Ang malakas na boses ay nanggaling sa isang babae at parang may away na nagaganap sa labas. Dahil doon, hindi maiwasan ng lahat na mapalingon para tumingin sa may pintuan. Nakatayo sa mismong pasukan ay isang babaeng may makapal na make-up ang humaharang sa isang lalaki ang mabangis na pinapagalitan. “Hindi ko makakalimutang binubugbog mo ako noon! Sa tingin mo ba, hahayaan ko na lang na mawala na lang bigla ang insidenteng iyon? Inakala ko noong una na nakatakas ka, kaya't matagal kong pinag-isipan kung kung paano kita mahahanap! Darating pala ang panahon na ako ang lalapitan mo! Talagang matapang ka pa para dumalo sa isang engrandeng seremonya tulad nitong invitation party! Hindi ka kaagad mamamatay kapag ako na ang tatapos sayo!" sigaw ng babae habang patuloy na nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin sa binata. Samantala, makikita ang kakaibang itsura kay Riley habang nakatingin siya sa binata. Habang nangyayari ang lahat ayon sa plano, isang problema naman ngayon a
Maririnig ang bahid ng pang-aalipusta sa tono ng pananalita ni Albert habang nagtatanong habang nakatingin siya kay Gerald. Makabuluhan ang pang-aalipusta ng butler at ng iba pang matataas na tao sa seremonya, dahil si Gerald ay bukod tangi sa oras na ito dahil sa kanyang pananamit. “Wala. Pero mula ako sa Mayberry, at pumunta ako dito ngayon para makita ang young lady ng pamilyang Smith at bigyan siya ng isang invitation card." "Isang invitation card? Kanino ito galing?” "Pasensya na pero hindi ko masasabi sayo ang mga detalye!" sagot ni Gerald. Sinasabi lang ito ni Gerald dahil ito ang itinuro sa kanya ni Riley. Gayunpaman, talagang hindi alam ni Gerald kung sino ang may-ari ng invitation card. Ginagawa niya lamang ito para makuha ang pabor ni Cundrie, kaya hindi siya interesado na alamin ang pagkakakilanlan nito. Sa sandaling iyon, tumakbo palabas si Riley bago niya sinabing, “Papasukin mo siya, Albert! Sinabi niya na tiga-Mayberry, kaya dapat nandito siya sa isang misyo
Gayunpaman, pinili ni Gerald na huwag ipagtanggol ang kanyang sarili. Alam ni Gerald na ang mga batang nasugatan ay nasa ilalim ng pangangalaga ng pamilyang Gross lalo na’t buong tapang nilang pinaratangan si Gerald ng krimen na ito. Napakabilis nilang siniraan siya, kaya nalaman ni Gerald na hindi nagdadalawang isip ang mag-ama na gamitin ang karumal-dumal na taktika. Nagawa nilang manipulahin ang pamilyang Snyder para tanggalin siya sa lugar na ito para sa kanila ang nagpatunay ng kanilang punto. "Ikaw, kaladkarin niyo siya paalis dito at siguraduhin mong baliin ang mga paa niya!" Malamig na inutos ni Mr. Snyder. Makalipas ang ilang segundo, lumapit ang mahigit sampung bodyguard ng pamilyang Snyder at naghahanda na silang harapin si Gerald. Gayunpaman, mabilis na sumagot si Riley, “Sandali lang! Baka nagkaroon ng misunderstanding dito! Hindi niya gagawin ang bagay na 'yan!" Sigurado si Riley tungkol dito dahil nakita nila ni Cundrie ang kabayanihan ni Gerald kahapon noong
Bumilis ang tibok ng puso ni Cundrie nang magulat siya sa sinabi ni Riley. Alam niya na ginagawa lang ni Riley ang lahat ng ito sa kanyang pagtatangka na pigilan si Mr. Snyder sa panliligaw niya. Umaasa silang dalawa na si Mr. Snyder ay aatras matapos mapagtanto na ang kanyang kalaban ay mas malakas pa kaysa sa kanya. Gayunpaman, hindi inasahan ni Cundrie na magiging masyadong exaggerated ang plano ni Riley! Talagang nabanggit niya si Mr. Crawford mula sa Mayberry! Samantala, si Xyon at ang mga mula sa kanyang pamilya ay nanatiling tahimik, wala silang lakas ng loob na magsalita habang nanginginig ang kanilang mga paa dahil patuloy silang nakatulala. Kung tutuusin, alam ng pamilya na ang mga tauhan ni Mr. Crawford ay napakahusay sa martial arts. Ayon sa sinabi ni Abner na si Gerald ay napakalakas, nangangahulugan iyon na malaki ang posibilidad na siya talaga ang tauahn ni Mr. Crawford! ‘Ibig bang sabihin... na-offend namin si Mr. Crawford...? Tuluyan na ba kaming masisira noo
