Hindi nakaimik si Arianne.Tinulungan ni Arianne na pagkatakpan si Aristotle sa pamamagitan ng pagtatapon ng shirt bago matapos si Mark sa trabaho para hindi siya sigawan ni Mark kapag nakita niya ito. Wala sa mood si Mark matapos sirain ang kanyang mga dokumento, kaya sa malamang ay sasabog siya kapag nakita ito. Maraming damit si Mark kaya malamang hindi niya ito mapapansin.Sa lalong madaling panahon ay napagtanto ni Arianne na masyado siyang optimistic. Nakuha ni Aristotle ang shirt na ginuhitan niya dahil inilapag na ito ni Mark sa kama noon dahil balak niyang isuot ito bukas.Sa oras na makabalik si Mark sa kwarto, ang una niyang itinanong ay tungkol sa damit niya. "Nasaan ang damit ko? Balak ko itong suotin bukas."Gusto sanang sabihin ni Arianne na hindi niya ito nakita, ngunit sa huli ay natakot siya. Nag-ipon siya ng lakas ng loob at sinabing, “Nag-doodle si Smore sa damit mo. Hindi namin maalis ang mga mantsa kaya itinapon namin ito. Anak mo siya, huwag kang magalit. May
Itinaas ni Robin ang kanyang mga kamay at tinakpan ang kanyang tenga. Hindi niya kayang indahin ang matinis na sigaw ng kanyang ina.Hindi lang siya, hindi rin ito kayang tiisin ng mga kapitbahay. Ang kanilang mga kapitbahay ay nagbukas ng mga pinto, nakikiusyoso at nagalit dahil sa ingay at kaguluhan. “Ano ba ang nangyayari? Hindi mo niyo ba kami kayang matulugin? Hatinggabi na!"Si Mrs. Cox ay isang edukadong babae kaya alam niya ang proper ethics. Agad siyang humingi ng tawad at hinila si Robin papasok ng bahay. “Nasisiraan ka na ba ng bait? Nababaliw ka na ba? Paano ka magiging walang ingat sa isang bagay na tulad nito? Pagsisisihan mo ito balang araw!"“Ma, kilala ko ang taong ito nang hindi hinihingi ang tulong mo. Desisyon kong magpakasal sa kanya," sabi ni Robin, "Wala akong pakialam kung magkaroon tayo ng maayos na relasyon sa hinaharap o hindi. Hindi ikaw ang dapat sisihin dito. Tatanggapin ko ang mga kahihinatnan, kung mayroon man. Mahal ko siya, ma. Tanggapin mo na lang
Sumakit ang puso ni Robin nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ina. Magandang pagkakataon ito para sa kanya na umalis sa kanilang bahay. Kung gagawin niya ito, malamang na hindi na siya makakauwi muli. “Mama! Hindi ako aalis hangga't hindi mo isasantabi ang pride mo. Kailangan kong pumasok sa trabaho. Magpahinga ka muna ngayon, mag-uusap tayo pag-uwi ko."Lumingon si Mrs. Cox sa gilid at tumingin sa pinto nang marinig niyang sumara ito. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata sa sandaling nakaalis si Robin....In-update ni Robin si Sylvain sa nangyari sa bahay. Ngayon, kailangan nilang magdahan-dahan at maging matatag kung hindi ay masisira lang ang lahat ng meron sila.Nakaramdam ng labis na pag-aalala si Sylvain nang marinig niya ito. Alam ng lahat na mahusay si Sylvain sa lahat ng aspeto, pero bakit napakahirap makuha ang approval ni Mrs. Cox? Siya lang ang may kasalanan ng napakalaking iskandalo na iyon kay Jessica. Si Mrs. Cox ay naging tapat sa buong buhay niya at pinaha
Nag-'okay' sign si Sylvain. "Naiintindihan ko. Mas magaling ka dito kaysa sa akin. Nasanay na akong mag-isa sa loob ng maraming taon, kaya ang pagkakaroon ng pamilya ngayon ay isang malaking pagbabago para sa akin. Sa totoo lang, medyo masakit sa ulo kapag inaasikaso ang mga matatanda."Nagkaroon ng katahimikan ang tenga ni Arianne nang umalis si Sylvain. Hindi na niya kailangan pang magtiis pa sa pagbu-buntong hininga ng lalaking ito. Nang ihiga niya ang kanyang ulo sa kanyang mesa para umidlip pagsapit ng 1 PM, bigla niyang naramdaman na may umupo sa tabi niya. Nagtanong siya nang hindi iniangat ang kanyang ulo, sa pag-aakalang maagang nakabalik si Sylvain, “Ano na? Binugbog ka ba sa labas ng bahay?""Nagsasalita ka ba habang tulog?" Umalingawngaw ang boses ni Mark sa gilid.Agad namang inayos ni Arianne ang upo niya. "Anong ginagawa mo dito? Akala ko ikaw si Sylvain. Umalis siya para makipagkita sa kanyang in-laws. Akala ko ba may kasal kang dadaluhan? Anong ginagawa mo dito?"M
