Sa puntong iyon, ang dalawang guardian ay inatasan na itaboy ang mga taong nananatili dahil sa takot na tangkaing iligtas ng mga tao si Gerald. Dahil dito, katahimikan na lamang ang narinig nang tumingala si Gerald sa buwan na nasa gitna ng midnight sky. Buong hapon na nanatiling nakatutok si Gerald sa pag-iisip ng paraan para makawala sa kanyang seal. Masyadong mabilis ang lumilipas na panahon at natandaan rin ni Gerald ang pagkamatay ni Chester. Dahil doon, ayaw na niyang hayaan ang sinuman sa paligid niya na magdusa pa o mamatay dahil sa kanya! Sa pag-iisip na iyon, kahit papaano ay nakaisip siya ng isang paraan upang masira ang kanyang seal. Noong una niyang nakita ang deity, nakakita si Gerald ng isang hugis singsing na jade pendant na nagbigay ng ilang alaala sa kanyang isipan. May ilan siyang alaala sa pag-aaral ng ilang mga bagong skills, ngunit maliit na bahagi lang ng mga skills na ito ang nagamit niya sa kabila ng pagtatangka noon na gamitin ang mga skills na iyo
Ang masamang technique na ito ay kinikilala bilang Soul Eater. Habang ginagamit ito ni Gerald, nahihigop niya ang kaluluwa ng kanyang biktima at lalo siyang lumalakas gamit nito. Nangangahulugan ito na lalo siyang lalakas kapag hinigop niya ang kapangyarihan ng mas maraming mga kaluluwa. Hindi inasahan ng mga guardians na meron mala-demonyong lakas si Gerald, ngunit huli na ang lahat para makatakas sila. Gamit ang parehong pamamaraan, mabilis na hinigop ni Gerald ang kaluluwa ng anim na mga lalaki, hanggang silang lahat ay naging isang pile ng abo. Matapos makumpleto ang kanyang gawain, kumikinang sa mga mata ni Gerald ang matinding determinasyon habang nakatingin siya sa malayo. Kahit papaano ay nabawi na niya ngayon ng humigit-kumulang thirty percent ng kanyang lakas, ngunit alam ni Gerald na hindi pa rin siya makakalaban ni Queena kahit pa lumalakas na siya. Dahil doon, alam niyang kailangan niyang makalayo kay Queena hangga't maaari. Kung tutuusin, ang priority niya ngayon
Nang makuha niya ang approval ng kanyang ama, nagsimula siyang maglakad patungo kay Gerald at mapangasar niyang sinabi, “Dapat alam mo na kailangan mo lang sumunod pagdating sa sacred Holy Witchcraft! Walang nagaganap na usapan pagdating sa lahat ng ito at hindi ito mangyayari hanggang ngayon! Nagkamali ka na ngayon pa lang na gusto mo kaming labanan! Dahil doon, personal kitang tuturuan ng leksyon na hinding-hindi mo malilimutan! Tignan natin kung may masasabi ka pa sa tatay ko kapag tapos na ako sayo!" Pagkatapos ng napakalakas na tawanan ay sumugod siya patungo kay Gerald! Ngunit si Gerald ay mas mabilis kaysa sa kanya. Mabilis niyang hinawakan ang ulo ng binata bago niya agad na pinunit ang kanyang katawan! Nanlaki ang mga mata ng mga taong nandoon at hindi sila makapaniwala nang lumabas ang napakaraming dugo mula sa pugot na katawan ng binata hanggang sa bumagsak ito sa lupa. “…A-ano?!” sigaw ni Hendrik nang inihagis ni Gerald ang ulo ng kanyang anak sa gilid, nanatili pa
Pagkatapos nito ay mabilis na nagtungo si Gerald upang iligtas si Lord Fenderson at ang iba pa. Hinuli sila dahil binalak ni Hendrik na pahirapan sila kung tatanggi pa rin si Gerald na isuko ang mga ancient witchcraft techniques. Sa kabutihang palad, wala masyadong ginawang masama sa kanila si Hendrick. Kahit pa gumaling na ang sakit ni Lord Fenderson, kitang-kita pa rin sa ninety years old na tulad niya ang lahat ng pagod, takot, at pagpapahirap na pinagdaanan niya. Nang makalaya na silang lahat, nalaman ni Gerald na matagal nang na-comatose si Lord Fenderson. Habang paalis na sila sa mansyon, hindi napigilan ng pagod na pagod na si Joshua na magtanong, “...Speaking of which... Aalis ka na ba pagkatapos nito...? Saan ka pupunta sa susunod...?" "Hahanapin ko si Master Ghost. Hindi ako pwedeng magpatuloy na manatili sa Montholm Island! Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong utusan ang ilan sa mga guwardiya ng aking pamilya para ligtas kayong dalhin sa Salford Province,” sagot