Mahusay na idinetalye ni Gerald ang Mountain Top Villa na para bang tumira siya doon sa loob ng mahabang panahon. Paano pa kaya siya naging pamilyar sa lugar na iyon? Kahit pa nabigla sila Cundrie at Riley, tuluyan namang namutla ang pamilyang Snyder at ang iba pang nandoon. Nagbago na rin ang itsura ni Noel sa puntong ito at naging mas magalang ang tingin niya kay Gerald. Kung tutuusin, matagumpay na inilarawan ni Gerald ang lahat sa napaka-detalyadong paraan kung ano ang kailangang malaman tungkol sa Mountain Top Villa. Walang sinuman ang nagduda sa legitimacy ng pagkatao ni Gerald. Nang masiguro nilang totoo ang pagkatao ni Gerald, mabilis na bumaba ng stage si Noel bago siya yumuko ng bahagya sa harap ni Gerald at sinabi, “Meron pala tayong distinguished dito ngayon! Sana pagpasensyahan mo ang pamilyang Snyder sa hindi pagbati sayo kanina. Sana ay mapatawad mo ang aming mga pagkakamali." Sa malamang ay hindi niya ginalang si Gerald kanina. Kung tutuusin, si Gerald ay isan
Nagsimula siyang mag-isip pagkatapos niyang sabihin iyon, 'Darating ang family member ko dito...? Sino kaya ang darating?' Pumitik na lamang ang mga dila ng mga taong nakikinig habang pinag-uusapan ang sobrang kakaibang pangyayari. “Humph! Mas mabuting pag-isipan mo ito ng mabuti kung hindi ikaw ang tunay na tauhan ni Mr. Crawford! Alam kong may posibilidad na nagpapanggap ka bilang isang tauhan ni Mr. Crawford dahil nangyari na ito noon pa man! Matapos manlinlang ng ilang tao sa Northbay, nalaman ng totoong mga miyembro ng pamilyang Crawford ang impersonator. Mula sa araw na iyon, ang taong iyon at ang kanyang buong pamilya ay nawala na sa balat ng lupa! Kaya kung ikaw ay tunay na isang impersonator, ngayon na ang oras para sabihin mo ang totoo! Kung gagawin mo ito, mas mataas ang pagkakataon mo na umalis nang buhay dito!" sabi ng kaninang lalaki. Nang marinig iyon, agad na napalunok si Riley sa sobrang takot. Para bang lalong nagig magulo ang insidente... kaya paano niya ito aa
“…Ano… Ano bang pinagsasabi mo…?” tanong ni Cundrie habang patuloy siyang umiiyak nang lumingon siya, hindi siya sigurado sa kung ano ang nangyayari. “Sinasabi niya ba na siya ang totoong Mr. Crawford? Hindi kaya nabaliw na siya sa sobrang takot? Hahaha!” “Oo nga! Gumawa pa siya ng opisyal na invitation para kay Miss Smith na makipag-usap sa kanya sa Mountain Top Villa! Kalokohan!” “Hah! Nasa mundo ba na ito ang kanyang isip?!” Habang patuloy ang mapanlait na mga salita ng mga babae kay Gerald, bumalik si Xyon na may suot na panibagong pantalon. Naging excited siya gaya ng anak niya nang makita niyang kinukutya at minamaliit na ng marami si Gerald. Sa puntong iyon, maging ang girlfriend ni Abner ay nalimutan na ang sakit na dinanas niya sa sampal kanina. "Wala na ang lalaking iyon, dad! Hindi lang siya nagpanggap na tauhan ni Mr. Crawford kanina, pero nagpapanggap siya ngayon na siya mismo bilang si Mr. Crawford! Gusto kong makita kung paano siya tatakas dito!" marahas na s
“Hindi mo kailangang tumingin sa malayo, Mr. Lyle! Nandito ang taong iyon! Siya ang impersonator!" deklara ni Xyon habang nakaturo kay Gerald. Bago pa man lumingon si Chairman Lyle, mabilis na tumakbo si Abner at ang kanyang girlfriend na may layuning magpakitang gilas, “Totoo ito, Chairman Lyle! Alam mo bang sinubukan niyang linlangin ang lahat para maniwala na inimbita ni Mr. Crawford si Cundrie sa Mountain Top Villa kanina! Sinisiguro ko sayo na totoo ang lahat ng mga sinasabi ko!” “P*tang-ina nito!” sigaw ni Chairman Lyle nang lumingon siya kung saan nakaturo si Xyon. Pinigilan ng lahat ang kanilang mga hininga at naghanda na sila sa pagwawala ni Chairman Lyle... Gayunpaman, nabigla sila nang makita na si Chairman Lyle ay nanginginig mula sa kinatatayuan niya! Hindi rin siya nag-iisa. Ang lahat ng mga bodyguard ng pamilyang Crawford ay natulala rin gaya ni Mr. Lyle. “H-Hindi niya ito kasalanan! Ako ang nagsabi sa kanya na gayahin si Mr. Crawford! Kung may kailangang parus