Mabilis na bumangon si Jackson. "Okay, uuwi agad ako. Saan siya nasaktan? Seryoso ba ang kanyang mga injuries?"Nakahinga ng maluwag si Jackson nang marinig niyang nasaktan lang ni Summer ang kanyang binti. Pagkatapos ng tawag, nilingon niya si Tiffany at sinabing, “Mag-enjoy ka sa pagkain mo. Naaksidente ang nanay ko kaya kailangan kong magmadaling umuwi. Ako na ang magbabayad ng pagkain. Mag-usap tayo sa phone mamaya."Nawala na siya bago pa makasagot si Tiffany. Nakaramdam ng disappointment si Tiffany ngunit nag-aalala rin siya para kay Summer. Pagdating niya sa bahay, naghintay siya hanggang sa halos makarating si Jackson sa bahay bago niya tinawagan si Jackson. "Okay lang ba si Mrs. West?" tanong niya.Nasa ospital si Jackson sa oras na ito. “Hindi naman ito seryoso. Nabali ang kanang paa niya. Nagrereklamo siya tungkol sa problema niya sa pagiging matanda. Palagi siyang nasasaktan at nag-aalala na baka mapilay siya. Medyo maganda ang mood niya ngayon. Gabi na, bakit hindi ka p
Parang mas energetic na si Aristotle ngayong wala na ang lagnat niya. Bumalik na rin ang kanyang ganang kumain. Nakahinga na ng maluwag si Arianne dahil dito. Pinilit niyang umalis si Mark nang maging maayos na ang pakiramdam ni Aristotle. Hindi niya pwedeng hayaan ang sakit ng sanggol na hilahin ang buong pamilya. Hindi naman nila kailangang manatili sa tabi niya buong araw.Samantala sa ibang ospital, nanatili si Jackson sa tabi ng kama ni Summer buong gabi. Kinaumagahan, bumili siya ng lychee at grapea sa kahilingan ng kanyang ina at binalatan ito para sa kanya. Inilagay niya ang bowl sa kamay ng kanyang nanay. “Wala naman naghahadlang sayo na kumain dahil ang legs mo lang naman ang nasaktan. Wala ka bang chauffeuer? Anong nangyari?"Nagreklamo si Summer habang kumakain. “Steady driver ang chaffeur ko sa loob ng maraming taon. Mas malala pa ang sugat niya kaysa sa akin. Umalis ka para bilhan siya ng supplement mamaya at bisitahin mo siya. Work related ang mga injuries niya, kaya b
Kararating lang ni Tiffany sa opisina nang matanggap niya ang message at mabilis siyang sumagot: ‘Nabalitaan ko kay Jackson na naaksidente ka. Naisipan kong umuwi para bisitahin ka ngayong weekend. Magda-drive ako pauwi pagkatapos ng trabaho ngayong Friday.'Ang lychee sa bibig ni Summer ay padang naging matamis nang makita niya ang mensaheng iyon. Hindi babalik si Jackson, kaya mas mabuting si Tiffany na lang ang pumunta. Masaya siyang sumagot sa text nito: ‘Okay. Dumiretso ka sa bahay ko kapag nandiro ka na. Siguro makakalabas naman na ako noon. Maghihintay ako na may nakahandang masarap na pagkain. Sabay tayong kakain pagdating mo.'Kinakalkula ni Tiffany ang oras at nagdesisyon siyang magpahinga ng hapon sa Biyernes, bago siya umuwi sa Capital. Siya pa rin ang hinahanap ni Summer pagkatapos ng aksidente kaya hindi na ito pwedeng magtagal pa.Agad na nagmaneho si Jackson sa bahay ni Eric pagkalabas niya ng ospital. Malinis ang kanyang bahay salamat sa caretaker. Maayos naman ang
“Nagsisisi ako dahil hindi ko alam ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal,” agad na sinabi ni Eric.Ang buhay ay puno ng pagsisisi. Sa huli, wala nang oras para ayusin silang lahat.Bigla namang naging seryoso si Jackson. “Huwag kang mag-alala dahil babawi ako sa kanya. Matagal nang nawala ang mga kinasanayan ko simula nang makilala ko siya at nang makita ko ang maganda niyang ngiti. Hindi pa ako nagmamahal ng taong katulad niya. Hindi ko naisip ang marriage bago ko siya makilala. Bumalik ka na sa pag-drawing mo. Isasama kita para mamasyal sa mga magagandang greenery ngayong weekend. Pupunta tayo sa isang lugar na malamig. Huwag kalimutang iwanan ang iyong mga sketch sa akin. Gusto kong... may maaalala ako sayo."Tumango si Eric. “Oo naman.”…Masyadong mabilis ang takbo ng oras. Pwede itong gamitin ng kahit sinuman pero manonood lamang ang mga tao habang lumilipas ang oras.Mabilis na dumating ang Friday. Pinauwi na si Aristotle mula sa ospital. Masayahin pa rin siya gaya ng da
