Para siyang demonyo na kayang pumatay ng kahit sino sa isang pitik lang ng kanyang mga daliri!“Wag kang gagalaw! Huwag ka nang gumalaw pa! Tumigil kayong lahat!"Itinaas ni Tilar ang kanyang kamay bilang senyales sa kanyang mga tauhan na huwag silang magpatumpik-tumpik sa kanilang mga aksyon.Pagkatapos nito, dahan-dahang naglakad si Tilar sa harap ni Gerald bago siya lumuhod ng diretso sa harapan niya sabay hampas ng buong katawan niya sa lapag."Boss... nagkamali ako!"Yumuko si Tilar sa harap ni Gerald na puno ng respeto ang kanyang mukha."Tama ang ginagawa mo. Napakatalino mo talaga. Ang pakikipag-usap sa akin sa ganitong posisyon ay ang pinakamahusay at pinakamatalinong bagay na nagawa mo sa buong buhay mo!”Hindi iniisip ni Gerald ang hustisya o katarungan sa tuwing kinakausap niya ang ganitong uri ng tao.Tanging pananakot lamang ang magagamit para makumbinsi ang isang tao na isuko ang kanyang sarili.“Nagkamali… nagkamali din ako! Huwag mo kaming patayin! Handa akong
Kasalukuyan sa Xanthos Manor.Nakaupo sa sofa ang isang middle-aged na lalaki at ang isang binata habang seryoso silang nakikipag-usap sa pitong tao na nakasuot ng itim na uniporme."Ang pagkasira ng historical ruins ang magiging pinakamalaking kaganapan na yayanig sa buong mundo. Kaya kailangan nating maging mas maingat sa pagkakataong ito. Ang bawat isa sa inyong pito ay may kakaibang mga kakayahan. Kaya kailangan naming umasa sa inyo mga master para tulungan kami sa hinaharap.”Sabi ng middle-aged na lalaki habang tumatawa at hawak ang isang tasa.Ang middle-aged na lalaking ito ay si Wesson Xanthos at siya ang head ng pamilyanh Xanthos, isang kilalang puwersa ng pamilya. Si Wesson ay isang napakalupit at walang awa na tao. Binigay niya ang buong buhay niya sa pagsamba ng theology. Patuloy siyang nagpapalawak at nagtatayo ng kanyang pamilya sa tulong at koneksyon ng iba't ibang madidilim na pwersa sa mga nakaraang taon.Ang binata sa tabi niya ay si Sloan at karaniwan siyang ti
“Siya si Mr. Crawford. Mr. Gerald Crawford!” Magalang na sinabi ni Tilar habang nagpapakilala."Nandito ngayon si Mr. Crawford dahil hinahanap niya ang ilang mga masters na inimbitahan ni Chairman Xanthos na pumunta dito ilang araw lang ang nakalipas. Silang lahat ay kaibigan ni Mr. Crawford. Gusto ring imbestigahan ni Mr. Crawford ang miracle!”Kumikilos si Tilar na parang anak sa harap ni Gerald at ginagawa niya ang lahat para manatiling tahimik.Nakakuha din si Wesson ng ilang mahalagang impormasyon at mga clues sa oras na ito.Ito ay dahil narinig niya na ang mga tao sa kweba na dapat niyang lasunin ay mga kaibigan pala ng binatang ito.Dahil dito ay nakaramdam siya ng takot at pagkabalisa.“Oh! Madali lang natin itong mapapag-usapan! Kaibigan ka pala ng ilang master na iyon!” Sabi ni Wesson habang nakangiti at nilapit niya ang kanyang kamay para makipagkamay kay Gerald."Tumigil ka na sa pagsasalita ng mga kalokohan at dalhin mo sa kanila!"Si Gerald naman ay tumingin sa b
Maya-maya pa nang biglang naramdaman ni Gerald na ang driver ay huminto habang nakasakay siya sa kotseng ipinadala ni Wesson. Pinapanood niya ang driver habang nagsisindi ng sigarilyo at tumingin siya sa kanyang rear-view mirror na nagpapakita ng malamig na ngiti kay Gerald, “Nasa kalagitnaan pa lang tayo, hindi ba? Bakit mo hininto ang sasakyan?" "Oh, medyo pagod lang ako kaya kailangan ko munang magpahinga!" sagot ng driver, ngunit makikita sa mukha niya ang mapahamak na intensyon. "Pagod? Hindi ka pa nagmamaneho ng matagal. Magagawa mo ang anumang gusto mo kapag narating ko na ang aking destinasyon, kaya sa ngayon ay nagmaneho ka muna ng maayos!" sabi ni Gerald habang umiiling. Sa totoo lang, ayaw ni Gerald na pumatay ng tao kung hindi ito kinakailangan. Kung tutuusin, mahalaga ang lahat ng buhay. Kung hindi iyon ang kanyang pananaw sa buhay, hindi na niya kailangang kausapin pa ang nga ganitong klase ng tao at papatayin niya na lamang sila. “Hah! Sa tingin mo ba big shot ka
