“Bata! Sinaktan mo si Mr. Gross, pero parang wala lang ito sayo. Siyam ba ang buhay mo para magkaroon ng ganitong lakas ng loob?!"Sa oras na ito, pinalibutan ng eighteen na kalalakihan si Gerald habang hawak-hawak nila ang mga machete.Mapanuya na nagsasalita ang kalbong leader ng grupo.“Malamang takot na takot na siya ngayon. Siguro nalaman na niya ang tungkol sa pagkatao at reputasyon ni Mr. Gross. Pero huli na para magtago pa ngayon! Ngayon na ang kanyang katapusan lalo na’t sinaktan niya ang asawa ni Mr. Gross!"Sabi ng ilang lalaki habang nagtatawanan sila."Masaya ako na nandito kayo. Makinig kayo, ha? Kung kailangan mong humingi ng tulong sa isang tao, ano ang inyong gagawin para kusang-loob na tumulong sayo ang taong ito? Pero dahil nagkaroon ng misunderstanding sa kanya kanina, hindi mo alam kung paano sasabihin ang gusto mong sabihin." Tanong ni Gerald sa kanila nang makita ang grupo ng mga lalaki.Sobrang ang desperation na nararamdaman niya sa oras na ito.Napayaka
Matapos ang ilang malalakas na ingay, hindi na makahawak ng mahigpit sa mga batuta sila Byron at ang iba pa na humabol kay Gerald. Ang kanilang mga batuta na hawak nila ay sabay-sabay na nahulog sa lupa na parang na-practice na nila ito noon pa man.Ito ay dahil ang kanilang mga isip ay blangko sa mga oras na ito. Ang bawat isa sa kanila ay may gulat at hindi makapaniwalang ekspresyon sa kanilang mga mukha.Napapikit na lamang si Byron nang mapalunok siya sa sobrang gulat. Naramdaman niya na parang naubusan ang kanyang lalamunan ngayon.Masyadong mabangis ang binatang ito! Masyado siyang mabangis!Ang ibang mga lalaki ay hindi makapaniwala habang iniisip nila ito!Pagkatapos ni Gerald sa ibang mga kalalakihan, tuluyan na niyang itinuon ang kanyang mga mata sa kalbong lalaki na basang-basa ng pawis.Hindi maiwasan ng kalbong makaramdam ng matinding takot habang nakatitig sa kanya si Gerald.Sa oras na ito, agad niyang naramdaman ang basa at mainit na sensasyon sa ibabang bahagi n
“Sa totoo lang, medyo naantig ako noong niyakap niya ako. Naisip ko kung gaano ka-blessed at kung gaano kasaya ang babaeng mahal na mahal niya. May isang lalaki pala sa mundong ito na nagmamalasakit sa kanya sa ganoong paraan!"Makikita ang bakas ng inggit sa magagandang mata ni Cundrie.“Hay. Okay, okay, tama na iyon. Dapat mong isipin ang mga ganoong uri ng pag-iisip at sayangin ang iyong energy sa pag-iisip tungkol sa lahat ng mga walang kwentang bagay na ito. Interesado sana akong malaman pa kung inlove siya sayo. Sa tingin ko ay mas mabuting isipin na lang ang tungkol sa celebration banquet ni Mr. Snyder bukas. Nabalitaan ko na maraming malalaking figure mula sa Lugaw City at southern region ang sasali sa selebrasyon na ito. Ito ay lalo na dahil nag-imbita siya ng isang partikular na misteryosong VIP!" sabi ni Riley."Pwede kang pumunta kung gusto mo, pero hindi ako pupunta!" Tanggi ni Cundrie.“Ahh? Hindi ka pupunta? Pero inimbitahan ka ni Mr. Snyder na dumalo sa celebration.
