Lumabas ang isang binata na nakasuot ng itim na damit. Tumahimik ang lahat nang makita siya ng mga bisita. Ang kanyang mga apprentice ay agad na yumuko nang may paggalang bago sila sabay-sabay na sumigaw, "Senior!" "Dumating na ang distinguished guest na hinihintay ng master..." sabi ng lalaki habang nakangiti habang nakatingin sa mga tao. “Pwede ko bang malaman kung sino ang lalaking may pangalang Mr. Gerald Crawford na mula sa Northbay?" tanong ng lalaki. “Ako iyon!” sagot ni Gerald habang nakasimangot. Nakakapagtaka na ang misteryosong Master Ghost ay nahulaan na pupunta siya ngayon upang bisitahin siya! “Hello, Mr. Crawford. Matagal ka nang hinihintay ng master at naghanda na siya ng tsaa para sayo. Sundan mo ako,” sabi ng binatang pari habang nakayuko. Nagtatakang sumagot si Gerald, “…Matagal na niya akong hinihintay? Kailan pa niya hinulaan ang pagdating ko...? Sa pagkakaalam ko, kahapon lang sinabi ni Wagner sa kanya na pupunta ako ngayon para bisitahin siya! Alam ba
Nahulog sa lapag ang copper coins mula sa mga bibig ng mga dragon at parang bumubuo ang mga ito ng isang partikular na hugis. Nang bumagsak ang lahat ng ito, lumapit si Master Ghost para tingnan ang resulta. Tumango siya pagkatapos niyang pag-aralan ang kanilang formation ng medyo matagal. Nagtanong si Gerald nang makita niya iyon, “Anong resulta?” Kung magiging totoo lang si Gerald sa kanyang sarili, hindi niya magawang maniwala sa mga kakayahan ng matanda. Gayunpaman, mawawala ang kanyang pagdududa niya kung mahahanap ni Master Ghost si Mila at ang kanyang tiyuhin. “…Sinasabi ng reading na mayroon kang nakatakdang relasyon… Kapag natagpuan mo na ang relasyong ito, panigurado na mahahanap mo sa wakas ang mga taong hinahanap mo! Kapag nangyari iyon, nangangahulugan iyon na ang mga taong inaasahan mong mahanap ay buhay pa!" nakangiting sumagot ang matanda. Nakakunot ang noo ni Gerald nang tanungin niya, “Alam mo ba kung nasaan sila ngayon?" Umiling s
"Isang stone tablet?" “Oo. Isang uri ng sinaunang pangyayari ang nakapinta dito. Kahit na pagkatapos ng mahabang panahon nilang pinag-aralan ang stone tablet, ang nasabi lang ni Xyion na may kinalaman ito sa isang paglilibing. Hindi niya naiintindihan ang mga salita sa tablet at nawalan siya ng interes pagkaraan ng maraming taon. Dahil dito, ang tablet ay nananatili ngayon bilang isang sinaunang artifact sa loob ng private room ko!" paliwanag ni Master Ghost. Isa pang mural...? Sa tuwing nababalitaan ni Gerald ang tungkol sa mga mural, lagi niyang natatanraan ang nakita niya sa loob ng sinaunang libingan. Gaya ng inaasahan, ang mga sinaunang mural ay kadalasang puno ng mga makasaysayang kwento na sumasalamin sa mga kakayahan ng mga tao noon sa social, political, economic, literary, artistic, at technological capabilities. Ang mga mural ay maaaring magkaroon ng malaking pagkakaiba ayon sa mga paniniwala, kaugalian, at gayundin sa kanilang mga aesthetic consept ng mga artist. A
Paglingon niya sa pangalawang mural, nakita ni Gerald na ito ay tungkol sa burial ng babaeng nakaputi. Sa araw ng kanyang paglilibing, makikita na may paparating na isang bagyo. Mabilis na nabilang ni Gerald na halos thirty katao ang makikita sa larawan, may siyam na tao na nakatayo sa bawat isa sa apat na rows. Kumikidlat ang kalangitan at napansin niya na tao sa grupo na ito ang tanging napiling pumunta sa palasyo ng diyosa. Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay, huminto sila sa isang isla para magpahinga ng sandali. Gayunpaman, may biglang nangyari tulad ng nakita sa ikatlong mural. Ang mga nasa isla ay sinalubong ng tanawin ng isang higanteng barko! Hindi rin ito ang unang pagkakataon na nakita ni Gerald ang barkong ito. Ito ang eksaktong barko na nakita niya sa libingan. Nakita nila ang kakaibang hugis na napakalaking barko na umaaligid sa ibabaw ng isla, ang thirty na tao na dinala ng pulubi ay agad na napaluhod sa takot at sinimulan nilang sambahin ito. Mula sa napan
Pagkatapos niyang basahin ang mga mural, ipinaliwanag niya ang lahat ng natutunan niya kay Master Ghost. "…Ganoon ba. Nagtataka nga ako, Mr. Crawford, kung supernatural para sayo na makita ang higanteng barko sa mga mural... Kung tutuusin, sinasabi ng science na mismo na imposibleng makita ang ganyang sasakyan noon. Sinabi rin ng master ko na wala sa mundong ito ang barko noong una niya itong makita forty years ago,” sabi ni Master Ghost. "Oo. Kahit na hindi ito ang unang pagkakataong nakita ko ito, nagtaka pa rin ako noong nakita ko ito sa mural. Pero ngayon, naniniwala na ako na ang mga mural ay maaaring maging katibayan na ang planeta natin ay pinangungunahan ng ilang maunlad na sibilisasyon kasama ng dragon na iyon na sugatan sa ilalim ng dagat!” sagot ni Gerald. “Mukhang naniniwala ka sa mga mural na ito, Mr. Crawford. Ako at si master ay matagal nang nalilito sa dragon at sa higanteng battleship na mula sa langit. Kung tutuusin, imposibleng makita ang mga bagay na ito noon!
