"Wala..." Ibinulsa ni Jackson ang brooch at nagpanggap na parang walang nangyari. “Hindi na ako mananatili para sa lunch. Umorder ka na lang ng pagkain para sa sarili mo. May aasikasuhin pa ako bukas ng umaga kaya uuwi ako ng maaga para makapagpahinga."Medyo nadismaya si Tiffany nang marinig niya ito. Ayon nga naman sa kasabihan, 'Absence makes the heart grow fonder.' Katatapos lang nilang magkabalikan, pero parang hindi sila masyadong close o intimate sa isa't isa. "Aalis ka na agad ngayon? Aalis ka kaagad pagkatapos mo akong ihatid pauwi. Bakit ayaw mo akong makasama ng konti pa?" Huminto siya ng saglit bago niya tuluyang sinabing, “Sige, okay lang. Alam kong sobrang abala ka. Umalis ka na. Ayoko nang abalahin ka pa."...Naging madilim ang mood ni Jackson. Mabuti naman nang pinauwi niya ito. Nagbago na ngayon ang panahon at malapit nang bumagsak ang ulan. Alam niyang hindi siya nagkakamali. Iyon ay brooch ng isang lalaki. Naisip niya sa kanyang sarili, ‘Kanino ito? Kay Alejandro
Pagkatapos makumbinsi nina Mark at Eric, hindi na nagdalawang-isip si Jackson at sinimulan niyang mag-video call kay Tiffany.Kakalabas lang ni Tiffany sa shower at nagyo-yoga siya sa kama. Buti na lang at wala siyang suot na risque pajama. Kung hindi, paniguradong hindi niya hahayaan na tingnan siya ng ibang tao. Mukha siyang normal habang tinanong niya, "Anong problema? Hindi ba sabi mo gusto mong umuwi ng maaga para magpahinga? Bakit ka nasa restaurant? Umuwi ka ng maaga pagkatapos mong kumain at huwag ka nang uminom."Kinuha ni Jackson ang brooch at ipinakita ito sa kanya. “Alam mo ba kung kanino ito?”Tumingin si Tiffany sa screen at pinagmasdan ito ng sandali bago niya sinabing, “Hindi ko alam. Brooch 'yan, hindi ba? Sayo ba 'yan? Hindi ako nagsusuot ng mga ganyang bagay. Paano ko malalaman kung kanino ito?"Nagpatuloy si Jackson, “Nakita ko ito sa apartment mo malapit sa water dispenser. Hindi ito sa akin, pero ito ay brooch ng isang lalaki. Hindi kita tinanong habang nandya
Biglang naging malumanay ang itsura ni Mark. "Pag-usapan natin ito sa study room."Napadaan siya sa sala at nakita niya na nagpapalit si Arianne ng diaper ni Smore. Hindi man lang tiningnan ni Arianne si Mark nang dumaan ito. Medyo nagalit si Mark dahil doon. Dahil dito ay kailangan niyang huminga ng malalim para pigilan ang kanyang emosyon.Pumasok sila sa study room at umupo siya sa upuan. “Anong nalaman mo?”Ni-report ni Henry ang totoong nangyari. "Mahusay ang ginawa ng pamilyang Smith sa pagtatago ng insidente kaya medyo mahirap para malaman ito. Ayon sa ilan sa mga clues na nakita namin kamakailan lang, parang nagkaroon ng minor accident si Alejandro mga kalahating taon hanggang isang taon na ang nakalipas. Na-admit daw siya sa ospital dahil sa nabaril siya. Bukod pa dito, nasunog ang ospital at dahil dito ay nasunog ang kanyang mukha. Siya ay sumailalim sa corrective surgery kamakailan lang kaya medyo malabo na ang kanyang mga burn marks. Iba na ang kanyang itsura ngayon, per
Malamig ang trato ng dalawa sa bawat isa at hindi sila nakikipagtulungan, pinaypayan nito ang lumalagong frustration sa puso ni Mark.“Ang restoration project na ito ay magkakahalaga ng hindi bababa sa $100,000 para lamang sa pinakapangunahing basic repairs at ito ay estimation lamang! Ang isang bahay na nagkakahalaga ng humigit-kumulang $1.5 million ay nangangailangan ng mas maraming pera. Milyon-milyon ang magiging halaga nito!" sabi niya.Naiintindihan ni Arianne ang rason kung bakit binanggit ang pera. Sinusubukan ni Mark na paluhurin si Arianne sa kanya! Pero ayaw sumuko ni Arianne kaya sumagot siya, Ah, okay, meron akong ilang hundred thousand dito at yung ibang pera ay hihiramin ko sayo. Huwag kang mag-alala, babayaran kita. Hindi na ako nagtatrabaho, pero may side income ako sa café. Balang araw, ibabalik ko lahat ng dapat kong bayaran sayo."Humugot ng malalim na hininga si Mark bago siya umiling. “Bakit mo ba ako kinakausap ng ganito? Sino ang may sabi na ibalik mo ang per
