Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya para kay Eric. Akala niya noong una ay pag-ibig ito, pero habang tumatagal ay napagtanto niya na ito ay naiiba kumpara sa naramdaman niya para kay Jackson. Ngayon, naniniwala siya na parang kapatid lang si Eric sa kanya. Gusto niyang manatili sa ospital ngunit natatakot siyang makita si Arianne at ang iba pa. Kahit pa ganoon, nag-aalala pa rin siya para kay Eric.Habang nalilito siya, narinig niya ang tunog ng pagpihit ng susi sa doorknob. Si Jett lang ang may susi sa kanyang lugar.Nabanggit ni Jett na kailangan niyang bumiyahe sa South Park kasama si Alejandro at mananatili siya doon sa loob ng isang linggo. Nagulat siya dahil maaga itong umuwi, kaya bumangon siya, "Kumain ka na ba?" tanong niya. “Hin-… hindi ko alam na babalik ka ng maaga. Hindi ako nakahanap ng oras para magluto."“Huwag kang mag-alala sa akin,” mahinahong sinabi ni Jett. "Lalabas ka ba?"Doon lang napansin ni Tanya na hawak niya ang kanyang cellphone at ang mga sus
Nanatili sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Tiffany na si Eric ay naghihingalo...Nakatitig siya sa mga puting dingding sa labas ng ospital. Ayaw niyang umalis sa ganitong estado ngunit hindi siya makaisip ng dahilan para bumalik sa loob. Sa gitna ng kanyang pag-aalinlangan, napansin niya ang isang itim na BYD sa gilid ng kalsada. Bumaba ang bintana ng sasakyan at nakita niya si Jett na nakasuot ng salamin at hinihimas ang kanyang baba.Tumingin siya sa paligid at siniguro niyang walang nakakita sa kanya, saka sumakay sa kotse. "Anong ginagawa mo dito?"Inistart ni Jett ang makina ng kotse nang walang emosyon sa kanyang mukha. "Nag-alala ako sayo. Kailangan kong bumalik kay Alejandro, pero ihahatid muna kita sa bahay."Kinagat ni Tanya ang kanyang labi at sinabing, “Pasensya na pero hindi ako pumasok sa ward. Naabutan ko si Tiffany sa ospital. Huwag kang mag-alala. Wala akong sinabi.”Hindi sumagot sa kanya si Jett. Inihagis niya kay Tanya ang isang plastic bag mula sa ospital na
Nakakatuwa talaga ang buhay. Umaasa ka at umaasa sa isang bagay na darating ngunit hindi ito mangyayari. Ngunit darating ito sa hindi mo inaasahang pagkakataon na parang isang aksidente.Napansin ni Jackson na nakatitig si Tiffany sa kanya at ibinaling ang kanyang mukha sa gilid para tingnan siya. “Bakit ka nakatitig sa akin? May dumi ba sa mukha ko?"Mabilis namang tumalikod si TIffany. “Hindi, nakatingin ako sa view sa labas. Wag kang tanga."Wala sa mood si Jackson na makipagbiruan sa kanya. Hinatid niya ito sa ground floor ng condo niya. “Dito ka na bababa.”Binuksan ni Tiffany ang pinto at bumaba ng sasakyan saka biglang huminto. “Kung sasabihin ko ba sayo na ako ang nabuntis at hindi si Tanya, pananagutan mo ba ang bata?”Tinitigan siya ni Jackson na parang nawawala ang kanyang isip bagi niya sinabi, "Kung buntis ka talaga, gusto kong makita ito. Kahit ang isang manok ay manganganak ng isang itlog kung matagal na niya itong pinangangalagaan."Kumibot ang mga sulok ng labi n
Tinitigan ni Aristotle si Eric habang sinisipsip ang kanyang mga daliri at tumutulo ang kanyang mga laway. Napaka-inosente ng kanyang mukha at wala siyang muwang, hindi siya apektado sa nakasusuklam na hangin ng pumapalibot sa ward.Ngumiti si Eric kay Aristotle nang makita niya ito. "Napaka-cute... Sayang kasi hindi ako magkakaanak at hinding-hindi ko makikita na lumaki siya."Huminga ng malalim si Arianne nang maramdaman niyang uminot ang kanyang mga mata dahil malapit nang lumabas ang kanyang luha. “Wag kang magsalita ng ganyan. Paano kung may himala na mangyari? Okay naman ang itsura mo sa paningin ko. Magiging okay ka rin. Kailangan mong maging optimistic. Magiging maayos rin ang lahat.”Hinubad ni Eric ang kanyang oxygen mask at huminto ng sandali. “Mukha ba akong pessimist? Mas malungkot kayong lahat kaysa sa akin. Okay lang ako na wala ito. Nahihirapan lang akong huminga kapag may ganito ako, hindi pa naman ako mamamatay. Bakit ko ito ipagpapatuloy?”Pilit na ibinalik ni Ma
