Bumaba si Tiffany sa sasakyan at binigyan siya ng isang bote ng mineral water. “Maayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi ka pa rin ba komportable? Gusto mo ba sa harap ka na lang umupo? Baka mas gumanda ang pakiramdam mo doon.”“Hindi magandang ideya iyon, di ba?” tanong ni Tanya. "Sa pagkakalaam ko, ang upuan sa harapan ng kotse ng isang lalaki ay para lang sa kanyang jowa... Okay lang ba sa inyo ni Jackson?"Si Tiffany, na di kailanman naging sensitive, hindi man sumagi sa kanyang isip ang ganong ideya. “Anong pinagsasabi mo? Ano tayo? Kailangan ba nating pag-isipan ang mga bagay na ‘yon? Hindi naman kita hahayaan na hindi komportable, di ba? Tumigil ka na sa pagsasalita at sumakay na sa kotse. Doon ka sa harapan uupo."Kumunot ang noo ni Jackson nang may sumakay sa front seat sa kakaibang dahilan. "Ano ang nangyayari? Bakit ka lumipat ng upuan?"“Si Tan ay nilalamig at masama ang pakiramdam. She's car sick,” paliwanag ni Tiffany. “Hayaan mo siyang maupo sa harap. Hindi mahalaga kun
Walang nasabi si Jackson. Bakit walang nakaisip sa kung ano ang masasabi niya? Invisible ba siya?Pagkatapos ng hapunan, pinauwi ni Jackson sina Tiffany at Tanya. Napagkasunduan ng tatlo na sabay silang aalis bukas.…Kinabukasan, sa Tremont Estate.Nagsuot si Arianne ng itim na damit, handa nang pumunta sa sementeryo.Maliit pa si Aristotle at nagkaroon siya ng trangkaso; dagdag pa dito, umuulan sa labas. Kaya nagpasya silang hindi siya isama. Iniwan nila siya sa bahay sa pangangalaga ni Mary.Si Mark ay nakasuot din ng itim na suit, na nagbigay sa kanya ng napakagandang hangin. Nagdala ng bouquet ng bulaklak ang mag-asawa at lumabas ng bahay. Dalawang oras ang biyahe bago sila nakarating sa sementeryo.Ang maitim na ulap sa kalangitan ay nagbigay ng nakakatakot na liwanag sa ibabaw ng sementeryo. Halos desyerto ito, maliban sa matandang tagapag-alaga na may salamin sa mata, na nagbabasa ng papel ngayon sa isang maliit na kubo.Nakaramdam ng pagkalumbay si Arianne. Matagal na
Isinilong ni Mark ang mag-ina mula sa ulan gamit ang kanyang payong. Basang-basa na rin ang damit niya. Napansin ito ni Helen at sinabing, “Arianne, siguro oras na para umalis. Lumalakas na ang ulan. Basang-basa na si Mark.”Napatingin si Arianne kay Mark. “Sige, tara na.”Nagmaneho si Elen at pumunta doon mag-isa. Huminto si Arianne bago sumakay sa kotse. “Pumunta ka sa bahay at sumama ka samin kumain kung may oras ka. Pwede mo makita ang apo mo."Punong-puno ng luha ang mga mata ni Helen. “S-sige!” nauutal niyang sinabi. Alam niyang sa wakas ay napatawad na siya ni Arianne at kinikilala siya bilang isang ina.Habang pauwi, lumingon si Arianne kay Mark at tinanong, “Nilalamig ka ba? Basang-basa ka na.”Nakangiting umiling si Mark. “Hindi ayos lang ako. Nag-mature ka na.”Ngumiti din siya. “Nung sinabi mo sakin yan dati… may nangyaring hindi maganda…”Hindi na siya sumagot pa. Napuno ang utak niya ng maraming bagay tungkol sa kanya. Hindi niya maalala kung kailan niya sinabi ang
Itinulak siya ni Jackson sa gilid ng kama. “Imamasahe kita. Gusto mo ba iyon? Bakit mo piniling maglakad-lakad nang naka-high heels? Hindi maganda na lagi ka nakasuot ng high heels.” Inangat niya ang paa niya at ipinatong sa kandungan niya saka maingat na minasahe. Tila magaling siya magmasahe.Kalmadong tinitigan siya ni Tiffany. “Bakit hindi ko alam na magaling ka pala magmasahe? Ang tagal na natin, pero may sikreto ka pa rin sa akin! Hindi naman kasi ako mahilig mag-heels. Ang tangkad ng mga lalaki sa paligid ko, para silang nakalanghap ng hormones habang lumalaki. Magmumukha akong masyadong maikli kung hindi ako magsusuot ng heels, parang kalabasa sa tabi ng mga puno ng kawayan. Sa tingin mo ba talaga maiiwasan kong suotin sila? Kayo, Mark, at Eric, alin sa inyo ang maikli?”Ngumiti si Jackson sa kanya. “Haha... Ikaw... seryoso... Dapat mo bang ilarawan ang iyong sarili sa ganoong paraan? Gusto kita sa paraang ikaw ay; sapat na iyon. Bakit ka dapat mag-alala tungkol sa kung paano
