Ang ginintuang liwanag ni Gerald ay sandaling sumikat bago tuluyang binalot ang mahina at itim na liwanag. Sa oras na iyon ay tuluyan nang nawala ang liwanag at ito ay natatakpan na ngayon ng napakalaking kapangyarihan. 'Lumabas na ang aking potensyal... Kung ito talaga ang Herculean Primordial Spirit, ibig sabihin nito ay matagumpay kong na-unlock ang unang stage ng Primordial Spirit! Pero nagtataka ako... Kapag na-unlock ko na ang lahat ng nine stages, kaya kong gumawa ng matinding pagkasira sa langit at lupa...?' Namangha si Gerald sa kanyang sarili sa oras na ito. Inangat ni Gerald ang walang malay na si Yume sa lupa bago niya tinanggal ang kanyang maskara at inihayag niya ang kanyang tunay na mukha. Aalis na sana siya nang bigla niyang napansin ang isang kakaibang kagamitan na nakatayo sa gitna ng secret room. Ito ay parang isang pool at sa itaas nito ay isang blue light na nagpakalat ng isang blue liquid, hindi katulad ng kung paano gumagana ang mga automatic water fountain
Nagmamadaling bumalik si Yreth sa Gunter Manor kasama ang iba pang miyembro ng pamilyang Gunter at ang tanging nakita nila ay isang pagsabog ng apoy na umaakyat papunta sa langit.Ang buong Gunter Manor ay binalot ng isang malaking apoy at ito ay halos naging abo na.Namula ang mukha ni Yreth sa sobrang galit. Sa sandaling ito, ang kanyang damdamin ng kalungkutan at galit ay nagkahalo at naramdaman niya na parang mababaliw na siya. “Ang pundasyon ng pamilyang Gunter na mahigit sampung libong taon ay tuluyan nang sinira ni Gerald. Gerald! Kailangan kong maghiganti sa ngalan ng pamilyang Gunter!"Naintindihan na ni Yreth ang sitwasyon ngayon. Ang nagpanggap na si Felton ay walang iba kundi si Gerald.Bukod dito, nagsabi rin ng totoo si Gerald. Si Felton ay napunta sa kanyang mga kamay, ngunit siya ay brutal na pinatay ni Gerald sa kagubatan.Pagkatapos nito, pumasok si Gerald sa Gunter Manor, sinunog at sinira ang pundasyon ng pamilyang Gunter.Napuno ng galit at hinanakit si Yreth
Tanong ni Gerald.“Hindi ko alam. Marami kaming bisitang dumarating dito. Pero ang mga taong iyon ay may Western clothing at mayroon din silang logo sa kanilang dibdib. Base sa nakita ko, ang mga kaibigan mo ay magalang na sinundo ng mga taong iyon!” Sabi ng boss.Tumango si Gerald.Walang iniwan si Uncle para ma-trace at mahanap niya sila.Mukhang wala silang balak na manatili doon ng matagal kahit na sila ay talagang umalis. Gayunpaman, panigurado na may nangyari at iyon ang dahilan kung bakit hindi pa bumabalik si Uncle at ang iba pa.“Ah, binata, nakikita mo ba iyan? May ilang mga tao na may katulad na mga pananamit. Kamukha nila yung mga taong sumundo sa mga kaibigan mo."Sa oras na ito, nagsalita ang boss habang nakatingin siya sa labas ng pinto at itinuro ang isang grupo ng mahigit isang dosenang tao.Napatingin si Gerald sa direksyon na iyon.Ang leader ng grupo ay isang matangkad na babae na may natural na curly at mahabang buhok. Nakasuot siya ng sports attire at base
Umiling na lamang at pilit na ngumiti si Gerald nang makita niya ang mga taong ito.Medyo dramatic nang maisip niya isang taon pa lang ang nakalipas na kakabahan si Gerald, kahit na kalmado siya sa harapan, kung makakatagpo siya ng napakaraming bodyguard na nakapaligid sa kanya.Pero ngayon, hindi isang biro kung pitikin lang ni Gerald ang kanyang daliri at paniguradong patay na ang mga taong ito, hindi rin nila malalaman kung paano sila mamatay.Totoo na kapag ang isang tao ay naging malakas at makapangyarihan na higit pa kaysa sa isang ordinaryong tao, siya ay mawawalan ng pakialam sa mga taong nagbabanta sa kanya. Hindi niya ito isinapuso.Sa oras na ito, nakabalik na sina Chester at Aiden sa Mayberry City para magpagaling.Hindi mahanap ni Gerald si Zyla, kaya kailangan niyang kumuha ng ilang mga clues mula sa mga taong ito.“Sandali lang!”Sa pagkakataong ito, bigla silang pinigilan ni Yileen habang sumisigaw ito ng malakas."Miss Yileen, anong problema?" Tanong ng middle-