Ilang sandali pa, bumalik si Mary na may dalang masamang balita. “Sinubukan ko siyang tawagan, pero hindi siya sumasagot! Binanggit niya na gusto niyang magpakasaya ng ilang araw kaya malamang pinatay niya ang kanyang cellphone para walang makaistorbo sa kanya...? P-P-Pero ano na lang ang gagawin natin?”Nanginginig ang mga labi ni Mark habang unti-unting makikita ang emosyon sa kanyang mukha. “Oh, sige... Napakagaling! Manatili ka doon! Doon ka na lang at huwag ka nang bumalik! Kaya kong alagaan ang anak ko! Dadalhin ko siya sa kumpanya ko! Hindi ako naniniwala na kaya niyang hindi bumalik para makita ang kanyang baby sa loob ng isang buwan! Hindi ako magmamakaawa sa kanya na bumalik!"Naramdaman tuloy ni Mary na kailangan niyang lumayo para iligtas ang kanyang sarili. Malinaw sa kanya kung ano ang nangyayari. Nagsisimula na ang digmaan dahil hindi sumsuko ang magkabilang panig.Eight o’clock na ng umaga. Dumating si Jackson West sa harap ng main entrance ng Smith Enterprise.Ang
Alam ni Jett na maaga itong pinagplanuhan ni Alejandro. Totoo na sumuko na siya sa pagpapalaglag ng sanggol ni Tiffany, pero alam niya kung ano ang sasabihin para lokohin si Jackson. Ang maliit na pag-uusap na iyon ay sapat na para itanim sa ulo ni Jackson na ang sanggol ay hindi sa kanya, samakatuwid ay pinaglalaruan ang mga insecurities at banes ng isang lalaki.Sa kabila nito, nag-alala pa rin si Jett sa eksena kanina. Tao pa rin siya ni Don Smith kahit na sumusunod siya sa mga kautusan ni Alejandro. Ano ang mangyayari sa kanya kapag lumabas na ang totoong trabaho niya? Pwede siyang ipapatay ni DOn o pwede rin siyang ipapatay ni Alejandro. Ang tanging bagay na naghihintay sa kanya ay ang kamatayan. Masyadong maraming masasamang bagay ang binabalot sa dalawang magkabilang panig.Ang pinakamasama sa lahat ay ang mas madalas na kontak sa kanya ni Don nitong mga nakaraang araw. Hindi ito magiging maganda para sa kanya.Patuloy na itinulak ni Jett si Alejandro papasok ng gusali at nap
"Hindi mo man lang naisip na ang iyong kasuklam-suklam na apo ay isang tao na balang-araw ay nasa tabi mo kapag namatay ka na," sabi ni Alejandro. “Ano, nakalimutan mo na ba ang kalokohang ginawa mo, ha? Gusto mong makuha ngayon ang buhay ng isang lolo na napapaligiran ng kanyang mga apo? Tumigil ka. Wala sa iyong mga anak na lalaki ang buhay at ang tanging tagapagmana mo ay isang pilay na apo na masyadong abala para makipaglaro kay Lolo. Magpasama ka sa mga bodyguard mo, tanda. Kung tapos ka nang mag-lecture sa akin, umalis ka sa daanan ko. May kailangan pa akong asikasuhin."Pulang pula sa galit si Don. “P*tang-in—”Lumapit si Jett at pinigilan siya. “Master Don, okay lang naman si Mr. Smith. Maayos din ang kumpanya. Malaking tulong na pumunta siya dito sa Capital para sa inyong kumpanya. Dapat ka nang magpahinga."Tinitigan ng diretso ni Don si Jett ng ilang segundo bago siya sumagot, “Sige. Alagaan mo siya ng mabuti. Aalis na ako.”Tumango si Jett at nanatiling nakayuko, natata
Naging magulo ang isip ni Tiffany nang marinig niya ito. Hindi niya mawari kung ano man ang nasa isip ni Jackson. Siyempre, gusto niyang maging matagumpay sa kanyang career, pero ayaw niyang isuko ang kanyang anak para doon. Nang mabalitaan niya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis, ang bumalot lamang sa kanya ay kagalakan at sorpresa. Mula nang makita niya ang cute na itsura ni Smore, gusto na niya ng sarili niyang anak.Nagplano si Tiffany na manghingi ng maternity leave kapag malapit na siyang manganak at pagkatapos nito ay ipagpapatuloy niya ang pagtatrabaho pagkatapos mag-expire ang leave. Kailanman ay hindi sumagi sa isip niya ang magpalaglag."Hindi pwede. Hindi ko ipapalaglag ang bata. Hindi naman ito makakaapekto sa trabaho ko," sabi niya.Natahimik si Jackson bago siya sumagot, “Makinig ka sa akin. Magpa-abort ka."Doon naintindihan ni Tiffany na ang kanyang pananaw ay hindi kasama sa consideration ni Jackson.Naging malamig ang pakiramdam niya dahil sa realization na ito.