Hindi siya kailanman magiging kalaban ng mga taong ito.Sa sandaling ito, sobra siyang natatakot na ang kanyang mga palad at likod ng kanyang mga kamay ay pawis na pawis.Si Dario ang suporta at pillar ng lakas ng pamilyang Dailey, pero ngayon... tinalikuran na niya sila?!“Ano ngayon, Miss Dailey? Si Master Dario ay isa sa mga nangungunang master, pero ginawa siyang alipin sa pamilyang Dailey. Pero iba ang mangyayari kung mapupunta si Master Dario sa amin. Si Master Dario ang magiging guest of honor ng pamilyang Lacraft!" Sabi ni Tilar habang nakangisi.“Ikaw… bakit naisipan mong gawin ito?” Sabi ni Yileen bago siya lumunok.“Hahaha! Alam kong pinakamamahal ka ng tatay mo dahil nag-iisang anak ka niya. Kung malalaman niya na nahulog ka sa aming mga kamay, paniguradong papayag ang iyong tatay na pirmahan ang ilan sa mga terms of agreement na ilalabas ni Mr. Xanthos! Ito ay napakasimple lang talaga!" Sabi ni Tilar habang nagkibit balikat.“Hindi pa tayo nakapasok sa kaloob-loobang
Doon lang namalayan ni Tilar na may isang binata ang nakatayo sa likod ni Yileen sa oras na ito.Hindi alam ni Tilar kung natakot ba ang binata dahil sa kanyang dominanteng aura. Sa sandaling ito, parang malayo ang isip ng nasabing binata na para bang malalim ng kanyang iniisip.Mukhang wala kay Yileen ang kanyang isip at atensyon.‘Di kaya dahil masyado siyang natakot sa akin?’Napailing si Tilar habang iniisip ito.Pagkatapos nito, nagtanong siya, “Master Dario, sino ang lalaking iyon? Isa rin ba siya sa mga utusan ni Yileen?"“Oo, Mr. Lacraft. Isa siyang utusan na pinasok ni Yileen kanina.”Tumango si Dario bago siya nagpatuloy, “Isa lang siyang kawawang niloko ni Yileen. Hahaha! HIndi niya man lang alam na binenta na siya para gamitin niya!”Pilit na ngumiti si Dario.“Parang narinig na niya ang lahat ng pinag-usapan natin.Master Dario, alam mo kung ano ang kailangan mong gawin!" Sabi ni Tilar habang nanunuya. Naging komportable siya dahil naisip niyang naging matagumpa
“Hahaha! Boss, mukhang baliw talaga ang taong ito. Hindi ko alam kung kaya niya pang maging mas baliw pa dito!"Karamihan sa mga tao ay tumawa ng malakas.Kahit si Yileen ay nakatingin din kay Gerald na siya ay parang isang tanga.May mali talaga sa utak ng lalaking ito.Mas matalino pa sana siya ng kaunti kung lumuhod siya at humingi ng awa kay Tilar sa sandaling ito. Gayunpaman, hindi siya nagsasalita at pinapakita niya pa ang kanyang tigas ng ulo. Pagkatapos nito ay nagsasalita siya na parang isang baliw.Nasa bingit na siya ng kamatayan! Noong una ay naawa si Yileen sa kanya, ngunit ngayon, wala na siyang naramdaman na kahit anong bahid ng simpatiya para sa kanya.‘Isa siyang tanga at talagang karapat-dapat siyang mamatay!’ naisip ni Yileen.“Master Dario, hindi ko na kayang tumawa pa. Seryoso bagay dapat ang pagpatay sa kanya. Pero hindi ko inaasahan na gagawin itong nakakatawa ng batang ito. Hayaan mo na! Patayin siya ngayon at hayaan niyong makita ni Miss Dailey ang kanya
Para siyang demonyo na kayang pumatay ng kahit sino sa isang pitik lang ng kanyang mga daliri!“Wag kang gagalaw! Huwag ka nang gumalaw pa! Tumigil kayong lahat!"Itinaas ni Tilar ang kanyang kamay bilang senyales sa kanyang mga tauhan na huwag silang magpatumpik-tumpik sa kanilang mga aksyon.Pagkatapos nito, dahan-dahang naglakad si Tilar sa harap ni Gerald bago siya lumuhod ng diretso sa harapan niya sabay hampas ng buong katawan niya sa lapag."Boss... nagkamali ako!"Yumuko si Tilar sa harap ni Gerald na puno ng respeto ang kanyang mukha."Tama ang ginagawa mo. Napakatalino mo talaga. Ang pakikipag-usap sa akin sa ganitong posisyon ay ang pinakamahusay at pinakamatalinong bagay na nagawa mo sa buong buhay mo!”Hindi iniisip ni Gerald ang hustisya o katarungan sa tuwing kinakausap niya ang ganitong uri ng tao.Tanging pananakot lamang ang magagamit para makumbinsi ang isang tao na isuko ang kanyang sarili.“Nagkamali… nagkamali din ako! Huwag mo kaming patayin! Handa akong