Parang may kakaibang nangyari sa North Desert Town mga isang buwan na ang nakalipas.Maraming family forces ang dumating at nagtitipon dito.Ang pamilyang Dailey ay isa lamang sa kanila.Nandito si Yileen bilang representative ng pamilyang Dailey para sa isang negotiation kay Tilar Lacraft. Gayunpaman, hindi malinaw para kay Gerald ang tungkol sa mga tuntunin at layunin ng kanilang negotiation.Ngunit hindi rin siya interesado dito.Hindi nagtagal, dumating ang convoy ni Yileen sa labas ng mansyon ni Tilar.Marami sa mga bodyguard ni Tilar ang nasa loob at labas ng mansyon.Si Tilar ay kabilang sa isa sa mga makapangyarihang local forces at siya ay kilala sa pagiging malupit.Si Tilar ay isang middle-aged na lalaki na medyo mataba at ang kanyang mga mata ay singkit sa isang tuwid na linya.“Miss Dailey, akala ko hindi na pupunta ang pamilyang Dailey. Hindi ko talaga inaasahan na pupunta ka talaga dito ng personal. Totoong napakatapang at determinado ka! Miss Dailey, isa kang p
Hindi siya kailanman magiging kalaban ng mga taong ito.Sa sandaling ito, sobra siyang natatakot na ang kanyang mga palad at likod ng kanyang mga kamay ay pawis na pawis.Si Dario ang suporta at pillar ng lakas ng pamilyang Dailey, pero ngayon... tinalikuran na niya sila?!“Ano ngayon, Miss Dailey? Si Master Dario ay isa sa mga nangungunang master, pero ginawa siyang alipin sa pamilyang Dailey. Pero iba ang mangyayari kung mapupunta si Master Dario sa amin. Si Master Dario ang magiging guest of honor ng pamilyang Lacraft!" Sabi ni Tilar habang nakangisi.“Ikaw… bakit naisipan mong gawin ito?” Sabi ni Yileen bago siya lumunok.“Hahaha! Alam kong pinakamamahal ka ng tatay mo dahil nag-iisang anak ka niya. Kung malalaman niya na nahulog ka sa aming mga kamay, paniguradong papayag ang iyong tatay na pirmahan ang ilan sa mga terms of agreement na ilalabas ni Mr. Xanthos! Ito ay napakasimple lang talaga!" Sabi ni Tilar habang nagkibit balikat.“Hindi pa tayo nakapasok sa kaloob-loobang
Doon lang namalayan ni Tilar na may isang binata ang nakatayo sa likod ni Yileen sa oras na ito.Hindi alam ni Tilar kung natakot ba ang binata dahil sa kanyang dominanteng aura. Sa sandaling ito, parang malayo ang isip ng nasabing binata na para bang malalim ng kanyang iniisip.Mukhang wala kay Yileen ang kanyang isip at atensyon.‘Di kaya dahil masyado siyang natakot sa akin?’Napailing si Tilar habang iniisip ito.Pagkatapos nito, nagtanong siya, “Master Dario, sino ang lalaking iyon? Isa rin ba siya sa mga utusan ni Yileen?"“Oo, Mr. Lacraft. Isa siyang utusan na pinasok ni Yileen kanina.”Tumango si Dario bago siya nagpatuloy, “Isa lang siyang kawawang niloko ni Yileen. Hahaha! HIndi niya man lang alam na binenta na siya para gamitin niya!”Pilit na ngumiti si Dario.“Parang narinig na niya ang lahat ng pinag-usapan natin.Master Dario, alam mo kung ano ang kailangan mong gawin!" Sabi ni Tilar habang nanunuya. Naging komportable siya dahil naisip niyang naging matagumpa
“Hahaha! Boss, mukhang baliw talaga ang taong ito. Hindi ko alam kung kaya niya pang maging mas baliw pa dito!"Karamihan sa mga tao ay tumawa ng malakas.Kahit si Yileen ay nakatingin din kay Gerald na siya ay parang isang tanga.May mali talaga sa utak ng lalaking ito.Mas matalino pa sana siya ng kaunti kung lumuhod siya at humingi ng awa kay Tilar sa sandaling ito. Gayunpaman, hindi siya nagsasalita at pinapakita niya pa ang kanyang tigas ng ulo. Pagkatapos nito ay nagsasalita siya na parang isang baliw.Nasa bingit na siya ng kamatayan! Noong una ay naawa si Yileen sa kanya, ngunit ngayon, wala na siyang naramdaman na kahit anong bahid ng simpatiya para sa kanya.‘Isa siyang tanga at talagang karapat-dapat siyang mamatay!’ naisip ni Yileen.“Master Dario, hindi ko na kayang tumawa pa. Seryoso bagay dapat ang pagpatay sa kanya. Pero hindi ko inaasahan na gagawin itong nakakatawa ng batang ito. Hayaan mo na! Patayin siya ngayon at hayaan niyong makita ni Miss Dailey ang kanya