“Sa paglipas ng mga taon, pitong babae na ang nasaktan ko... Bago ako mamatay, gusto kong humingi ng tawad sa kanila... Saka lang ako makakapagpahinga ng mapayapa... Baka kaya ko pa ring makita si Lola pagkatapos gawin iyon. …” taos-pusong sinabi ni Chester. Nang marinig iyon, tumango lamang si Gerald at nanatiling tahimik, pinapakita ang kanyang pagsang-ayon. Walang problema kay Gerald na ibigay ang kanyang hiling dahil mukhang nagsisisi si Chester. Napagtanto ni Gerald na seryoso si Chester sa kanyang kahilingan dahil sa katotohanang naalala ni Chester kung saan nakatira ang bawat isa sa pitong babaeng nasaktan niya. Hindi nagtagal, pumunta sila Chester at Gerald sa bahay ng isang magsasaka. Binuksan nila ang pinto at lumuhod si Chester habang namumutla ang mukha niya sa harap ng pamilya ng tatlo at makikita doon ang babaeng sinaktan niya sa tabi ng kanyang mga magulang. “Y-young lord?! A-ano pong kailangan niyo sa amin...?” nauutal na sinabi ng ama habang nanginginig sa tako
Nang marinig iyon, nilingon ni Jasmine si Gerald na may pagdududa. Ilang sandali lang ay napagtanto niyang ang isang walang awa at mayabang na young lord ay talagang sumuko na sa presensya ni Gerald. "Humihingi ako ng tawad sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko sayo! Pasensya na talaga!” sabi ni Chester habang paulit-ulit na ibinababa ang kanyang ulo hanggang sa dumikit ang noo niya sa lupa. Noong una ay gusto niyang patayin si Chester, ngunit lumambot ang puso ni Jasmine pagkatapos niya itong marinig, "...Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin... Kailangang mo lang humingi ng tawad sa mga nasaktan mo. Nakalampas nang walang problema ang pamilya ko sa pangyayari na ito, pero hindi ganoon ang nangyari para sa ibang mga pamilya… Si Gerald na ang bahala sa magiging parusa mo! Ang kanyang mga salita ay kasing-halaga ng mga salita ko!" Pagkatapos niyang sabihin iyon, lumingon si Jasmine kay Gerald. Madalas na ganyan ang mga babae. Hindi sigurado si Jasmine kung nahulog ba tala
Dinala ni Yume ang isang may edad na lalaki sa kwarto kung saan kasalukuyang naroroon si Gerald at ang dalawa pa. Nakita ni Yume si Jasmine, isang babaeng nakakaakit na tulad niya ang nakatayo malapit kay Gerald at hindi niya maiwasang hindi maging komportable. Dahil doon, ang kanyang pananalita ay mas masakit nang malamig niyang sinabi, "Eto na ang taong hinahanap mo, Gerald! Si Mr. Yarrow ang nagdala ng lahat ng impormasyon ng isla sa taong iyon!" Pagkatapos nito ay tumayo siya sa gilid ni Gerald. Nang makita iyon, si Jasmine ay maingat na sinukat ang babae na ngayon ay nakatayo na kasing lapit niya kay Gerald. Naging mahigpit ang pakiramdam sa pagitan ng dalawang babae habang ang middle-aged na lalaki ay bumati habang hawak niya ang impormasyon, “Mr. Crawford!” “Masaya akong makasama ka dito, Mr. Yarrow. Please, umupo ka na." Si Tim Yarrow ay mula sa cultural affairs bureau sa Montholm City. Ayon sa sinabi ng mga tao kay Gerald, alam ng lalaki ang lahat ng tungkol sa de
'Mukhang dumating sila dahil meron silang isang misyon... Mukhang alam din ng master kung sino sila.' 'Lumipad ang master at pumasok sa lumilipad na bahay upang pag-usapan ang isang bagay sa mga taong nasa loob nito... Ngunit wala ni isa sa amin ang nakakaalam kung ano ang kanilang pinag-uusapan...' 'Matagal nilang pinag-usapan ang bagay na iyon.. Ilang oras habang nag-uusap sila, lumubog ang lumilipad na bahay sa ilalim ng mga alon at kasama nila si master...' Pagsapit ng gabi... Paikot-ikot kaming lahat at halos hindi makatulog... Ang magagawa na lang namin ngayon ay bantayan ang bangkay ng diwata...' 'Gabi na ngayon, at turn ko na para magbantay... Kasama ako, siyam na tao ang grupo ko...' '...Isinulat ko ito pagkatapos ng nakakatakot na pangyayaring iyon... Ang pangyayaring nagpabago sa aking buhay magpakailanman...' ‘Habang nagbabantay kami, biglang nabuhay ang diwata! Nakatayo siya sa harap namin at ang malungkot ang kanyang itsura habang malamig niyang tinanong sa am