Gayunpaman, natakot si Gerald na baka lalo magalit si Cundrie kung gagamit siya ng pera para humingi ng tawad sa kanya. Mas malaki ang loss niya kaysa sa gains sa sitwasyon na ito.Makukuha niya lamang ang kapatawaran ni Cundrie sa pamamagitan ng simpleng pabor sa kanya, kaya bakit naman tatanggi si Gerald na gawin iyon?"Walang problema!"“Sige. Pumunta ka sa bahay namin bukas ng madaling araw bago tayo pumunta sa sa banquet. Ihahanda at ibibigay ko sayo ang invitation letter kapag nakarating ka na. Pagkatapos nito, ang kailangan mo lang gawin ay gawin ang plano namin…”Ang pamilyang Snyder ay isang sikat at influential na pamilya sa Lugaw City at maging sa buong Southern Region.Mayroong dalawang nangunguna at influential na pamilya sa Lugaw City, at ang pinakamalaki sa dalawang pamilya na iyon ay ang pamilyang Snyder. Ayon sa mga sinasabi ng lokal, ang pamilyang Snyder ay konektado sa dragon vein, at meron silang mga koneksyon sa buong bansa.Bagama't malakas ang pamilyang Smi
Ang malakas na boses ay nanggaling sa isang babae at parang may away na nagaganap sa labas. Dahil doon, hindi maiwasan ng lahat na mapalingon para tumingin sa may pintuan. Nakatayo sa mismong pasukan ay isang babaeng may makapal na make-up ang humaharang sa isang lalaki ang mabangis na pinapagalitan. “Hindi ko makakalimutang binubugbog mo ako noon! Sa tingin mo ba, hahayaan ko na lang na mawala na lang bigla ang insidenteng iyon? Inakala ko noong una na nakatakas ka, kaya't matagal kong pinag-isipan kung kung paano kita mahahanap! Darating pala ang panahon na ako ang lalapitan mo! Talagang matapang ka pa para dumalo sa isang engrandeng seremonya tulad nitong invitation party! Hindi ka kaagad mamamatay kapag ako na ang tatapos sayo!" sigaw ng babae habang patuloy na nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin sa binata. Samantala, makikita ang kakaibang itsura kay Riley habang nakatingin siya sa binata. Habang nangyayari ang lahat ayon sa plano, isang problema naman ngayon a
Maririnig ang bahid ng pang-aalipusta sa tono ng pananalita ni Albert habang nagtatanong habang nakatingin siya kay Gerald. Makabuluhan ang pang-aalipusta ng butler at ng iba pang matataas na tao sa seremonya, dahil si Gerald ay bukod tangi sa oras na ito dahil sa kanyang pananamit. “Wala. Pero mula ako sa Mayberry, at pumunta ako dito ngayon para makita ang young lady ng pamilyang Smith at bigyan siya ng isang invitation card." "Isang invitation card? Kanino ito galing?” "Pasensya na pero hindi ko masasabi sayo ang mga detalye!" sagot ni Gerald. Sinasabi lang ito ni Gerald dahil ito ang itinuro sa kanya ni Riley. Gayunpaman, talagang hindi alam ni Gerald kung sino ang may-ari ng invitation card. Ginagawa niya lamang ito para makuha ang pabor ni Cundrie, kaya hindi siya interesado na alamin ang pagkakakilanlan nito. Sa sandaling iyon, tumakbo palabas si Riley bago niya sinabing, “Papasukin mo siya, Albert! Sinabi niya na tiga-Mayberry, kaya dapat nandito siya sa isang misyo
Gayunpaman, pinili ni Gerald na huwag ipagtanggol ang kanyang sarili. Alam ni Gerald na ang mga batang nasugatan ay nasa ilalim ng pangangalaga ng pamilyang Gross lalo na’t buong tapang nilang pinaratangan si Gerald ng krimen na ito. Napakabilis nilang siniraan siya, kaya nalaman ni Gerald na hindi nagdadalawang isip ang mag-ama na gamitin ang karumal-dumal na taktika. Nagawa nilang manipulahin ang pamilyang Snyder para tanggalin siya sa lugar na ito para sa kanila ang nagpatunay ng kanilang punto. "Ikaw, kaladkarin niyo siya paalis dito at siguraduhin mong baliin ang mga paa niya!" Malamig na inutos ni Mr. Snyder. Makalipas ang ilang segundo, lumapit ang mahigit sampung bodyguard ng pamilyang Snyder at naghahanda na silang harapin si Gerald. Gayunpaman, mabilis na sumagot si Riley, “Sandali lang! Baka nagkaroon ng misunderstanding dito! Hindi niya gagawin ang bagay na 'yan!" Sigurado si Riley tungkol dito dahil nakita nila ni Cundrie ang kabayanihan ni Gerald kahapon noong
Bumilis ang tibok ng puso ni Cundrie nang magulat siya sa sinabi ni Riley. Alam niya na ginagawa lang ni Riley ang lahat ng ito sa kanyang pagtatangka na pigilan si Mr. Snyder sa panliligaw niya. Umaasa silang dalawa na si Mr. Snyder ay aatras matapos mapagtanto na ang kanyang kalaban ay mas malakas pa kaysa sa kanya. Gayunpaman, hindi inasahan ni Cundrie na magiging masyadong exaggerated ang plano ni Riley! Talagang nabanggit niya si Mr. Crawford mula sa Mayberry! Samantala, si Xyon at ang mga mula sa kanyang pamilya ay nanatiling tahimik, wala silang lakas ng loob na magsalita habang nanginginig ang kanilang mga paa dahil patuloy silang nakatulala. Kung tutuusin, alam ng pamilya na ang mga tauhan ni Mr. Crawford ay napakahusay sa martial arts. Ayon sa sinabi ni Abner na si Gerald ay napakalakas, nangangahulugan iyon na malaki ang posibilidad na siya talaga ang tauahn ni Mr. Crawford! ‘Ibig bang sabihin... na-offend namin si Mr. Crawford...? Tuluyan na ba kaming masisira noo