Para naman kay Gerald, tinawagan siya ni Wagner para pumunta sila kay Master Ghost sa Langvern Church na matatagpuan sa Langvern Mountain, tulad ng itinuro ni Wagner sa kanya noong nakaraang araw. Noong nakaraan, hindi naniniwala si Gerald sa mga taong tinatawag na 'masters of fortune-telling'. Naisip niya lang na sila ay mga taong mahilig manlinlang sa iba. Gayunpaman, nagbago ang kanyang pananaw nang malaman niya ang tungkol sa matandang pulubi sa mural. Bukod sa lahat ng mga mahiwagang bagong karanasan na pinagdaanan niya, may isa pang dahilan kung bakit naniniwala si Gerald kay Master Ghost. Alam niya na nahulaan ni Master Ghost ang mga kaganapan na mangyayari kay Alice, Wagner, at maging sa pamilyang Minshall at ang lahat ng sinabi niya sa huli ay nagkatotoo. Si Master Ghost ang nakahula na magkikita sina Wagner at Gerald, kaya alam ni Gerald na may pagkakataon na malalaman niya ang tungkol kay Mila at ang lokasyon kung saan makikita ang kanyang tito kapag nahanap niya si
“Gerald, bakit ka pumunta dito? Pumunta ka ba dito para mahulaan ni Master Ghost ang iyong love life? Sabi nila napaka-tumpak ng kanyang mga hula!" sabi ni Yasmeen. Napailing na lang si Gerald nang marinig niya iyon. Ayaw siya masyadong kausapin ni Gerald at umaasa siya na maiintindihan ni Yasmeen ang pahiwatig na talagang ayaw na niyang ituloy ang pakikipag-usap sa kanya. “Ganun ba… Pumunta ako dito para sa kanya. Sana mahulaan niya ang magagandang bagay tungkol sa love life ko!” nakangiting sagot ni Yasmeen. “Ano? Hindi ba may asawa ka na?" sabi ni Gerald. Hindi man niya ito ipinakita, pero alam na ni Gerald kung bakit iba ang traro sa kanya ni Yasmeen kumpara noon. Kung tutuusin, hindi na siya mahirap na estudyante sa paningin niya matapos ipakita kung gaano siya kayaman sa auction. "At sinong nagsabi sayo na kasal na ako? Kung sino man iyon, panigurado na hindi ko asawa ang lalaking iyon! Regardless, since magkakilala na tayo since university, alam ko na sa tingin mo ay
Lumabas ang isang binata na nakasuot ng itim na damit. Tumahimik ang lahat nang makita siya ng mga bisita. Ang kanyang mga apprentice ay agad na yumuko nang may paggalang bago sila sabay-sabay na sumigaw, "Senior!" "Dumating na ang distinguished guest na hinihintay ng master..." sabi ng lalaki habang nakangiti habang nakatingin sa mga tao. “Pwede ko bang malaman kung sino ang lalaking may pangalang Mr. Gerald Crawford na mula sa Northbay?" tanong ng lalaki. “Ako iyon!” sagot ni Gerald habang nakasimangot. Nakakapagtaka na ang misteryosong Master Ghost ay nahulaan na pupunta siya ngayon upang bisitahin siya! “Hello, Mr. Crawford. Matagal ka nang hinihintay ng master at naghanda na siya ng tsaa para sayo. Sundan mo ako,” sabi ng binatang pari habang nakayuko. Nagtatakang sumagot si Gerald, “…Matagal na niya akong hinihintay? Kailan pa niya hinulaan ang pagdating ko...? Sa pagkakaalam ko, kahapon lang sinabi ni Wagner sa kanya na pupunta ako ngayon para bisitahin siya! Alam ba
Nahulog sa lapag ang copper coins mula sa mga bibig ng mga dragon at parang bumubuo ang mga ito ng isang partikular na hugis. Nang bumagsak ang lahat ng ito, lumapit si Master Ghost para tingnan ang resulta. Tumango siya pagkatapos niyang pag-aralan ang kanilang formation ng medyo matagal. Nagtanong si Gerald nang makita niya iyon, “Anong resulta?” Kung magiging totoo lang si Gerald sa kanyang sarili, hindi niya magawang maniwala sa mga kakayahan ng matanda. Gayunpaman, mawawala ang kanyang pagdududa niya kung mahahanap ni Master Ghost si Mila at ang kanyang tiyuhin. “…Sinasabi ng reading na mayroon kang nakatakdang relasyon… Kapag natagpuan mo na ang relasyong ito, panigurado na mahahanap mo sa wakas ang mga taong hinahanap mo! Kapag nangyari iyon, nangangahulugan iyon na ang mga taong inaasahan mong mahanap ay buhay pa!" nakangiting sumagot ang matanda. Nakakunot ang noo ni Gerald nang tanungin niya, “Alam mo ba kung nasaan sila ngayon?" Umiling s
