Hindi pa siya patay pero hindi na siya makakalaban kay Leo dahil nasira na ang kanyang internal organs. Nagpakawala ng nakakabinging ungol si Leo, kaya napilitan ang mga tao na takpan ang l kanilang mga tenga sa pagkakataong ito dahil sa sobrang lapit ni Leo ngayon sa kanila. Bago pa malaman ng lahat ang nangyayari, muli namang gumalaw si Leo. Nang imulat ng mga manonood ang kanilang mga mata, nakatayo na si Leo sa harap ng apat na natitirang master. Gumamit ng apat na moves si Leo na kasing bilis ng kidlat para patumbahin ang bawat isa sa kanila. Masyadong madali niyang napatumba ang mga ito na parang mga insecto lamang ang pinatay niya. Mabilis na bumangon ang mga manonood at umurong ng ilang hakbang. Gulat na gulat si Fleur sa kanyang nakita at ang kanyang itsura ay nagkaroon ng matinding pagbabago sa puntong ito. Kung tutuusin, ang mga master ay may mga matataas na ranggo sa loob ng King Valley, ngunit napatumba sila sa isang suntok ni Leo. Hindi kataka-takang kung bakit
Hindi na sinundan ni Gerald si Leo dahil priority niyang makabalik kaagad sa King Valley. Ang kweba kung saan nakatago si Leo ay nasa loob ng tagong lugar. Dati na itong nadaanan ni Gerald habang mag-isa siyang naglalakbay papunta sa valley at dahil hindi niya alam kung gaano ka-desperado ang pamilyang Fairleigh para mahuli muli si Leo, naisip ni Gerald na ang kuweba ang pinakamahusay na pansamantalang tirahan ni Leo para hindi siya matuklasan. Alam ni Gerald na hindi na natatakot si Leo sa mga stun gun at wala rin namang pakialam si Gerald sa buhay ng pamilyang Fairleigh, ngunit magiging marami ang hahabol sa kanya kung patayin silang lahat ni Leo. Sa madaling salita, ayaw ni Gerald na maakit ang atensyon ng pamilyang Gunter at ng mga mula sa Judgment Portal. Dahil doon, mas mabuti para kay Leo na manatiling nakatago ng pansamantala. Kailangan niyang magmadaling bumalik sa King Valley para kunin ang tatlong halamang gamot na magpapagaling kay Sierra. Pagdating niya sa pamily
“Oh? Anong problema? Gusto mo ba akong suntukin? Haha! Nakakatawang makita kang galit na galit na parang isang halimaw! Dalian mo, suntukin mo ako! Gawin mo ang gusto mo!" panunuya ni Sam habang mapanukso niyang tinatapik ang mukha ni Myles. Isang segundo pagkatapos niyang sabihin iyon, nanlaki ang mga mata ni Sam nang bigla siyang tumalsik sa ere at nakaramdam siya ng nasusunog na pakiramdam sa kanyang kanang pisngi. Sisigaw na sana siya mula sa matinding sampal ni Gerald, ngunit naantala ito nang biglang bumangga ang kanyang katawan sa sulok ng isang pader! Sumuka siya ng dugo at makikita ang ilang mga ngipin ang nahulog mula dito. Ang dalawang bodyguard ni Sam ay nanigas sa kanilang kinatatayuan at natulala sila sa kanilang nakita, dahan-dahang gumapang si Sam habang nanlilisik ang kanyang mga mata sa lalaking nasa tabi ni Myles. "Bakit mo ako sinaktan...?!" Sabi ni Sam habang pinagmamasdan si Gerald na pinupulot ang kanyang bag. Pinagpag ni Gerald ang alikabok sa bag bago s
Noong una ay inakala ni Myles na si Gerald ay isa lamang ordinaryong binata na nagkataon na naging disciple ng kanyang benefactor, isang clinic doctor. Hindi niya akalain na may ganoong kapangyarihan si Gerald. Madaling masasabi ng mga tao ang isang tunay na eksperto mula sa isang peke kapag ang 'eksperto' ay gumawa ng hakbang, base sa nakita ni Myles, si Gerald ay isang daang porsyento na isang tunay na eksperto. Sa katunayan, ang kanyang kakayahan ay mas malakas pa kaysa sa ilang mga master sa King Valley! Iyon lamang ay sapat na dahilan kung bakit pansamantalang natulala si Myles. Agad na bumalik ang malay tao ni Myles at pagkatapos ay sinimulan niyang purihin si Gerald, "M-Mr. Crawford! Hindi ko inasahan na kaya mong gawin iyon!" Tuwang-tuwa si Myles na parang nakalimutan niyang sinaktan ni Gerald ng husto ang steward ng King Valley! “Binobola mo naman ako, Mr. Myles. Naiinis lang ako sa trato niya sayo!" sagot ni Gerald habang pilit siyang nakangiti. “Mr. Myles, alam ba
