Gabi na nang makarating si Gerald sa headquarters building sa Mayberry City. Sa oras na iyon, mayroong dalawang deputy general manager sa economic area. Si Zack ang isa sa kanila at ang isa ay isang tao na nagngangalang Winson Zaito na kilala bilang Chairman Zaito. Alam ni Gerald na ang dalawang lalaki ay matagal nang tapat sa pamilyang Crawford at lalo na ito para kay Zack. Gayunpaman, binanggit ni Peter na may posibilidad na masangkot din ang dalawa sa ilang mga bagay, kaya alam niya na kailangan niyang personal na imbestigahan ito. "Excuse me, sir, pero sila Chairman Zaito at Chairman Lyle ay wala ngayong gabi! Kailangan mong maghintay hanggang bukas ng umaga kung gusto mo pa rin silang makita! Pero dapat alam mo na hindi sila ang tipo ng mga tao na makikipagkita sa kahit sinong mga tao!" sabi ng receptionist sa front desk habang nakatingin siya kay Gerald. Magalang ang kanyang itsura, pero makikita ang paghamak sa kanyang mukha. Sino ba si Gerald sa tingin niya? Sa tingin
Lumingon siya kung sino ang tumawag sa kanya at nakita niya na ito ay isang babae na hindi niya kilala... “… Excuse me?” kaswal na tinanong ni Gerald. “Oo, ikaw! Graduate ka na ng Mayberry University, hindi ba? Kilala mo ba si Harper?" tanong ng dalaga. “Oo! Roommate ko siya... Nagkita na ba tayo dati?” sagot ni Gerald. Nakangiti siyang tumango, saka tumawa ang dalaga bago niya sinabing, “Mukhang hindi ako nagkamali! Ikaw nga iyon! Kaya pala parang pamilyar ka!" "Sino siya, Westlyn...?" tanong ng iba pang mga babae mula sa grupo habang bitbit nila ang kani-kanilang handbag at tiningnan nila si Gerald mula ulo hanggang paa. ‘Gwapo siya pero yung damit niya, parang hindi siya malapit sa isang mayaman!’ Naisip ng mga babae. “Siya? Roommate lang siya ng isa sa hometown friends ko! Natatandaan ko siya dahil handa siyang gawin ang lahat para makakuha ng kaunting pera! Madalas siyang nakikitang naglilinis ng basura sa school namin at madalas rin siyang gumagawa ng gawain para sa
Tinitigan lamang ni Gerald ang babae at pagkatapos ay pumunta siya sa Wayfair Mountain Entertainment. Ayaw niyang maabala pa sa walang kwentang babaeng iyon. Hindi siya pupunta doon para magpahinga o maging komportable. Pupunta lamang siya doon dahil alam niyang kilala siya ng mga tao doon. Pwede niyang sabihan ang mga taong ito na tawagan si Zack para sa kanya. Kahit papaano ay gusto niyang malaman ni Zack na nandito siya. Sa kabutihang palad, naging maayos ang lahat sa pagkakataong ito at sumagot si Zack sa tawag niya na puno ng paggalang at pagpapakumbaba, “Okay ka lang, Mr. Crawford?! Mabuti na lang at maayos ang iyong kalagayan!” “Okay lang ako. Kailangan ko ang ilang impormasyon kapag nakabalik ka na dito,”kaswal na sumagot si Gerald. “Masusunod, Mr. Crawford! Babalik ako kaagad para sabihin sayo ang mga impormasyon na kailangan mo!" sabi ni Zack ng walang pag-aalinlangan. Base sa sinabi ni Zack, mukhang tama ang sinabi ni Peter na hindi accidental ang lahat ng ito. Mas
Hindi naisip ni Gerald na kailangan niyang bigyan ng respeto ang grupong ito pagkatapos ng ginawa nila. Kung tutuusin, hindi naman niya kilala ang mga ito. Nagtataka si Layla sa oras na ito. Pahirap ng hirap ang paghinga niya sa bawat segundo at sa huli ay nakasigaw siya, "...G-Gerald...?!" Matagal niyang hindi nakita si Gerald pero alam niyang isa itong malakas na tao. Kaya bakit niya sasabihin na kakilala niya si Layla kung mataas ang kanyang social status? Dahil doon, nabigla ang kawawang babae at hindi siya nakapagsalita nang mapansin niyang nandoon si Gerald. Nanatiling tahimik si Layla, ngunitsi Westlyn ay galit na galit sa oras na ito. "Jusko! Sobrang disappointing! Ang Wayfair Mountain Entertainment ba talaga ang pinakamagandang mountain villa sa Weston? Nag-hire na nga sila ng bulag na waitress, nagpapasok pa sila ng mga ordinaryong tao sa lugar na ito! Hindi naman ako nabulag, 'di ba?!" Ang lugar na ito ay dapat napapalibutan ng mga makapangyarihang tao! Talagang an
