Para bang hindi siya susuko kung hindi niya maabutan ang kanilang sasakyan.Tinakpan ni Riley ang kanyang bibig at sinabing, “Oh, my God! Hindi ko ine-expect na may isang tao na sobrang infatuated! Ate, para bang na-inlove siya sayo sa unang tingin pa lang!"Bigla na lamang namula si Cundrie sa oras na ito.Ito ay dahil maraming tao ang humabol kay Cundrie mula pa noong bata siya dahil sa kanyang magandang itsura at sa kanyang magandang ugali. Gayunpaman, hindi pa siya nakatagpo ng ganitong uri ng lalaki.Isa itong kasinungalingan kung sasabihing hindi naantig si Cundrie.“Ate, bakit hindi natin ihinto ang sasakyan at alamin kung ano ang gusto niyang sabihin sayo? Hahaha! Bigla kong naisip ang isang kwento nang makita ko siya. Ito ay tungkol sa isang pulubi na napaibig sa isang mayamang babae sa unang tingin. Pagkatapos nito, sumulat siya ng isang love letter sa kanya habang hinahabol niya ang sedan ng mayamang binibini upang ipahayag ang kanyang pagmamahal sa kanya. Dahil dito, n
Napatakip na lamang ng bibig si Riley sa gulat habang nakatingin sa dramang nangyayari sa kanyang harapan.Nagmamadali pa nga niyang nilabas ang kanyang cellphone para kunan ito ng litrato, sa takot na baka makaligtaan niya ang sandaling ito.Walang sinuman ang mag-aakala na baliw pala ang lalaking ito. Sinong mag-aakala na susugurin talaga niya si Cundrie sa unang pagkakataon na makita niya ito? Ito ay hindi kapani-paniwala! Ahh! Nakakabaliw itong panoorin!“Hin... hindi ako…”Pagkatapos ng maikling katahimikan, medyo nahirapan si Cundrie habang pabulong siyang nagsasalita.Ito rin ang boses na nagising si Gerald sa katotohanan.Hindi ito ang boses ni Mila.Kaya mabilis namang bumitaw si Gerald.Kakaiba na ang itsura ni Cundrie ngayon na para bang nakakaramdam siya ng kaunting kalungkutan nang lumingon siya ng kaunti.Sa pagkakataong ito lang ay tuluyang naaninag ni Gerald ang kanyang buong pagkatao.Ang kanyang likod, ang kanyang katawan, at maging ang kanyang mga mata ay t
Lalo na noong maisip ni Gerald ang kakaibang pakiramdam na naramdaman niya sa kanyang puso nang yakapin niya si Cundrie kanina.Sa puntong ito, nalaman ni Gerald na ang babaeng nasa harapan niya ay isang taong may malakas na yin physique.Nakilala na rin niya siya sa wakas ang taong ito.Makakabalik siya ng ligtas sa Mayberry City hangga't makukuha niya ang kanyang nakapagpapalakas na patak ng dugo.Napakalma na ni Gerald ang kanyang sarili sa oras na ito.“Cundrie, Riley, manatili kayo sa bahay. Hindi ka pwedeng pumunta kahit saan. Tingnan mo ang uri ng mga taong nakasalubong mo ngayon! Hahanapin ko ang tatay mo. Meron siyang inaasikaso sa negosyo, kaya kayong dalawa ay kailangang manatili sa bahay at magpahinga. Si Mr. Snyder ay magsasagawa ng isang celebration bukas. Nabalitaan ko na nag-imbita siya ng isang partikular na misteryosong VIP. Mahalaga ito para sa buong pamilyang Snyder at mas maganda kung makakapunta ka sa handaan bukas. Kaya dapat lang na paghandaan mo ito!" Tina
“Bata! Sinaktan mo si Mr. Gross, pero parang wala lang ito sayo. Siyam ba ang buhay mo para magkaroon ng ganitong lakas ng loob?!"Sa oras na ito, pinalibutan ng eighteen na kalalakihan si Gerald habang hawak-hawak nila ang mga machete.Mapanuya na nagsasalita ang kalbong leader ng grupo.“Malamang takot na takot na siya ngayon. Siguro nalaman na niya ang tungkol sa pagkatao at reputasyon ni Mr. Gross. Pero huli na para magtago pa ngayon! Ngayon na ang kanyang katapusan lalo na’t sinaktan niya ang asawa ni Mr. Gross!"Sabi ng ilang lalaki habang nagtatawanan sila."Masaya ako na nandito kayo. Makinig kayo, ha? Kung kailangan mong humingi ng tulong sa isang tao, ano ang inyong gagawin para kusang-loob na tumulong sayo ang taong ito? Pero dahil nagkaroon ng misunderstanding sa kanya kanina, hindi mo alam kung paano sasabihin ang gusto mong sabihin." Tanong ni Gerald sa kanila nang makita ang grupo ng mga lalaki.Sobrang ang desperation na nararamdaman niya sa oras na ito.Napayaka