Kasalukuyan sa Xanthos Manor.Nakaupo sa sofa ang isang middle-aged na lalaki at ang isang binata habang seryoso silang nakikipag-usap sa pitong tao na nakasuot ng itim na uniporme."Ang pagkasira ng historical ruins ang magiging pinakamalaking kaganapan na yayanig sa buong mundo. Kaya kailangan nating maging mas maingat sa pagkakataong ito. Ang bawat isa sa inyong pito ay may kakaibang mga kakayahan. Kaya kailangan naming umasa sa inyo mga master para tulungan kami sa hinaharap.”Sabi ng middle-aged na lalaki habang tumatawa at hawak ang isang tasa.Ang middle-aged na lalaking ito ay si Wesson Xanthos at siya ang head ng pamilyanh Xanthos, isang kilalang puwersa ng pamilya. Si Wesson ay isang napakalupit at walang awa na tao. Binigay niya ang buong buhay niya sa pagsamba ng theology. Patuloy siyang nagpapalawak at nagtatayo ng kanyang pamilya sa tulong at koneksyon ng iba't ibang madidilim na pwersa sa mga nakaraang taon.Ang binata sa tabi niya ay si Sloan at karaniwan siyang ti
“Siya si Mr. Crawford. Mr. Gerald Crawford!” Magalang na sinabi ni Tilar habang nagpapakilala."Nandito ngayon si Mr. Crawford dahil hinahanap niya ang ilang mga masters na inimbitahan ni Chairman Xanthos na pumunta dito ilang araw lang ang nakalipas. Silang lahat ay kaibigan ni Mr. Crawford. Gusto ring imbestigahan ni Mr. Crawford ang miracle!”Kumikilos si Tilar na parang anak sa harap ni Gerald at ginagawa niya ang lahat para manatiling tahimik.Nakakuha din si Wesson ng ilang mahalagang impormasyon at mga clues sa oras na ito.Ito ay dahil narinig niya na ang mga tao sa kweba na dapat niyang lasunin ay mga kaibigan pala ng binatang ito.Dahil dito ay nakaramdam siya ng takot at pagkabalisa.“Oh! Madali lang natin itong mapapag-usapan! Kaibigan ka pala ng ilang master na iyon!” Sabi ni Wesson habang nakangiti at nilapit niya ang kanyang kamay para makipagkamay kay Gerald."Tumigil ka na sa pagsasalita ng mga kalokohan at dalhin mo sa kanila!"Si Gerald naman ay tumingin sa b
Maya-maya pa nang biglang naramdaman ni Gerald na ang driver ay huminto habang nakasakay siya sa kotseng ipinadala ni Wesson. Pinapanood niya ang driver habang nagsisindi ng sigarilyo at tumingin siya sa kanyang rear-view mirror na nagpapakita ng malamig na ngiti kay Gerald, “Nasa kalagitnaan pa lang tayo, hindi ba? Bakit mo hininto ang sasakyan?" "Oh, medyo pagod lang ako kaya kailangan ko munang magpahinga!" sagot ng driver, ngunit makikita sa mukha niya ang mapahamak na intensyon. "Pagod? Hindi ka pa nagmamaneho ng matagal. Magagawa mo ang anumang gusto mo kapag narating ko na ang aking destinasyon, kaya sa ngayon ay nagmaneho ka muna ng maayos!" sabi ni Gerald habang umiiling. Sa totoo lang, ayaw ni Gerald na pumatay ng tao kung hindi ito kinakailangan. Kung tutuusin, mahalaga ang lahat ng buhay. Kung hindi iyon ang kanyang pananaw sa buhay, hindi na niya kailangang kausapin pa ang nga ganitong klase ng tao at papatayin niya na lamang sila. “Hah! Sa tingin mo ba big shot ka
Napaatras ng ilang hakbang ang anim kahit na kanina ay nanunuya sila dito. Napailing na lang si Gerald bago niya sinabing, “Sabi ko naman sa’yo, ‘di ba? Masaya lang ang mga tao dahil sa tingin nila ay kaya nila akong patayin at kayong lahat ang buhay na patunay niyan. Sa totoo lang, kayong lahat ay mga butil ng alikabok lang para sa akin... at talagang naiirita ako sa mga alikabok!" Pagkatapos nito, pinitik ni Gerald ang kanyang daliri at lumikha ng isang paputok na tunog habang ang malakas na alon ng hangin ay mabilis na lumipad patungo sa anim na tao! Ang alikabok ay lumipad sa iba’t ibang direksyon dahil sa malakas na pasabog ng hangin, kaya lumingon ang anim at nagsimulang tumakas! Alam nila na mamamatay sila kapag nakasalubong nila ang pasabog na atakeng ito. Ang kanyang lakas ay hindi makatao! Kailangan nilang tumakas pero ni isa sa kanila ay hindi magawa iangat ang kanilang mga paa! Parang ang ibabang bahagi ng kanilang mga katawan ay may sariling utak! Nanlaki ang mga