"Boyfriend mo ba siya, Elena?" Pagpasok sa bahay, isang grupo ng mga kabataang lalaki at babae na may halos kaparehong edad ang lumapit sa kanila bago pa man magsalita ang mga matatanda. Ang bawat isa sa kanila ay nagmasid at hinusgahan si Gerald. Hindi nagtagal bago ibunyag ng mga taong ito ang kanilang isip. 'Wow, napakaganda ni Elena at nakakatakot pala ang taste niya sa lalaki? Halata namang hindi sila bagay ng boyfriend niya!'"Elena, yayayain ka sana namin na samahan kami sa cruise party, pero palagi mong sinasabi na mayroon kang dapat gawin. Hmmm, kaya siguro dinala mo ang boyfriend mo!" sabi ng isa sa mga babae. "Oo, pero nagkataon lang talaga... pwede kaming sumama!" Ngumiti si Elena at hinawakan ang kamay ni Gerald, hindi ito binitawan kahit minsan. Wala sa kanyang mga pinsan ang sumalubong kay Gerald. Alam ni Elena na mababa rin ang tingin nila sa kanya. Gayunpaman, hindi siya naglakas-loob na ibunyag ang pagkatao ni Gerald nang walang pahintulot. Nang makita
"Tita, huwag mong sabihin yan!" Pinandilatan siya ni Elena ng nanlaki ang mga mata niya. Hindi talaga niya inasahan na ang mga malulupit na salitang iyon ay lalabas sa bibig ng kanyang tita. Wala talaga siyang ideya kung sino ang taong nakatayo sa harapan niya. Siya ang tunay na isang magaling na tycoon at isang mahusay na patron ng pamilyang Larson! Medyo nagulat si Elena. Matapos pagalitan ng husto, medyo kinabahan si Gerald. Namanhid siya sa mga salita at panunuya na binato sa kanya. Handa pa si Ruby na awayin si Gerald. Gusto niyang ipaintindi kay Gerald na kailangan niyang lumayo kay Elena. Biglang tumunog ang kanyang cellphonw at kinuha niya ito upang sagutin ang tawag. "Oh? Dickson Wayward? Ha? Hindi ba sinabi kong hahayaan kita sa susunod? Ano? Nasa pintuan ka na? Okay, okay, pupuntahan kita ngayon!" Ang tawag ay mula kay Dickson Wayward. Sinabi na sa kanya ni Ruby na hindi siya pupunta ngayon. Ngunit sino ang nakakaalam na pipilitin pa rin ni Dickson na pu
"So sinasabi mo na galing ka rin sa Sunnydale University? Hindi pa kita nakikita doon!"Si Dickson ay nakangiti sa buong oras na naguusap sila. "Hindi. Galing ako sa Mayberry University." Alam ni Gerald kung paano manatiling kalmado kahit anong klaseng ugali ang ibinibigay sa kanya ng ibang tao. “Magandang eskwelahan ang Mayberry University. Anyways, ano ang ginagawa ng pamilya mo? Paano mo nagawang mahulog sayo si Elena?" Tanong ni Dickson. "Well, Dickson, sasabihin ko ito sayo. Galing siya sa isang maliit na bayan at ang kanyang pamilya ay nagpapatakbo ng isang maliit na grocery store! Paanong hindi mo ito malalaman? Tingnan mo naman ang pananamit." Sagot ni Amber. Ang pinakamataas na state ng kamangmangan ay ang pagpapanggap na wala ang isang tao kahit na nasa harapan mo lang siya. Kahit na ito ay nakakasakit, wala talagang tumuturo sa maling ito. Ginagawa na iyon ni Amber kay Gerald, at ipinakita nito kung gaano niya minamaliit ang lalaking ito. "Oh, siguro ay naging ma
Pinagmayabang ni Dickson ang koneksyon ng kanyang pamilya sa Mayberry sa kanilang pag-uusap habang inaasar niya si Gerald.Totoo na medyo nagagalit na si Gerald. Sa puntong ito, talagang gugustuhin niyang suntukin si Dickson sa kanyang mukha. Ang nagawa lang ni Dickson ay ang magpakitang-gilas lang at magmaliit ng mga tao. Maliban sa mga bagay na iyon, wala na siyang iba pang ginawa pa. Ang pagtitipon ng pamilya noong hapon na iyon ay lubos na kakila-kilabot. Pinagpatuloy nila ang pag-uusap pagkatapos ng tanghalian, at maya-maya pa ay hapon na. Gising na mula pa kaninang madaling araw si Gerald at nagsisimula na siyang mapagod. Biglang sumigaw si Amber na ikinagulat ni Gerald. “Dickson, Elena. Malapit nang mag five ng hapon at ang party ay malapit nang magsimula! Humanda na tayo ngayon. Hindi magandang ma-late!" “Tama! Kung tutuusin, si Yoel Holden ang nag-organize nito. Dapat hindi tayo ma-late! ” Sinabi ni Dickson. “O sige, tara na at umalis na tayo ngayon. Dickson, pa
