"Hindi mo masasabi na below-average siya! Kaya paano naman siya magiging mayaman? Baka isa lang siyang regular na manggagawa lang siya!" Naisip ni Yazmin na ang ganoong klase ng tao ay hindi kailanman maikukumpara sa kanyang asawa. Bago pa man makapag-react ang sinuman sa kanyang mga kasamahan, umalingawngaw sa lugar na iyon ang sigaw ng isang grupo ng mga estudyante! Sobrang lakas ng kanilang mga sigaw na maiisip mong mahihimatay sila! "…Ha?" sabi ni Yazmin habang siya at ang iba pa niyang kasamahan ay lumingon sa front gate para tingnan kung bakit may kaguluhan doon. Sa oras na iyon, doon nila kung bakit sumisigaw ang mga estudyante, gayunpaman, agad na nanlaki ang mga mata ng grupo ng mga teacher bago sila napamura ng malakas sa sobrang gulat. Mas nagulat si Yazmin kaysa sa iba na bigla na lang siya napatakip sa kanyang bibig. “A-ang angas ng kotse!” gulat na gulat ang lahat sa pagkamangha. Ang ‘maangas na kotse' na tinutukoy nila ay nagkakahalaga ng milyun-milyong dolya
Ang dalawa na kakababa lang sasakyan ay sila Gerald at Naomi. Naramdaman ni Yazmin na parang gumuho ang buong mundo niya nang humampas ang realization na ito sa kanya! Pagkatapos ng lahat, naisip niya noon na walang malakas na taong sumusuporta kay Naomi, kaya madali siyang mapapatumba ng kanyang asawa. Nakita na niya si Gerald kahapon, ngunit inisip lang ni Yazmin na siya ay isang ordinaryong tao na magdurusa sa kanyang mga kamay! Hindi niya akalain na isang mapakayaman na nilalang pala ito! Pawis na pawis ang kanyang katawan at talagang hindi siya sigurado kung ano ang susunod niyang gagawin, kaya bumilis ang tibok ng puso niya nang makita niyang may police car na papunta sa school. Bagama't mayroon lamang dalawang pulis noong nakaraang araw, apat sa kanila ang lumabas sa sasakyan ngayon. Sinuri niya ang mga tao at pinandilatan ng isa sa mga opisyal si Yazmin bago niya sinabing, "Goodmorning, Miss Milton, at nandito rin pala si Miss Yallop! May ilang mga developments sa k
Pagkatapos maayos ng mga problema, hindi nagtagal ay bumalik sina Gerald at Naomi sa ospital para bisitahin si Sherry at ang kanyang ina. Nanatili ng matagal si Gerald sa ospital, ngunit sa huli ay nadismaya lamang siya. Mukhang hindi na muling lilitaw ang taong nag-trigger ng jade charm. Naisip ni Gerald noong una na ang taong iyon ay maaaring isa sa mga doktor, nurse, o mga pasyente sa ospital, ngunit lalo siyang nagduda pagkatapos maglakad sa buong ospital buong umaga. Nalalapit na ang kalagitnaan ng buwan at hindi naiwasang mag-alala dahil doon.. Naisip ni Gerald na dapat nandito lang ang babaeng may malakas na strong yin physique kung nagtatrabaho talaga siya dito, ngunit nagkamali siya kaya hinatid na lang niya si Naomi sa school bago naisipang pumunta sa iba pang kalapit na school o university para simulan ang kanyang paghahanap. Sa totoo lang, nararamdaman niya na parang walang kwenta ang lahat ng ito. Kung tutuusin, sinabi na mismo ni Master Ghost na magkikita pa rin
Lumingon ang mga estudyante nang marinig nila ang tunog ng makina habang ang Lamborghini ay lumihis ng bahagya bago ito huminto sa harapan nila, nagkalat tuloy sa buong lugar ang mga nahulog na dahon. Napahinto sa sobrang gulat ang mga tao sa biglang pagdating ng kotse. “…Lamborghini Reventon ba yan…?” Hindi maitago ng mga tao ang pagkagulat sa kanilang mga mukha. Hindi man lang kumurap ng saglit ang mga tao sa takot na mawala na lang ang paningin nila ang marangyang sasakyan sa pangalawang pagkakataon. Hindi lang isang limited edition Lamborghini Reventon ang kotse na ito na nagkakahalaga ng hindi bababa sa two million six hundred thousand dollars, ngunit ayon sa legend, ang misteryosong mayaman na binata ay nagmamay-ari ng ganoong kotse! Naramdaman ng lahat na parang isinabuhay ang inakala nilang sabi-sabi lamang, kaya hindi talaga sila makapaniwala. Hindi nila inasahan na sila na masasaksihan nila ang pagdating nito, kaya naman nabigla silang lahat nang makita ito. Si Mr
