Pinabagal ni Mark ang kanyang pagmamaneho na parang ayaw niyang pauwiin si Arianne sa lalong madaling panahon. "Sinabi ko na sayo dati, hindi ako susuko sayo."Tumawa si Arianne kahit na wala namang nakakatawa. “Huwag ka nang magbiro. Sinabi ko na rin sayo dati na imposible para sa atin na magkaroon ng relasyon sa isa't isa. Gusto kong makatakas mula sayo sa napakatagal na panahon at ngayon na binigay mo sa akin ang gusto ko, bakit tatalon ulit ako sa apoy? Inaamin kong ginawa mo ako kung sino ako ngayon. Kung wala ka, hindi ako magiging ako ngayon. Ibinigay mo sa akin ang wala pa sa iba, pero sinaktan mo rin ako. Bakit sa tingin mo na may karapatan kang sabihin ang mga bagay na ito? Ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng tatay ko at nagpanggap na lang ako na mabait ka dahil kinupkop mo ako at pinakasalan pa ako, pero para saan ito? Para magkaroon ka ng peace of mind? Meron ka nito pero paano na ako? Paano naman ang tatay ko! Maliban sa pamagat na isang makasalanan, walang naiwan ang tata
Mukhang nasa mabuting kalagayan si Arianne habang inaayos niya ang mga rosas sa kanyang mga kamay. "Hindi na ito maaga. Medyo late ka lang. Gawin mo na ang dapat mong gawin. Malamang nasa ospital na si Tanya."Hindi napansin ni Tiffany na ang mga rosas ay isang bouquet dati dahil hiwahiwalay na sila. Naisip niya na bumili si Arianne ng mga bulaklak para lagyan ng dekorasyon ang tindahan. "Alam ko... Maalalahanin ka, hindi ba? Maganda ang mga bulaklak. Pero mabubulok lang ang mga ito sa loob ng tatlong araw na maximum habang nasa nakalagay sila sa bawat isang table. Masyadong magastos ito. Wala ka bang pakialam dito?"Ngumiti si Arianne at wala siyang sinabi. Hindi siya gumastos para sa mga bulaklak na ito. Karamihan sa mga rosas na naiwan ay inilagay sa vase sa counter pagkatapos ipamahagi ang mga ito sa mga lamesa.Bigla niyang naalala ang "See you bukas" ni Mark kagabi. Magpapakita ba siya ngayon? Magpapakita ba talaga siya?May mabilis na pumasok sa pintuan ay bumalik si Arianne
Galit na galit ang matandang babae atinakusahan niya silang lahat na may pare-parehong kasalanan. "Nagsasama-sama talaga ang mga taong pareho ang mga kulay, lahat kayong mga masasamang tao!"Napamura si Tiffany habang nakatingin sa kanya, “Sinong pinapagalitan mo? Gusto mo bang saktan kita, tanda! Kung hindi lang dahil kay Naya, sasampalin talaga kita ng malakas!"Umiiyak si Naya dahil sa sobrang galit. Namumula ang kanyang mga mata nang inilabas niya ang kanyang cellphone para tawagan ang kanyang asawa. "Nasaan ka? Gumagawa ng eksena ang nanay mo sa pinagtatrabahuhan ko. Kaya mo bang ayusin ito? Huwag mong sabihin sa akin na busy ka at hindi ka makakaalis. Kung hindi ka pupunta ngayon, tapusin na natin ang kasal na ito dito mismo. Hindi ko na kaya ito!"Nakita ng matandang babae na nagrereklamo si Naya sa kanyang anak, kaya lumapit ang matandang babae para kunin ang kanyang cellphone. “Anong karapatan mo para magsumbong sa kanya sa harap ko pa? Hindi ka ba tinuruan ng mabuti ng na
Tinanggal ni Tiffany ang sign na ‘Closed’ na nakasabit sa pintuan. "Huwag mong sabihin yan. Magkaibigan tayo at ang mga kaibigan ay makakaintindi sa ganitong sitwasyon. Mabuting tao pa rin ang asawa mo, pero iba talaga ang ugali ng matandang iyon. Kung gusto niyang pagkakitaan ang kanyang anak, sana hindi siya pumayag na magpakasal kayo. Masakit sa loob ko na makita kang binu-bully ng ganyan! Dapat mag-usap kayo ng asawa mo tungkol sa paglipat kasama ang anak niyo. Mukha namang malusog ang dalawang matanda, kaya't hindi ka dapat mag-alala maliban na lang kung hindi na sila makagalaw."Bumuntong hininga si Naya na parang natanggal ang pasanin niya sa kanyang likuran. "Kung hindi nangyari ang insidenteng ito, baka hindi ko naisip na gawin ito sa takot na baka mapahiya kami ng asawa ko. Mabuti na lang at gumawa ng gulo ngayon ang matanda. Kahit papaano ay may dahilan nako para lumipat. Maayos naman ang buhay ko bilang isang asawa. Nakakapagod lang physically at mentally ang toxic kong mg