Si Yume ay nanatiling nakatulala sa kanyang kinatatayuan ng medyo matagal. Gabi na habang nagmumuni-muni si Gerald sa kanyang kama, nakikinig sa simoy ng karagatan habang iniisip ang kanyang mga bagong natuklasan ngayong gabi. Ayon sa sinabi ng survivor, isang makapangyarihan at galit na galit na babae ang lumitaw nang gabing iyon at ito ang dahilan kung bakit namatay ang walong tao na nakabantay sa kabaong kasama niya. Sino ang babaeng ‘yon? At ano ang ibig niyang sabihin nang sabihin niya na nagising siya sa tamang oras? Napagtanto niya na ang babae ay galit na galit sa panahon na iyon. Bukod sa babae, hindi niya madaling makalimutan ang nakakatakot na hiyawan mula sa loob ng lumilipad na bahay. Nandoon kaya ang lahat ng nahuli ng Sun League? Nandoon ba si Mila at ang kanyang tito? Nagulat si Gerald kanina nang banggitin ang lumilipad na bahay. Para naman sa babaeng nakaputi, sa malamang ay sumuko na siya sa misteryosong matandang pulubi sa huli. Kung tutuusin, nakita n
Natulala sina Chester at Yume at nalaglag ang kanilang mga panga nang makita nilang tumalon si Gerald patungo sa kabilang barko! Sa sandaling dumampi ang paa ni Gerald sa ibabaw ng kahoy na barko, gumawa ito ng malaking alon habang ang barko ay umaalon pataas at pababa dahil sa impact ng pagbagsak ni Gerald! Makalipas ang ilang sandali ay bumagal ang mga alon at sinamantala ni Gerald ang pagkakataong iyon para tumingin sa loob ng barko. Sa nakikita niya, tila ito ay isang barko na katamtaman lang ang laki at kaya nitong tumanggap ng halos forty hanggang fifty katao. Mukhang medyo matanda na din ito. Pagpasok sa cabin, may luma at punit na kurtina na nakasabit sa labas ng mga bintana ng cabin. Dahil dito, nanatiling madilim ang loob ng cabin kahit na medyo maaraw sa labas. Pagkaraan ng ilang sandali, sinimulan ni Gerald na pakiramdaman ang kanyang paligid. Ang puwersa na naramdaman niya sa paligid ng barko kanina ay nawala na ngayon... at naramdaman niya na ito ay kakaiba. D
Sumigaw siya sa pagkamangha at agad na tumingin si Gerald sa matandang babae at naghahanda siyang maglunsad ng atake. Gayunpaman, bago pa man siya makalapit, biglang naramdaman ni Gerald na nanghina ang mga paa niya nang makaramdam siya ng pagkahilo. 'Ano? Paano ito nangyari?! Matagal na akong immune sa lahat ng lason!’ naisip ni Gerald habang dahan-dahan siyang lumuhod na ang kanyang isang tuhod ay nasa sahig, lalong tumitindi ang kanyang pagkahilo. Nang makita iyon, masama ang ngiti ng matandang babae habang dahan-dahan itong nagsimulang naglakad palapit sa kanya habang sinasabi, "Iba ang pangangatawan mo kumpara sa mga ordinaryong tao... pero dapat alam mong iba ang mga Dead Annies na ito! Sabihin na lang natin na kaya nilang labanan ang tulad mo!" Nararamdaman ni Gerald na malapit na siyang mawalan ng malay kung hindi siya makakalaban ng mabilis, kaya inilagay ni Gerald ang lahat ng kanyang natitirang focus sa paggamit ng kanyang banal na pag-iisip para tawagin ang, 'Dawnbr
Kahit na makitid ang gourd-shaped na entrance, nagpatuloy pa rin sa paglangoy si Gerald at mabilis na sumunod ang dalawa sa likuran niya. Pagkatapos niyang lumangoy, naramdaman ng tatlo na nasa alien na lugar sila. Hindi nagtagal ay nakarating sila sa isa pang pasukan ng kweba, ngunit may isang malaking pagkakaiba sa isang ito. Mayroong Dead Annie pollen na lumulutang sa buong lugar! "Takpan niyo ang mga butas ng inyong mga ilong at maging focused kayo!" utos ni Gerald habang nakatingin sa dashboard ng tracking device. Ang matandang babae ay hindi nila mahanap, ngunit siya ay huli siyang na-track sa kinaroroonan nila ngayon. Walang alinlangan na nasa loob siya. Napakatuso ng babaeng iyon... Kung hindi naging maingat si Gerald, panigurado na nahulog na siya sa kanyang bitag! Sa sandaling iyon, biglang hindi naging komportable sina Yume at Chester. Naisip ni Gerald na ito ay dahil puno ng pollen ang buong paligid. Hindi kinaya ni Gerald na labanan ang malakas na epekto sa pag