"Ikaw. Ilang beses ko bang sinabi sayo na huwag makisali sa mga gawain ng pamilyang Fairleigh? Kilala mo si Seamus, sinong nakakaalam kung ano ang nasa isip niya noong nakipagpustahan ka sa kanya? Halata naman na gusto ka niyang lokohin! Kung hindi dahil sa halimaw na iyon, paniguradong matatalo ka sa pustahan na iyon!" saway ng middle-aged na lalaki. Ang taong ito ay walang iba kundi ang master ng King Valley na nagngangalang Rupert Yateman. Siya ay isang tatay sa dalawang anak na babae, sila ay sina Yenny at Fleur Yateman. Si Yenny ang nakababatang anak na babae at meron siyang kakaibang ugali, ang kanyang personalidad ay walang kabuluhan dahil siya ay insincere. Si Fleur naman ay mas mature at stable-minded. Naiinis si Rupert sa pagkakataong ito. Kung tutuusin, ang pustahan na ginawa ng kanyang anak na babae ay pumatay sa pitong matataas na ranggo ng mga master ng King Valley. “Dapat alam ninyong lahat ang inggit na nararamdaman sa atin ng pamilyang Fairleigh! Dahil doon, da
"Dumating na ang master of the valley!" excited na sumigaw ang isa sa mga bodyguard ng King Valley. Nang marinig iyon, ang ibang mga guwardiya na nakaharap sa mga mula sa pamilyang Fairleigh ay parang natanggalan ng bigat sa kanilang mga dibdib. Mahigit sixty na bodyguard mula sa King Valley ang umuungol sa sakit habang nakahiga silang lahat sa lupa. Nang makita nilang papalapit na si Rupert, sinubukan nilang suportahan ang bawat isa para tumayo at pumunta sa likuran ni Rupert. Si Rupert ay nakasimangot habang nakasara ng mahigpit ang kanyang mga kamao at sumisigaw ng, “Hershel! Bradley!" Si Hershel ang master ng Fairleigh Valley at si Bradley ang nakababatang kapatid ni Hershel. Ang kasalukuyang King Valley ay eksperto pagdating sa pill-making at ang mga Fairleigh ay kilala sa kanilang pagiging eksperto sa martial arts, ngunit may isang pagkakataon na ang mga mula sa Fairleigh Valley ay naging eksperto rin sa pill-making. Kung tutuusin, ang nagtatag ng Fairleigh Valley ay isan
Sa kanilang lahat, si Rupert ang pinaka-nahihiya. Huminga siya ng malalim bago siya tumango at sumigaw, "Master Croft, Master Jones, at Master Keay! Oras na para kumilos tayo!" Sabay-sabay na tumango ang tatlong master nang marinig nila iyon bago sila tumingin sa isang lalaki na nakatayo sa tabi nila. “Ikaw nang bahala sa young master ng Fairleigh family, Peter,” sabi ng isa sa tatlong master sa isang lalaki na may fitter na kasuotan bago siya tumango at naglakad patungo kay Seamus. Gumawa ng gesture si Peter na pinapa-una ang taong nasa harapan niya, bago nagsalita ang isa pang master, “Si Peter ang pinakamatandang disciple na nasa ilalim ko at mahigit sampung taon na siyang nagsasanay kasama ko. Nasa final stage na siya ng Nebula Realm, kaya hindi siya mahihirapan na harapin ang young master na ito." Tumango ang tatlong master nang may kumpiyansa, ngunit si Bradley ay napangiti lamang bago siya tumingin kay Peter at sinabing, “Hah! Hinayaan ka nilang mauna para sa iyong kamat
"Napaka-unexpected para sa isang greenhorn na tulad mo na magkaroon ng matinding inner-strength!" sabi ng isa sa mga master. Silang tatlo ay mukhang hindi makapaniwala at pilit ang kanilang mga ngiti habang nakatitig sila kay Seamus na para bang umuusok ang buong katawan sa sobrang init. Hinihingal na ngayon si Seamus, ngunit halatang nahirapan rin siya sa laban. Dahil doon, buong pagmamakaawa niyang sinabi, “Sana naiintindihan mo na ngayon ang sinasabi ng aking tatay at ni second uncle! Sumuko na lang kayo para maligtas ang inyong buhay! Kung ipapagpatuloy ko ang laban na ito, paniguradong hindi na ako magpipigil pa! Sana maintindihan niyo na ang pagbisita namin ngayon ay dahil lamang kay Rupert! Kung ayaw mong mamatay, tumabi ka!" Nang marinig iyon ng tatlong master, napabuntong-hininga na lamang sila. Wala na silang lakas na makipaglaban pa dahil kung hindi nila napatumba si Seamus, paniguradong hindi nila matatalo si Bradley. Nang makita iyon, naramdaman ni Rupert at ng laha