Walang awa siyang inasar ni Mark Tremont, "Gusto mong makipagkita kay Tiffany, o gusto mo malaman ang kalagayan ni Will Sivan?"Huminga ng malalim si Arianne at mabilis siyang tumayo, "Tapos na ‘kong kumain."Tiningnan siya ng masama ni Mark Tremont. "Sinabi ko ba na pwede ka nang umalis?""May kailangan pa ba tayong pagusapan?" Lumingon at tiningnan siya ni Arianne habang nakatayo siya iisang lugar.“Umuwi ka agad pagkatapos ng trabaho mo bukas. Kung hindi mo magawa iyon, ‘wag kang umasa na makakalabas ka pa,” sabi ni Mark Tremont bago siya umakyat sa taas. Ayaw niya nang mag-rason pa si Arianne. Kung tungkol ito sa ibang bagay, pwedeng palipasan o hayaan na lang ito ni Arianne, pero kailangan niya talagang makipagkita sa kaibigan niya bukas.Kinain ng galit si Arianne at sinundan niya si Mark Tremont papunta sa hagdan.“Mark Tremont! Gusto ko lang makita si Tiffany! ”Tumigil ang mga yapak ni Mark Tremont. "Tinanong kita, pero pinili mong hindi ako sagutin. Hindi na kita b
Tumayo si Arianne Wynn at makikita sa kanyang mukha na wala siyang emosyon. "Anong sinabi mo?"Sumigaw si Aery Kinsey gamit ang kanyang matinis na boses, "Mali ba ako? Alam ng buong bansa ang tungkol sa iskandalo niyo ni Will Sivan, ang pangatlong anak ng Sivan family. Saan ka nakakuha ng lakas ng loob para manatili sa tabi ni Mark? Kung ako ikaw, matagal ko nang pinatay ang sarili ko! Nagtataka ako nung una kung sino ba ‘tong babae na nakikisawsaw sa amin ng pinakamamahal kong Mark, tapos nalaman kong ikaw pala iyon! Nakakadiri!"Biglang nagbulungan ang mga nanonood sa kanila nang mabanggit ang insidente na nangyari noong tatlong taon na nakalipas."Siya pala yun, huh… kaya pala parang pamilyar siya. Hindi ko inaasahan na ang isang tahimik na tulad niya ay masahol na klase ng tao pala. Hindi mo talaga mahuhusgahan ang libro sa cover nito... Wala siyang pakialam nung nililigawan siya ni Simon noon, siguro may nangyari na sa kanila at hindi lang niya pinapahalata? Kung umasta kala mo
Kumunot ang noo ni Eric Nathaniel sa sandaling pumasok siya sa restaurant. Low class at cheap ang mga pagkain dito, hindi ito ang tipo ng lugar na kinakainan niya. Lalong nagalit si Eric nang makita niya ang mantika sa lamesa, gusto na niyang tumayo at umalis sa lugar na iyon. Gayunpaman, iniisip niya na pabor ito ni Mark Tremont sa kanya, kaya wala siyang nagawa at nilunok niya na lamang ang kanyang nararamdaman. "Ari, nandito kami!" Nakita agad ni Tiffany Lane si Arianne kaya tumayo siya at hindi siya nahiyang kawayan si Arianne.Isang ngiti ang makikita sa mukha ni Arianne Wynn habang nagmamadali siyang pumunta sa kanyang kaibigan. Tatlong taon na ang nakalilipas, pero hindi pa rin nagbabago ang kilos ni Tiffany tulad ng inasahan ni Arianne Wynn. Hindi dumating ng mag-isa si Tiffany. Kasama niya din si Ethan Connor. Mas mature ang itsura niya ngayong kung ikukumpara sa nakaraan, ngunit ang kanyang mapaglarong hitsura ng nakaraan ay nabago sa isang misteryosong harapan. Naka
Nabigla si Arianne sa mga mainit na katanungan ni Tiffany."Hindi, hindi, na-aksidente lang ako. Hindi niya ako sinaktan. Wag kang mag-alala. Maayos ang trato niya sa akin. Kahit kailan hindi niya ako sinaktan."Ang pasa sa noo ni Arianne ay dahil sa ginawa ni Aery Kinsey kaninang umaga. Ang pangyayaring iyon ay masyadong komplikado para ipaliwanag sa ngayon. Bumuntong hininga si Tiffany at sinabi, “Sa totoo lang… Mabuting tao si Mark Tremont. Gwapo at mayaman pa siya, at ilang taon na kayong nagsasama. Basta't gusto mo siya, susuportahan kita kahit ano pa ang mangyari. Hindi ako mawawala sa tabi mo. "Naantig ang puso ni Arianne. Ang isa sa pinakamagandang kayaman sa buhay ay ang isang taong sumuporta sa iyo nang walang kondisyon.Di nagtagal at dumating na ang mga pagkain. Hindi natuwa si Tiffany nang makita niya na hindi kumakain si Eric Nathaniel.Galing din siya sa isang mayamang pamilya, ngunit kinamumuhian niya ang mga madrama, mapagmaliit, at ang mga tao na hindi maru
