“…Mula nang mahawakan ko ito, naramdaman ko agad kung gaano kalakas ang pambihirang bagay na ito… Ang pamilya namin ay may larawan ng araw na kayang mahulaan ang mangyayari sa future... May ganoong kapangyarihan rin ba ang Mackusion?" nagtatakang tinanong ni Gerald. "Oo, pero hindi lamang iyon ang kakayahan nito. Magpatuloy kayo at subukang gamitin ang dragon blood jade pendant bilang isang medium para makipag-usap dito. Tanungin niyo ang kahit anong gusto niyong gawin at baka palarin kayo na sumagot ito sa inyo! Ito rin ang perpektong pagkakataon para makita natin kung gaano katumpak ang mga alamat pagdating sa napakalaking mahiwagang kapangyarihan ng Mackusion!" sagot ni Zyla. “Naiintindihan,” sagot ni Gerald habang nakapikit at ginawa niya ang naging suggestion ni Zyla. Hindi nagtagal, isang sinag ng liwanag ang lumabas mula sa pendant at pumasok sa Mackusion! Gayunpaman, walang nangyari kahit na iminulat muli ni Gerald ang kanyang mga mata makalipas ang ilang segundo... Tah
Maraming mga bundok ang makikita na nakapalibot sa malaking isla at may mga kakaibang bulaklak ay makikita na tumutubo sa buong lugar. Nang makita ni Gerald ang isla, alam na niya agad kung ano ang lugar na iyon. Iyon ay Warhill Island, ang lugar kung saan ginaganap ang pledge of the holy water! 'Sigurado akong si lolo at ang iba ay matagal nang nakarating doon...' Kahit papaano ay may idea na ngayon si Gerald kung paano gamitin ang Mackusion. Sa katunayan, pagkatapos niyang makipag-usap dito sa pamamagitan ng kaluluwa ng isang tao, makikita sa screen ang lahat ng bagay na nakaligtaan o mga bagay na kinakagulo ng isip ng isang tao. Nakuha niya ang konklusyong iyon pagkatapos niyang masaksihan ang nangyari kay Mila, ipinapakita na ngayon sa screen ang lugar na pinuntahan ng kanyang lolo para makasali sa pledge of the holy water. Nagtaka si Gerald na kung bakit pinakita ang Warhill Island kahit na wala siyang pagdududa dito, pero ang makikita pala sa maalamat na lugar kung saan
Habang pinag-iisipan ni Gerald iyon, bigla niyang narinig na naghiyaban ang iba pang mga babae na kanina pang tahimik na nakatayo sa gilid! Si Peter ay mukhang nag-aalala na ngayon at agad niyang itinuro ang screen bago siya sumigaw, "Gerald, tingnan mo!" Lumingon siya sa screen kung saan na makikita pa rin ng Warhill Island at agad niyang nakita na naroroon na ang mga tao. Siyempre, hindi iyon ang dahilan kung bakit nagsigawan ang mga babae. Ang dahilan kung bakit sila natatakot ay dahil ang mga taong ipinapakita ay walang iba kundi mga bangkay na dumanas ng nakakakilabot na kamatayan! Base sa estimation ni Gerald, may humigit-kumulang isang daang namatay na dakilang masters na nagmula sa iba't ibang lugar para lamang makilahok sa pledge of the holy water. Tumingin si Gerald sa dagat at ang mga talukap ng kanyang mga mata ay agad na nagsimulang kumibot nang mabilis habang iniisip niya, 'Lolo...!' Makabuluhan ang pag-aalala niya dahil alam niya na ang kanyang lolo ay umalis
Maya-maya, unti-unting nawala ang larawan na iyon at noon ay dahan-dahang napunta ang ilaw ng Mackusion sa palad ni Gerald. “…Miss Lockland, alam mo ba kung ano ang sinusubukang ibunyag ng Mackusion batay sa ipinakita nito sa atin kanina? May kakila-kilabot kayang nangyari sa mga sumama sa pledge of the holy water…?” medyo nag-aalalang tinanong ni Gerald. "Mayroon akong pakiramdam na ayan nga ang nangyari... Pinakita ng Mackusion na nagkaroon ng masamang pangyayari sa paglalakbay nila sa pledge at pinakita rin nito ang puntod ni Liemis pati na rin ang manor ng pamilya mo. Malakas ang kutob ko na may mangyayaring masama sa dalawang lugar na iyon sa lalong madaling panahon!" sagot ni Zyla. "…Ano? Hindi na tayo pwedeng magsayang pa ng oras! Pumunta tayo sa lugar na iyon at imbestigahan ito” sabi ng gulat na gulat na si Gerald. “Tama! Ngayong nasa kamay mo na ang Mackusion, kailangan mo itong alagaan ng maayos, Gerald. Matutulungan ka nitong pagalingin ang iyong Dehlere Foundation!
