Ilang segundo pagkatapos niyang sabihin iyon, napatingin sila sa isang tao na dahan-dahang lumalakad patungo sa kanila mula sa malayo... Nang makalapit siya, nagliwanag ang mga mata ni Leo nang sabihin niya, "Ikaw pala ‘yan, Mr. Crawford!" Banayad na ngumiti si Peter nang makita niya si Gerald... Nang maging malinaw si Gerald sa kanyang pananaw, bigla namang nanlaki ang kanyang mga mata at bumulong siya, "...Gerald... Ano ang nangyari sa iyong training...?" Ilang araw pa lang mula noong huli niyang nakita si Gerald... Pero paano nagkaroon si Gerald ng napakalakas na nakakatakot na inner-strength sa loob ng maikling panahon...? 'Tama ba ang sinabi ni Miss Lockland na hindi na isang regular na tao si Gerald...?' “Nakuha ko ang mga dapat kong makuha na training hanggang sa wakas ay naabutan ko kayong lahat dito, sir! Zyla!” sagot ni Gerald habang nakangiting tumango bago siya tumingin sa malabong mundo na pumapalibot sa kanya... Nagsalita si Gerald pagkatapos ng maikling katahim
Matapos marinig ang paliwanag ni Gerald, biglang nagsalita si Peter, "Kaya pala ang bilis mong lumaki sa loob lamang ng tatlong araw!" “Iyan pala ang buong kwento... Sa huli ay may mga bagay pa rin na hindi maitatago kahit pa subukan nating itago ito... Lahat ay nangyayari ayon sa kapalaran... Alam mo, kahit na si Liemis ang pinakamakapangyarihang tao na nangunguna sa Jaellatra, kahit siya ay sinabi sa akin na walang sinuman ang makakatakas sa kapalaran... Totoo sa kanyang sinabi, hindi rin nakatakas si Liemis sa kanyang kapalaran! Ang Herculean Primordial Spirit ay isang kapangyarihang napakalakas na kaya nitong sirain ang ultimate limit!" paliwanag ni Zyla. “…Sirain… ang ultimate limit…?” sabay na sinabi ni Leo at Peter. “Oo. Ang ultimate limit ay walang simula o wakas... Ito ay may kakayahang manatiling malakas nang walang limitasyon at walang sinuman ang may kakayahan na makagawa nito! Sa kabila nito, may alamat na kayang sirain nito ang Herculean Primordial Spirit!" Nang m
Pagkatapos nito, pinakinggan niya ang paliwanag ni Zyla tungkol sa Dehlere Foundation. Ang Dehlere Foundation ay isang pangunahing bahagi ng isang cultivator. Sa madaling salita, ito ang mapagkukunan ng tubig o ang pinakapangunahing mga pangangailangan. Kung nasira ang Dehlere Foundation ng isang tao, hindk nila makakamit ang kanilang highest form kahit na ang taong iyon ay nakapagsanay sa isang mataas na antas sa pamamagitan ng pagsusumikap. Para gisingin ang Dehlere Foundation ng isang tao,kailangan ng isang tao na dumaan sa baptism of heaven kung saan si Gerald ay sumailalim sa pagsunod sa ilalim ng tagubilin ni Master Ghost. Ayon kay Zyla, dapat ginising ni Gerald ang kanyang Dehlere Foundation at ang kanyang functional yin energy pagkatapos niyang makumpleto ang baptism of heaven. Gayunpaman, dahil ang kanyang Dehlere Foundation ay nasira, walang anumang bagay na kaya itong i-activate. Ipinaliwanag nito kung bakit malayo pa rin siya sa inaasahan ni Zyla kahit na naging mal
“…Mula nang mahawakan ko ito, naramdaman ko agad kung gaano kalakas ang pambihirang bagay na ito… Ang pamilya namin ay may larawan ng araw na kayang mahulaan ang mangyayari sa future... May ganoong kapangyarihan rin ba ang Mackusion?" nagtatakang tinanong ni Gerald. "Oo, pero hindi lamang iyon ang kakayahan nito. Magpatuloy kayo at subukang gamitin ang dragon blood jade pendant bilang isang medium para makipag-usap dito. Tanungin niyo ang kahit anong gusto niyong gawin at baka palarin kayo na sumagot ito sa inyo! Ito rin ang perpektong pagkakataon para makita natin kung gaano katumpak ang mga alamat pagdating sa napakalaking mahiwagang kapangyarihan ng Mackusion!" sagot ni Zyla. “Naiintindihan,” sagot ni Gerald habang nakapikit at ginawa niya ang naging suggestion ni Zyla. Hindi nagtagal, isang sinag ng liwanag ang lumabas mula sa pendant at pumasok sa Mackusion! Gayunpaman, walang nangyari kahit na iminulat muli ni Gerald ang kanyang mga mata makalipas ang ilang segundo... Tah
