Bago pa man makagalaw ang mga guards, biglang narinig ng lahat ang sigaw ng receptionist, "May bisita na nagpadala ng mga prestigious gifts para kay Lady Jordain mula sa gpamilyang Smith!" Tumahimik ang lahat nang marinig nila iyon. Makikita ang pagkadismaya sa mukha ni Yana at ng iba, ngunit nanginginig si Georgia habang lahat sila ay dahan-dahang lumingon para tumingin sa entrance. Puno ng pagtataka ang kanilang mga mata. Anong nangyayari? Mga prestigious gifts mula sa isang hindi kilalang bisita? At para pa ito sa elder ng pamilyang Smith! Makikita na ang mga ‘prestigious gifts’ na ito ay mas maganda kaysa sa mga regalo na natanggap ni Georgia. Kung tutuusin, hindi normal para sa kahit sinong tao na magbigay ng prestigious gifts. Malaki ang halaga ng mga regalong ito, ngunit sigurado na isang malakas at makapangyarihang tao ang makapagbibigay lamang ng mga ganitong uri ng mamahaling mga regalo. Noong unang panahon pa lang, meron na ang rules of gift giving sa anumang okasyon
Makikita sa mga kamay nila ang eighteen na regalo na sinabi kanina ng receptionist! Ang pinakamahal na regalo, isang villa na nagkakahalaga ng forty million dollars, ay ipinakita sa isang kontrata. “…P-paano… Paano ito nangyari…?” gulat na gulat na sinabi ni Georgia. “Dinala na namin ang mga regalo, Mr. Crawford! Ito ang listahan ng mga regalo!" sabi ng isa sa mga bodyguard matapos maglakad papunta kay Gerald at magalang itong yumuko sa harapan niya. "At bakit mo ipinapakita sa akin 'yan? Ibigay mo ito kay lola!" sagot ni Gerald habang nakangiting lumingon kay Serenity. "Ito ang mga regalo ko sayo dahil birthday mo kahapon at hindi ako nakadalo." Samantala, ang iba ay nanlaki ang mga mata sa sobrang gulat nang sinabi nila, “…M-Mr. Crawford…?” Narinig nilang lahat na tinatawag ng mga guwardiya si Gerald bilang si Mr. Crawford, at kasama sa mga nagulat si Yana. Tulala at halos hindi makapaniwala si Yana at ang iba pa nang sabay-sabay silang humarap kay Gerald. '..Im-imposib
Halos buong buhay na umasa si Yana sa background ng kanyang pamilya at iyon ang dahilan kung bakit ang taas ng tingin niya sa sarili niya. Dahil doon, minaliit niya si Gerald at ang kanyang mga aksyon ay magkakaroon ng masamang kahihinatnan. Isang babala ang huling pangungusap ni Gerald dahil gusto niyang sabihin kay Yana na hindi lang siya ang may kakayahan at makapangyarihan na tao sa mundo. Sa katunayan, marami pang mas makapangyarihan kaysa sa kanya. Si Georgia at ang iba pang miyembro ng pamilyang Sier ay takot na takot , kaya hindi sila nangahas na magbitaw ng kahit isang salita. Nawalan na ng kahulugan ang birthday party at makalipas ang ilang sandali, umalis na lang sina Gerald at ang pamilyang Smith sa kanilang villa. Kanina lang ito nangyari, ngunit naramdaman ni Serenity na parang nakaranas siya ng roller coaster ng mga emosyon. Sa oras na lumabas ang pamilyang Smith sa villa ni Georgia, naramdaman na ng matandang babae ang agos ng kanyang dugo at ang pagtibok ng kan
Walang natanggap na resulta ang pamilyang Smith noong nanghingi sila ng tulong ng ibang eksperto. Dumating lang ang pagkakataon na nakasalubong nila ang napakahusay na si Dr. Mabb at doon sila humingi ng tulong sa kanya. Bumisita ang doktor ng ilang beses at doon mas nakilala pa ng mga mula sa pamilyang Smith ang parehong mga apprentice ni Jace. Ang lalaking apprentice ay mukhang nasa thirties na at ang kanyang pangalan ay Walbridge Lumb. Ang babaeng apprentice naman ay isang twenty-three years old na babae na ang pangalan ay Brianna Zeigler. Ilang beses nang bumisita si Dr. Mabb sa bahay ng pamilyang Smith, ngunit hindi niya matukoy kung ano ang sakit ng matanda. “...Kung wala nang iba, pupuntahan ko muna si lola. Hindi niyo kailangang mag-alala dahil hindi malala ang sakit na ito," confident na sinabi ni Gerald. Nang marinig iyon, agad na naging mabangis ang itsura ni Walbridge. Kanina pa mabangis ang kanyang itsura mula nang sabihin ni Brianna na baka isang doktor si Gerald