Naguguluhan si Arianne sa sinasabi ni Tiffany."Hindi ko alam ... suot ko yung damit ni Will noong nagising ako ... Andami kong nainom noong araw na iyon, at saka, matagal na panahon na iyon ... Wala na akong natatandaan. Sa palagay ko ... iyon lang ang nangyari, hindi na pwedeng mabawi ang nangyari sa nakaraan. Hayaan mo na, kailangan nang bumalik sa trabaho pagkatapos nito. Ay, hindi hipokrito si Eric. Masakit talaga ang tiyan niya. Absent siya ngayon at siya ang boss ko. Mawawalan ako ng trabaho kung papatumbahin mo siya ulit. Maging mabait ka sa kanya sa susunod."Si Tiffany Lane ay walang pakialam. "Hindi mamamatay dahil doon, di ba? At saka, inisip ko lang si Ethan. Gusto niya ang restaurant na iyon noon pa man. Hindi masyadong malinis ang lugar, pero masaya siya doon. Hindi maganda ang kalagayan ng pamilya niy at palagi siyang nalulungkot kapag dinadala ko siya sa mas mamahaling mga lugar, kaya pareho na kaming hindi masaya. Okay lang yun sa akin. Ano ang gagawin sa iyo ni Eri
"Si Arianne Wynn at ang kaibigan niya," sagot ni Eric Nathaniel habang nakangiti. Natigil si Aery Kinsey at isinara niya ang kanyang bibig, maingat niyang pinagmamasdan ang ekspresyon ni Mark Tremont. Nang makita niya na hindi hinanap ni Mark Tremont si Arianne Wynn, naramdaman niya na parang nagwagi siya. Naghihintay siya para makita Arianne na magkasama sila ni Mark.Si Eric Nathaniel ay nainis sa kamanhiran ni Mark Tremont, kaya nagpatuloy siyang magpaliwanag. "Inaway ako bigla ng kaibigan niya, hinihiling niya sa akin na pahabain ng dalawang oras ang lunch time ng kumpanya, kung hindi, kailangang magmadali ni Arianne Wynn sa kanyang kinakain. Natataranta ako. Ang lunch time ay sapat na at hindi pa naman oras para makapag-in siya. Merong sapat na oras para sa isa pang tanghalian... mukhang nagmamadali lang talaga sila... "Si Mark Tremont ay napahinto at ang kanyang tingin ay dumilim bigla, kahit na hindi ito kapansin-pansin. Sinara ng mabuti ni Eric ang kanyang bibig matapo
Naligo si Arianne pagbalik niya mula sa trabaho. Pagkatapos ay humigop siya ng itim na tsaa na binigay sa kanya ni Mary. "Salamat, Nay Mary!"Masaya siyang pinagmamasdan ni Maria. "Ari, mas sweet ka na mag-salita ngayon huh. Masyado kang mahiyain noon. Totoo na nagbabago ang mga tao na kakatapos lang mag-aral at pumapasok na sa totoong mundo. Dapat subukan mo rin makipag-usap kay sir. Kadalasan hindi siya masyadong nagsasalita. Paano niyo makakahanap ng pagkakataon na magsama kung pareho kayong tahimik sa isa't-isa? ”Nang mabanggit ang pangalan ni Mark Tremont, biglang napangiti si Arianne Wynn pero hindi siya nagsalita. Ang boses ni Butler Henry ay biglang umalingawngaw mula sa mga pintuan. "Sir!" Nang makita na si Mark Tremont ay nasa bahay, si Mary ay dumeretso sa kusina upang sabihan ang mga chef na maghanda ng hapunan.Kinuha ni Arianne ang itim na tsaa at umupo sa sofa, abala siya sa kanyang ginagawa. Gayunpaman, awtomatikong umulit sa kanyang isipan ang eksena kung
"Ehem, ehem ..." Biglang umubo si Mark Tremont. Bumulong si Mary habang naglalakad papuntang kusina. "Natutulog si Sir sa study room kamakailan. Sa tingin ko ay bigla siyang nagka-sipon dahil dito. Kukuha ako ng baso. Madam, dalhan mo siya ng gamot mamaya."Umubo si Arianne para ihanda ang kanyang sasabihin at sumunod kay Mary sa kusina. Kinuha niya ang maligamgam na tubig at dinala ang gamot sa sala. "Uminom ka ng gamot." Si Mark Tremont ay sumimangot at hindi niya pinansin si Arianne. Pilit na itinulak ni Arianne sa kanya ang tubig at gamot. "Mas magiging maganda ang pakiramdam mo pagkatapos mong inumin ito."Sa wakas ay nawalan na siya ng pasensya. "Ilayo mo sa akin yan." Matapos ang isang saglit, inilapag ni Arianne ang mga ito at pumunta siya sa mesa. Wala siyang gana habang nakatingin sa kanyang breakfast. Maya-maya pa, tumungo si Mark Tremont sa itaas para magpalit ng damit at handa na siyang lumabas.Kinuha ulit ni Arianne ang baso at gamot at dinala ulit ito s