Nang makasakay na siya sa kotse, napagtanto niya na pinili ni Arianne na umupo sa passenger seat sa oras na ito. Hindi siya nagmadaling umalis at ginawa niyang max ang air-con, pagkatapos ay sinubukan niyang simulan ang isang conversation. Siguro hindi rin mismo napansin ni Mark ang maingat niyang mga kilos sa tuwing kasama niya si Arianne. "Makakatulog ka ba ng maaga?"Pinakita ni Arianne ang isang maliit na ngiti. "Mapapagod ako at makakatulog agad pagkatapos kong maglinis ng bahay at maligo. Sa katunayan, inaantok na nga ako ngayon. Medyo nanghihina talaga ako araw-araw. Ginagamit ang utak para kumita ng pera, pero ako rin mismo ang gumagawa ng mga desserts."Tumigil ng sandali si Mark. "Sa totoo lang, pwede mong gamitin ang utak mo ngayon..."Sinubukan ni Arianne na magbiro sa kanya. "Gamitin ang utak ko para maging Mrs. Tremont at umasa sayo na suportahan ako? Nagbibiro ka yata. Alam mo na ayoko nang umasa sa suporta ng iba. Mark. Malamang magpapakasal sina Jackson at Tiffie. D
Tahimik lang si Mark kaya ito ang nag-udyok kay Arianne na tanungin siya habang namumula ang kanyang mga mata. "Bakit hindi ka nagsasalita? Nagsisinungaling ka ba? Nagsisinungaling ka! Paano namatay si Rice Ball? Patay naman na siya kaya sabihin mo na lang sa akin ang totoo."Binuga ni Mark ang sigarilyo saka tumingin sa taas. "Hindi ako nagsisinungaling sayo. Tumawag sa akin si Henry noong lumabas ka sa sasakyan. Pwede mo siyang tawagan kung hindi ka naniniwala sa akin. Wala akong dahilan para lokohin ka. Inaamin kong may kasalanan ako dahil hindi ako naging maingat noong inaalagaan ko siya."Nakatayo si Arianne na nakasandal sa dingding habang tumutulo ang mga luha sa kanyang pisngi, mukha siyang isang maliit na babae na nawalan ng isang bagay na minamahal niya. Ang pag-iyak lamang ang makapagpapagaan ng kanyang emosyon. "Hindi mo siya ginusto noong una pa lang; kinamumuhian mo siya! Kasalanan mo ito dahil hindi mo ako pinayagan na kunin ito! Bakit mo ako kailangang ipagkait ang la
Hindi alam ni Dick na may ganoong opinyon pala si Ellie kay Arianne. Hindi niya kayang sabihin ang mga bagay na ito dahil ito ay mga pribadong bagay sa buhay ng boss nila.Lalong nanliit ang tingin ni Ellie kay Dick dahil sa sobrang pagkamahiyain nito na hindi man lang masabi ang opinyon niya at umalis na lang si Ellie na may dala na isang basong tubig.Sa opisina, tinawagan ni Mark si Butler Henry at sinabi sa kanya kung paano aayusin ang libing ni Rice Ball. Ayaw niya na lumikha ng mas maraming problema sa pagitan nila ni Arianne ang maliit na bagay na ito, kaya't susubukan niya ang kanyang makakaya para asikasuhin ang lahat na magagawa niya.Sa apartment, narinig ni Arianne na may kumatok sa kanyang pintuan nang magising siya sa kanyang alarm. Malabo ang kanyang ala-ala sa nangyari kagabi at hindi niya rin maalala kung paano siya bumalik sa kama. Nang dumaan siya sa sala, napansin niya ang isang maayos na nakatupi na manipis na kumot sa sofa. Kahit na hindi ito mukhang nagamit, m
"Dapat matagal nang nangyari iyon. Malamang magiging maayos na ang buhay mo dahil opisyal nang nagsimula ang buhay niyo bilang pamilya. Huwag mo nang pansinin ang mga biyenan mo at subukang iwasan na kausapin sila. Alam ko noong una pa lang tingin na hindi siya isang mabuting tao." Ngumiti si Naya at walang sinabi. Ang isang intelektwal at mabait na taong tulad niya ay hindi kailanman magsasalita ng masama tungkol sa kanyang biyenan sa likod nila, kahit na masama ang ugali ng biyenan niya. Matapos isara ang dessert shop para sa gabing ito, sumakay sila Arianne at Tiffany ng taxi sa ospital. Hindi sila nagkita ni Jackson sa araw na ito, ngunit nagkita sila sa ospital. Nandoon din si Mark. Agad na naging busy ang ward. Umupo si Eric na naka de-kwatro sa kama at masayang kinakain ang isang mansanas na binalatan para sa kanya ni Jackson. "Ang bait niyo naman, pero hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ang problema ko na ito. Hindi ito seryoso, kaya hindi niyo kailangang magtaga