Napaatras ng ilang hakbang ang anim kahit na kanina ay nanunuya sila dito. Napailing na lang si Gerald bago niya sinabing, “Sabi ko naman sa’yo, ‘di ba? Masaya lang ang mga tao dahil sa tingin nila ay kaya nila akong patayin at kayong lahat ang buhay na patunay niyan. Sa totoo lang, kayong lahat ay mga butil ng alikabok lang para sa akin... at talagang naiirita ako sa mga alikabok!" Pagkatapos nito, pinitik ni Gerald ang kanyang daliri at lumikha ng isang paputok na tunog habang ang malakas na alon ng hangin ay mabilis na lumipad patungo sa anim na tao! Ang alikabok ay lumipad sa iba’t ibang direksyon dahil sa malakas na pasabog ng hangin, kaya lumingon ang anim at nagsimulang tumakas! Alam nila na mamamatay sila kapag nakasalubong nila ang pasabog na atakeng ito. Ang kanyang lakas ay hindi makatao! Kailangan nilang tumakas pero ni isa sa kanila ay hindi magawa iangat ang kanilang mga paa! Parang ang ibabang bahagi ng kanilang mga katawan ay may sariling utak! Nanlaki ang mga
Ilang segundo pagkatapos niyang sabihin iyon, napatingin sila sa isang tao na dahan-dahang lumalakad patungo sa kanila mula sa malayo... Nang makalapit siya, nagliwanag ang mga mata ni Leo nang sabihin niya, "Ikaw pala ‘yan, Mr. Crawford!" Banayad na ngumiti si Peter nang makita niya si Gerald... Nang maging malinaw si Gerald sa kanyang pananaw, bigla namang nanlaki ang kanyang mga mata at bumulong siya, "...Gerald... Ano ang nangyari sa iyong training...?" Ilang araw pa lang mula noong huli niyang nakita si Gerald... Pero paano nagkaroon si Gerald ng napakalakas na nakakatakot na inner-strength sa loob ng maikling panahon...? 'Tama ba ang sinabi ni Miss Lockland na hindi na isang regular na tao si Gerald...?' “Nakuha ko ang mga dapat kong makuha na training hanggang sa wakas ay naabutan ko kayong lahat dito, sir! Zyla!” sagot ni Gerald habang nakangiting tumango bago siya tumingin sa malabong mundo na pumapalibot sa kanya... Nagsalita si Gerald pagkatapos ng maikling katahim
Matapos marinig ang paliwanag ni Gerald, biglang nagsalita si Peter, "Kaya pala ang bilis mong lumaki sa loob lamang ng tatlong araw!" “Iyan pala ang buong kwento... Sa huli ay may mga bagay pa rin na hindi maitatago kahit pa subukan nating itago ito... Lahat ay nangyayari ayon sa kapalaran... Alam mo, kahit na si Liemis ang pinakamakapangyarihang tao na nangunguna sa Jaellatra, kahit siya ay sinabi sa akin na walang sinuman ang makakatakas sa kapalaran... Totoo sa kanyang sinabi, hindi rin nakatakas si Liemis sa kanyang kapalaran! Ang Herculean Primordial Spirit ay isang kapangyarihang napakalakas na kaya nitong sirain ang ultimate limit!" paliwanag ni Zyla. “…Sirain… ang ultimate limit…?” sabay na sinabi ni Leo at Peter. “Oo. Ang ultimate limit ay walang simula o wakas... Ito ay may kakayahang manatiling malakas nang walang limitasyon at walang sinuman ang may kakayahan na makagawa nito! Sa kabila nito, may alamat na kayang sirain nito ang Herculean Primordial Spirit!" Nang m
Pagkatapos nito, pinakinggan niya ang paliwanag ni Zyla tungkol sa Dehlere Foundation. Ang Dehlere Foundation ay isang pangunahing bahagi ng isang cultivator. Sa madaling salita, ito ang mapagkukunan ng tubig o ang pinakapangunahing mga pangangailangan. Kung nasira ang Dehlere Foundation ng isang tao, hindk nila makakamit ang kanilang highest form kahit na ang taong iyon ay nakapagsanay sa isang mataas na antas sa pamamagitan ng pagsusumikap. Para gisingin ang Dehlere Foundation ng isang tao,kailangan ng isang tao na dumaan sa baptism of heaven kung saan si Gerald ay sumailalim sa pagsunod sa ilalim ng tagubilin ni Master Ghost. Ayon kay Zyla, dapat ginising ni Gerald ang kanyang Dehlere Foundation at ang kanyang functional yin energy pagkatapos niyang makumpleto ang baptism of heaven. Gayunpaman, dahil ang kanyang Dehlere Foundation ay nasira, walang anumang bagay na kaya itong i-activate. Ipinaliwanag nito kung bakit malayo pa rin siya sa inaasahan ni Zyla kahit na naging mal