Naligo si Arianne pagbalik niya mula sa trabaho. Pagkatapos ay humigop siya ng itim na tsaa na binigay sa kanya ni Mary. "Salamat, Nay Mary!"Masaya siyang pinagmamasdan ni Maria. "Ari, mas sweet ka na mag-salita ngayon huh. Masyado kang mahiyain noon. Totoo na nagbabago ang mga tao na kakatapos lang mag-aral at pumapasok na sa totoong mundo. Dapat subukan mo rin makipag-usap kay sir. Kadalasan hindi siya masyadong nagsasalita. Paano niyo makakahanap ng pagkakataon na magsama kung pareho kayong tahimik sa isa't-isa? ”Nang mabanggit ang pangalan ni Mark Tremont, biglang napangiti si Arianne Wynn pero hindi siya nagsalita. Ang boses ni Butler Henry ay biglang umalingawngaw mula sa mga pintuan. "Sir!" Nang makita na si Mark Tremont ay nasa bahay, si Mary ay dumeretso sa kusina upang sabihan ang mga chef na maghanda ng hapunan.Kinuha ni Arianne ang itim na tsaa at umupo sa sofa, abala siya sa kanyang ginagawa. Gayunpaman, awtomatikong umulit sa kanyang isipan ang eksena kung
"Ehem, ehem ..." Biglang umubo si Mark Tremont. Bumulong si Mary habang naglalakad papuntang kusina. "Natutulog si Sir sa study room kamakailan. Sa tingin ko ay bigla siyang nagka-sipon dahil dito. Kukuha ako ng baso. Madam, dalhan mo siya ng gamot mamaya."Umubo si Arianne para ihanda ang kanyang sasabihin at sumunod kay Mary sa kusina. Kinuha niya ang maligamgam na tubig at dinala ang gamot sa sala. "Uminom ka ng gamot." Si Mark Tremont ay sumimangot at hindi niya pinansin si Arianne. Pilit na itinulak ni Arianne sa kanya ang tubig at gamot. "Mas magiging maganda ang pakiramdam mo pagkatapos mong inumin ito."Sa wakas ay nawalan na siya ng pasensya. "Ilayo mo sa akin yan." Matapos ang isang saglit, inilapag ni Arianne ang mga ito at pumunta siya sa mesa. Wala siyang gana habang nakatingin sa kanyang breakfast. Maya-maya pa, tumungo si Mark Tremont sa itaas para magpalit ng damit at handa na siyang lumabas.Kinuha ulit ni Arianne ang baso at gamot at dinala ulit ito s
Pinandilatan siya ni Eric, kunwaring wala siyang pakialam habang nanlalabo ang kanyang tingin. "Masaya ako dahil malaya ako. Gawin nila ang gusto nila. Ikaw at si Mark ay parehong nag-iisang anak na lalaki ng pamilya niyo, kaya walang nakikipaglaban sa mga pag-aari ng pamilya niyo. Ang saya 'di ba? Iba ito para sa akin. Ang panganib ay nagtatago saanman!"Inilihis ni Jackson ang usapan at ang pinag-usapan na lang nila ang pinakabagong balita sa industriya. "May ilang isyu sa kayla Mark. Nagka-aksidente sa kanyang kasosyo na pagawaan ng alahas. May nangrakot ng mga raw materials, nagkakahalaga ito ng halos fifteen million. Ito ay isang regular na pabrika lang. Sa palagay ko hindi makakaligtas ang manufacturer nito. Malamang tapos na siya." Ngumuso si Eric at nagsalita siya habang naka-block ang kanyang ilong, "Fifteen million lang ito. Makukuha din ito ni Mark. Malas lang talaga ang maliit na pabrika na."Kasabay nito, nakita rin ni Arianne ang balita. Ang kanyang puso ay nalungkot
Ngumiti si Mark Tremont. "Nakatatandang kapatid mo siya. 'Wag mong maliitin ang sarili mo." Nawala ang galit ni Aery Kinsey nang makita niyang ngumiti si Mark Tremont. Kahit na nainis na siya, pinigilan niya pa rin ito. Dahil hindi niya ito magawang manatili si Mark Tremont, kailangan niyang magpanggap na isang masunuring girlfriend. "Kung ganon, hindi ka pwedeng umalis kaagad sa susunod..."Si Mark Tremont ay hindi nagsalita, hinarap niya kay Aery ang hindi mapaliwanag niyang itsura. Gayunpaman, ang kanyang ekspresyon ay na-neutralize nang siya ay lumingon. Pasado eight o'clock na nang makabalik siya sa Tremont Estate. Gutom na si Arianne pero ginanahan siya nang makita niya ni Mark Tremont. "Nakauwi ka na!"Nag-hum si Mark Tremont bilang kumpirmasyon at bumalik siya sa kanyang kwarto para mag-shower tulad ng dati. Nakita ni Arianne ang mga pagkain sa mesa na malamig na kaya bigla siyang nalungkot. "Nanay Mary, painitin mo ang mga pagkain." Nang bumaba muli si Mark Tre
