ni Gerald ang mga babae. Hindi pwedeng makakawala nalang sila!“Simple lang gusto ko. Bilang parusa, lalaban tayo ng mga babae sa isang volleyball match habang nakabikini!” Diretsong sagot ni Gerald.“Ano? Yun lang? Ganon lang kasimple? Sagot ni Crystal habang nagagalak.Agad na nag-overthink si Crystal, “Marahil ay naawa sakin si Mr. Crawford at nagpasya siya na patawarin ako? Sa malamang oo dahil napaka-ganda ko. Sino ang hindi mabibighani sa ganda ko?”"Siyempre hindi mo gagawin ito dito! Mapupunta ito sa pinakatanyag na kalye ng Rivington City! ” sagot ni Gerald.Nag-blangko ang isip ni Crystal. Gulat na gulat siya ng malakas na sigaw. Napakahiya naman nito!"Hmph, dapat kang magpasalamat kay G. Crawford para sa parusa! Sige, dumidilim na ngayon, at marami na ang umalis. Magkita tayo sa tanghali bukas ng tanghali sa pinakasikip na kalye ng Rivington City. Mag-aayos ako ng laban sa volleyball! ” Inanunsyo ni Yoel bago bigyan si Gerald ng isang nudge