Bigla ding napuno ng fighting spirit si Davy sa sandaling iyon. Nakaramdam siya ng matinding excitement. "Sige! Magsisimula ang auction ng 2PM. Maghahanda kaagad ako!"Pagdating nila sa labas ng venue ng auction, mahimbing na natutulog si Aristotle. Sinabihan ni Mark si Mary na alagaan muna siya sa loob ng kotse. Hindi dapat dalhin ang isang sanggol sa mahigpit na bidding war.Tama ang hula niya. Dumating din si Alejandro at inutusan niya si Jett na dumalo sa event. Naghintay si Alejandro sa labas ng sasakyan.Ang auction sa pagkakataong ito ay isang malinaw na laban sa pagitan ng dalawang elite at wala nang iba. Nagbigay si Mark ng presyo na hindi kayang taasan ng ibang tao noong simula pa lamang. Tanging si Jett lang ang handang makipaglaban sa kanya. Tumingin siya kay Jett at ipinagpatuloy ang pagtaas ng presyo, hindi siya nagpakita ng kahit anong emosyon.Hindi siya isang impulsive na tao. Kung gagamitin ni Alejandro ang kanyang frustrations para ibenta ito kay Mark sa mataas n
Huminto si Jett. "Pero... Natatakot ako na baka pumunta si Master Smith dito at bisitahin ka kung magpapatuloy ito..."Nanlaki ang mga mata ni Alejandro. “Sinasabi mo ba… na baka bumiyahe ang matanda dito para makita ako? Mukhang hindi naman ganoon kalala ang kanyang sakit kaya malamang ay mabubuhay pa siya ng ilang taon. Nakakainis... Natatakot ka ba na baka malaman niya na hindi ako ang totoong Alejandro? Hindi ba parang… masyadong malupit kung malalaman niya na patay na ang huling tagapagmana ng pamilyang Smith?"Masyadong natakot si Jett na palawakin pa ang paksa. Alam niyang malamang patay na ang totoong Alejandro noong nagsimula siyang maghinala sa Alejandro na ito. Ngayon, mayroon na siyang kumpirmasyon.Nalungkot si Jett nang banggitin ni Alejandro ang mga katagang “malamang na mabubuhay pa siya ng ilang taon. Nakakainis.” Ito ay dahil nagsumikap si Summer na magbalikan sina Tiffany at Jackson, kaya si Alejandro ang may pakana ng car accident. Hindi life-threatening ngunit a
Pakiramdam ni Arianne na wala siyang magawa nang makita niya si Mark na sobrang nanghihina. Dalawang bagay lang ang ikinabahala niya ngayon — ang sakit ni Eric at si Alejandro. Hindi siya nakakatulong sa sakit ni Eric, pero may pagkakataon para mapigilan niya si Alejandro. Naalala niya ang pakikipagkaibigan ni Tiffany kay Alejandro at naisip niya kung may magagawa siya tungkol doon. Siguro magiging maganda ang kalagayan ni Mark kapag naayos na ang problema sa lupa...Biglang hinawakan ni Mark ang kamay niya. “Si Mary ba ang nag-aalaga kay Smore? Hindi siya naging magulo?"“Mm.” Tumango siya. “Mabait siya ngayon. Hindi ka ba pagod? Magpahinga ka na diyan. Bababa na ako. Ayokong istorbohin ka pa."Hinila niya si Arianne sa kanyang yakap at ibinaon ang sarili sa kakaibang halimuyak ng kanyang mga dibdib. "Hindi, inistorbo mo na ako, kaya kailangan mong managot dito."Umupo si Arianne sa kandungan niya habang namumula ang kanyang pisngi. Alam niya kung ano ang gusto nitong gawin. Ito a
Nakaramdam ng lungkot si Tiffany. “Oh? Gusto mo kausapin ko siya tungkol diyan? Parang hindi magandang idea iyon. Noong huli kaming kumain, sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Umalis siya nang hindi kumakain ng kahit konti. Ilang araw ko na siyang hindi nakakausap at gusto mong kausapin ko siya tungkol dito? Parang hindi ko ito kayang gawin. Nagkaroon ako ng hinala na may gusto siya sa akin, pero ngayon medyo kumpirmado na. Hindi na kami masyadong nag-uusap. Hindi ko siya mahanap…”Hindi nasiraan ng loob si Arianne, sa kabila ng narinig niya. “Sige. Mukhang bad idea na makipagkita ka sa kanya ngayon. Hahanap ako ng ibang paraan. Gusto ko siyang makita ngayon. Okay lang naman sayo kung magkita kami, hindi ba? Kakausapin ko siya ng personal."“Oo naman.” Pumayag si Tiffany. "Mas okay kung magkikita kayo. Kokontakin ko siya para sayo mamaya."Tumalikod si Tiffany bago niya tapusin ang tawag at muntik na siyang kaya napayakap siya kay Jackson. Napatalon siya sa takot at um