Paglingon niya sa pangalawang mural, nakita ni Gerald na ito ay tungkol sa burial ng babaeng nakaputi. Sa araw ng kanyang paglilibing, makikita na may paparating na isang bagyo. Mabilis na nabilang ni Gerald na halos thirty katao ang makikita sa larawan, may siyam na tao na nakatayo sa bawat isa sa apat na rows. Kumikidlat ang kalangitan at napansin niya na tao sa grupo na ito ang tanging napiling pumunta sa palasyo ng diyosa. Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay, huminto sila sa isang isla para magpahinga ng sandali. Gayunpaman, may biglang nangyari tulad ng nakita sa ikatlong mural. Ang mga nasa isla ay sinalubong ng tanawin ng isang higanteng barko! Hindi rin ito ang unang pagkakataon na nakita ni Gerald ang barkong ito. Ito ang eksaktong barko na nakita niya sa libingan. Nakita nila ang kakaibang hugis na napakalaking barko na umaaligid sa ibabaw ng isla, ang thirty na tao na dinala ng pulubi ay agad na napaluhod sa takot at sinimulan nilang sambahin ito. Mula sa napan
Pagkatapos niyang basahin ang mga mural, ipinaliwanag niya ang lahat ng natutunan niya kay Master Ghost. "…Ganoon ba. Nagtataka nga ako, Mr. Crawford, kung supernatural para sayo na makita ang higanteng barko sa mga mural... Kung tutuusin, sinasabi ng science na mismo na imposibleng makita ang ganyang sasakyan noon. Sinabi rin ng master ko na wala sa mundong ito ang barko noong una niya itong makita forty years ago,” sabi ni Master Ghost. "Oo. Kahit na hindi ito ang unang pagkakataong nakita ko ito, nagtaka pa rin ako noong nakita ko ito sa mural. Pero ngayon, naniniwala na ako na ang mga mural ay maaaring maging katibayan na ang planeta natin ay pinangungunahan ng ilang maunlad na sibilisasyon kasama ng dragon na iyon na sugatan sa ilalim ng dagat!” sagot ni Gerald. “Mukhang naniniwala ka sa mga mural na ito, Mr. Crawford. Ako at si master ay matagal nang nalilito sa dragon at sa higanteng battleship na mula sa langit. Kung tutuusin, imposibleng makita ang mga bagay na ito noon!
Kahit pa ganoon, ang lahat ng pag-aari nila ay kay Gerald na ngayon. "Mas mabuting pirmahan mo ang kontrata kapag nakuha ko na ang bato, naiintindihan mo?" sabi ni Gerald nang hinagis niya si Zelda sa lupa sa harap ng ibang miyembro ng pamilyang Minshall. Umiyak na lamang ang old master habang sumisigaw, "Isang hangal...! Ang lakas ng loob niya para kunin ang lahat sa atin…!” Hindi niya alam kung paano pa siya nabubuhay pagkatapos ng mga pangyayari kahapon. Wala na ngayon ang kanilang masaya at kahanga-hangang buhay... ang buhay ng mayaman ay nawala na ng isang iglap at si Gerald ay patuloy lang sa kanyang pangungutya. Kung hindi lang ginalit ng kanyang walang muwang na apo ang lalaking iyon, magiging maayos sana ang lahat. Sinong nakakaalam na ang lalaking ito ay napakatigas? Siya ang pinakamalaking magnanakaw kumpara sa lahat ng pinagsama-samang miyembro ng pamilyang Minshall! Ninanakaw lang niya ang lahat ng mga nakikita! Sa loob ng maraming taon, ang pamilyang Minshall ay
Habang nangyayari ang lahat ng ito, si Master Ghost naman ay nakatitig sa anim na stone tablets, pinag-iisipan niya ang interpretasyon ni Gerald sa mga mural. Nararamdaman niya na parang may mali... Makalipas ang ilang segundo, tumakbo ang isa sa mga estudyante niya bago niya sinabing, “M-master! May isang babae sa labas na sinusubukang pumasok simbahan! Paulit-ulit niyang sinasabi na gusto niyang bigyan mo siya ng reading ng kanyang buhay! Marami sa amin ang sinusubukan siyang pigilan, ngunit patuloy lang siyang lumalaban sa kanyang pagpasok! Wala... Wala kaming pagkakataon na makipaglaban sa kanya! Ang mas masahol pa ay ang katotohanan na sinabi niyang susunugin niya ang gusali kung tatanggihan mong makipagkita sa kanya!" Nakakunot ng noo si Master Ghost saka kinaway ang kanyang kamay, "Ako na ang haharap nito. Sabihin mo sa kanya na hintayin ako sa harap ng kwarto!" Umiling si Master Ghost nang makita niyang tumatakbo ang kanyang estudyante bago ito pumunta sa babae. “Sina
