Maya-maya, unti-unting nawala ang larawan na iyon at noon ay dahan-dahang napunta ang ilaw ng Mackusion sa palad ni Gerald. “…Miss Lockland, alam mo ba kung ano ang sinusubukang ibunyag ng Mackusion batay sa ipinakita nito sa atin kanina? May kakila-kilabot kayang nangyari sa mga sumama sa pledge of the holy water…?” medyo nag-aalalang tinanong ni Gerald. "Mayroon akong pakiramdam na ayan nga ang nangyari... Pinakita ng Mackusion na nagkaroon ng masamang pangyayari sa paglalakbay nila sa pledge at pinakita rin nito ang puntod ni Liemis pati na rin ang manor ng pamilya mo. Malakas ang kutob ko na may mangyayaring masama sa dalawang lugar na iyon sa lalong madaling panahon!" sagot ni Zyla. "…Ano? Hindi na tayo pwedeng magsayang pa ng oras! Pumunta tayo sa lugar na iyon at imbestigahan ito” sabi ng gulat na gulat na si Gerald. “Tama! Ngayong nasa kamay mo na ang Mackusion, kailangan mo itong alagaan ng maayos, Gerald. Matutulungan ka nitong pagalingin ang iyong Dehlere Foundation!
Biglang sumimangot si Gerald nang makita niya ang reaksyon ni Yvon. Naisip ni Gerald na hindi masyadong malakas si Yvon, kaya sigurado siya na madali niya itong matatapos. Biglang nabalisa si Gerald dahil masyadong malakas ang kumpiyansa ni Yvon. Napaisip si Gerald kung siya nga ba ang pinakamalakas sa Seven Monsters. Isinantabi ni Gerald ang kaisipan na ito bago niya sinabi, “Wala akong choice kung hindi tapusin ka. Ayoko nang isipin pa ang anumang problemang idudulot mo sa hinaharap!" Pagkatapos nito, ipinitik ni Gerald ang kanyang daliri kay Yvon nang hindi talaga ginagamit ang kanyang inner-strength. Ginawa lang niya iyon para makita ang magiging galaw ni Yvon para mapag-aralan ito ni Gerald, ngunit nagulat siya nang makitang pinitik din ni Yvon ang daliri niya. Nagtatakang tiningnan ni Gerald si Yvon bago sinabi ng binata, "Sinabi ko nga sayo, iba ako sa iba!" Biglang nagbago ang itsura ni Yvon pagkatapos niya itong sabihin... Nakita na lamang niya na biglang naging
Ang taong nakatayo sa harapan nila... Hindi ito isang tao...! Masyado siyang napakalakas...! Napalunok ang mag-ama mula sa pamilyang Xanthos, naalala nila kung paano nila unang naisip na si Yvon ay nagtataglay ng mga kakaibang kakayahan na kayang pumatay ng kahit sino... Gayunpaman, ang binatang ito na kinakatakutan ng lahat ay isang bukol lamang! At ang kailangan lang ni Gerald para tapusin ang kanyang buhay ay isang suntok lang! Bilang isang experienced at matalinong tao, alam ni Wesson na siya, ang kanyang anak, at ang kanyang buong pamilya ay matatapos na kung hindi siya kumilos nang mabilis! Dahil doon, agad siyang lumuhod bago nagmakaawa, “B-boss…! Huwag mo kaming patayin…! Sloan, bilisan mo at lumuhod ka! Lumuhod ka sa harap ng boss at humingi ka ng tawad!" Pagkatapos nito, hinila ni Welson ang braso ng kanyang anak hanggang sa lumuhod ito sa tabi niya. Si Sloan mismo ay hindi sasang-ayon sa mga aksyon ng kanyang ama. Alam nila na silang dalawa ay wala sa anumang posisyo
Kahit pa mataas ang katayuan ni Zyla sa lipunan, nakita ni Gerald ang kanyang mga mata na namumula at lumuluha. Sino nga naman ang makakapagsisi sa kanya? Kung tutuusin, libu-libong taon na niyang hinihintay ang sandaling ito... Ang oras na wakas ay makakasama muli si Liemis... Ang dami niyang pinagdaanan pero hindi pa rin makita ni Zyla ang kanyang bangkay! Sino ang may kagagawan ng kasamaan na ito...? 'Mula sa sinabi sa akin ni Zyla, ang isip ng kaluluwa ni Liemis ay twenty years nang hindi nabubuhay... Hindi ito naiwasan dahil nangyari ito mula nang nabuhay ako… Pero wala na dito ngayon ang kanyang bangkay...' Mahigpit na isinara ni Gerald ang kanyang kamao bago niya sinabi, "Kahit pa liblib ang lugar na ito, sigurado akong na-seal ko ang entrance ng kweba gamit ang formation ng dragon blood jade pendant... Sino ang may sapat na kakayahan para gawin ang lahat ng ito...?" “...Noong nasa labas tayo, nakita ko na hindi nasira ang seal mo... Mukhang may isang tao na naka-solve nit
