Kahit pa mataas ang katayuan ni Zyla sa lipunan, nakita ni Gerald ang kanyang mga mata na namumula at lumuluha. Sino nga naman ang makakapagsisi sa kanya? Kung tutuusin, libu-libong taon na niyang hinihintay ang sandaling ito... Ang oras na wakas ay makakasama muli si Liemis... Ang dami niyang pinagdaanan pero hindi pa rin makita ni Zyla ang kanyang bangkay! Sino ang may kagagawan ng kasamaan na ito...? 'Mula sa sinabi sa akin ni Zyla, ang isip ng kaluluwa ni Liemis ay twenty years nang hindi nabubuhay... Hindi ito naiwasan dahil nangyari ito mula nang nabuhay ako… Pero wala na dito ngayon ang kanyang bangkay...' Mahigpit na isinara ni Gerald ang kanyang kamao bago niya sinabi, "Kahit pa liblib ang lugar na ito, sigurado akong na-seal ko ang entrance ng kweba gamit ang formation ng dragon blood jade pendant... Sino ang may sapat na kakayahan para gawin ang lahat ng ito...?" “...Noong nasa labas tayo, nakita ko na hindi nasira ang seal mo... Mukhang may isang tao na naka-solve nit
“…Bakit mo sinabi na kilalang-kilala niya si Gerald…?” tanong ni Zyla habang nagpupunas ng luha habang nakatingin sa berdeng liwanag. “Dahil alam niya ang lugar na ito. Ang formation na ginamit ni Gerald para i-seal ang kuweba ay ang formation ng jade pendant, isang formation na ipinagkaloob ng God of War kay Gerald... Walang alinlangan na hindi ito kayang lutasin ng mga ordinaryong tao, ginawa iyon ng matandang iyon ng napakadali... Pagkatapos niya akong patayin, gumamit siya ng ilang medthods para imbestigahan ang bangkay ng God of War at binanggit niya ang pangalan ni Gerald nang maraming beses... Bukod pa doon, paulit-ulit din niyang inuulit ang salitang ‘sikreto.’ Dahil dito ay naisip ko na kilalang-kilala niya si Gerald!” paliwanag ng higanteng anaconda. “Pero mukhang hindi niya nakuha ang gusto niya at ito ang nag-udyok sa kanya na ilayo ang eternal coffin... Sa kabutihang palad, hindi pa niya na-realize ito noong panahong iyon na mayroon akong mas malakas na kapangyarihan
Nang marinig iyon ng higanteng ahas, pinalakas ni Gerald ang kanyang puwersa na may essential qi habang sumisigaw siya, "Hindi kita hahayaang mamatay ng ganito...!" "...Heh... Hindi ko inasahan na makakahanap ako ng kaibigan pagkatapos ng napakatagal na panahon… at mabait pa siya... Salamat..." sabi ng maliit at berdeng liwanag na habang dahan-dahang lumulutang ang mataas... Katulad ito ng dragonfly na lumilipad sa gabi, ang isip ng kaluluwa ng anaconda ay unti-unting lumipad sa taas hanggang sa kumalat ito sa isang dagat ng napakaraming mga kislap... Habang kumukupas ang mga huling kislap, lalo namang humigpit ang pagkakasara ng kamao ni Gerald. Isang beses lang niya nakita ang higanteng anaconda bago ang araw na ito, pero tinulungan siya nito. Isinakripisyo pa ng ahas ang isip ng kaluluwa nito para lamang bigyan siya ng babala tungkol sa nakamaskara na matandang iyon... Sa puntong iyon, itinuring na ni Gerald na bahagi na ng kanyang pamilya ang ahas at nanumpa siya na hindi niy
Nang pumasok siya sa loob, ang tanging sumalubong kay Gerald ay kadiliman at katahimikan... Takot na takot siya ngayon at talagang nag-aalala siya kaya hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya inasahan na makikita niya ang parehong eksena na nakita niya sa ancient tomb. Kahit pa natatakot siya, alam niyang kailangan niyang makita ang buong sitwasyon. Dahil doon, dahan-dahan siyang pumasok sa manor... Sanay siya sa masiglang Crawford Manor noon kaya nakaramdam siya ng matinding takot nang makita niya ang itsura nito ngayon. Sa oras na iyon, in-activate niya ang kanyang holy sense para makita kung meron pang anumang buhay sa loob ng manor... Ayaw niyang sumuko, kaya mabilis siyang pumunta sa kabilang manor. Sa sobrang bilis niya, hindi nagtagal ay natapos na niya ang paghahanap sa bawat sulok ng mansyon... Sa kasamaang palad, nalungkot lamang siya nang makita niya ang resulta ng kanyang pagsisikap. Nalungkot siya na wala siyang nakitang tao dito, pero kahit pa