Biglang sumimangot si Gerald nang makita niya ang reaksyon ni Yvon. Naisip ni Gerald na hindi masyadong malakas si Yvon, kaya sigurado siya na madali niya itong matatapos. Biglang nabalisa si Gerald dahil masyadong malakas ang kumpiyansa ni Yvon. Napaisip si Gerald kung siya nga ba ang pinakamalakas sa Seven Monsters. Isinantabi ni Gerald ang kaisipan na ito bago niya sinabi, “Wala akong choice kung hindi tapusin ka. Ayoko nang isipin pa ang anumang problemang idudulot mo sa hinaharap!" Pagkatapos nito, ipinitik ni Gerald ang kanyang daliri kay Yvon nang hindi talaga ginagamit ang kanyang inner-strength. Ginawa lang niya iyon para makita ang magiging galaw ni Yvon para mapag-aralan ito ni Gerald, ngunit nagulat siya nang makitang pinitik din ni Yvon ang daliri niya. Nagtatakang tiningnan ni Gerald si Yvon bago sinabi ng binata, "Sinabi ko nga sayo, iba ako sa iba!" Biglang nagbago ang itsura ni Yvon pagkatapos niya itong sabihin... Nakita na lamang niya na biglang naging
Ang taong nakatayo sa harapan nila... Hindi ito isang tao...! Masyado siyang napakalakas...! Napalunok ang mag-ama mula sa pamilyang Xanthos, naalala nila kung paano nila unang naisip na si Yvon ay nagtataglay ng mga kakaibang kakayahan na kayang pumatay ng kahit sino... Gayunpaman, ang binatang ito na kinakatakutan ng lahat ay isang bukol lamang! At ang kailangan lang ni Gerald para tapusin ang kanyang buhay ay isang suntok lang! Bilang isang experienced at matalinong tao, alam ni Wesson na siya, ang kanyang anak, at ang kanyang buong pamilya ay matatapos na kung hindi siya kumilos nang mabilis! Dahil doon, agad siyang lumuhod bago nagmakaawa, “B-boss…! Huwag mo kaming patayin…! Sloan, bilisan mo at lumuhod ka! Lumuhod ka sa harap ng boss at humingi ka ng tawad!" Pagkatapos nito, hinila ni Welson ang braso ng kanyang anak hanggang sa lumuhod ito sa tabi niya. Si Sloan mismo ay hindi sasang-ayon sa mga aksyon ng kanyang ama. Alam nila na silang dalawa ay wala sa anumang posisyo
Kahit pa mataas ang katayuan ni Zyla sa lipunan, nakita ni Gerald ang kanyang mga mata na namumula at lumuluha. Sino nga naman ang makakapagsisi sa kanya? Kung tutuusin, libu-libong taon na niyang hinihintay ang sandaling ito... Ang oras na wakas ay makakasama muli si Liemis... Ang dami niyang pinagdaanan pero hindi pa rin makita ni Zyla ang kanyang bangkay! Sino ang may kagagawan ng kasamaan na ito...? 'Mula sa sinabi sa akin ni Zyla, ang isip ng kaluluwa ni Liemis ay twenty years nang hindi nabubuhay... Hindi ito naiwasan dahil nangyari ito mula nang nabuhay ako… Pero wala na dito ngayon ang kanyang bangkay...' Mahigpit na isinara ni Gerald ang kanyang kamao bago niya sinabi, "Kahit pa liblib ang lugar na ito, sigurado akong na-seal ko ang entrance ng kweba gamit ang formation ng dragon blood jade pendant... Sino ang may sapat na kakayahan para gawin ang lahat ng ito...?" “...Noong nasa labas tayo, nakita ko na hindi nasira ang seal mo... Mukhang may isang tao na naka-solve nit
“…Bakit mo sinabi na kilalang-kilala niya si Gerald…?” tanong ni Zyla habang nagpupunas ng luha habang nakatingin sa berdeng liwanag. “Dahil alam niya ang lugar na ito. Ang formation na ginamit ni Gerald para i-seal ang kuweba ay ang formation ng jade pendant, isang formation na ipinagkaloob ng God of War kay Gerald... Walang alinlangan na hindi ito kayang lutasin ng mga ordinaryong tao, ginawa iyon ng matandang iyon ng napakadali... Pagkatapos niya akong patayin, gumamit siya ng ilang medthods para imbestigahan ang bangkay ng God of War at binanggit niya ang pangalan ni Gerald nang maraming beses... Bukod pa doon, paulit-ulit din niyang inuulit ang salitang ‘sikreto.’ Dahil dito ay naisip ko na kilalang-kilala niya si Gerald!” paliwanag ng higanteng anaconda. “Pero mukhang hindi niya nakuha ang gusto niya at ito ang nag-udyok sa kanya na ilayo ang eternal coffin... Sa kabutihang palad, hindi pa niya na-realize ito noong panahong iyon na mayroon akong mas malakas na kapangyarihan