Ang kanyang saving grace? Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya si Mark na nagpapakita ng matinding pagkakasala sa lahat ng pagkakamali niya sa nakaraan at dahil dito ay napahawak siya sa lalaki.Tinitigan ni Arianne si Aristotle, na puno ng energy at sinabi niya, "Pwede ba nating… ibigay si Aristotle kay Mary? Hindi pa siya inaantok kaya malamang hindi siya magkukulit."Medyo matagal bago naintindihan ni Mark ang ibig sabihin ni Arianne. Madalas na kailangan niyang pilitin ang sanggol na third wheel na ilayo para ma-solo niya si Arianne. Kaya kakaiba talaga na si Arianne ang gagawa ng first initiative. Syempre masaya siya sa pangyayaring ito. "Sige. Kunin mo siya. Hihintayin kita sa kwarto."Namula si Arianne habang buhat niya si Aristotle. Sinusubukan ni Mary na magmukhang normal hangga't maaari para hindi siya mahalata. Ginawa niya ang kanyang makakaya para itago ang kanyang emosyon. “Mary, pwede mo bang alagaan si Smore sa ngayon? Ihahatid ko siya sa kama mamaya."Ma
"Anong nangyari?" tanong niya.Biglang humigpit ang hawak ni Mark sa phone niya. “May nangyari kay Eric. Noon pa man ay alam ko nang magiging malala ang sakit niya sa tiyan... kaya kailangan ko nang umalis.Biglang naging magulo ang isip ni Arianne. Naalala niya tuloy ang unang pagkikita nila ni Eric. Mabuti ang lalaki sa kanya. Palagi siyang nakangiti at napaka-easy-going, gwapo pa rin siya sa tabi nina Mark at Jackson. Pinutol niya ang kanyang relasyon sa pamilya at nagtayo siya ng sariling negosyo, pero siya ay kumikinang pa rin siya na parang bituin at nagsumikap siya ng mag-isa...Base sa hitsura ni Mark, ang nangyari kay Eric ay...“Sasama ako sayo! Hindi mo lang kaibigan si Eric dahil kaibigan ko rin siya,” binigyang diin ni Arianne ang kanyang mga salita.Sa pagkakataong ito, hindi na tumutol si Mark sa kanya. Sa halip, tinanong niya lamang ito, “Paano kung umiyak si Smore? Hindi ko alam kung anong oras tayo uuwi. Baka umaga na kapag natapos na tayo doon."Mabilis na nagp
Kasalukuyan sa ospital.Dumating sina Mark at Arianne habang nasa kalagitnaan na ng operasyon si Eric. Walang naghihintay sa labas ng operating theater bago sila dumating at nadurog ang kanilang mga puso nang mapagtanto nila ito.Umupo si Arianne sa mahabang bench sa hallway. “Sino ang tumawag syo? Bakit walang tao dito?""Si Tanya." Tiningnan siya ni Mark mula sa kanyang side profile.Kumunot ang noo ni Arianne. “Bakit siya? Nagme-makes sense naman ito... Umalis siya pagkatapos ka niyang tawagan, siguro dahil ayaw niya tayong makasalubong."“Ang condo na tinitirhan niya ay nasa tapat lang ng opisina ni Eric. Siguro nakita niyang may nangyari sa kanya, kaya dinala niya si Eric sa ospital at tinawagan tayo." Hulaan ni Arianne. "Papunta na rin si Jackson."Walang masabi si Arianne tungkol doon. Kahit papaano ay nakita na niya ngayon na si Tanya ay hindi masyadong masama at hindi niya nakalimutan ang kabaitan ni Eric sa kanya.Inabot ng mahigit limang oras ang operasyon. Namatay na
Nanghihina pa rin si Eric. Sandali siyang nag-isip bago siya tuluyang nakasagot. "Anong sinasabi mo? Wala naman na akong ganang mabuhay... Narealize ko ito noong nasa late stage na. Hindi ko na kailangan ng treatment."Namamaos ang boses ni Jackson. “Anong sinasabi mo na, ‘ayaw mo nang mabuhay’? Kung ayaw mo nang mamatay, bakit ka nagkaroon ng girlfriend? Parang gusto mo namang mabuhay…”Pumikit si Eric at umiling. “Okay naman ang lahat bago kami magsama at nagsimula akong umasa sa aming future. Pero hindi siya marriage material. Magaling siyang magpasaya at nag-aalala lamang tungkol sa sarili niyang kasiyahan. Hindi pa siya handang mag-settle down. Magkaiba ang mundo naming dalawa. Ayoko nang magpakasaya at gusto ko nang mag-settle down, pero para sa kanya... kakasimula lang ng pagpapakasaya niya sa buhay. Magkaiba ang landas namin noong una pa lang. Kung tama ako, paniguradong umalis siya kagabi para uminom at hindi pa umuuwi. Okay lang. Maghihiwalay din kami. Oo nga pala, kapag pa