Matapos ang ilang malalakas na ingay, hindi na makahawak ng mahigpit sa mga batuta sila Byron at ang iba pa na humabol kay Gerald. Ang kanilang mga batuta na hawak nila ay sabay-sabay na nahulog sa lupa na parang na-practice na nila ito noon pa man.Ito ay dahil ang kanilang mga isip ay blangko sa mga oras na ito. Ang bawat isa sa kanila ay may gulat at hindi makapaniwalang ekspresyon sa kanilang mga mukha.Napapikit na lamang si Byron nang mapalunok siya sa sobrang gulat. Naramdaman niya na parang naubusan ang kanyang lalamunan ngayon.Masyadong mabangis ang binatang ito! Masyado siyang mabangis!Ang ibang mga lalaki ay hindi makapaniwala habang iniisip nila ito!Pagkatapos ni Gerald sa ibang mga kalalakihan, tuluyan na niyang itinuon ang kanyang mga mata sa kalbong lalaki na basang-basa ng pawis.Hindi maiwasan ng kalbong makaramdam ng matinding takot habang nakatitig sa kanya si Gerald.Sa oras na ito, agad niyang naramdaman ang basa at mainit na sensasyon sa ibabang bahagi n
“Sa totoo lang, medyo naantig ako noong niyakap niya ako. Naisip ko kung gaano ka-blessed at kung gaano kasaya ang babaeng mahal na mahal niya. May isang lalaki pala sa mundong ito na nagmamalasakit sa kanya sa ganoong paraan!"Makikita ang bakas ng inggit sa magagandang mata ni Cundrie.“Hay. Okay, okay, tama na iyon. Dapat mong isipin ang mga ganoong uri ng pag-iisip at sayangin ang iyong energy sa pag-iisip tungkol sa lahat ng mga walang kwentang bagay na ito. Interesado sana akong malaman pa kung inlove siya sayo. Sa tingin ko ay mas mabuting isipin na lang ang tungkol sa celebration banquet ni Mr. Snyder bukas. Nabalitaan ko na maraming malalaking figure mula sa Lugaw City at southern region ang sasali sa selebrasyon na ito. Ito ay lalo na dahil nag-imbita siya ng isang partikular na misteryosong VIP!" sabi ni Riley."Pwede kang pumunta kung gusto mo, pero hindi ako pupunta!" Tanggi ni Cundrie.“Ahh? Hindi ka pupunta? Pero inimbitahan ka ni Mr. Snyder na dumalo sa celebration.
Gayunpaman, natakot si Gerald na baka lalo magalit si Cundrie kung gagamit siya ng pera para humingi ng tawad sa kanya. Mas malaki ang loss niya kaysa sa gains sa sitwasyon na ito.Makukuha niya lamang ang kapatawaran ni Cundrie sa pamamagitan ng simpleng pabor sa kanya, kaya bakit naman tatanggi si Gerald na gawin iyon?"Walang problema!"“Sige. Pumunta ka sa bahay namin bukas ng madaling araw bago tayo pumunta sa sa banquet. Ihahanda at ibibigay ko sayo ang invitation letter kapag nakarating ka na. Pagkatapos nito, ang kailangan mo lang gawin ay gawin ang plano namin…”Ang pamilyang Snyder ay isang sikat at influential na pamilya sa Lugaw City at maging sa buong Southern Region.Mayroong dalawang nangunguna at influential na pamilya sa Lugaw City, at ang pinakamalaki sa dalawang pamilya na iyon ay ang pamilyang Snyder. Ayon sa mga sinasabi ng lokal, ang pamilyang Snyder ay konektado sa dragon vein, at meron silang mga koneksyon sa buong bansa.Bagama't malakas ang pamilyang Smi
Ang malakas na boses ay nanggaling sa isang babae at parang may away na nagaganap sa labas. Dahil doon, hindi maiwasan ng lahat na mapalingon para tumingin sa may pintuan. Nakatayo sa mismong pasukan ay isang babaeng may makapal na make-up ang humaharang sa isang lalaki ang mabangis na pinapagalitan. “Hindi ko makakalimutang binubugbog mo ako noon! Sa tingin mo ba, hahayaan ko na lang na mawala na lang bigla ang insidenteng iyon? Inakala ko noong una na nakatakas ka, kaya't matagal kong pinag-isipan kung kung paano kita mahahanap! Darating pala ang panahon na ako ang lalapitan mo! Talagang matapang ka pa para dumalo sa isang engrandeng seremonya tulad nitong invitation party! Hindi ka kaagad mamamatay kapag ako na ang tatapos sayo!" sigaw ng babae habang patuloy na nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin sa binata. Samantala, makikita ang kakaibang itsura kay Riley habang nakatingin siya sa binata. Habang nangyayari ang lahat ayon sa plano, isang problema naman ngayon a