Ang mga luntiang burol ay pumapasok sa mga nalimutang sinaunang lungsod at ang isang bended willow ay muling nabuhay at muling pinasigla… Agad na naalala ni Gerald ang isang lugar na kilala bilang Lugaw City na matatagpuan sa southernmost area. 'Para naman sa mga strategist ay sinalubong ng paulit-ulit na kabiguan at tagumpay at ang mga tao ay lahat ay nahihirapang maghanapbuhay', hindi na masyadong kailangang isipin ni Gerald kung ano ang tinutukoy nito. Kung tutuusin, tunay na pamilyar sa lugar na iyon. Ang kalahati ng tula na ito ay tumutukoy sa Mayberry City, ang lugar kung saan siya lumaki. Kung tama ang kanyang iniisip, ang tatlong bagay na hinahanap niya ay matatagpuan sa Lugaw City at Mayberry City. “Gerald, sinabi ni Master Ghost na dahil hindi ka pa sumasailalim sa baptism of heaven, hindi maiiwasan ang conflict sa sandaling makilala mo ang isang taong may strong yin physique. Pero kahit pa ganoon, hindi mo kailangang mag-alala tungkol doon!" "Nag-iwan si Master ng da
“…Paano niya nagawa ito…? Kahit na nakuha niyang muli ang kanyang inner strength, medyo imposible para sa kanya na itago ang kanyang energy mula sa akin...! Paniguradong may tumulong sa kanya na makatakas! Bakit... Bakit may tutulong sa kanya na makatago sa akin?! Ang taong iyon... alam ng taong tumulong sa kanya na hindi siya madaling mawawala sa akin! Paniguradong sinusubukan ako ng taong iyon sa pamamagitan ng pagpapahirap sa akin! Pero hindi ko hahayaang takasan mo ako, Gerald! Kahit pa kailangan kitang habulin hanggang sa dulo ng Mundo!” bulong ni Queena sa kanyang sarili habang nanginginig sa matinding galit na hindi niya mapigilan, namumuo pa ang dugo sa kanyang mga mata. Ang kanyang malakas na hangaring pumatay ay nagpabago ng kapaligiran na ang buong simbahan ay parang natatakpan ng yelo. Nang makarating si Gerald sa paanan ng bundok, humarap siya para tingnan ang Langevern Church sa huling pagkakataon... ngunit nakita niya na nilalamon na ito ng apoy! Sa katunayan, lumala
Ang gusto lang ni Gerald noon pa man ay magkaroon ng ordinaryong buhay. Dahil nasa Lugaw City na siya, kailangan na niyang simulan ang paghahanap ng mga taong may strong yin physique. Sa pagkakaalam niya, kailangan niyang maglibot sa mga lugar kung saan maraming mga tao ang nagtitipon. Sa madaling salita, ang mga abalang lokasyon tulad ng mga train stations at mga commercial streets. Dahil doon, alam niyang ngayon na ang magandang panahon para simulan ang kanyang paghahanap. Sa kanyang nakikita, isang buhay na lugar ang Lugaw City at may nakita siyang ilang stalls na nagtitinda ng maliliit na pendant na dating pagmamay-ari ng mga ninuno ng mga nagtitinda. Ang ilan sa kanila ay nagbebenta ng mga radyo na nagmumula pa noong 1970s. Habang tumitingin-tingin sa paligid, napansin ni Gerald ang ilang excited na mga tao ang nagkukumpulan sa isa sa mga stall. Kasunod nito, narinig niya ang isang boses na nagsasabing, “Sir, please! Kailangan ko ng pera para magamot ang aking anak na may
“P*tang ina! Mukhang gusto mo talagang mamatay! Pakawalan mo ako!"Nabaliw ang babae habang hawak niya ang kanyang buhok.Inikot-ikot niya sa ere ang kanyang bag habang sinusubukan niyang hampasin ang taong humihila sa kanyang buhok gamit ang kanyang bag.Ngunit bago pa man niya maihampas ang taong nanghila sa kanyang buhok, binigyan siya ng isang mahigpit na sampal ng taong ito sa kanyang mukha.Umalingawngaw ang malakas na tunog ng sampal.Naramdaman ng babae na parang umiikot ang kanyang mundo at naguguluhan ang utak niya pagkatapos niyang masampal. Napadpad siya sa isang stall ng tinapay na malapit sa kanyang kinatatayuan niya at sa isang iglap ay ibinagsak niya ang lahat ng tinapay na naka-display.Ang sumampal sa kanya ay walang iba kundi si Gerald.Galit na galit si Gerald matapos masaksihan ang nakaraang eksena, hanggang sa hindi na niya napigilan ang kanyang galit.Marami na siyang nakita at na-encounter na mga taong mayabang sa kanyang buhay, ngunit ngayon lang siya n
