Sinuri ni Peter si Wes na humihinga ng malalim bago siya nagtanong, “…Nakakatakot na hiyaw? At saka, ilang bangkay ang nakita mo?” "Hindi... Hindi masyadong marami sa totoo lang... Kung tama ang pagkaka-alala ko, mga walo sila... Masyado akong natakot sa mga nakakatakot na iyak na nagmumula sa backyard...!" sagot ni Wes nang makitang na-trauma siya sa karanasang iyon. “... Pagkatapos nito, nahulog ka sa balon at nanatili lang doon hanggang ngayon...? Ganun ba ang nangyari?” tanong ni Gerald habang magkatinginan silang dalawa ni Peter. Naniwala si Gerald sa mga salita ni Wes dahil ginamit niya ang kanyang divine vision upang makita ang anumang kasinungalingan. Lumalabas na totoo ang lahat ng sinabi ni Wes. “Oo, Mr. Crawford! Pagkatapos kong mahulog sa balon, narinig ko ang mga taong tumatakbo palapit sa akin! Natakot akong may mangyaring masama sa akin kaya agad akong sumisid sa balon! Sa tingin ko iyon lang ang dahilan kung bakit ako buhay pa!" paliwanag ni Wes. “…Sino kaya a
"…Ano? May isa pang taong nagmamasid sa akin mula pa noon...?!” takot na tinanong ni Gerald. Tulad ng naaalala niya, simple at mapayapa lang ang kanyang buhay noon. Pero lumalabas na siya ay sinusubaybayan ng ibang tao sa mga panahon na iyon! Hindi lang iyon, pero ngayon lang niya nalaman na ang mga taong tulad ni Peter ang taong nagmamasid sa kanya! Noong una pa lang ay naisip na ni Gerald na kakaiba si Peter mula nang magising siya pagkatapos siya nitong iligtas. Kilala siya ni Peter at paniguradong hindi lang nagkataon na nandoon si Peter sa panahong iyon. Pagkatapos ipakita ni Peter ang kanyang kabbutihan, nalaman ni Gerald na parang naiintindihan ng lalaki ang kanyang ugali at katangian. Paminsan-minsan ay gustong tanungin ni Gerald si Peter tungkol doon, pero nilinaw ni Peter na ayar niyang pag-usapan ito sa tuwing sinisimulan niya ang conversation na ito.Pagkatapos nito ay naging abala sila at hindi na nagkaroon ng pagkakataon si Gerald na pag-isipang muli ang tungkol
Iniwas ni Peter ang kanyang tingin nang marinig niya ang kanyang tanong. Tumikhim siya ng saglit pagkatapos ay mahinang sumagot, “...Tungkol doon... Wala akong naging dahilan para makipaglaban sa kanya... Wala rin akong alam tungkol sa kanyang tunay na pagkatao... Pero iyon ang alam ko bago natin nakasalubong si Wes. Mula sa sinabi sa atin ni Wes, masasabi natin na ang mga manager mula sa malalaking lugar ang magiging susi para makuha natin ang ating susunod na clue! Isa pa, malakas ang kutob ko na magpapakita siya muli pagkatapos niyang magpakita ngayon!" "Anuman ang mangyari, paniguradong huhulihin ko ang stalker na iyon kung siya talaga ang may pananagutan sa lahat ng mga insidenteng ito!" Sa sandaling iyon, biglang nanginig si Wes bago siya tuluyang bumagsak sa lapag. Nang makita iyon, agad na binuhat ni Gerald ang nahimatay na lalaki bago niya sinabing, “Siguradong nasira na ang kanyang internal organs pagkatapos niyang bumabad ng matagal sa malamig na tubig! Ililigtas ko m
“...Naiintindihan ko, Zyla, Second uncle... Paano ko ba sisimulan ang recovery ng aking Dehlere Foundation...? Pagkatapos mong sabihin ang lahat ng iyon, desidido na akong pagalingin ang aking Dehlere Foundation bago ko man gawin ang iba pang bagay!" “Pagkatapos kong gumawa ng imbestigasyon tungkol sa Dehlere Foundation, nalaman kong mahirap itong pagalingin pagkatapos nitong masira... Kung totoo ang nabasa ko, nag-iiwan din ito ng napakalaking defect sa level ng training ng isang tao! ” sabi ni Gerald nang maliwanagan siya na maliit ang kanyang tsansa na pagalingin ang kanyang Dehlere Foundation kahit na sa tulong ng isang bagay na tulad ng Mackusion! Masyadong mahirap ang proseso ng recovery tulad ng una niyang na-imbestigahan! "Totoo na sasailalim ka sa matinding paghihirap sa recovery ng Dehlere Foundation, pero dapat mong malaman na malaki ang posibilidad na mabawi mo ito! Ang Mackusion ay susi sa iyong recovery at para masimulan mo ang proseso ng pagpapagaling, kakailanganin