Sinuri ni Peter si Wes na humihinga ng malalim bago siya nagtanong, “…Nakakatakot na hiyaw? At saka, ilang bangkay ang nakita mo?” "Hindi... Hindi masyadong marami sa totoo lang... Kung tama ang pagkaka-alala ko, mga walo sila... Masyado akong natakot sa mga nakakatakot na iyak na nagmumula sa backyard...!" sagot ni Wes nang makitang na-trauma siya sa karanasang iyon. “... Pagkatapos nito, nahulog ka sa balon at nanatili lang doon hanggang ngayon...? Ganun ba ang nangyari?” tanong ni Gerald habang magkatinginan silang dalawa ni Peter. Naniwala si Gerald sa mga salita ni Wes dahil ginamit niya ang kanyang divine vision upang makita ang anumang kasinungalingan. Lumalabas na totoo ang lahat ng sinabi ni Wes. “Oo, Mr. Crawford! Pagkatapos kong mahulog sa balon, narinig ko ang mga taong tumatakbo palapit sa akin! Natakot akong may mangyaring masama sa akin kaya agad akong sumisid sa balon! Sa tingin ko iyon lang ang dahilan kung bakit ako buhay pa!" paliwanag ni Wes. “…Sino kaya a
"…Ano? May isa pang taong nagmamasid sa akin mula pa noon...?!” takot na tinanong ni Gerald. Tulad ng naaalala niya, simple at mapayapa lang ang kanyang buhay noon. Pero lumalabas na siya ay sinusubaybayan ng ibang tao sa mga panahon na iyon! Hindi lang iyon, pero ngayon lang niya nalaman na ang mga taong tulad ni Peter ang taong nagmamasid sa kanya! Noong una pa lang ay naisip na ni Gerald na kakaiba si Peter mula nang magising siya pagkatapos siya nitong iligtas. Kilala siya ni Peter at paniguradong hindi lang nagkataon na nandoon si Peter sa panahong iyon. Pagkatapos ipakita ni Peter ang kanyang kabbutihan, nalaman ni Gerald na parang naiintindihan ng lalaki ang kanyang ugali at katangian. Paminsan-minsan ay gustong tanungin ni Gerald si Peter tungkol doon, pero nilinaw ni Peter na ayar niyang pag-usapan ito sa tuwing sinisimulan niya ang conversation na ito.Pagkatapos nito ay naging abala sila at hindi na nagkaroon ng pagkakataon si Gerald na pag-isipang muli ang tungkol
Iniwas ni Peter ang kanyang tingin nang marinig niya ang kanyang tanong. Tumikhim siya ng saglit pagkatapos ay mahinang sumagot, “...Tungkol doon... Wala akong naging dahilan para makipaglaban sa kanya... Wala rin akong alam tungkol sa kanyang tunay na pagkatao... Pero iyon ang alam ko bago natin nakasalubong si Wes. Mula sa sinabi sa atin ni Wes, masasabi natin na ang mga manager mula sa malalaking lugar ang magiging susi para makuha natin ang ating susunod na clue! Isa pa, malakas ang kutob ko na magpapakita siya muli pagkatapos niyang magpakita ngayon!" "Anuman ang mangyari, paniguradong huhulihin ko ang stalker na iyon kung siya talaga ang may pananagutan sa lahat ng mga insidenteng ito!" Sa sandaling iyon, biglang nanginig si Wes bago siya tuluyang bumagsak sa lapag. Nang makita iyon, agad na binuhat ni Gerald ang nahimatay na lalaki bago niya sinabing, “Siguradong nasira na ang kanyang internal organs pagkatapos niyang bumabad ng matagal sa malamig na tubig! Ililigtas ko m
“...Naiintindihan ko, Zyla, Second uncle... Paano ko ba sisimulan ang recovery ng aking Dehlere Foundation...? Pagkatapos mong sabihin ang lahat ng iyon, desidido na akong pagalingin ang aking Dehlere Foundation bago ko man gawin ang iba pang bagay!" “Pagkatapos kong gumawa ng imbestigasyon tungkol sa Dehlere Foundation, nalaman kong mahirap itong pagalingin pagkatapos nitong masira... Kung totoo ang nabasa ko, nag-iiwan din ito ng napakalaking defect sa level ng training ng isang tao! ” sabi ni Gerald nang maliwanagan siya na maliit ang kanyang tsansa na pagalingin ang kanyang Dehlere Foundation kahit na sa tulong ng isang bagay na tulad ng Mackusion! Masyadong mahirap ang proseso ng recovery tulad ng una niyang na-imbestigahan! "Totoo na sasailalim ka sa matinding paghihirap sa recovery ng Dehlere Foundation, pero dapat mong malaman na malaki ang posibilidad na mabawi mo ito! Ang Mackusion ay susi sa iyong recovery at para masimulan mo ang proseso ng pagpapagaling, kakailanganin