“…Bakit mo sinabi na kilalang-kilala niya si Gerald…?” tanong ni Zyla habang nagpupunas ng luha habang nakatingin sa berdeng liwanag. “Dahil alam niya ang lugar na ito. Ang formation na ginamit ni Gerald para i-seal ang kuweba ay ang formation ng jade pendant, isang formation na ipinagkaloob ng God of War kay Gerald... Walang alinlangan na hindi ito kayang lutasin ng mga ordinaryong tao, ginawa iyon ng matandang iyon ng napakadali... Pagkatapos niya akong patayin, gumamit siya ng ilang medthods para imbestigahan ang bangkay ng God of War at binanggit niya ang pangalan ni Gerald nang maraming beses... Bukod pa doon, paulit-ulit din niyang inuulit ang salitang ‘sikreto.’ Dahil dito ay naisip ko na kilalang-kilala niya si Gerald!” paliwanag ng higanteng anaconda. “Pero mukhang hindi niya nakuha ang gusto niya at ito ang nag-udyok sa kanya na ilayo ang eternal coffin... Sa kabutihang palad, hindi pa niya na-realize ito noong panahong iyon na mayroon akong mas malakas na kapangyarihan
Nang marinig iyon ng higanteng ahas, pinalakas ni Gerald ang kanyang puwersa na may essential qi habang sumisigaw siya, "Hindi kita hahayaang mamatay ng ganito...!" "...Heh... Hindi ko inasahan na makakahanap ako ng kaibigan pagkatapos ng napakatagal na panahon… at mabait pa siya... Salamat..." sabi ng maliit at berdeng liwanag na habang dahan-dahang lumulutang ang mataas... Katulad ito ng dragonfly na lumilipad sa gabi, ang isip ng kaluluwa ng anaconda ay unti-unting lumipad sa taas hanggang sa kumalat ito sa isang dagat ng napakaraming mga kislap... Habang kumukupas ang mga huling kislap, lalo namang humigpit ang pagkakasara ng kamao ni Gerald. Isang beses lang niya nakita ang higanteng anaconda bago ang araw na ito, pero tinulungan siya nito. Isinakripisyo pa ng ahas ang isip ng kaluluwa nito para lamang bigyan siya ng babala tungkol sa nakamaskara na matandang iyon... Sa puntong iyon, itinuring na ni Gerald na bahagi na ng kanyang pamilya ang ahas at nanumpa siya na hindi niy
Nang pumasok siya sa loob, ang tanging sumalubong kay Gerald ay kadiliman at katahimikan... Takot na takot siya ngayon at talagang nag-aalala siya kaya hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya inasahan na makikita niya ang parehong eksena na nakita niya sa ancient tomb. Kahit pa natatakot siya, alam niyang kailangan niyang makita ang buong sitwasyon. Dahil doon, dahan-dahan siyang pumasok sa manor... Sanay siya sa masiglang Crawford Manor noon kaya nakaramdam siya ng matinding takot nang makita niya ang itsura nito ngayon. Sa oras na iyon, in-activate niya ang kanyang holy sense para makita kung meron pang anumang buhay sa loob ng manor... Ayaw niyang sumuko, kaya mabilis siyang pumunta sa kabilang manor. Sa sobrang bilis niya, hindi nagtagal ay natapos na niya ang paghahanap sa bawat sulok ng mansyon... Sa kasamaang palad, nalungkot lamang siya nang makita niya ang resulta ng kanyang pagsisikap. Nalungkot siya na wala siyang nakitang tao dito, pero kahit pa
Sinuri ni Peter si Wes na humihinga ng malalim bago siya nagtanong, “…Nakakatakot na hiyaw? At saka, ilang bangkay ang nakita mo?” "Hindi... Hindi masyadong marami sa totoo lang... Kung tama ang pagkaka-alala ko, mga walo sila... Masyado akong natakot sa mga nakakatakot na iyak na nagmumula sa backyard...!" sagot ni Wes nang makitang na-trauma siya sa karanasang iyon. “... Pagkatapos nito, nahulog ka sa balon at nanatili lang doon hanggang ngayon...? Ganun ba ang nangyari?” tanong ni Gerald habang magkatinginan silang dalawa ni Peter. Naniwala si Gerald sa mga salita ni Wes dahil ginamit niya ang kanyang divine vision upang makita ang anumang kasinungalingan. Lumalabas na totoo ang lahat ng sinabi ni Wes. “Oo, Mr. Crawford! Pagkatapos kong mahulog sa balon, narinig ko ang mga taong tumatakbo palapit sa akin! Natakot akong may mangyaring masama sa akin kaya agad akong sumisid sa balon! Sa tingin ko iyon lang ang dahilan kung bakit ako buhay pa!" paliwanag ni Wes. “…Sino kaya a