Hindi alam ni Dick na may ganoong opinyon pala si Ellie kay Arianne. Hindi niya kayang sabihin ang mga bagay na ito dahil ito ay mga pribadong bagay sa buhay ng boss nila.Lalong nanliit ang tingin ni Ellie kay Dick dahil sa sobrang pagkamahiyain nito na hindi man lang masabi ang opinyon niya at umalis na lang si Ellie na may dala na isang basong tubig.Sa opisina, tinawagan ni Mark si Butler Henry at sinabi sa kanya kung paano aayusin ang libing ni Rice Ball. Ayaw niya na lumikha ng mas maraming problema sa pagitan nila ni Arianne ang maliit na bagay na ito, kaya't susubukan niya ang kanyang makakaya para asikasuhin ang lahat na magagawa niya.Sa apartment, narinig ni Arianne na may kumatok sa kanyang pintuan nang magising siya sa kanyang alarm. Malabo ang kanyang ala-ala sa nangyari kagabi at hindi niya rin maalala kung paano siya bumalik sa kama. Nang dumaan siya sa sala, napansin niya ang isang maayos na nakatupi na manipis na kumot sa sofa. Kahit na hindi ito mukhang nagamit, m
"Dapat matagal nang nangyari iyon. Malamang magiging maayos na ang buhay mo dahil opisyal nang nagsimula ang buhay niyo bilang pamilya. Huwag mo nang pansinin ang mga biyenan mo at subukang iwasan na kausapin sila. Alam ko noong una pa lang tingin na hindi siya isang mabuting tao." Ngumiti si Naya at walang sinabi. Ang isang intelektwal at mabait na taong tulad niya ay hindi kailanman magsasalita ng masama tungkol sa kanyang biyenan sa likod nila, kahit na masama ang ugali ng biyenan niya. Matapos isara ang dessert shop para sa gabing ito, sumakay sila Arianne at Tiffany ng taxi sa ospital. Hindi sila nagkita ni Jackson sa araw na ito, ngunit nagkita sila sa ospital. Nandoon din si Mark. Agad na naging busy ang ward. Umupo si Eric na naka de-kwatro sa kama at masayang kinakain ang isang mansanas na binalatan para sa kanya ni Jackson. "Ang bait niyo naman, pero hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ang problema ko na ito. Hindi ito seryoso, kaya hindi niyo kailangang magtaga
'Hindi ba kabilang dito ang relasyon niyo ni Aery Kinsey?' - ito ang gustong sabihin ni Arianne ngunit hindi niya ito tinuloy. Palagi na itong gumugulo sa isip niya. Ayaw talaga niyang maalala na ang asawa niya ay nagkaroon ng relasyon sa sarili niyang kapatid.Alam ni Mark na nag-overthink ulit siya at bigla siyang sumuko. "Anong iniisip mo? Huwag mo itong itago, kausapin mo ako."Napangiti si Arianne, "Iniisip ko lang na masyado kang masama. Nagkaroon kayo ng relasyon ni Aery, pero ikaw mismo ang nagpadala sa kanya sa kulungan. Ang buhay niya ay nasisira na ngayon."Habang nagsasalita siya, ino-obserbahan niya ang ekspresyon ni Mark dahil gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksyon niya."Oo, nagkaroon kami ng relasyon ni Aery," kalmadong sinabi ni Mark, "Pero hindi ko kaya na saktan ka ng iba."Hindi natuwa si Arianne sa kanyang sagot. Hindi ba sinaktan rin siya ni Mark habang kasama niya si Aery? Ngayon ay nagmamalinis siya at inaamin na may nangyari sa pagitan nila ni
Pinigil ni Jackson ang kanyang emosyon at nag-order siya ng take-out, pagkatapos ay lumabas siya papunta sa hallway at tinawagan ang hindi kilalang number. Ang tawag ay agad na sinagot ng isang malambing na boses ng babae, "Anong kailangan mo, Jackson? Masyadong magulo ang anak natin. Pwede ba tayong mag-usap mamaya?"Lalo naging magulo ang isip niya nang marinig niya ang sigaw ng bata, "Gusto ko lang sabihin sayo, huwag mo akong abalahin hanggang sa lumabas ang mga resulta DNA test at huwag mo rin akong tawagan. Kapag lumabas na ang mga resulta at napatunayan na ang batang lalaki ay anak mo, aayusin ko ang mga kailangang ayusin sa anak natin. Kung hindi, lumayo ka muna sa akin!"Binaba niya kaagad ang tawag at lihim na pinunasan ang malamig na pawis mula sa noo niya. Tinitingnan ni Tiffany ang kanyang cellphone paminsan-minsan. Nanginginig ang puso niya habang iniip niya ang kahihinatnan kung sakaling makita ni Tiffany ang message na iyon.Bumalik siya sa kwarto na para bang walang