"Malaya kang gawin ito, pero kailangan mong tandaan na ang proseso ng paggamit ng kapangyarihan sa dragon blood jade pendant para pinuhin ang Mackusion ay nangangailangan ng hindi bababa sa isang buong araw at gabi para makumpleto ito. Dahil doon, bumalik ka sa lalong madaling panahon kapag tapos ka na. Ang iyong Second uncle ay mananatili upang tulungan akong bantayan ang proseso!" sabi ni Zyla pagkatapos niyang mag-isip ng sandali. "Walang problema, Miss Lockland. May gusto akong tanungin... Kapag bumalik sa nakaraan si Gerald, sa anong panahon siya dapat bumalik? At hanggang kailan siya mananatili doon?" tanong ni Peter. "Magandang katanungan ‘yan. Kailangang bumalik ni Gerald sa isang perpektong punto ng oras bago pa nasira ang kanyang Dehlere Foundation para sumailim siya sa baptism of heaven para makuha niya ang pinakamagandang epekto nito. Sa totoo lang, masyado nang huli ang baptism of heaven ni Gerald... Dahil doon, hindi niya na-activate ang kanyang Dehlere Foundation sa
Gabi na nang makarating si Gerald sa headquarters building sa Mayberry City. Sa oras na iyon, mayroong dalawang deputy general manager sa economic area. Si Zack ang isa sa kanila at ang isa ay isang tao na nagngangalang Winson Zaito na kilala bilang Chairman Zaito. Alam ni Gerald na ang dalawang lalaki ay matagal nang tapat sa pamilyang Crawford at lalo na ito para kay Zack. Gayunpaman, binanggit ni Peter na may posibilidad na masangkot din ang dalawa sa ilang mga bagay, kaya alam niya na kailangan niyang personal na imbestigahan ito. "Excuse me, sir, pero sila Chairman Zaito at Chairman Lyle ay wala ngayong gabi! Kailangan mong maghintay hanggang bukas ng umaga kung gusto mo pa rin silang makita! Pero dapat alam mo na hindi sila ang tipo ng mga tao na makikipagkita sa kahit sinong mga tao!" sabi ng receptionist sa front desk habang nakatingin siya kay Gerald. Magalang ang kanyang itsura, pero makikita ang paghamak sa kanyang mukha. Sino ba si Gerald sa tingin niya? Sa tingin
Lumingon siya kung sino ang tumawag sa kanya at nakita niya na ito ay isang babae na hindi niya kilala... “… Excuse me?” kaswal na tinanong ni Gerald. “Oo, ikaw! Graduate ka na ng Mayberry University, hindi ba? Kilala mo ba si Harper?" tanong ng dalaga. “Oo! Roommate ko siya... Nagkita na ba tayo dati?” sagot ni Gerald. Nakangiti siyang tumango, saka tumawa ang dalaga bago niya sinabing, “Mukhang hindi ako nagkamali! Ikaw nga iyon! Kaya pala parang pamilyar ka!" "Sino siya, Westlyn...?" tanong ng iba pang mga babae mula sa grupo habang bitbit nila ang kani-kanilang handbag at tiningnan nila si Gerald mula ulo hanggang paa. ‘Gwapo siya pero yung damit niya, parang hindi siya malapit sa isang mayaman!’ Naisip ng mga babae. “Siya? Roommate lang siya ng isa sa hometown friends ko! Natatandaan ko siya dahil handa siyang gawin ang lahat para makakuha ng kaunting pera! Madalas siyang nakikitang naglilinis ng basura sa school namin at madalas rin siyang gumagawa ng gawain para sa
Tinitigan lamang ni Gerald ang babae at pagkatapos ay pumunta siya sa Wayfair Mountain Entertainment. Ayaw niyang maabala pa sa walang kwentang babaeng iyon. Hindi siya pupunta doon para magpahinga o maging komportable. Pupunta lamang siya doon dahil alam niyang kilala siya ng mga tao doon. Pwede niyang sabihan ang mga taong ito na tawagan si Zack para sa kanya. Kahit papaano ay gusto niyang malaman ni Zack na nandito siya. Sa kabutihang palad, naging maayos ang lahat sa pagkakataong ito at sumagot si Zack sa tawag niya na puno ng paggalang at pagpapakumbaba, “Okay ka lang, Mr. Crawford?! Mabuti na lang at maayos ang iyong kalagayan!” “Okay lang ako. Kailangan ko ang ilang impormasyon kapag nakabalik ka na dito,”kaswal na sumagot si Gerald. “Masusunod, Mr. Crawford! Babalik ako kaagad para sabihin sayo ang mga impormasyon na kailangan mo!" sabi ni Zack ng walang pag-aalinlangan. Base sa sinabi ni Zack, mukhang tama ang sinabi ni Peter na hindi accidental ang lahat ng ito. Mas