Matapos iwagayway ang kanyang kamay para paalisin ang lahat, siniguro ni Gerald na maayos niyang naiparada ang kanyang sasakyan habang iniisip sa kanyang sarili kung ano ang problema sa kasalukuyang lipunan. Ano naman kung mayaman ang isang tao? Kung mareresolba ng pera ang lahat, hindi na sana magpapatuloy si Gerald sa paghahanap, tulad ng ginagawa niya ngayon. Napailing lang siya saka tumingin sa campus building bago siya dumiretso dito para ipagpatuloy ang paghahanap ng babaeng may malakas na yin physique. Ang nangyari kanina ay isang maliit na bagay lamang at biglang nakaramdam ng nostalgia si Gerald nang siya ay muling tumuntong sa campus pagkatapos ng kanyang graduation dalawang taon na ang nakalipas. Gaya nga ng kasabihan, ang buhay ay isang bilog na patuloy ang pag-ikot. Hindi importante kung ang isang tao ay mayaman o mahirap, palagi silang babalik sa kanilang pinanggalingan. Totoo ang kasabihang iyon, ang lahat ng ito ay nagsimula sa university na ito. Kung tutuusin
Nang marinig iyon, siniguro ng mga babae na magpasalamat muna kay Gerald sa sandaling makalapit ito sa kanila. Medyo magulo pa ang isip ni Gerald habang ginagawa nila ito. Mula nang makarating siya, parating pumapasok sa isip niya ang nostalgic na mga pangyayari na naganap dito noong nag-aaral pa siya. Maya-maya, napahinto si Gerald at pumwesto sa isang lugar bago niya sinabing, “Kukunan ko na kayo ng litrato kung ready na kayo!” "Tara na!" sabi ng mga babae matapos silang gumawa ng iba't ibang pose habang nagtatawanan sila. Pagkatapos makuha ni Gerald ang kumpirmasyon, dahan-dahang itinaas ni Gerald ang camera. Siniguro niya na nakita ang lahat sa picture bago niya sinabing, “Okay ready… one, two, three! - f*ck!” Bigla na lang nataranta si Gerald kaya nahagis niya sa ere ang camera! Bumagsak na lang sa lupa ang camera bago pa ito namalayan ng lahat! Narinig nila pagkabasag ng lense nito, kaya sigurado ang lahat na nabasag ang looban nito!. Ngunit nangyari lang iyon dahil b
Mapang-asar ang tono ng pananalita ni Yulia habang sinasabi niya iyon.. “…Isantabi muna natin ang picture taking sa ngayon at mas tumutok tayo sa problema sa camera... Kapag tapos na tayo dito, pwede na tayong kumain sa Dominoes o kung ano pa man…” sabi ng mahabang buhok na babae habang umiiling. "Ano? Hindi natin siya pwedeng pabayaan ng ganun-ganun lang! Kailangan nating siguraduhin na babayaran niya tayo para sa lahat ng mga damages na ginawa niya!” sagot ni Yulisa, makikita na ayaw niyang pakawalan si Gerald nang ganun kadali. “Hayaan mo na!” awkward na sinabi ng babaeng mahaba ang buhok sa medyo habang pinagmamasdan ang parami at parami na nagkukumpulan sa kanila para tingnan kung ano ang dahilan ng kaguluhan. Habang pilit ng babaeng may mahabang buhok na hinihila ang mga kaibigan niya palayo sa kanya, mabilis na tumingin si Gerald sa babaeng ito, “Teka lang! Pwede… pwede ko bang makuha ang contact number mo? Kailangan ko pang ilipat ang pera sayo mamaya, hindi ba?" Nang
“Wah! Si Preston!" Tumili ang ilan sa mga babaeng kumakain doon, nabigla sila sa romantic na eksena. Karamihan sa mga babae ay nangangarap lamang na mabigyan sila ng surprise romantic gesture sa kanilang buhay, kaya imposible para sa kanila na manatiling kalmado ngayong nangyayari ang ganoong sitwasyon sa harapan mismo ng kanilang mga mata. Nakakabigla na ang lalaking iyon ay nakaluhod pa hawak ang mga rosas sa kanyang kamay. Nakakakilig talaga! Gaano man kalamig ang puso ng isang babae, paniguradong matutunaw sa sobrang tuwa ang kanilang puso pagkatapos ipakita ang romantic confession na ito! Ugali ng mga babae na piliin ang mga lalaking sinusurpresa sila. Makikita ngayon sa mga mata ng ibang babae ang inis at inggit. Naramdaman ito ng mga kaibigan ni Noelle, ngunit mas na-excite sila para sa kanilang kaibigan nang bigyan nila ng space ang dalawa. Habang ginagawa nila ito, kinuha din nila ang kanilang mga cellphone para kunan ng video ang eksena. Mag-isa na ngayong nakaupo s