Nagpakawala ng maluwag na hininga si Jackson, ngunit nagsisisi rin siya sa oras na ito. Hindi niya inasahan na magiging seryoso ang mga problema niya nang dalhin niya dito si TIffany. Sa oras na iyon, nakatanggap siya ng isang tawag mula sa babaeng iyon at sinabi nito na meron siyang importanteng sasabihin sa kanya. Hindi niya ito masyadong pinansin ngunit natatakot siya na malaman ni Summer ang tungkol sa kanyang nakaraan. Sa malamang, walang sawa siyang papagalitan nito sa sandaling malaman niya ito. Kaya nagpasya siyang pumunta dito, nagkunwari siya na kailangan ni Mark ng kanyang tulong sa kumpanya at nag-set siya ng isang meeting kasama ang babae na iyon sa city na ito. Pagkatapos nito, dinala niya si Tiffany para mag-enjoy siya kasama si Arianne at alam niyang pasasayahin siya nito.Hindi niya inaasahan na mawawalan siya ng kontrol sa problemang ito. Ang kanyang emosyon ay naging magulo nang matuklasan niya ang bata. Umaga siya nakipagkita sa babaeng ito at umalis siya para gawi
Nagulat si Ellie. Tiningnan ni Mark ang kanyang maselan na damit ngunit wala siyang reaksyon dito. Medyo nadismaya siya sa reaksyon ni Mark, "Okay… gagawin ko agad ito."Tumawid siya ng kalsada sa ilalim ng mainit na araw patungo sa café. Napabuntong hininga si Ellie nang maramdaman niya ang malamig at nakaka-preskong hangin sa café. Naglakad siya papunta kay Naya at sinabing, "Dalawang cups ng iced black tea, please."Napansin ni Naya ang suot ni Ellie sa isang sulyap ngunit wala siyang masabi. Mahinhin na tao si Naya, pero madalas rin siyang nakabihis ng mga spaghetti strap na damit na may kasamang hot pants o mini skirt. Gayunpaman, ang getup ni Ellie ay mas daring kumpara sa isang simpleng spaghetti strap top..."O-okay ..."Medyo naghiya si Naya. Siya ay masyadong nahihiya na titigan siya nang matagal kahit na pareho silang babae.Sa likuran ng counter, narinig ni Tiffany ang boses ni Ellie at tumalikod siya. Agad siyang nagalit, “Kakaiba ang workwear mo. Bagay ka maging isan
Panandaliang nablangko ang isip ni Ellie at sinundan ito ng banayad na alon ng tuwa. “Siguro dahil napakahusay ko sa bawat aspeto, tama ba?” Bigla niyang nilagay ang ilang hibla ng kanyang buhok sa likuran ng kanyang tenga at nagtatampo niyang sinabi, "Bakit?""Noon, ang buong atensyon mo ay nasa trabaho lang at hindi mo ako sinusubukang akitin."Agad na nagbago ang itsura ni Ellie at mabilis niyang inayos ang kanyang pagkakatayo, "Sorry..."Tumanggi si Mark na bigyan siya ng isa pang pagkakataon, "Kunin mo ang sahod mo sa finance department. You’re fired. Makakatanggap ka pa rin ng isang magandang severance package.”Hindi makapaniwala si Ellie sa pangyayari na ito. Marami pa sana siyang gustong sabihin, ngunit isinara niya ang kanyang bibig habang nakatitig siya sa nagyeyelong mga mata ni Mark. Ngayon naghiganti ang katotohanan. Napanatili niya ang magandang trabaho na ito sa loob ng maraming taon salamat sa kanyang sariling mga kakayahan sa professionalism niya, hindi dahil lang
Napakunot ang si Jackson, "Malapit na ako. Kinuha ko lang yung kotse. Huwag mo akong minamadali. Wala akong pakialam sayo hangga't hindi pa lumalabas ang resulta. Tigial mo rin ang kakaiyak mo!"Sumugod siya sa hotel na tinutuluyan ng babae at mabilis niyang binuhat ang sanggol sa kanyang mga kamay bago niya ito isinugod sa ospital. Habang hawak ni Jackson ang chubby na baby sa kanyang mga braso, nakaramdam siya ng kakaibang uri ng pakiramdam na huli na niyang napagtanto bilang takot pala. Walang pahiwatig ng pakikiramay sa kanyang mga mata. Patay na siya kung siya ang tatay ng batang ito!Tahimik na nakaupo si Jackson sa isang mahabang upuan sa gitna ng nakakalungkot na corridor ng ospital. Ang dati niyang kasama sa kama ay maluha-luhang nakatitig sa kanya, "Salamat dahil hindi mo kami binalewala sa amin..."Ayaw niyang tingnan ang babae at wala siyang emosyon nang sumagot siya, "Hindi ako masamang tao. Hayaan mong sabihin ko sayo ito - ayaw kong magkaroon ng kinalaman sa batang iy