"Wala akong dahilan para magsinungaling sayo! Totoo ang lahat ng sinabi ko! Hindi talaga ako ang taong hinahanap mo!" sabi ni Gerald na nakatingin sa kanya ng diretso sa mata. Base sa reaksyon nito, wala na siyang pagdududa sa mga nangyayari. Ang taong niligtas niya ay hindi ang babaeng nakaputi. Malaki ang posibilidad na nasa loob pa rin ng palasyo ng hari ng karagatan ang babaeng nakaputi. Dahil sa mga bagong rebelasyon na ito, naramdaman ni Gerald na mas matalinong hindi banggitin kung nasaan ang kinaroroonan ni Zeus. Sikreto niya iyon hanggang sa matagpuan niya ang totoong babaeng nakaputi. “Wala akong pakialam! Hinding hindi ako maniniwala sayo! Sinabi ko na sayo na ikakasal na tayo bukas! Handa ka na bang sabihin ang kasagutan mo?" tanong ni Queena nang saglit na nanlambot ang mga mata niya habang nakatingin kay Gerale. "Ang kasal ay hindi isang laro at hindi naman natin mahal ang bawat ito... Kaya paano tayo magpapakasal?" sagot ni Gerald habang pilit siyang nakangiti.
Hindi alam ni Gerald kung bakit pero parang may koneksyon sa kanya si Zeus at si Jasmine ang kanyang bihag. Nang makabalik siya sa Montholm Island manor, agad siyang sinalubong ng isang grupo ng mga tao na nakapalibot sa manor. Ang mga taong ito ay nakasuot ng kakaibang kasuotan at ilang daan sa kanila ang nakaharang sa pasukan ng manor. Gayunpaman, ang nakakuha ng atensyon ni Gerald ay ang ilan sa kanyang mga bodyguard na nakahandusay sa lupa. “Young master! Bumalik ka!" tuwang-tuwa na sumigaw ang ilan sa kanyang mga bodyguard na may malay pa nang makita siya ng mga ito. Lumapit sa kanya sila Joshua at Lord Fenderson nang mapagtanto nilang naroroon siya. Pagkarating nila sa harapn niya, mabilis namang nagpaliwanag si Bryson, “Silang lahat ay mga miyembro ng Holy Witchcraft, Gerald! Ang master ng Holy Witchcraft ay personal na dumating ngayon para makita ka!" Nang marinig iyon, alam na agad ni Gerald kung ano ang pakay nila dito! "Ikaw ba si Gerald?" tanong ng isang mata
Ilang segundo bago isagawa ang napakalakas na suntok ni Hendrik papunta kay Gerald, na may may malaking posibilidad na mamatay sa puntong ito, isang sigaw ang nagpatigil sa kanyang atake sa kalagitnaan ng laban. Ang taong sumigaw ay walang iba kundi si Chester. “Lola, Second Lord! Huwag mong patayin si master! Wala itong kinalaman sa kanya!" sabi ni Chester habang nakaluhod. "Tinatawag mo siyang master? Nakakatawa! Ikaw ang master ng Holy Witchcraft! Bakit mo tatawagin ang spoiled brat na ito na master! Kung may lumabas na balita tungkol dito, paniguradong sisirain mo ang prestihiyosong pangalan ng aming angkan!" sagot ni Tiara habang kumikibot ang gilid ng kanyang labi. Siya ay isang taong nagmamalasakit sa prestige. Para sa kanya, ang isang tao na mamamatay ay hindi espesyal kung gagawin nila ito para mapanatili ang katayuan ng Holy Witchcraft! "Desisyon kong manatili sa tabi ni master! Ayaw ko nang maging young master ng Holy Witchcraft noong una pa lang! Ang gusto ko lan
Ang malakas na dagundong ay nanggaling kay Gerald na ang mga mata ay duguan habang nakatitig sa mga dugong kasalukuyang lumalabas sa bibig ni Chester. Si Joshua at Lord Fenderson ay mabilis sumugod, habang ang nanginginig na si Chester ay nauutal na sinabi, "M-master... Ma… masakit...!" Tinakpan ng kanyang kamay ang mga sugatang bahagi sa ulo ni Chester, sinubukan ni Gerald na ilabas ang kanyang kapangyarihan para iligtas siya habang sumisigaw, “Magiging magaling ka! Huwag kang mamatay!” “Hu… huli na ang lahat… A-alam mo, master…Sa… sa tingin ko makikita ko na sa wakas si Lola...! Paglipas ng maraming taon, mukha pa rin siyang eight yeara old na bata... At... ang kanyang ngiti... ang kanyang tawa... ang ganda ng mga ito tulad ng dati...!" sagot ni Chester hanggang sa unti-unting humina ang boses niya habang dumadaloy ang dugo sa bibig niya. “Na… nakikita ko na siya... Siya ay nakasakay sa isang bangka… Sinasabi niya sa akin na... magkikita kami sa paglubog ng araw nang magkasam
