Kabanata 1319
Hindi na sinundan ni Gerald si Leo dahil priority niyang makabalik kaagad sa King Valley.

Ang kweba kung saan nakatago si Leo ay nasa loob ng tagong lugar. Dati na itong nadaanan ni Gerald habang mag-isa siyang naglalakbay papunta sa valley at dahil hindi niya alam kung gaano ka-desperado ang pamilyang Fairleigh para mahuli muli si Leo, naisip ni Gerald na ang kuweba ang pinakamahusay na pansamantalang tirahan ni Leo para hindi siya matuklasan.

Alam ni Gerald na hindi na natatakot si Leo sa mga stun gun at wala rin namang pakialam si Gerald sa buhay ng pamilyang Fairleigh, ngunit magiging marami ang hahabol sa kanya kung patayin silang lahat ni Leo.

Sa madaling salita, ayaw ni Gerald na maakit ang atensyon ng pamilyang Gunter at ng mga mula sa Judgment Portal. Dahil doon, mas mabuti para kay Leo na manatiling nakatago ng pansamantala.

Kailangan niyang magmadaling bumalik sa King Valley para kunin ang tatlong halamang gamot na magpapagaling kay Sierra.

Pagdating niya sa pamily
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo