"Pwede ko bang malaman kung saan mo ako dadalhin?" tanong ni Gerald. “Humph! Mas makakabuti para sayo na itikom mo ang iyong bibig kung alam mo kung ano ang makakabuti para sayo! Kung magiging maayos ang lahat at susundin mo ang lahat ng utos ni Sister Fleur, sinisiguro ko sayo na makakabuti ito para sayo! Pero kung may ginawa kang pagkakamali, magpaalam ka na lang rin sa buhay mo!" ngumisi si Yenny. Dahil dito, mabilis na binaba ng mga guards ni Yenny si Gerald na nasa loob ng net. Matapos itali ng mahigpit ang mga pulso at binti ni Gerald gamit ang mga bakal, itinulak nila ang lalaki sa loob ng kotse. 'Ano ba kasing meron sa mga batang ito? Kung hindi lang ako pumunta doon para humingi ng gamot, kanina ko pa sila nabugbog pagkatapos nilang gawin ang kalokohan na iyon!’ naisip ni Gerald. Iritable si Gerald ngunit mabilis niyang pinakalma ang kanyang sarili at sumabay na lang sa kanilang ginagawa. Pinapanood lamang niya ang linya ng mga sasakyan papunta sa labas ng valley...
“Oh? Ganoon ba! Haha! Akala ko pa naman ay hindi ka pupunta dahil natatakot kang matalo!" sagot ng lalaking maputi ang buhok. "Ang kapatid ko? Takot sayo? Seamus Fairleigh, sana alam mo na hindi ka makapagyarihan dahil lang nakuha mo ang pangit na cannibal na yan! Paniguradong ipapakita namin sayo ang kapangyarihan ng King Valley! Walang kwenta ang iyong God of War bullsh*t!” ungol ni Yenny na walang filter sa kanyang mga salita. “Sige, sige, huminahon ka... Maghintay lang tayo at tingnan kung anong mangyayari. Speaking of which, sana hindi ka magsisi sa ipinangako mo sa akin, Fleur!” sagot ni Seamus na may nakakalokong ngiti. “Ikaw ang magsisisi sa totoo lang. Humanda ka para tawagin akong ‘kapatid’!" sabi ni Fleur nang hindi man lang nakatingin habang inaakay ang grupo niya patungo sa VIP area. Makikita na hinihila nila si Gerald. Tumingin si Gerald sa paligid at nakita niyang near-perfect replica ng ancient colosseum ang lugar dahil meron itong malawak na space sa gitna. Nap
“Sixth at Seventh brother! Ipasok niyo siya para gawing pain sa savage!” utos ng pinakamatanda sa mga masters. “Opo!” deklara ng dalawa nang agad nilang hinawakan si Gerald sa kanyang mga braso at naglakad sila patungo sa entrance ng madilim na lugar. Pasikreto na pinapagana ni Gerald ang kanyang inner-strength, kahit papaano ay makakatulong ito na mapadali ang pagtakas noya. Base sa naramdaman ni Gerald, ang pitong master ay nasa first stage lamang ng Spirit Earth Realm. Sa madaling salita, sila ay nasa parehong stage ng mga pinugutan niya ng ulo sa Gunter Manor. Sigurado siya na kaya niyang patumbahin ang mga ito, hindi pa rin niya alam kung ano level ng lakas ng savage. Habang papunta silang tatlo sa kadiliman, ang dagundong ay naging mas malakas pa kaysa dati. Ang isang dagundong ay tulad ng sa tuluy-tuloy na kulog, kaya talagang nagulat ang dalawang master. “…Sixth brother, masyadong malakas ang tibok ng puso ko ngayon at parang wala akong magawa para mawala ito… Sa pala
Sa puntong iyon, tumindig na ang lahat ng balahibo ni Gerald dahil alam niyang hindi niya maiiwasan ang mga atake nito. Tinipon niya ang lahat ng lakas niya para maghanda sa parating na impact! Pagkalipas ng ilang segundo, ang napakalaking kamay ay humampas kay Gerald at nagdulot ito ng pagsabog ng energy at puting usok na nabuo nang biglang tumalsik si Gerald! Dahil sa sobrang lakas ng impact, ang mga damit ni Gerald ay biglang napunit hanggang sa bumangga ang likod ni Gerald sa mga pader na gawa sa bato! Umubo ng dugo si Gerald at naisip niya na ito pala ang rason kung paano napatay ng savage ang iba pang mga master ng Spirit Earth Realm. Pinatay sila ng savage na parang mga langgam lamang! Mas malakas siya kaysa kay Hogan! Kung hindi lang pinalakas ni Gerald ang sarili niya sa pamamagitan ng pag-aral at paggamit ng Thunder Eruption, malaki ang posibilidad na patay na siya sa isang hit na iyon. Ngunit hindi ngayon ang oras para huminto at pag-isipan ang lahat ng ito. Gamit an