"Isang stone tablet?" “Oo. Isang uri ng sinaunang pangyayari ang nakapinta dito. Kahit na pagkatapos ng mahabang panahon nilang pinag-aralan ang stone tablet, ang nasabi lang ni Xyion na may kinalaman ito sa isang paglilibing. Hindi niya naiintindihan ang mga salita sa tablet at nawalan siya ng interes pagkaraan ng maraming taon. Dahil dito, ang tablet ay nananatili ngayon bilang isang sinaunang artifact sa loob ng private room ko!" paliwanag ni Master Ghost. Isa pang mural...? Sa tuwing nababalitaan ni Gerald ang tungkol sa mga mural, lagi niyang natatanraan ang nakita niya sa loob ng sinaunang libingan. Gaya ng inaasahan, ang mga sinaunang mural ay kadalasang puno ng mga makasaysayang kwento na sumasalamin sa mga kakayahan ng mga tao noon sa social, political, economic, literary, artistic, at technological capabilities. Ang mga mural ay maaaring magkaroon ng malaking pagkakaiba ayon sa mga paniniwala, kaugalian, at gayundin sa kanilang mga aesthetic consept ng mga artist. A
Paglingon niya sa pangalawang mural, nakita ni Gerald na ito ay tungkol sa burial ng babaeng nakaputi. Sa araw ng kanyang paglilibing, makikita na may paparating na isang bagyo. Mabilis na nabilang ni Gerald na halos thirty katao ang makikita sa larawan, may siyam na tao na nakatayo sa bawat isa sa apat na rows. Kumikidlat ang kalangitan at napansin niya na tao sa grupo na ito ang tanging napiling pumunta sa palasyo ng diyosa. Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay, huminto sila sa isang isla para magpahinga ng sandali. Gayunpaman, may biglang nangyari tulad ng nakita sa ikatlong mural. Ang mga nasa isla ay sinalubong ng tanawin ng isang higanteng barko! Hindi rin ito ang unang pagkakataon na nakita ni Gerald ang barkong ito. Ito ang eksaktong barko na nakita niya sa libingan. Nakita nila ang kakaibang hugis na napakalaking barko na umaaligid sa ibabaw ng isla, ang thirty na tao na dinala ng pulubi ay agad na napaluhod sa takot at sinimulan nilang sambahin ito. Mula sa napan
Pagkatapos niyang basahin ang mga mural, ipinaliwanag niya ang lahat ng natutunan niya kay Master Ghost. "…Ganoon ba. Nagtataka nga ako, Mr. Crawford, kung supernatural para sayo na makita ang higanteng barko sa mga mural... Kung tutuusin, sinasabi ng science na mismo na imposibleng makita ang ganyang sasakyan noon. Sinabi rin ng master ko na wala sa mundong ito ang barko noong una niya itong makita forty years ago,” sabi ni Master Ghost. "Oo. Kahit na hindi ito ang unang pagkakataong nakita ko ito, nagtaka pa rin ako noong nakita ko ito sa mural. Pero ngayon, naniniwala na ako na ang mga mural ay maaaring maging katibayan na ang planeta natin ay pinangungunahan ng ilang maunlad na sibilisasyon kasama ng dragon na iyon na sugatan sa ilalim ng dagat!” sagot ni Gerald. “Mukhang naniniwala ka sa mga mural na ito, Mr. Crawford. Ako at si master ay matagal nang nalilito sa dragon at sa higanteng battleship na mula sa langit. Kung tutuusin, imposibleng makita ang mga bagay na ito noon!
Kahit pa ganoon, ang lahat ng pag-aari nila ay kay Gerald na ngayon. "Mas mabuting pirmahan mo ang kontrata kapag nakuha ko na ang bato, naiintindihan mo?" sabi ni Gerald nang hinagis niya si Zelda sa lupa sa harap ng ibang miyembro ng pamilyang Minshall. Umiyak na lamang ang old master habang sumisigaw, "Isang hangal...! Ang lakas ng loob niya para kunin ang lahat sa atin…!” Hindi niya alam kung paano pa siya nabubuhay pagkatapos ng mga pangyayari kahapon. Wala na ngayon ang kanilang masaya at kahanga-hangang buhay... ang buhay ng mayaman ay nawala na ng isang iglap at si Gerald ay patuloy lang sa kanyang pangungutya. Kung hindi lang ginalit ng kanyang walang muwang na apo ang lalaking iyon, magiging maayos sana ang lahat. Sinong nakakaalam na ang lalaking ito ay napakatigas? Siya ang pinakamalaking magnanakaw kumpara sa lahat ng pinagsama-samang miyembro ng pamilyang Minshall! Ninanakaw lang niya ang lahat ng mga nakikita! Sa loob ng maraming taon, ang pamilyang Minshall ay