“…Oh? Parang hindi ko nabanggit kung kailan ang susunod na atake, hindi ba? Paano ka nakagawa ng tamang hula, Gerald?" tanong ni Serenity. “Na-obserbahan ko lang. Tutal, isang oras na lang bago mag-tanghali. Tataas ang temperature, kaya ang init sa katawan mo ay magkakaroon ng epekto sa iyong blood flow at respiratory system na parehong mga dahilan kung bakit ka may migraine,” nakangiting sumagot si Gerald. Nang marinig iyon, ngumiti ang matandang babae bago siya tumango para sumang-ayon kay Gerald, "Hindi ko inaasahan na alam mo ang mga bagay na iyon, Gerald!" Ngumisi si Walbridge sa isang gilid nang marinig niya iyon. Si Jace naman ay lumingon kay Gerald nang may pagtataka habang iniisip niya, '...Mahusay kaya ang binatang ito sa medicine...?' Gaya nga ng sinabi ni Gerald, matagal na nagsasalita at tumatawa si Serenity nang bigla siyang nagpakita ng matinding sakit sa kanyang mukha mga bandang tanghali. Ilang segundo pagkatapos nito, hinawakan niya ang kanyang ulo gamit ang
Mahina ang ngiti ng matandang babae habang unti-unting stable ang kanyang paghinga. Mabilis na tumakbo ang butler ni Serenity upang punasan ang kanyang pawis, ngunit sila Jace at Walbridge ay nanatiling nakatayo doon, nabigla sa buong pangyayari. Ang lalong nagulat ay si Jace dahil hindi niya inaasahan na talagang marunong gumamit si Gerald ng Divine Acupuncture Therapy. Ang technique na ito ay matagal nang nawala at inakala ni Jace na ang technique na ito ay nawala na ng tuluyan. Ngayong nasaksihan na niya ito ng sarili niyang mga mata, natural lang sa kanya na mabigla at matulala. Uminit ang mukha ni Walbridge sa sobrang inggit habang iniisip niya, 'Mas matanda ako sa kanya ng ilang taon at binisita ko rin ang mga sikat na master para matutunan ko ang medicine mula sa murang edad! Kahit na ako ay isang professional na nakatanggap ng basic training at education, talagang hindi ko inaasahan na magiging mababa ako kaysa sa talunan na ito! Hindi pwede... hindi ko basta-bastang mat
“…Sinabi mo bang may nagbigay sa kanya ng unang tatlong chapters? Alam mo ba kung sino ang taong iyon?" gulat na tinanong ni Gerald. “Hindi ko pa siya nakikilala noon, Mr. Crawford. Narinig ko lang siya kay Mr. Wytt. Ayon sa sinabi ni Mr. Wytt, matagal na noong huli niyang nakita ang misteryosong taong iyon. Ang tao na iyon ay pumunta sa military region noon at hiningi niya ang tulong ni Mr. Wytt na maglagay ng isang bagay sa isang lugar." “Bilang pasasalamat, nag-alok siyang turuan si Mr. Wytt ng unang tatlong chapter ng Divine Acupuncture Therapy technique. Kahit pa hindi iyon ang maging paraan ng lalaki bilang pasasalamat sa kanya, naniniwala ako na tinulungan pa rin siya ni Mr. Wytt. Kung tutuusin, ang misteryosong lalaki ay malinaw na mas makapangyarihan kaysa kay Mr. Wytt para galangin niya ito nang husto. Kung sino man ang tao na ito, panigurado na hindi siya isang bata. Sa kabila nito, hindi ko talaga maisip kung sino ang igagalang ni Mr. Wytt nang sobra para hanggan niya
Kasunod nito, nilarawan ni Jace sa kanya ang mga sintomas. Pagkatapos nito, biglang naramdaman ni Gerald ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. '…Ano? Ang mga... Ang mga sintomas na ito... Ito ay hindi mula sa isang flu lamang! Ito ang mga eksaktong sintomas na naranasan ko noong hirap na hirap ako sa mga epekto ng Soul Eater! Mga sintomas kung saan nilamon nito ang aking dugo at oxygen! Hindi ito isang disease, kung hindi isang evil technique.' Ang Soul Eater ay isang evil technique na natutunan niya mula sa mga alaala na itinanim sa kanya. Alam niya ito dahil napilitan siyang gamitin ito kanina para makatakas. Wala siyang mas mahusay na alternative kaysa doon. 'Pero bakit napakaraming bata ang nakakaranas ng mga epekto ng Soul Eater? May iba pa kayang nakakaalam ng technique...?’ Naguguluhan ang isip ni Gerald. Gayunpaman, alam niyang hindi ngayon ang oras para isipin ang dahilan. Sa ngayon ay kailangan niyang puntahan muna ang mga bata upang makita kung sila ay nagdurusa s