Kung iyon ang totoo, nakagawa siya ng matinding pagkakamali. Si Arianne ay biglang nakonsensya sa ginawa niya. Sinampal ni Mary ang kanyang hita. "Tama, si sir ay walang nagawa para sa kanyang birthday sa loob ng maraming taon, halos nakalimutan ko rin! Tingnan mo ang memorya kong ito, dapat ay napaalala ko kay Ari kanina! " Mahinahon na tumayo si Arianne. "Wag na. Okay lang, hahanapin ko siya."Sinabi niya ito ng kaswal pero sa loob niya, siya ay naguguluhan. Ni wala siyang lakas ng loob na pumasok sa study room. Gumawa siya ng tsaa at dinala ito sa study room. Pagkatok niya sa pintuan, ang galit na galit na boses ni Mark Tremont ay maririnig mula sa loob, "Umalis ka!" Alam ni Arianne na hindi siya dapat umatras ngayon at hinanda ang sarili upang pumasok at buksan ang pinto. "Hindi ko alam na iyong birthday mo pala ngayon...""Labas!" Itinapon ni Mark Tremont ang libro mula kanyang kamay sa sahig, ang kanyang galit ay parang nakamamatay na winter. Yumuko si Arianne upang k
Hindi inaasahan, may isang litrato na nahulog mula sa isang libro. Nagtaka si Arianne kaya kinuha niya ito. Makikita dito ang unang ang araw na lumipat siya sa Tremont Estate noong siya ay eight years old palang. Hawak-hawak niya ang kamay ni Mark Tremont. Habang tinitingnan niya ang litrato sa newspaper, hindi niya pa nakikita ang isang indibidwal na litrato na tulad nito.Bakit may ganito si Mark Tremont? Intensyon niya ba na... na ingatan ang litrato na ito? Kaagad na itinanggi ni Arianne ang paniniwalang ito. Siguro ay iningatan niya ito nang hindi gaanong pinag-iisipan hanggang sa nakalimutan na niya kung saan niya ito inilagay. Ang librong tinataguan ng larawan ay luma na at hindi ito ang tipical na gusto niyang genre. Siguro hindi niya ito binuklat ng maraming taon.Walang tulog na magaganap sa gabing ito. Si Mark Tremont ay nagtungo sa Nightlight bar matapos niyang umalis sa estate. Dumating kaagad sina Jackson West at Eric Nathaniel at humingi ng maraming mga b
##Naaamoy ni Mark Tremont ang mabangong pabango ni Aery kaya bigla niyang tinulak ang babae. Parehong nagyeyelo ang kanyang mga mata at pananalita. "Lumayo ka!" Ang buong booth ay namatay sa katahimikan, nanatili lamang ang hindi magagandang musika na tumutugtog pa rin. Nagulat si Aery Kinsey, maluha-luha ang mga mata niya at bigla siyang napailing, dahil ito rin ang unang pagkakataon na makita ang ganitong ugali ni Mark Tremont. "Mark darling... bakit ang sama mo sa akin? Nag-aalala lang ako... "Ang mga bargirl sa tabi nila ay hindi naglakas-loob na gumawa kahit isang tunog. Alam ng buong lungsod na si Mark Tremont ay banayad at walang pagkakamali sa kanyang ugali. Siya ang sagisag ng pagiging perpekto, dahil palagi siyang palakaibigan sa lahat. Gayunpaman, sina Jackson West at Eric Nathaniel ay hindi na nagulat. Kilala na nila ang isat-isa sa loob ng higit sa isang dekada, mas kilala pa nila ang isa't-isa kaysa sa sarili nila. Nag-aalala sila na baka may isang iskandalo
Nakita ni Arianne na nakaupo si Mark sa tabi ni Aery. Napansin din niya na ang braso ni Aery ay nakapulupot kay Mark. “Asawa niya ako. Responsibilidad kong sabihin kung saan siya pupunta at isaalang-alang ang kaligtasan niya.” Ang salitang "asawa" ay naglagay ng galit sa mukha ni Aery. "Ikaw…! Nilinaw na niya, ayaw niyang pumunta! " Biglang bumaba si Eric sa sasakyan at tinulungan si Mark pababa. "Wag na kayong magkagulo, Aery. Dumating ang isang miyembro ng pamilya niya. Hayaan mo na si Mark."Si Aery, hindi pa rin nagpapatalo, hinawakan niya ang braso ni Mark. "Sinabi na ni Mark na ayaw niyang makita ang babae na 'to. Tumigil sa kalokohan mo, Eric! ” Walang pakialam si Arianne kung uuwi ba si Mark sa bahay o hindi, ngunit tumanggi din siyang umatras at hindi niya susundin si Aery. Bago pa siya makapagsalita, biglang tinulak ni Mark si Aery at mapilit na sinabi, "Ari… Halika dito!" Walang alinlangan na kinakausap niya si Arianne.Ito ang kauna-unahang pagkakataon na narini