Ang ilang mayayamang binata ay kumaway kay Dickson nang makarating sila.Lahat sila parang magkakilala. “Wow, ang mga kaibigan ko ay nandito. Halika, Elena. Hayaan mong ipakilala ko sila sayo! ” Sinabi ni Dickson. Ang mga kaibigan niya ay naglalaro habang kumakain at umiinom, lahat sila ay masayang nagtatawanan. Pagod na pagod na si Gerald, wala sa mood na makipag-usap pa sa mga bagong tao. Talagang kailangan niya ng isang lugar upang makapagpahinga, pagkatapos nito ay aalamin niya kung saan nagpunta si Aiden at ang iba pa. “Sige lang. Pupunta lang ako sa banyo. 'Wag niyo na akong hanapin!" Sinabi sa kanila ni Gerald at iniwan niya sila. "Talaga bang papunta lang siya sa banyo, o nahihiya siyang ipaalam sa sinuman na siya ay mula sa isang mahirap na pamilya?" “Oo nga eh, tama! Hindi niya alam kung anong klaseng social setting ito? At malamang na nagsisisi siya ngayon!" Pinag-uusapan siya ng lahat. Gusto ni Elena na sundan si Gerald, ngunit alam niya na sobrang niyanh naa
Ang mga batang babae na nakabihis ng bikini ay naglalaro ng volleyball sa tabi ng beach habang si Gerald ay nakahiga sa upuan. Pagod na pagod siya at hindi niya sigurado kung saan siya nakatingin, ngunit ang mga dalaga ay nagkaroon ng maling ideya. Akala nila nakatingin siya sa kanila na may malaswang pag-iisip. Noong una, naisip ng mga dalaga na maging exposed sa mga lalaki dahil nandito sila upang magsaya, ngunit ang lalaking nakatingin sa kanila ay masyadong hindi kanais-nais. Nag-daydream pa si Gerald habang pinapanood ang mga babae! Akala ng mga dalaga na alam nila kung ano ang nangyayari at nakaramdam sila ng pagkasuklam. “Tingnan mo! Kadiri talaga siya, at nasasabik siya habang nakatingin sa amin!" “Siguro nakatingin siya kay Crystal. Ang suot kasi ni Crystal ngayon ay mas daring kaysa sa dati niyang mga damit. Kahit ang mayamang binata na dumaan ay sinusubukang makakuha ng picture sa kanya. Narinig niya na malapit si Crystal kay Yoel Holden, kaya agad itong umatras!
Dinaganan ng mga dalaga si Gerald sa mabuhanging beach. "Subukan mo akong bastusin, walang kwentang magsasaka ka lang! Tapos ka na pagdating ni Yoel dito!" Kinutya siya ni Crystal. Inabot ng isang dalaga kay Crystal ang isang bathrobe para magtakip. “Guys! May sasabihin ako. May isang grupo ng mga dalaga ang nakikipag-away sa isang lalaki doon!"“Ha? Anong nangyari?" "Isang manyak na lalaki ang nakatingin sa mga babae na naka-bikini na naglalaro ng volleyball. Nagalit sila dahil nakatitig siya sa kanila kaya lumaban sila!" "Tingnan natin ito!" Ang mga tao ay pupunta sa kabilang bahagi ng beach matapos marinig ang nangyari. Narinig nina Dickson, Amber, at Elena ang tungkol dito sa gitna ng barbeque at agad na naglakad papunta doon. "Elena at Amber, tara at tingnan natin. Gusto ko talagang makita kung sinong binugbog ng mga babae." Si Elena ay ayaw sumunod sa kanila noong una, ngunit gusto niyang umalis pa rin para alamin kung si Gerald ay bumalik na sa hotel. Tumang
Si Yoel Holden ay anak ng pinakamayamang tao sa County State. Leader din siya ng mga mayayamang kabataan sa paligid ng buong distrito ng Gangnam. Hindi lamang iyon, maraming mga dalaga ang nagmamahal sa kanya, lahat ay umaasang magkakaroon sila ng perpektong pagkakataon na makipagkita sa kanya balang araw. Naisip nila na baka mahulog ang loob ni Yoel sa kanilang kagandahan balang araw. Ngunit ang lahat ng ito ay mga pangarap lamang dahil si Yoel Holden ay hindi isang tao na napakadali nilang makuha. Umungol ang busina ng cruise ship ay habang dumadaong ito sa port.Ang mga pinto ng cabin ay binuksan, at bumaba si Yoel kasama ang mga babae sa kanyang kaliwa at kanan. Hindi siya kagwapuhan, hindi rin siya matangkad, kahit na medyo mataba, ang mga magagandang babae ay patuloy na sumisigaw para sa kanya, "Ang hot niya!" Si Amber ang pinakamalakas na sumigaw sa kanilang panig, inaasahan na makuha ang pansin ni Yoel. Si Dickson naman ay nakatitig sa kanya sa sobrang inggit.