Isang kakaibang itsura ang ipinakita ni Arianne kay Tiffany. “Okay, ano bang pinagsasabi mo Tiffie? Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi at bangag ka ngayon?"Inikot ni Tiffany ang kanyang mga mata. “Totoo ang sinasabi ko, hon! Kung bibilangin natin ang mga araw, nabuntis talaga ako bago pa man mabuntis si Tanya! Ha! Okay, okay—so, kahapon, napansin ko na parang ang tagal ko nang walang period, kaya pumunta ako para magpa-body checkup at bingo! Naka-jackpot ako! Ang tagal ko nang nagdarasal para magkaanak ako, pero hindi ito gumana. Pero ngayon… nabuntis ako pagkatapos ng nangyari sa amin ni Jackson. Mabibigla ba ako o dapat ba akong matuwa ng kahit kaunti?”Tumahimik ng sandali si Arianne. "Masakit ang balita tungkol kay Eric at ang sinasabi mo naman ang pinakamagandang balita na narinig ko sa buhay ko. Pinapaikot nito ang ulo ko dahil hindi ko alam ang aking mararamdaman. Hindi ko alam kung dapat ba akong malungkot o maging masaya... So, ano ang plano mong gawin? Magbabalikan ba
Hindi namalayan ni Jett na humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. “Anong balak mong gawin?”Nanginginig ang mga nakakatakot na mata ni Alejandro. “Hindi ko hahayaang maipanganak ang batang iyan sa mundo. Kung mawala ito sa kanya, mawawala sa kanya ang nag-iisang dahilan kung bakit kailangan niyang bumalik kay Jackson... Hindi ko na kayang makita na ilayo siya sa akin!"Napahinto si Jett. Ang ultimate game plan ba ni Alejandro ay hindi na kailanman makasama si Tiffany? Hindi ba talaga minahal ng boss niya si Tiffany at ginawa niya ang lahat para lang angkinin siya na parang isang bagay? Kung tutuusin, paano magagawa ng sinumang tunay na nagmamahal sa isang tao na ipalaglag ang anak ng taong minamahal niya?Kinabahan si Jett nang sabihin niya, "Mr. Smith, parang masyado na kung gagawin mo ang bagay na iyon. Ano ang mangyayari kapag nalaman niyang ikaw ang naging dahilan kung bakit siya nakunan? Gugustuhin ka ba niyang makasama pagkatapos nito? Kapag ginawa mo ito, parang nagtanim
Niyakap ng accountant ang binti ni Jackson nang papalapit na siya sa pintuan habang umiiyak, “Please lang, Mr. West, please! Nakikiusap ako sayo! Ang mga magulang ko... ay may mga sakit, Mr. West! Kailangan ng nanay ko ng gamot para mabuhay! Hindi nila ito kakayanin kung nalaman nila ito! Please, please... Ibabalik ko ang perang iyon, nangangako ako—”Umiyak ang accountant, ngunit walang anumang luha ang makapagpapalambot sa puso ni Jackson. Ang bawat isa ay may manipis na linya sa kanilang isip na hindi pwedeng sirain ng ibang tao. Nagkataon na umayon si Jackson sa batas.Tinanggal ni Jackson ang accountant sa katawan niya at bumalik siya sa opisina nang hindi tinitingnan ang luhaang accountant.Si Tiffany at Amy naman ay nakikinig habang nangyayari ang lahat ng ito at mabilis silang umupo nang tuwid nang pumasok siya.Hindi pa naubos ang galit ni Jackson dahil kitang-kita ito sa paraan ng pag-flip sa mga dokumento sa kanyang mesa dahil mukhang hindi niya mahanap ang eksaktong pap
Nang palapit na ang original time para umalis na sa trabaho, nakaramdam si Tiffany ng banayad na pananakit sa kanyang baywang, balikat, at likod. Sumandal siya sa upuan niya at nakaramdam siya ng kaunting init.Desperado siya at nagpadala siya ng text kay Jackson: ‘Sigurado ka bang mag-o-overtime kami ngayong gabi? Pwede ko bang sabihin na hindi? Nararamdaman ko na malapit na akong malaglag. Pwede ba akong humingi ng leave? Kung hindi ka sumagot sa akin, ituturing ko ito na pumapayag ka sa request ko.'Inasahan na ni Tiffany na ang lalaki ay masyadong abala sa kanyang oras kaya hindi siya pinansin ng lalaki, ngunit ang sagot nito ay napakabilis. 'Hindi ka mag-overtime? Pwede kung sasamahan mo ako sa hotel.'Ang term na "hotel" ang nagdala sa isip ni Tiffany papunta sa bastos na imagination, ngunit nawala ang imagination na ito nang ma-realize niyang buntis siya. Medyo guilty siyang sumagot sa kanya, ‘Bakit gusto mo akong pumunta sa hotel, hmm? Magiging prangka ako sayo; Hindi ako m