Nang makasakay na siya sa kotse, napagtanto niya na pinili ni Arianne na umupo sa passenger seat sa oras na ito. Hindi siya nagmadaling umalis at ginawa niyang max ang air-con, pagkatapos ay sinubukan niyang simulan ang isang conversation. Siguro hindi rin mismo napansin ni Mark ang maingat niyang mga kilos sa tuwing kasama niya si Arianne. "Makakatulog ka ba ng maaga?"Pinakita ni Arianne ang isang maliit na ngiti. "Mapapagod ako at makakatulog agad pagkatapos kong maglinis ng bahay at maligo. Sa katunayan, inaantok na nga ako ngayon. Medyo nanghihina talaga ako araw-araw. Ginagamit ang utak para kumita ng pera, pero ako rin mismo ang gumagawa ng mga desserts."Tumigil ng sandali si Mark. "Sa totoo lang, pwede mong gamitin ang utak mo ngayon..."Sinubukan ni Arianne na magbiro sa kanya. "Gamitin ang utak ko para maging Mrs. Tremont at umasa sayo na suportahan ako? Nagbibiro ka yata. Alam mo na ayoko nang umasa sa suporta ng iba. Mark. Malamang magpapakasal sina Jackson at Tiffie. D
Tahimik lang si Mark kaya ito ang nag-udyok kay Arianne na tanungin siya habang namumula ang kanyang mga mata. "Bakit hindi ka nagsasalita? Nagsisinungaling ka ba? Nagsisinungaling ka! Paano namatay si Rice Ball? Patay naman na siya kaya sabihin mo na lang sa akin ang totoo."Binuga ni Mark ang sigarilyo saka tumingin sa taas. "Hindi ako nagsisinungaling sayo. Tumawag sa akin si Henry noong lumabas ka sa sasakyan. Pwede mo siyang tawagan kung hindi ka naniniwala sa akin. Wala akong dahilan para lokohin ka. Inaamin kong may kasalanan ako dahil hindi ako naging maingat noong inaalagaan ko siya."Nakatayo si Arianne na nakasandal sa dingding habang tumutulo ang mga luha sa kanyang pisngi, mukha siyang isang maliit na babae na nawalan ng isang bagay na minamahal niya. Ang pag-iyak lamang ang makapagpapagaan ng kanyang emosyon. "Hindi mo siya ginusto noong una pa lang; kinamumuhian mo siya! Kasalanan mo ito dahil hindi mo ako pinayagan na kunin ito! Bakit mo ako kailangang ipagkait ang la
Hindi alam ni Dick na may ganoong opinyon pala si Ellie kay Arianne. Hindi niya kayang sabihin ang mga bagay na ito dahil ito ay mga pribadong bagay sa buhay ng boss nila.Lalong nanliit ang tingin ni Ellie kay Dick dahil sa sobrang pagkamahiyain nito na hindi man lang masabi ang opinyon niya at umalis na lang si Ellie na may dala na isang basong tubig.Sa opisina, tinawagan ni Mark si Butler Henry at sinabi sa kanya kung paano aayusin ang libing ni Rice Ball. Ayaw niya na lumikha ng mas maraming problema sa pagitan nila ni Arianne ang maliit na bagay na ito, kaya't susubukan niya ang kanyang makakaya para asikasuhin ang lahat na magagawa niya.Sa apartment, narinig ni Arianne na may kumatok sa kanyang pintuan nang magising siya sa kanyang alarm. Malabo ang kanyang ala-ala sa nangyari kagabi at hindi niya rin maalala kung paano siya bumalik sa kama. Nang dumaan siya sa sala, napansin niya ang isang maayos na nakatupi na manipis na kumot sa sofa. Kahit na hindi ito mukhang nagamit, m
"Dapat matagal nang nangyari iyon. Malamang magiging maayos na ang buhay mo dahil opisyal nang nagsimula ang buhay niyo bilang pamilya. Huwag mo nang pansinin ang mga biyenan mo at subukang iwasan na kausapin sila. Alam ko noong una pa lang tingin na hindi siya isang mabuting tao." Ngumiti si Naya at walang sinabi. Ang isang intelektwal at mabait na taong tulad niya ay hindi kailanman magsasalita ng masama tungkol sa kanyang biyenan sa likod nila, kahit na masama ang ugali ng biyenan niya. Matapos isara ang dessert shop para sa gabing ito, sumakay sila Arianne at Tiffany ng taxi sa ospital. Hindi sila nagkita ni Jackson sa araw na ito, ngunit nagkita sila sa ospital. Nandoon din si Mark. Agad na naging busy ang ward. Umupo si Eric na naka de-kwatro sa kama at masayang kinakain ang isang mansanas na binalatan para sa kanya ni Jackson. "Ang bait niyo naman, pero hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ang problema ko na ito. Hindi ito seryoso, kaya hindi niyo kailangang magtaga