Dahil doon, inutusan ni Hendrik na arestuhin si Gerald. Hindi nagtagal, nakita ni Gerald na nasa loob ng isang secret room kasama si Hendrik. "Sabihin mo sa akin, Gerald... May nalalaman ka bang mga secret techniques para maalis ang sinaunang witchcraft...?" malamig na tinanong ni Hendrik. "Mga secret technique? Paano ko naman malalaman ang mga bagay na iyon! Kung tutuusin, ang mga ganoong technique ay itinuturo lamang sa mga taong nasa loob ng Holy Witchcraft, hindi ba?” kaswal na sumagot wi Gerald habang nakatingin kay Hendrik. “Itigil mo na ang kaka-arte mo sa harap ko! Aaminin ko na gumamit ako ng isang sikreto at sinaunang technique ng witchcraft sa katawan ni Chester noon pa man... nilalason ng witchcraft na iyon ang puso ng isang tao. Ang kanilang mga kilos ay magiging kakaiba na parang isang baliw! Pagkatapos ng mahabang panahon, ang taong iyon ay mamamatay sa kabaliwan! Swerte ako na natutunan ko ang secret technique na iyon. Di bale, nung nakita ko ulit si Chester kan
Sa puntong iyon, ang dalawang guardian ay inatasan na itaboy ang mga taong nananatili dahil sa takot na tangkaing iligtas ng mga tao si Gerald. Dahil dito, katahimikan na lamang ang narinig nang tumingala si Gerald sa buwan na nasa gitna ng midnight sky. Buong hapon na nanatiling nakatutok si Gerald sa pag-iisip ng paraan para makawala sa kanyang seal. Masyadong mabilis ang lumilipas na panahon at natandaan rin ni Gerald ang pagkamatay ni Chester. Dahil doon, ayaw na niyang hayaan ang sinuman sa paligid niya na magdusa pa o mamatay dahil sa kanya! Sa pag-iisip na iyon, kahit papaano ay nakaisip siya ng isang paraan upang masira ang kanyang seal. Noong una niyang nakita ang deity, nakakita si Gerald ng isang hugis singsing na jade pendant na nagbigay ng ilang alaala sa kanyang isipan. May ilan siyang alaala sa pag-aaral ng ilang mga bagong skills, ngunit maliit na bahagi lang ng mga skills na ito ang nagamit niya sa kabila ng pagtatangka noon na gamitin ang mga skills na iyo
Ang masamang technique na ito ay kinikilala bilang Soul Eater. Habang ginagamit ito ni Gerald, nahihigop niya ang kaluluwa ng kanyang biktima at lalo siyang lumalakas gamit nito. Nangangahulugan ito na lalo siyang lalakas kapag hinigop niya ang kapangyarihan ng mas maraming mga kaluluwa. Hindi inasahan ng mga guardians na meron mala-demonyong lakas si Gerald, ngunit huli na ang lahat para makatakas sila. Gamit ang parehong pamamaraan, mabilis na hinigop ni Gerald ang kaluluwa ng anim na mga lalaki, hanggang silang lahat ay naging isang pile ng abo. Matapos makumpleto ang kanyang gawain, kumikinang sa mga mata ni Gerald ang matinding determinasyon habang nakatingin siya sa malayo. Kahit papaano ay nabawi na niya ngayon ng humigit-kumulang thirty percent ng kanyang lakas, ngunit alam ni Gerald na hindi pa rin siya makakalaban ni Queena kahit pa lumalakas na siya. Dahil doon, alam niyang kailangan niyang makalayo kay Queena hangga't maaari. Kung tutuusin, ang priority niya ngayon
Nang makuha niya ang approval ng kanyang ama, nagsimula siyang maglakad patungo kay Gerald at mapangasar niyang sinabi, “Dapat alam mo na kailangan mo lang sumunod pagdating sa sacred Holy Witchcraft! Walang nagaganap na usapan pagdating sa lahat ng ito at hindi ito mangyayari hanggang ngayon! Nagkamali ka na ngayon pa lang na gusto mo kaming labanan! Dahil doon, personal kitang tuturuan ng leksyon na hinding-hindi mo malilimutan! Tignan natin kung may masasabi ka pa sa tatay ko kapag tapos na ako sayo!" Pagkatapos ng napakalakas na tawanan ay sumugod siya patungo kay Gerald! Ngunit si Gerald ay mas mabilis kaysa sa kanya. Mabilis niyang hinawakan ang ulo ng binata bago niya agad na pinunit ang kanyang katawan! Nanlaki ang mga mata ng mga taong nandoon at hindi sila makapaniwala nang lumabas ang napakaraming dugo mula sa pugot na katawan ng binata hanggang sa bumagsak ito sa lupa. “…A-ano?!” sigaw ni Hendrik nang inihagis ni Gerald ang ulo ng kanyang anak sa gilid, nanatili pa