"Dumating na ang master of the valley!" excited na sumigaw ang isa sa mga bodyguard ng King Valley. Nang marinig iyon, ang ibang mga guwardiya na nakaharap sa mga mula sa pamilyang Fairleigh ay parang natanggalan ng bigat sa kanilang mga dibdib. Mahigit sixty na bodyguard mula sa King Valley ang umuungol sa sakit habang nakahiga silang lahat sa lupa. Nang makita nilang papalapit na si Rupert, sinubukan nilang suportahan ang bawat isa para tumayo at pumunta sa likuran ni Rupert. Si Rupert ay nakasimangot habang nakasara ng mahigpit ang kanyang mga kamao at sumisigaw ng, “Hershel! Bradley!" Si Hershel ang master ng Fairleigh Valley at si Bradley ang nakababatang kapatid ni Hershel. Ang kasalukuyang King Valley ay eksperto pagdating sa pill-making at ang mga Fairleigh ay kilala sa kanilang pagiging eksperto sa martial arts, ngunit may isang pagkakataon na ang mga mula sa Fairleigh Valley ay naging eksperto rin sa pill-making. Kung tutuusin, ang nagtatag ng Fairleigh Valley ay isan
Sa kanilang lahat, si Rupert ang pinaka-nahihiya. Huminga siya ng malalim bago siya tumango at sumigaw, "Master Croft, Master Jones, at Master Keay! Oras na para kumilos tayo!" Sabay-sabay na tumango ang tatlong master nang marinig nila iyon bago sila tumingin sa isang lalaki na nakatayo sa tabi nila. “Ikaw nang bahala sa young master ng Fairleigh family, Peter,” sabi ng isa sa tatlong master sa isang lalaki na may fitter na kasuotan bago siya tumango at naglakad patungo kay Seamus. Gumawa ng gesture si Peter na pinapa-una ang taong nasa harapan niya, bago nagsalita ang isa pang master, “Si Peter ang pinakamatandang disciple na nasa ilalim ko at mahigit sampung taon na siyang nagsasanay kasama ko. Nasa final stage na siya ng Nebula Realm, kaya hindi siya mahihirapan na harapin ang young master na ito." Tumango ang tatlong master nang may kumpiyansa, ngunit si Bradley ay napangiti lamang bago siya tumingin kay Peter at sinabing, “Hah! Hinayaan ka nilang mauna para sa iyong kamat
"Napaka-unexpected para sa isang greenhorn na tulad mo na magkaroon ng matinding inner-strength!" sabi ng isa sa mga master. Silang tatlo ay mukhang hindi makapaniwala at pilit ang kanilang mga ngiti habang nakatitig sila kay Seamus na para bang umuusok ang buong katawan sa sobrang init. Hinihingal na ngayon si Seamus, ngunit halatang nahirapan rin siya sa laban. Dahil doon, buong pagmamakaawa niyang sinabi, “Sana naiintindihan mo na ngayon ang sinasabi ng aking tatay at ni second uncle! Sumuko na lang kayo para maligtas ang inyong buhay! Kung ipapagpatuloy ko ang laban na ito, paniguradong hindi na ako magpipigil pa! Sana maintindihan niyo na ang pagbisita namin ngayon ay dahil lamang kay Rupert! Kung ayaw mong mamatay, tumabi ka!" Nang marinig iyon ng tatlong master, napabuntong-hininga na lamang sila. Wala na silang lakas na makipaglaban pa dahil kung hindi nila napatumba si Seamus, paniguradong hindi nila matatalo si Bradley. Nang makita iyon, naramdaman ni Rupert at ng laha
"I...ipaglalaban ko kayong lahat!" galit na galit na sumigaw si Fleur. Ibinunyag ang isang nakatagong dagger at sinugod niya si Bradley habang nakatutok ito sa kanyang dibdib! Nakasanayan na niya ang martial arts at nagsasanay na siya ng iba't ibang uri ng mga ito mula pa noong bata pa siya, kaya malakas ang loob ni Fleur na matatamaan niya ang lalaki. Sa kasamaang palad, isang sipa lang mula kay Seamus ay nadisarm kaagad ang kanyang dagger. Hindi man lang rin siya nakalapit kay Bradley! Bumagsak ang dagger sa lupa at hinawakan ni Seamus si Fleur sa kanyang pulso bago siya hinila. Nakita iyon ni Yenny at takot na takot siyang sumugod, umaasang maliligtas niya ang kanyang kapatid habang sumisigaw siya, "I-ipaglalaban kita!" Habang sumisigaw siya at tumatakbo patungo kay Seamus, may isa pang young master mula sa Fairleigh Valley ang mabilis na pumasok at hinawakan ang kanyang pulso bago siya nito niyakap ng mahigpit, tulad ng ginagawa ni Seamus kay Fleur. Tumawa ng malakas si
“…A-ano…?!” sigaw ni Bradley, makikita sa mukha niya ang matinding takot at hindi makapaniwalang ekspresyon habang nakatitig siya kay Gerald. Si Bradley ay isang makapangyarihang tao. Dahil doon, paano siya matatakot sa isang ordinaryong tao si Seamus gamit ang isang atake lamang?Hindi niya nakita ang biglaang pag-atake ni Gerald ilang segundo lang ang nakalipas, dahil hindi siya naniniwala makapangyarihan ang lalaking ito! Hindi ba parang hindi ito makatotohanan? Gulat at takot si Bradley habang sinusubukan niyang maintindihan ang sitwasyon, ngunit si Hershel ay patuloy na nakakunot lang ang noo habang nakatingin siya sa kanyang nakababatang kapatid. Si Rupert, Fleur, at ang iba pa mula sa King Valley, ay nararamdaman na sa wakas ay nabigyan sila ng pag-asa pagkatapos silang pahirapan kanina. Nabigla sila sa godly strength na tinataglay ng lalaking ito... Wala ni isa sa kanila ang nakakaalam kung gaano siya kalakas noon, kaya maswerte sila na hindi nila masyadong sinaktan s
Si Rupert ay nakasimangot habang sinasabi niya iyon. Siyempre, mag-aatubili siyang makuha ng iba ang kanyang ari-arian at dahil buhay pa siya, paniguradong susubukan niyang mag-negotiate pa. Nakatingin si Gerald kay Rupert at sumagot, "One-third!" Nang marinig iyon, nagpalitan ng tingin ang mga matatanda sa isa't isa. Makikita ngayon na hirap na hirap si Rupert sa sitwasyon na ito, kaya wala na talagang dahilan para ipagpatuloy niya ang pakikipag-negotiate kay Gerald. Sa kasalukuyang sitwasyon, alam ng mga matatanda na may malaking posibilidad na mawawala kay Rupert ang buong valley at mapupunta ito kay Gerald sa oras na matapos ang lahat ng ito. Huminga ng malalim si Rupert, ayaw niyang ibigay ang kanyang ari-arian kaya sinabi niya, “Huwag mo sana kaming samantalahin ngayong nanghihina kami, bata! O sige! Ibibigay ko sa iyo ang one-fifth ng valley tulad ng hiniling mo noon! Sang-ayon ka ba doon?” “Kalahati ng King Valley! Hindi na pwedeng bumaba pa gusto mo pa akong tulungan k
“…T-T*ng-ina… Siya ba… Tao ba siya o diyos…?” Nakanganga si Myles habang pinapanood ang lahat ng ito, ngunit wala siyang pakialam sa hitsura niya habang nanginginig ang boses niya nang sabihin niya iyon. Kahit ang tatlong master ay natulala sa sandaling ito. Totong makapangyarihan si Bradley, siya ay mabilis at mas mahusay kumpara sa mga regular na tao, ngunit ang kanyang kakayahan ay predictable pa rin. Ngunit si Gerald ay naiiba sa kanya. Kung tutuusin, nahati ang lupa at kahit isang malaking bato ay nahati sa pamamagitan lamang ng pagwagayway ng kanyang kamay sa hangin! Walang nag-akala na mangyayari iyon! Sumunod dito ang isang mahabang katahimikan, isa sa tatlong master ay nakatingin sa mga bakas na naiwan sa lupa at bigla siyang bumulong, “…Hindi iyon celestial technique... Iyon ay isang kakaibang martial art… Ito... Ito ay ang airbending skill...! Nasakop na ng batang iyon ang Nebula Realm at nasa kanya ang Power of the Hundred Divine Fists, kaya madali niyang mapapatay
Pagkatapos niyang magsalita, lumapit si Gerald kay Bradley bago niya tinapik ang katawan niya ng ilang beses. “...Okay, pinutol ko na lahat ng vital energy niya. Kahit pa meron siyang natitirang inner-strength, hindi niya ito magagamit ng pansamantala. Iiwan ko na siya sayo,” sabi ni Gerald. “S-Salamat, Master Crawford! Humahanga ako sa pambihirang lakas, kadakilaan, at techniques mo!" pambobola ni Rupert nang bigla siyang tumabi kay Gerald. Matatawa ang kahit sinong nanonood na makita ang lalaking nasa fifties na lumuhod sa mas batang lalaki. Paniguradong hindi nakatulong ang matinding pagbabago sa ugali niya bago at pagkatapos niyang malaman ang lakas ni Gerald! Nang marinig iyon, napailing na lamang si Gerald na may pilit na ngiti sa kanyang labi. Ang hindi alam ni Gerald ay pagkatapos makaranas ng roller coaster of emotions, matagal nang sumuko si Rupert sa pagpapanatili ng kanyang dignidad. Ang gusto lang niyang gawin ngayon ay magustuhan siya ni Gerald, at ano pa ba ang