Nagkunwaring hindi alam ni Tiffany na nandoon si Jackson at naapektuhan nito ang kanyang composure. “Ah... Ako, eh, wala ako sa Capital. Nasa Ayashe ako ngayon at malamang bukas ng gabi na ako babalik. Sa ibang araw na lang, okay? Oo, magkikita tayo sa ibang araw."Huminga ng malalim si Jackson bago siya lumayo sa kanyang katawan. Lumapit siya patungo sa bintana at nagsindi ng sigarilyo.Pagkatapos ng tawag, nagpanggap si Tiffany na parang walang nangyari nang bigla niyang sinabi. "Ma-... Matutulog na rin ako."Hindi sumagot si Jackson at hindi man lang ito lumingon sa kanya. Habang nananahimik si Jackson, mabilis na lumabas ng kwarto si Tiffany na parang tumatakas siya sa malaking kaguluhan.Ang swerte niya na bigla siyang tinawagan ni Arianne. Hindi niya maisip kung ano na lang ang maaaring mangyari kung hindi ito nangyari.Kasalukuyan sa Tremont Estate, lumubog sa sofa ang pagod na pagod na si Arianne, iniisip niya ang boredom na hindi na umalis sa kanyang buhay mula nang magin
"Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae," sagot ni Mark. "Ang ibang babae ay nangangarap na makuha ang buhay mo ngayon, pero ikaw… gusto mong magkaroon ng normal na buhay. Alam mo ba kung gaano karaming mga kababaihan ang gagawin ang lahat para lang mabuhay nang hindi nahihirapan? Sa tingin ko ay naiisip mo lang ito dahil wala ka nang ibang bagay sa buhay mo na pwede mong ikabahala. Sa totoo lang, gusto kong ituon mo ang atensyon mo sa pag-aalaga sa ating anak sa loob ng bahay at minsan ay pwede kang magshopping hanggang magsawa ka at hihintayin mo akong umuwi tuwing gabi. Gusto kong kumilos ka tulad ng ibang babae na may pamilya na, pumupunta sa mga beauty salon at maging patron ng mga luxury shop kaysa ma-obsess ka sa trabaho.”Nawalan na ng pasensya si Arianne. “Pero hindi iyon ang gusto ko. Hindi ko kailanman ginusto iyon! Hindi mo makokontrol kung paano ako mabubuhay at hindi mo rin dapat nililimitahan ang kaya kong gawin dahil lang sa kasal tayo! Ayokong mabuhay ng malungkot
Nanginig ng kaunti ang gilid ng labi ni Mark. Hinabaan niya ang kanyang pasensya hanggang sa wakas ay pinayagan siyang matulog kasama ang babaeng mahal niya at walang pigil silang magsasaya buong gabi, kaya naman walang mas nakakatakot para sa kanya kaysa sa matulog nang mag-isa sa buong buhay niya. Gayunpaman, napakunot ang noo niya sa idea na magtatrabaho si Arianne.Hindi dahil siya ay makaluma o tradisyonal kung mag-isip. Ayaw lang niyang mapagod ang kanyang asawa.Nandoon rin ang katotohanan na may tsansa na may lalaking mahuhulog sa kanya at hindi ito okay para kay Mark.Wala ni katiting na ideya si Arianne kung saan papunta ang isip ni Mark. Masyado siyang excited na marinig ang sagot nito bukas. Malakas ang kutob niya na susuko ang lalakig ito at papayagan siyang magtrabaho.Sa kadiliman, narinig niya ang pamilyar na tunog ng isang plastic na packet na napunit.Biglang nanginig ang katawan ni Arianne nang marinig niya ito. "Ano bang ginagawa mo?"Pumatong si Mark sa ibaba
Sa kabila ng lahat ng ito, hindi tumutol si Arianne sa "preferred method" ni Mark. Para sa kanya, nag-aalala lang siya na baka maistorbo ng midnight tantrums ni Smore ang tulog ng daddy niya. Kayang makatulog ng saglit ni Arianne at hindi siya aantukin pagkatapos nito, pero si Mark ay magkakaroon ng sleep deprivation at hindi ito makakatulong sa kanya.Pagkatapos maghilamos, inayos saglit ni Arianne ang higaan at hindi niya sinasadyang nakita ang isang nakabukas na kahon ng condom. May tatlong pakete sa loob nito, ngunit ang sinasabi ng package na twelve ang nasa loob nito originally…Hindi niya alam na hinahanda pala ito ni Mark noon pa man. Dahil dito, mabilis na nagbilang si Arianne at napagtanto na madalas na nilalabas ni Mark ang kanyang pagnanasa kamakailan lang.Biglang tumunog ang phone niya sa sandaling iyon. Tumingin siya sa ibaba at nakita niya ang pangalan ni Tiffany sa screen."Uy, Tiffie. Nakabalik ka na ba sa Capital?" tanong niya.Ang boses ni Tiffany ay parang mal