Pagkatapos ng kanyang matagumpay na pagtakas sa Montholm Island, agad na tinahak ni Gerald ang sea path patungo sa Langvern Mountain sa Halimark City. Gayunpaman, hindi nagtagal bago niya nalaman na may nakakaramdam ng kanyang aura! Nabigo siyang tanggalin ang taong sumusunod sa kanya! ‘Kalooban ba talaga ng Diyos na hindi ko na mahanap si Mila at si Second Uncle...?’ nag-aalalang naisip ni Gerald. Anong uri ng napakalakas na supernatural powers ang tinataglay ni Queena...? Naisip ni Gerald na siya lang siguro ang isa pang totoong top master na nakilala ni Gerald bukod kay Finnley. Nakakakilabot! Sa kabila ng napakaraming mga pagsubok na lalaban sa kanya, si Gerald ay nag-tiyaga at kusang-loob na inubos ang kaunting lakas na natitira sa kanya hangga't mayroon pa rin siyang isang kislap ng pag-asa na natitira sa kanya. Bandang three o’clock ng madaling araw nang tuluyang dumating si Gerald sa paanan ng Mount Langvern. Sa oras na iyon, mas malapit na rin ang pakiramdam ng tao
"Sinabi ni Master Ghost na hindi ka dapat magalit o mabalisa kahit pa nararamdaman mong naka-trap ka, dahil ito lang ang iyong kapalaran, Gerald! Idinagdag din niya na ang iyong kapalaran ay hindi matatapos sa loob ng isang araw, at hindi mo rin malulutas ang sagot na hinahanap mo sa iyong puso sa loob ng maikling panahon. Ang lahat ng ito ay hindi maiiwasan, kaya ang magagawa mo lang ay harapin ang lahat ng iyong mga hadlang nang buong tapang!" paliwanag ni Zenny. Tumango lang si Gerald nang marinig niya iyon. Noong huling nakilala niya si Master Ghost sa simbahan, binigyan siya ni Ghost ng isang reading na hindi talaga masyadong isinapuso ni Gerald noon. Sa kanyang pagtataka, lahat ng sinabi ni Ghost ay unti-unting naging totoo sa huli. Dahil doon, naramdaman ni Gerald ang pagsisisi ay kahihiyan dahil sa kanyang mga naging aksyon. "Anyway, sinabi rin niya na napakalakas ng iyong nakatakdang relasyon kaysa sa inaakala mo! Kapag nakatagpo mo siya at nakapag-desisyon kang harapin si
Ang mga luntiang burol ay pumapasok sa mga nalimutang sinaunang lungsod at ang isang bended willow ay muling nabuhay at muling pinasigla… Agad na naalala ni Gerald ang isang lugar na kilala bilang Lugaw City na matatagpuan sa southernmost area. 'Para naman sa mga strategist ay sinalubong ng paulit-ulit na kabiguan at tagumpay at ang mga tao ay lahat ay nahihirapang maghanapbuhay', hindi na masyadong kailangang isipin ni Gerald kung ano ang tinutukoy nito. Kung tutuusin, tunay na pamilyar sa lugar na iyon. Ang kalahati ng tula na ito ay tumutukoy sa Mayberry City, ang lugar kung saan siya lumaki. Kung tama ang kanyang iniisip, ang tatlong bagay na hinahanap niya ay matatagpuan sa Lugaw City at Mayberry City. “Gerald, sinabi ni Master Ghost na dahil hindi ka pa sumasailalim sa baptism of heaven, hindi maiiwasan ang conflict sa sandaling makilala mo ang isang taong may strong yin physique. Pero kahit pa ganoon, hindi mo kailangang mag-alala tungkol doon!" "Nag-iwan si Master ng da
“…Paano niya nagawa ito…? Kahit na nakuha niyang muli ang kanyang inner strength, medyo imposible para sa kanya na itago ang kanyang energy mula sa akin...! Paniguradong may tumulong sa kanya na makatakas! Bakit... Bakit may tutulong sa kanya na makatago sa akin?! Ang taong iyon... alam ng taong tumulong sa kanya na hindi siya madaling mawawala sa akin! Paniguradong sinusubukan ako ng taong iyon sa pamamagitan ng pagpapahirap sa akin! Pero hindi ko hahayaang takasan mo ako, Gerald! Kahit pa kailangan kitang habulin hanggang sa dulo ng Mundo!” bulong ni Queena sa kanyang sarili habang nanginginig sa matinding galit na hindi niya mapigilan, namumuo pa ang dugo sa kanyang mga mata. Ang kanyang malakas na hangaring pumatay ay nagpabago ng kapaligiran na ang buong simbahan ay parang natatakpan ng yelo. Nang makarating si Gerald sa paanan ng bundok, humarap siya para tingnan ang Langevern Church sa huling pagkakataon... ngunit nakita niya na nilalamon na ito ng apoy! Sa katunayan, lumala