Maraming mga bundok ang makikita na nakapalibot sa malaking isla at may mga kakaibang bulaklak ay makikita na tumutubo sa buong lugar. Nang makita ni Gerald ang isla, alam na niya agad kung ano ang lugar na iyon. Iyon ay Warhill Island, ang lugar kung saan ginaganap ang pledge of the holy water! 'Sigurado akong si lolo at ang iba ay matagal nang nakarating doon...' Kahit papaano ay may idea na ngayon si Gerald kung paano gamitin ang Mackusion. Sa katunayan, pagkatapos niyang makipag-usap dito sa pamamagitan ng kaluluwa ng isang tao, makikita sa screen ang lahat ng bagay na nakaligtaan o mga bagay na kinakagulo ng isip ng isang tao. Nakuha niya ang konklusyong iyon pagkatapos niyang masaksihan ang nangyari kay Mila, ipinapakita na ngayon sa screen ang lugar na pinuntahan ng kanyang lolo para makasali sa pledge of the holy water. Nagtaka si Gerald na kung bakit pinakita ang Warhill Island kahit na wala siyang pagdududa dito, pero ang makikita pala sa maalamat na lugar kung saan
Habang pinag-iisipan ni Gerald iyon, bigla niyang narinig na naghiyaban ang iba pang mga babae na kanina pang tahimik na nakatayo sa gilid! Si Peter ay mukhang nag-aalala na ngayon at agad niyang itinuro ang screen bago siya sumigaw, "Gerald, tingnan mo!" Lumingon siya sa screen kung saan na makikita pa rin ng Warhill Island at agad niyang nakita na naroroon na ang mga tao. Siyempre, hindi iyon ang dahilan kung bakit nagsigawan ang mga babae. Ang dahilan kung bakit sila natatakot ay dahil ang mga taong ipinapakita ay walang iba kundi mga bangkay na dumanas ng nakakakilabot na kamatayan! Base sa estimation ni Gerald, may humigit-kumulang isang daang namatay na dakilang masters na nagmula sa iba't ibang lugar para lamang makilahok sa pledge of the holy water. Tumingin si Gerald sa dagat at ang mga talukap ng kanyang mga mata ay agad na nagsimulang kumibot nang mabilis habang iniisip niya, 'Lolo...!' Makabuluhan ang pag-aalala niya dahil alam niya na ang kanyang lolo ay umalis
Maya-maya, unti-unting nawala ang larawan na iyon at noon ay dahan-dahang napunta ang ilaw ng Mackusion sa palad ni Gerald. “…Miss Lockland, alam mo ba kung ano ang sinusubukang ibunyag ng Mackusion batay sa ipinakita nito sa atin kanina? May kakila-kilabot kayang nangyari sa mga sumama sa pledge of the holy water…?” medyo nag-aalalang tinanong ni Gerald. "Mayroon akong pakiramdam na ayan nga ang nangyari... Pinakita ng Mackusion na nagkaroon ng masamang pangyayari sa paglalakbay nila sa pledge at pinakita rin nito ang puntod ni Liemis pati na rin ang manor ng pamilya mo. Malakas ang kutob ko na may mangyayaring masama sa dalawang lugar na iyon sa lalong madaling panahon!" sagot ni Zyla. "…Ano? Hindi na tayo pwedeng magsayang pa ng oras! Pumunta tayo sa lugar na iyon at imbestigahan ito” sabi ng gulat na gulat na si Gerald. “Tama! Ngayong nasa kamay mo na ang Mackusion, kailangan mo itong alagaan ng maayos, Gerald. Matutulungan ka nitong pagalingin ang iyong Dehlere Foundation!
Biglang sumimangot si Gerald nang makita niya ang reaksyon ni Yvon. Naisip ni Gerald na hindi masyadong malakas si Yvon, kaya sigurado siya na madali niya itong matatapos. Biglang nabalisa si Gerald dahil masyadong malakas ang kumpiyansa ni Yvon. Napaisip si Gerald kung siya nga ba ang pinakamalakas sa Seven Monsters. Isinantabi ni Gerald ang kaisipan na ito bago niya sinabi, “Wala akong choice kung hindi tapusin ka. Ayoko nang isipin pa ang anumang problemang idudulot mo sa hinaharap!" Pagkatapos nito, ipinitik ni Gerald ang kanyang daliri kay Yvon nang hindi talaga ginagamit ang kanyang inner-strength. Ginawa lang niya iyon para makita ang magiging galaw ni Yvon para mapag-aralan ito ni Gerald, ngunit nagulat siya nang makitang pinitik din ni Yvon ang daliri niya. Nagtatakang tiningnan ni Gerald si Yvon bago sinabi ng binata, "Sinabi ko nga sayo, iba ako sa iba!" Biglang nagbago ang itsura ni Yvon pagkatapos niya itong sabihin... Nakita na lamang niya na biglang naging