Ang bato ay halos kalahating metro ang taas at naramdaman ni Yume na pambihira ang bato na ito. Nagbibigay ng pakiramdam ng intimacy ang bato. Hindi napigilan ni Yume ang kanyang sarili at maingat niyang hinaplos ang bato. Gayunpaman, biglang lumiwanag ang bato pagkatapos niyang hawakan ito at binalot ng maliwanag na kumikinang na mga kulay ng rainbow! Umatras siya ng ilang hakbang at agad niyang tinakpan ang kanyang mga mata gamit ang isang kamay habang nabubulag siya sa liwanag. Ilang sandali pa, ang makukulay na ilaw sa wakas ay unti-unting nawala at hanggang sa bumalik sa dati nitong mahinang ilaw. Gayunpaman, may ilang mga linya ang nabuo sa bato. "Okay ka lang ba, Miss Gunter?" tanong ni Master Ghost habang naglalakad siya na may pilit na ngiti sa kanyang mukha nang matapos na ang reading. “…A-Ayos lang ako… Anong klase ng bato ito…? Bakit bigla itong lumiliwanag ng mag-isa?" tanong ni Yume habang namumula, naramdaman niya na parang nahihiya siya. “Hahaha! Miss Gunter
Bigla itong lumiwanag at ramdam ni Gerald ang kapangyarihan sa loob ng bato kahit mula sa malayo. "Nakakahanga!" tuwang-tuwa na binulong ni Gerald sa kanyang sarili. Gayunpaman, sa sandaling kukunin na sana niya ang water repellent stone, bigla niyang narinig ang tunog ng pagkalaglag ng lubid mula sa isa sa mga upper tunnels. …May tao? Makalipas ang ilang segundo, narinig ni Gerald ang hindi kilalang tao na nagsimulang dumausdos pababa sa lubid. Dahil doon, mabilis na nagtago si Gerald para makita kung sino iyon.Hindi nagtagal ay may tumalon na isang babae. Ngumiti ang babae nang makita niya ang water repellent stone at bigla siyang pumalakpak. “Nandito pala talaga ito! Sa wakas ay makakaalis na ako kapag nakuha ko na ang bato!" sabi ng babae. “…Hindi ba siya si…?” bulong ni Gerald habang patuloy niyang pinagmamasdan ang babae mula sa sulok na pinagtataguan niya. Syempre ang babaeng ito ay walang iba kundi si Yume! Pagkatapos bumaba ni Gerald sa Langvern Mountain, bum
Nakangiti si Gerald habang nakatingin kay Yume. "I-... ikaw!" sigaw ni Yume. Noong una ay namumutla siya sa sobrang takot, ngunit bigla itong naging mapula nang makita niya si Gerald. Kitang-kita na namumula siya, ngunit nararamdaman ni Gerald ang matinding lungkot at pati na rin ang kagustuhang pumatay. “Ako nga... mukhang pareho ang layunin natin sa pagpunta dito. Plano mo rin bang pumunta sa palasyo ng hari ng karagatan?" tanong ni Gerald nang magulat siya sa bigla nitong tili kanina. “Hin... hindi ko alam ang sinasabi mo! Huwag mo akong kausapin!" sagot ni Yume bago siya tumayo at mabilis na lumingon sa kabilang direksyon habang inaalala ang mga sinabi ni Master Ghost tungkol sa kapalaran ng kanyang kasal... “Mukhang nakilala mo na ang taong mamahalin mo, Miss Gunter! Sa nakikita ko, parang noong kailan lang din kayong nagkatagpo!" sabi ni Ghost noong nasa simbahan pa si Yume kanina. "Ang taong magkakagusto sa akin...? Sino kaya iyon? Hindi kaya... hindi kaya siya ang t
Dahil sa kanyang matalas na pang-amoy, na-detect ni Gerald ang amoy ng nakakalason na gas na dahan-dahang binabalot ang minahan. Alam ni Gerald na ang direktang paglanghap ng kahit kaunti ng gas ay sapat na para madaling masira ang internal organs ng mga tao! Tama ang kanyang kaalaman nang biglang nahilo ng husto si Yume pagkatapos niyang maglakad ng kaunti. Mabilis na tumakbo si Gerald para alalayan siya nang makita niyang nanghihina na ito. Sinimulan agad ni Gerald ang pag-seal ng ilan sa mga vital energy path ng kanyang katawan na dumaloy sa kanyang vital organs. “Yu-yung dibdib ko… Hindi ako makahinga…” nanghihinang sinabi ni Yume habang namumutla ang kanyang mukha. “Mabuti na lang at hindi mo nalanghap ang gas na iyon... Dapat alam mo na ang hangin sa paligid ay nakakalason... Parang may taong sinadya na naglalabas ng poison gas dito! Gawin mo ang makakaya mo para hindi muna magsalita ngayon at pigilan mo ang hininga mo,” agad na pinaliwanag ni Gerald. Pagkatapos niyang