Galit na galit si Mr. Gross.“Bugbugin niyo siya!”Sigaw ni Mr. Gross sa mga natitirang bodyguard na nasa likuran niya.Sumugod agad ang mga bodyguard sa isang iglap at tuluyan na sana nilang susugurin si Gerald para tadtarin siya.“Tumigil kayo!”Biglang lumapit ang dalawang bodyguard na nakasuot ng itim at pinigilan ang mga kalalakihang sumusugod."Sino kayo?!" Sigaw ni Mr. Gross habang nakatingin sa kanila."Pamilyang Smith." Kaswal na sagot ng bodyguard."Ano?"Kinilabutan si Mr. Gross habang nagmamadaling ibinaba ang kanyang baril."Nandito pala ang pamilyang Smith!" Sabi ni Abner habang nakangiti sa kanila.Ang pamilyang Smith ay isa sa ilang pamilya na mas makapangyarihan at mas influential kumpara sa Gross family sa Lugaw City.Kahit pa isang brutal na tao si Abner, alam din niya ang mga patakaran sa mundong ito at malinaw sa kanya kung paano sumunod sa mga tuntunin. Alam niyang may mga taong kaya niyang kalabanin, pero a may mga taong hindi niya dapat galitin!“Hi
Nabigla ang ilang bodyguard nang makita nilang hinahabol ni Gerald ang kotse ng eldest young lady.Hindi nila marinig ang sinisigaw ni Gerald. Gayunpaman, nag-aalala sila na baka mapunta sa peligro ang buhay ng eldest young lady. Kaya naman dali-dali silang sumakay sa sasakyan para habulin siya.Patuloy na tumakbo si Gerald para habulin ai Cundrie habang patuloy na umaandar ang sasakyan nito.Kasalukuyan naman sa loob ng sasakyan."Ate, napansin mo ba ang lalaki na iyon bago ka sumakay sa kotse?" Nakangiting tinanong ni Riley."Sino bang lalaki na tinutukoy mo?" Tanong ni Cundrie habang nakakunot ang kanyang noo at medyo magkahiwalay rin ang mapupula niyang labi."Ang tinutukoy ko ay ang binata na tinutukan ni Abner ng baril pagkatapos niyang tulungan ang mag-ama!" Sabi ni Riley nang tinakpan niya ang kanyang bibig habang tumatawa siya.“Siya? Hindi, bakit?"“Hindi mo ito alam pero mukhang natulala siya at parang hindi siya makapaniwala nang makita ka niya kanina! Nakatayo lang
Para bang hindi siya susuko kung hindi niya maabutan ang kanilang sasakyan.Tinakpan ni Riley ang kanyang bibig at sinabing, “Oh, my God! Hindi ko ine-expect na may isang tao na sobrang infatuated! Ate, para bang na-inlove siya sayo sa unang tingin pa lang!"Bigla na lamang namula si Cundrie sa oras na ito.Ito ay dahil maraming tao ang humabol kay Cundrie mula pa noong bata siya dahil sa kanyang magandang itsura at sa kanyang magandang ugali. Gayunpaman, hindi pa siya nakatagpo ng ganitong uri ng lalaki.Isa itong kasinungalingan kung sasabihing hindi naantig si Cundrie.“Ate, bakit hindi natin ihinto ang sasakyan at alamin kung ano ang gusto niyang sabihin sayo? Hahaha! Bigla kong naisip ang isang kwento nang makita ko siya. Ito ay tungkol sa isang pulubi na napaibig sa isang mayamang babae sa unang tingin. Pagkatapos nito, sumulat siya ng isang love letter sa kanya habang hinahabol niya ang sedan ng mayamang binibini upang ipahayag ang kanyang pagmamahal sa kanya. Dahil dito, n
Napatakip na lamang ng bibig si Riley sa gulat habang nakatingin sa dramang nangyayari sa kanyang harapan.Nagmamadali pa nga niyang nilabas ang kanyang cellphone para kunan ito ng litrato, sa takot na baka makaligtaan niya ang sandaling ito.Walang sinuman ang mag-aakala na baliw pala ang lalaking ito. Sinong mag-aakala na susugurin talaga niya si Cundrie sa unang pagkakataon na makita niya ito? Ito ay hindi kapani-paniwala! Ahh! Nakakabaliw itong panoorin!“Hin... hindi ako…”Pagkatapos ng maikling katahimikan, medyo nahirapan si Cundrie habang pabulong siyang nagsasalita.Ito rin ang boses na nagising si Gerald sa katotohanan.Hindi ito ang boses ni Mila.Kaya mabilis namang bumitaw si Gerald.Kakaiba na ang itsura ni Cundrie ngayon na para bang nakakaramdam siya ng kaunting kalungkutan nang lumingon siya ng kaunti.Sa pagkakataong ito lang ay tuluyang naaninag ni Gerald ang kanyang buong pagkatao.Ang kanyang likod, ang kanyang katawan, at maging ang kanyang mga mata ay t