Kahit pa ganoon, ang lahat ng pag-aari nila ay kay Gerald na ngayon. "Mas mabuting pirmahan mo ang kontrata kapag nakuha ko na ang bato, naiintindihan mo?" sabi ni Gerald nang hinagis niya si Zelda sa lupa sa harap ng ibang miyembro ng pamilyang Minshall. Umiyak na lamang ang old master habang sumisigaw, "Isang hangal...! Ang lakas ng loob niya para kunin ang lahat sa atin…!” Hindi niya alam kung paano pa siya nabubuhay pagkatapos ng mga pangyayari kahapon. Wala na ngayon ang kanilang masaya at kahanga-hangang buhay... ang buhay ng mayaman ay nawala na ng isang iglap at si Gerald ay patuloy lang sa kanyang pangungutya. Kung hindi lang ginalit ng kanyang walang muwang na apo ang lalaking iyon, magiging maayos sana ang lahat. Sinong nakakaalam na ang lalaking ito ay napakatigas? Siya ang pinakamalaking magnanakaw kumpara sa lahat ng pinagsama-samang miyembro ng pamilyang Minshall! Ninanakaw lang niya ang lahat ng mga nakikita! Sa loob ng maraming taon, ang pamilyang Minshall ay
Habang nangyayari ang lahat ng ito, si Master Ghost naman ay nakatitig sa anim na stone tablets, pinag-iisipan niya ang interpretasyon ni Gerald sa mga mural. Nararamdaman niya na parang may mali... Makalipas ang ilang segundo, tumakbo ang isa sa mga estudyante niya bago niya sinabing, “M-master! May isang babae sa labas na sinusubukang pumasok simbahan! Paulit-ulit niyang sinasabi na gusto niyang bigyan mo siya ng reading ng kanyang buhay! Marami sa amin ang sinusubukan siyang pigilan, ngunit patuloy lang siyang lumalaban sa kanyang pagpasok! Wala... Wala kaming pagkakataon na makipaglaban sa kanya! Ang mas masahol pa ay ang katotohanan na sinabi niyang susunugin niya ang gusali kung tatanggihan mong makipagkita sa kanya!" Nakakunot ng noo si Master Ghost saka kinaway ang kanyang kamay, "Ako na ang haharap nito. Sabihin mo sa kanya na hintayin ako sa harap ng kwarto!" Umiling si Master Ghost nang makita niyang tumatakbo ang kanyang estudyante bago ito pumunta sa babae. “Sina
Ang bato ay halos kalahating metro ang taas at naramdaman ni Yume na pambihira ang bato na ito. Nagbibigay ng pakiramdam ng intimacy ang bato. Hindi napigilan ni Yume ang kanyang sarili at maingat niyang hinaplos ang bato. Gayunpaman, biglang lumiwanag ang bato pagkatapos niyang hawakan ito at binalot ng maliwanag na kumikinang na mga kulay ng rainbow! Umatras siya ng ilang hakbang at agad niyang tinakpan ang kanyang mga mata gamit ang isang kamay habang nabubulag siya sa liwanag. Ilang sandali pa, ang makukulay na ilaw sa wakas ay unti-unting nawala at hanggang sa bumalik sa dati nitong mahinang ilaw. Gayunpaman, may ilang mga linya ang nabuo sa bato. "Okay ka lang ba, Miss Gunter?" tanong ni Master Ghost habang naglalakad siya na may pilit na ngiti sa kanyang mukha nang matapos na ang reading. “…A-Ayos lang ako… Anong klase ng bato ito…? Bakit bigla itong lumiliwanag ng mag-isa?" tanong ni Yume habang namumula, naramdaman niya na parang nahihiya siya. “Hahaha! Miss Gunter