Hindi na nakatiis sina Arianne at Tiffany. Hindi nila alam na ang number ni Vicky ang unang na-dial ni Eric nang mangyari iyon. Tinanggihan ni Vicky ang kanyang tawag habang siya ay naghihingalo dahil abala siya sa pagpapakasaya. Ang lakas pa talaga ng loob niya na sabihin na siya ang pinakamalapit para kay Eric!Ang irony pa doon ay sa lahat ng taong makakapagligtas kay Eric, si Tanya pa talaga, ang babaeng kinamumuhian ni Vicky.Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Vivckt, ngunit nagpatuloy siya. "Ano ang sinasabi mo? Nababaliw ka na ba? Iniisip mo lang ito. Hindi ko ito ginagawa para sa kahit anong mana! Hindi ko namalayan na tumawag ka pala sa akin kagabi. Pumunta ako sa washroom at hindi sinagot ng kaibigan ko ang tawag dahil loko-loko siya. Hindi niya rin sinabi sa akin ang tungkol dito. Napansin ko kaninang umaga na hindi kita matawagan at nasa ospital ang last location mi. Tinanong kita sa isang nurse sa ibaba nang dumating ako... at nakita ko ang ward mo. Hindi ko sinasa
Tumigas ang emosyon sa mukha ni Arianne. Itinaas niya ang kanyang kamay sinampal ng malakas si Vicky. Hindi siya pinalaki na nagsasabi ng mga masasamang salita, kaya ang tanging paraan niya para mailabas ang sama ng kanyang loob ay ang isang mahigpit na sampal. “Umalis ka na.”Galit na galit si Vicky ngunit masyado siyang natatakot na saktan si Arianne, kaya't umalis na lang siya nang masama ang kanyang loob.Masyadong napalakas ang sampal ni Arianne dahil sa sobrang galot. Masakit at namamanhid pa ang kamay niya nang bumalik siya sa ward at pagdating niya ay hinila siya ni Mark. “Kami nang bahala kay eric. Dapat umuwi ka na. Hindi kaya ni Smore na mawala ka."Nakita agad ni Arianne na pagod rin si Tiffany kaya hinila niya ito. “Tara, samahan mo ako umuwi. Babalik kami kapag nagising na kami. Kailangan kong umuwi at alagaan ang bata."Alam ni Tiffany na hindi aalis sina Jackson at Mark para magbantay kay Eric. Tahimik lamang si Tiffany, nag-order siya ng take out para sa kanila bag
Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya para kay Eric. Akala niya noong una ay pag-ibig ito, pero habang tumatagal ay napagtanto niya na ito ay naiiba kumpara sa naramdaman niya para kay Jackson. Ngayon, naniniwala siya na parang kapatid lang si Eric sa kanya. Gusto niyang manatili sa ospital ngunit natatakot siyang makita si Arianne at ang iba pa. Kahit pa ganoon, nag-aalala pa rin siya para kay Eric.Habang nalilito siya, narinig niya ang tunog ng pagpihit ng susi sa doorknob. Si Jett lang ang may susi sa kanyang lugar.Nabanggit ni Jett na kailangan niyang bumiyahe sa South Park kasama si Alejandro at mananatili siya doon sa loob ng isang linggo. Nagulat siya dahil maaga itong umuwi, kaya bumangon siya, "Kumain ka na ba?" tanong niya. “Hin-… hindi ko alam na babalik ka ng maaga. Hindi ako nakahanap ng oras para magluto."“Huwag kang mag-alala sa akin,” mahinahong sinabi ni Jett. "Lalabas ka ba?"Doon lang napansin ni Tanya na hawak niya ang kanyang cellphone at ang mga sus
Nanatili sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Tiffany na si Eric ay naghihingalo...Nakatitig siya sa mga puting dingding sa labas ng ospital. Ayaw niyang umalis sa ganitong estado ngunit hindi siya makaisip ng dahilan para bumalik sa loob. Sa gitna ng kanyang pag-aalinlangan, napansin niya ang isang itim na BYD sa gilid ng kalsada. Bumaba ang bintana ng sasakyan at nakita niya si Jett na nakasuot ng salamin at hinihimas ang kanyang baba.Tumingin siya sa paligid at siniguro niyang walang nakakita sa kanya, saka sumakay sa kotse. "Anong ginagawa mo dito?"Inistart ni Jett ang makina ng kotse nang walang emosyon sa kanyang mukha. "Nag-alala ako sayo. Kailangan kong bumalik kay Alejandro, pero ihahatid muna kita sa bahay."Kinagat ni Tanya ang kanyang labi at sinabing, “Pasensya na pero hindi ako pumasok sa ward. Naabutan ko si Tiffany sa ospital. Huwag kang mag-alala. Wala akong sinabi.”Hindi sumagot sa kanya si Jett. Inihagis niya kay Tanya ang isang plastic bag mula sa ospital na