Kaswal na hinihithit ni Alejandro ang kanyang sigarilyo mula sa kabilang dulo ng linya. “Seaton S. Bart? Namamalikmata ka ba dahil sa katandaan? Hindi ba na-verify na natin ito? Patay na siya. Sinasabi mo ba na kahit papaano ay nakatakas siya?"Nainis sa kanya si Mark. “Kailangan kong mag-double-check. Maganda kung hindi siya nakatakas, pero kung totoo ito, kailangan nating mahanap siya sa lalong madaling panahon. Kung hindi ito mahalaga sayo, kalimutan mo na lang na tinawagan kita. Kung may pumatay sayo, huwag mo akong sisihin na hindi kita binalaan." Binaba ni Mark ang tawag pagkatapos nito....Ibinaba ni Alejandro ang kanyang cellphone, nagpakawala ng usok, at tinawagan si Jett. “Inutusan kita na bantayan si Seaton sa kulungan. Nakakuha ka ba ng kahit anong kumpirmasyon? Buhay pa ba si Seaton?"“Patay na siya,” confident na sinabi ni Jett, “Ang isang taong tulad niya ay hindi makakaligtas ng higit sa ilang araw na nakakulong kasama ang mga matitigas na kriminal na iyon. Bakit g
Nakatayo si Smore sa dulo ng hagdan at makikita ang kalungkutan sa kanyang mukha. Gusto sana niyang ipakita kay Mark ang isang larawang iginuhit niya, ngunit hindi siya pinansin ng kanyang ama.Nasaktan si Arianne nang makita niya ang malungkot na mukha ni Smore. Kinasusuklaman niya ito kapag ang sama ng loob sa pagitan ng mga magulang ay inilabas sa mga inosenteng tao, lalo na kapag si Smore ay isa sa kanila.Nilapitan niya ang nasaktang bata at niyakap ito. "Hindi maganda ang mood ni Daddy," bulong niya. "Hindi niya sinasadya na hindi ka pansinin. Ganito na lang, paano kung ipakita mo sa akin ang ginawa mo?"Isang ngiti ang makikita sa mukha ni Smore—na para bang ito ay isang kayamanan—habang pinapakita niya ang kanyang drawing sa kanyang ina. Pinagmasdan itong mabuti ni Arianne bago ngumiti na puno ng papuri. “Ang galing mo naman, sweetie! Ang galing mo talaga mag drawing! Sige, gusto mo bang makipaglaro kay Lola ng saglit? Kailangang yakapin ni Mama ang Papa mo ngayon dahil masa
Itinaas ni Mark ang ulo niya at tinitigan siya ngunit makikita ang pagkailang sa mga mata nito. "Kaya niyang maghintay ng kaunti pa."Napunta ang mga mata ni Arianne sa kanya, at kumirot ang puso niya. “P-Pwede ba? Naghihintay pa rin para sa atin ang dinner... Bakit ba nalilibugan ka sa lahat ng pagkakataon? God, pwede bang gawin na lang natin ito mamaya?"Ayaw itong tanggapin ni Mark kaya kinagat niya ang gilid ng manggas ni Arianne gamit ang kanyang mga ngipin at hinila ito palayo, dahilan para ma-expose ang chiseled collarbone ni Arianne, hanggang sa napunta ang kanyang mga labi ni Mark sa leeg niya.Naramdaman ni Arianne ang malambot at mainit na sensation na gumugulo sa kanyang isipan, at ang mga braso nito ay awtomatikong pumulupot sa kanyang leeg—Nang lumabas ang dalawa sa study room ni Mark, hindi pa rin nawawala ang scarlet na pamumula sa kanyang mukha, ngunit makikita kay Mark na parang wala siyang nangyari. Mabilis niyang binuhat si Smore pagbaba ng hagdan bago umupo sa
Napaawang ang labi ni Arianne. "May mga tao na nasasabik sa mga ganitong bagay. Napanalo nila ang lahat kapag nagtagumpay sila, at mawawala ang lahat kung talo sila, kung minsan ay mamamatay pa sila. Regardless, anuman ang gusto ni Smore, huwag sumuko sa kanyang kahilingan at huwag mong hayaan na umalis siya ng bahay. Iligal na pumunta dito si Seaton, at ngayon ay wala na siyang identity, kaya wala siyang masyadong iniiwan na footprints. Nangangahulugan iyon na ang investigation sa kanya ay magiging isang hamon, kaya kailangan natin maging observant.’Hindi pa man siya natapos nang tumunog ang phone niya. Tumatawag sa kanya si Tiffany, at dahil nasa kalagitnaan sila ng dinner, sinagot niya ang tawag at nilagay ito sa loud-speaker.At umalingawngaw sa dining room ang walang pag-asa at paos na tili mula kay Tiffany. “Aaaaariiiii! Sinaksak si J-Jackson! Tumawag kami sa 911, at nasa ambulansya kami ngayon, papunta sa ospital. Hindi ko—hindi—natatakot akong sabihin sa kanyang mga magulang