'Hindi ba kabilang dito ang relasyon niyo ni Aery Kinsey?' - ito ang gustong sabihin ni Arianne ngunit hindi niya ito tinuloy. Palagi na itong gumugulo sa isip niya. Ayaw talaga niyang maalala na ang asawa niya ay nagkaroon ng relasyon sa sarili niyang kapatid.Alam ni Mark na nag-overthink ulit siya at bigla siyang sumuko. "Anong iniisip mo? Huwag mo itong itago, kausapin mo ako."Napangiti si Arianne, "Iniisip ko lang na masyado kang masama. Nagkaroon kayo ng relasyon ni Aery, pero ikaw mismo ang nagpadala sa kanya sa kulungan. Ang buhay niya ay nasisira na ngayon."Habang nagsasalita siya, ino-obserbahan niya ang ekspresyon ni Mark dahil gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksyon niya."Oo, nagkaroon kami ng relasyon ni Aery," kalmadong sinabi ni Mark, "Pero hindi ko kaya na saktan ka ng iba."Hindi natuwa si Arianne sa kanyang sagot. Hindi ba sinaktan rin siya ni Mark habang kasama niya si Aery? Ngayon ay nagmamalinis siya at inaamin na may nangyari sa pagitan nila ni
Pinigil ni Jackson ang kanyang emosyon at nag-order siya ng take-out, pagkatapos ay lumabas siya papunta sa hallway at tinawagan ang hindi kilalang number. Ang tawag ay agad na sinagot ng isang malambing na boses ng babae, "Anong kailangan mo, Jackson? Masyadong magulo ang anak natin. Pwede ba tayong mag-usap mamaya?"Lalo naging magulo ang isip niya nang marinig niya ang sigaw ng bata, "Gusto ko lang sabihin sayo, huwag mo akong abalahin hanggang sa lumabas ang mga resulta DNA test at huwag mo rin akong tawagan. Kapag lumabas na ang mga resulta at napatunayan na ang batang lalaki ay anak mo, aayusin ko ang mga kailangang ayusin sa anak natin. Kung hindi, lumayo ka muna sa akin!"Binaba niya kaagad ang tawag at lihim na pinunasan ang malamig na pawis mula sa noo niya. Tinitingnan ni Tiffany ang kanyang cellphone paminsan-minsan. Nanginginig ang puso niya habang iniip niya ang kahihinatnan kung sakaling makita ni Tiffany ang message na iyon.Bumalik siya sa kwarto na para bang walang
Nagpakawala ng maluwag na hininga si Jackson, ngunit nagsisisi rin siya sa oras na ito. Hindi niya inasahan na magiging seryoso ang mga problema niya nang dalhin niya dito si TIffany. Sa oras na iyon, nakatanggap siya ng isang tawag mula sa babaeng iyon at sinabi nito na meron siyang importanteng sasabihin sa kanya. Hindi niya ito masyadong pinansin ngunit natatakot siya na malaman ni Summer ang tungkol sa kanyang nakaraan. Sa malamang, walang sawa siyang papagalitan nito sa sandaling malaman niya ito. Kaya nagpasya siyang pumunta dito, nagkunwari siya na kailangan ni Mark ng kanyang tulong sa kumpanya at nag-set siya ng isang meeting kasama ang babae na iyon sa city na ito. Pagkatapos nito, dinala niya si Tiffany para mag-enjoy siya kasama si Arianne at alam niyang pasasayahin siya nito.Hindi niya inaasahan na mawawalan siya ng kontrol sa problemang ito. Ang kanyang emosyon ay naging magulo nang matuklasan niya ang bata. Umaga siya nakipagkita sa babaeng ito at umalis siya para gawi
Nagulat si Ellie. Tiningnan ni Mark ang kanyang maselan na damit ngunit wala siyang reaksyon dito. Medyo nadismaya siya sa reaksyon ni Mark, "Okay… gagawin ko agad ito."Tumawid siya ng kalsada sa ilalim ng mainit na araw patungo sa café. Napabuntong hininga si Ellie nang maramdaman niya ang malamig at nakaka-preskong hangin sa café. Naglakad siya papunta kay Naya at sinabing, "Dalawang cups ng iced black tea, please."Napansin ni Naya ang suot ni Ellie sa isang sulyap ngunit wala siyang masabi. Mahinhin na tao si Naya, pero madalas rin siyang nakabihis ng mga spaghetti strap na damit na may kasamang hot pants o mini skirt. Gayunpaman, ang getup ni Ellie ay mas daring kumpara sa isang simpleng spaghetti strap top..."O-okay ..."Medyo naghiya si Naya. Siya ay masyadong nahihiya na titigan siya nang matagal kahit na pareho silang babae.Sa likuran ng counter, narinig ni Tiffany ang boses ni Ellie at tumalikod siya. Agad siyang nagalit, “Kakaiba ang workwear mo. Bagay ka maging isan