“Ayaw ng kaibigan ko na makita ang taong ito, Mr. Zealey. Pwede bang paalisin mo siya sa lugar na ito? Habang tumatagal siyang nandito, lalong bumababa ang quality ng villa na ito!” sabi ni Jerome habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi. “Walang problema, Mr. Crawford! High school classmates kayo ng anak ni Chairman Lyle! Dahil doon, ang mga salita mo ay batas sa lugar na ito! Excuse me at papaalisin ko ang batang ito sa lugar na ito!” sagot ni Mr. Zealey na may matagumpay na ngiti sa kanyang mukha. Lumingon siya kay Gerald at ngumisi, “Aalis ka ba ng kusa… o hihintayin mong paalisin ka ng security?” Pinagmamasdan ni Gerald si Westlyn at ang iba pa na naka-cross arms at sumagot lamang siya, “Ako? Aalis dito? Mr. Zealey, tama ba? Kararating mo lang sa Mayberry City, hindi ba?" “…Anong punto mo?” tanong ni Mr. Zealey habang nakapikit ang kanyang mga mata. "Tatanungin kita ngayon. Alam mo ba kung sino ang may-ari ng Wayfair Mountain Entertainment?" tanong ni Geral
Nagsimula na rin maglakad si Gerald papunta sa entrance pagkatapos nito. Pagdating niya roon, ang isa pang Mr. Crawford ay huminga ng malalim para maghandang bumati at tumakbo papunta kay Zack bago niya sinabi, “Good day, Uncle Lyle! Kaklase ko si Mateo, ako si Jerome, at natatandaan mo pa ba ako?" “M-Mr. Crawford…!” sigaw ni Zack, puno ng paghanga ang boses habang nakatingin sa harapan ng binata. "Huwag ka masyadong magalang, Uncle Lyle!" nauutal na sambit ng kinakabahan na si Jerome dahil hindi siya sigurado kung ano ang sasabihin. Napakagat labi si Westlyn nang makita niya iyon. Hindi ba parang masyadong magalang si Mr. Lyle para tawagin si Jerome na Mr. Crawford? Dahil doon, si Jerome ay mukhang napaka-cool sa ibang mga babae. Kahit si Mr. Zealey ay nagulat sa inasal ni Chairman Lyle. Alam niya na ngayon na hindi niya kayang saktan si Mr. Crawford. Kung tutuusin, pati si Chairman Lyle ay tinatawag siyang Mr. Crawford! Ang kinagulat pa ng lahat ay ang dose-dosenang mga
Walang sinuman ang mag-aakala na ang mahirap na ito ang magiging aktwal na Mr. Crawford, ang taong may pinakamalaking reputasyon sa buong planeta! Kahit si Chairman Zack ay lumuhod sa harapan niya! Takot na takot sila habang pinapanood nila si Gerald na umaalis mula sa lugar na iyon dahil alam nila na wala silang pagkakataon na maging malapit kay Gerald. Sa loob ng study room, si Zack ang unang nagsalita. Namumula at lumuluha ang mga mata ni Zack, “Magandang balita para sa amin na maayos ang kalagayan mo, Mr. Crawford...! Akala namin noon…” “Akala mo may nangyari sa akin? Zack, ano nga ba ang nangyari? Naglilipat ba kayo ng mga property ng kumpanya?" “Tama, Mr. Crawford! Basahin mo muna ito!" sagot ni Zack kasunod ang isang tango bago niya binuksan ang kanyang portfolio at maingat na kinuha ang isang bagay na nakabalot sa dilaw na tela... Mabilis itong kinuha ni Gerald bago pa man ito buksan ni Zack at nagulat siya sa nilalaman nila. Ito ay isang token ng holy water! Ang
Ayon kay Wes, nakita niya ang isang tao na pinatay at hinuli ang ilang mga mula sa Crawford Manor. Gayunpaman, nakita niya Gerald ang oras na ipinadala ang text message at napagtanto niya na si Lyra ang nagpadala nito noong hapon. Sa madaling salita, iyon ang oras kung saan dinakip ang kanyang pamilya. Ipinadala siguro ni Lyra ang message na iyon habang iniiwasan niyang madakip! Baka nakatakas siya ng sandali o baka nasa labas siya at hindi pa bumabalik nang mangyari ang sakuna. Ibinigay siguro ni Lyra ang bilin na iyon kay Zack dahil meron siyang premonition na malapit nang malagay sa panganib ang kanyang buhay. 'Ano ba talaga ang nangyari...? Ano ang motibo ng taong iyon...?’ naisip ni Gerald habang mahigpit na nakahawak sa token ng holy water. Sinabi sa kanya ni Peter na ang taong may pakana nito ay isang tao na matagal na siyang sinusubaybayan... Pero ano nga ba ang habol ng taong iyon sa kanya...? Nag-alala si Zack nang makita niya ang nababalisa na itsura ni Gerald, k