Dahil nakakapagsalita ang halimaw, ang ibig sabihin lamang nito ay hindi siya isang savage. Hindi naiwasan ni Gerald na magtanong nang mapalitan ng respeto ang kaninang intensyon na pumatay ng halimaw, “…Kilala mo ba kung sino ako? O pamilyar ka sa pendant?" "Nakakita na ako ng larawan mo dati, Master Deity, at alam kong ang dragon blood jade ay ang iyong personal na sandata! Sa buong buhay ko, hindi ko akalain na makakatagpo ko ang iyong kagalang-galang na presensya, Master Deity! Sana ay mapatawad mo ako sa aking kahangalan kanina!" sabi ni Leo na nakaluhod pa rin sa lupa. Masyadong maraming mga katanungan ang gusto niyang itanong kay Leo. Kung tutuusin, hindi naging madali para sa kanya ang makilala ang isang taong nagmula sa parehong lugar kung saan mula si Queena at ang babaeng nakaputi. Paniguradong marami siyang makukuha na impormasyon sa kanya. Magtatanong na sana siya sa kanya nang bigla siyang nakarinig ng mga yapak na papasok sa lugar na iyon. Hula niya ang mga iyon a
Hindi pa siya patay pero hindi na siya makakalaban kay Leo dahil nasira na ang kanyang internal organs. Nagpakawala ng nakakabinging ungol si Leo, kaya napilitan ang mga tao na takpan ang l kanilang mga tenga sa pagkakataong ito dahil sa sobrang lapit ni Leo ngayon sa kanila. Bago pa malaman ng lahat ang nangyayari, muli namang gumalaw si Leo. Nang imulat ng mga manonood ang kanilang mga mata, nakatayo na si Leo sa harap ng apat na natitirang master. Gumamit ng apat na moves si Leo na kasing bilis ng kidlat para patumbahin ang bawat isa sa kanila. Masyadong madali niyang napatumba ang mga ito na parang mga insecto lamang ang pinatay niya. Mabilis na bumangon ang mga manonood at umurong ng ilang hakbang. Gulat na gulat si Fleur sa kanyang nakita at ang kanyang itsura ay nagkaroon ng matinding pagbabago sa puntong ito. Kung tutuusin, ang mga master ay may mga matataas na ranggo sa loob ng King Valley, ngunit napatumba sila sa isang suntok ni Leo. Hindi kataka-takang kung bakit
Hindi na sinundan ni Gerald si Leo dahil priority niyang makabalik kaagad sa King Valley. Ang kweba kung saan nakatago si Leo ay nasa loob ng tagong lugar. Dati na itong nadaanan ni Gerald habang mag-isa siyang naglalakbay papunta sa valley at dahil hindi niya alam kung gaano ka-desperado ang pamilyang Fairleigh para mahuli muli si Leo, naisip ni Gerald na ang kuweba ang pinakamahusay na pansamantalang tirahan ni Leo para hindi siya matuklasan. Alam ni Gerald na hindi na natatakot si Leo sa mga stun gun at wala rin namang pakialam si Gerald sa buhay ng pamilyang Fairleigh, ngunit magiging marami ang hahabol sa kanya kung patayin silang lahat ni Leo. Sa madaling salita, ayaw ni Gerald na maakit ang atensyon ng pamilyang Gunter at ng mga mula sa Judgment Portal. Dahil doon, mas mabuti para kay Leo na manatiling nakatago ng pansamantala. Kailangan niyang magmadaling bumalik sa King Valley para kunin ang tatlong halamang gamot na magpapagaling kay Sierra. Pagdating niya sa pamily
“Oh? Anong problema? Gusto mo ba akong suntukin? Haha! Nakakatawang makita kang galit na galit na parang isang halimaw! Dalian mo, suntukin mo ako! Gawin mo ang gusto mo!" panunuya ni Sam habang mapanukso niyang tinatapik ang mukha ni Myles. Isang segundo pagkatapos niyang sabihin iyon, nanlaki ang mga mata ni Sam nang bigla siyang tumalsik sa ere at nakaramdam siya ng nasusunog na pakiramdam sa kanyang kanang pisngi. Sisigaw na sana siya mula sa matinding sampal ni Gerald, ngunit naantala ito nang biglang bumangga ang kanyang katawan sa sulok ng isang pader! Sumuka siya ng dugo at makikita ang ilang mga ngipin ang nahulog mula dito. Ang dalawang bodyguard ni Sam ay nanigas sa kanilang kinatatayuan at natulala sila sa kanilang nakita, dahan-dahang gumapang si Sam habang nanlilisik ang kanyang mga mata sa lalaking nasa tabi ni Myles. "Bakit mo ako sinaktan...?!" Sabi ni Sam habang pinagmamasdan si Gerald na pinupulot ang kanyang bag. Pinagpag ni Gerald ang alikabok sa bag bago s